[Relaina]
Okay. I might have accepted Brent’s invitation for me na pumunta sa bahay ng Tita Marie nito para makilala ito. Pero hindi naman nangangahulugan na kalmado na ako sa lahat ng ito. In fact, it was already 2 AM in the morning. But here I wasn’t, still wide awake.
And I hated it a lot. Urgh!
Pero kahit naman siguro magreklamo ako nang ganito ay hindi pa rin sapat iyon para kumalma ako. Oo nga at may pasok pa ako mamayang umaga. Kaya lang, hirap talaga akong pilitin ang sarili ko na makatulog na.
Ayaw yata akong patahimikin ng isip ko, eh.
Kulang na lang ay tingnan ko ng masama ang taong nagsabi n’on mula sa tabi ko. Naroon ako sa rooftop ng Arts building para kumain ng lunch.
Pero naroon ako dahil sa isang imbitasyon. Hindi ko nga lang inaasahan na babanatan ako ng pang-aasar ng taong ito the moment that I reached the place.
“Stop stating the obvious, Vivian. Hindi na nga ako pinatulog ng sira-ulong kaibigan mo, eh. Ang galing manggulo ng pag-iisip ko. As in, ayaw akong tigilan,” reklamo ko nang magawa ko nang makapagpahinga mula sa mahabang pag-akyat ko papunta sa rooftop na iyon.
Kung bakit ba naman kasi dito pa naisipan ni Vivian na mag-lunch kami? If one was wondering why I wasn’t having lunch with Brent at the moment, iyon ay dahil hindi po pumasok ang lokong iyon. Agad akong sinabihan ng lalaking iyon na hindi ito makakapasok dahil may mahalagang bagay daw itong kailangang asikasuhin.
As much as I wanted to ask him about it, may isang bahagi ng isip ko na huwag munang alamin ang tungkol sa kung ano man ang pinagkakaabalahan ni Brent. All I could do for him was to trust him.
“Kailan ka ba binigyan ni Brent ng katahimikan pagdating sa pag-iisip mo, ha? But… you know. I’m glad that you two are this close together.”
Hindi ko na napigilang mapatingin kay Vivian nang marinig ko iyon. Napakunot din ako ng noo. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Vivian smiled —-- albeit sadly —-- bago ako hinarap nito. “It’s been a long while since I’ve seen him smile his true smile around people who were not his family.”
“Parang sinabi mo naman na hindi siya ngumingiti nang totoo kapag ikaw ang kaharap niya.”
Pero kahit pabiro ang pagkakasabi ko n’on, hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng lungkot para kay Vivian. And I had a feeling that my attempt to joke didn’t work at that point.
“He still smiles at me, but each time, it was laced with sadness. May palagay akong nakikita niya sa akin si Kuya Vance sa tuwing tumitingin siya sa akin. We are twins, after all. And if I’m going to be honest, it was a painful smile to look at.”
I should’ve known that it would all go back to Vanz and the tragedy that surrounded his death.
“But I think Brent was already doing his best to release himself from that painful past. Then again, that’s just my speculation. Hindi pa rin magandang pangunahan ko ang sira-ulong iyon pagdating sa mga iniisip niya.” Pambihira naman. Saan ko ba nakukuha ang mga pinagsasasabi ko at isatinig iyon sa pabirong paraan?
I never recalled myself being like this, to be honest. Dapat ko bang sisihin ang masamang impluwensiya ng Brent na iyon sa buhay ko?
Natawa naman si Vivian matapos kong sabihin iyon. “Hindi talaga naging maganda ang first impression mo sa kanya, ‘no? Hanggang ngayon, ang weird pa rin ng nagiging tawag mo sa kanya. Kulang na lang, isipin kong nagiging pet names mo na kay Brent ang mga iyon.”
Eww… Nagbibiro ba ito, ha? “Pet names? Vivian, nagbibiro ka ba, ha? I would never make them pet names for him or to anyone. Pang-asar ko lang iyon sa kanya, ‘no?”
“It looks like he’s growing on you, huh? May pag-asa na bang mag-level up ang relationship ninyong dalawa?”
Level up? As if! Pero… sino ba ang niloloko ko? Napakibit-balikat na lang ako bago ko muling tiningnan si Vivian. “Who knows.”
“Ano namang klaseng sagot iyan, ha? Parang may pag-aalangan ka nang nararamdaman ngayon, ah?”
Seriously… Was I that transparent already para may mahalata na ang babaeng ito sa kung ano ang nagpapagulo sa isip ko hanggang sa mga sandaling iyon? Pero… wala naman akong dahilan para ilihim iyon dito. At least, I knew I couldn’t keep this a secret for long.
“Nag-aalangan talaga ako, Vivian. Hindi ko alam kung tama pa bang pigilan ko ang sarili ko na i-acknowledge ang mga pinaggagagawa ng Brent na iyon sa puso ko.”
“Does that mean you’ve fallen in love with him?”
Ilang sandali rin akong hindi nakaimik matapos itanong sa akin iyon Vivian. Nang magawa ko naman nang kolektahin ang nagkalat na bahagi ng isip ko dahil sa tanong na iyon, huminga na lang ako nang malalim.
“Hindi ko nga alam, eh.”
“Ano namang klaseng sagot iyan? You should’ve already figured it out, right? I mean, hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan ng mga estudyante ng Oceanside na madalas kayong lumabas at mamasyal ni Brent na kayong dalawa lang.”
“I don’t think I’d like to consider all of them as dates, though. Pamamasyal lang ang mga iyon. O mas tamang sabihing pagkaladkad sa akin ni Brent sa mga trip niya sa buhay.”
“Eh, ano naman ang gusto mong itawag sa mga iyon? I doubt na simpleng pamamasyal lang ang mga iyon. Para namang hindi ko alam na may lihim na pagnanasa sa ‘yo ang lalaking iyon, ‘no?”
Kulang na lang, maeskandalo ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Vivian ng mga sandaling iyon, sa totoo lang.
“Dapat na ba akong matakot kay Brent dahil sa sinabi mong iyan ngayon, ha? Pagnanasa talaga? Grabe ka naman.”
Pero ang babaeng ito, tinawanan lang ako. Mukhang tuwang-tuwa pa itong ginugulat ako nang ganoon. “‘Eto naman, exaggeration lang iyon, ‘no? Pero sigurado talaga ako na naroon na, eh. The feeling was already there. At least, in his case. Ikaw lang naman ang nasa alanganin pa, eh.”
“Para namang ginusto kong malagay sa ganitong klaseng alanganin, ‘no? Kung bakit ba naman kasi sobrang tiyaga ng lalaking iyon sa mga pinaggagagawa niya pagdating sa akin. Even Oliver didn’t exert that much effort and time when we were still a couple.”
Ayokong magkumpara pagdating sa dalawang lalaking masasabi ko nang nagkaroon ng malaking bahagi ng buhay ko. Pero… hindi ko na siguro maiiwasan iyon. Lalo na kung nakikita ko ang pagkakaiba ng dalawang iyon.
“Parang sinabi mo naman na hindi ka naman minahal ng ex-boyfriend mo noon, ‘no?”
Wait… Bakit napunta sa ex-boyfriend ko ang usapan namin ni Vivian ng mga sandaling iyon?
“I knew he loved me to some degree. But sometimes, there were things that could seriously test that love. And at some point, that test was strong enough to crumble the feeling or strengthen it.” At iyon ang totoo.
Iyon ang napansin ko over time mula nang mag-umpisang masira ang relasyon namin. Siguro, kung hindi nagpaliwanag sa akin si Oliver sa kung ano ang totoong dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa akin noon, baka hindi ko pa rin nakikita ang mga iyon hanggang sa mga sandaling iyon.
Perhaps in some aspects, I have Oliver to thank for that. Ito ang nagbukas ng mga mata ko sa kung ano ang kayang gawin ng isang tao kapag ang taong mahalaga na rito ang involved. It was a crazy realization in the end. But perhaps in some way, it was still worth it.
“Ang lalim naman ng mga sinabi mong ‘yan. Puwede na ba kitang lapitan para mahingihan ng love advice?”
“Wala kang mahihitang love advice sa akin. Loveless pa nga ako hanggang ngayon, eh. Sa akin ka pa talaga manghihingi ng love advice? You’ve got to be kidding me.”
“But at least you learn from that experience, right? Puwede mo naman sigurong magamit iyon para sa next love life mo.”
“Maybe.”
Ilang sandali rin kaming patuloy na nagkuwentuhan habang kumakain ng mga baon namin. Come to think of it, this was the first time I’ve had lunch with Vivian. Posible rin siguro na sisihin ko ang layo ng department buildings namin noon.
Ngayon kasi ay magkatabi lang ang mga buildings ng Fine Arts at Journalism. Kaya naging madali na sa akin na tanggapin ang imbitasyon ni Vivian. Kailan rin lang naman daw nito nalaman na nagpalit ako ng kurso.
“This Oliver guy that you’re talking about… Siya ba si Oliver Santiago na minsang nagpunta rito para kausapin ka?”
Ha? Bakit ito biglang nagtatanong ng tungkol kay Oliver?
No comments:
Post a Comment