HINDI pa nagsisimula ang game nang makarating si Livie sa gym ng Greenfield College. Ilang oras din niyang pinag-isipan ang ginawa niyang pagpunta roon. Kahit na sa totoo lang ay nawala sa isipan niya ang tungkol sa laro ni TJ nang araw na iyon.
Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap nila ni Lolo Herbert ay agad siyang nagtungo sa silid niya upang tuluyang tapusin ang feature article niya. Unexpectedly, she managed to do it without the heaviness she was feeling in her heart a while back. At natapos niya iyon sa loob lang ng dalawampung minuto.
Natagalan lang naman siya sa pagdedesisyon tungkol sa pagpunta niya sa gym dahil patuloy pa rin niyang naiisip ang mga nalaman niya mula kay Lolo Herbert. Pinakiusapan pala ito ni Aries na sabihin sa kanya ang totoo, lalo pa't alam daw ng matanda ang kuwento tungkol sa resthouse na reward dapat ni TJ kapag nagawa niya nang tama ang dare ng mga ito. Tama nga si Erika. May mas malaki pa nga kuwento na nakapaloob sa challenge-slash-dare na inihain ni Aries kay TJ. Kasabay niyon ay nalaman din niya ang tungkol sa high school graduation resolution ng apat na mga lalaking iyon. At iyon ay ang makita ng bawat isa sa kanila ang babaeng handa nang makasama ng mga ito sa habang panahon.
In short, the perfect bride for them.
At ayon kay Lolo Herbert, sa kaso ni TJ, siya raw ang napili ng binata. Kulang ang sabihing nagulat siya sa nalaman na kung hindi nakaupo ay baka nahulog na siya sa sahig. Ilang sandali rin siyang hindi nakaimik agad dahil doon. Pero kinumpirma sa kanya ng matanda na totoo ang mga pahayag na iyon. Iyon rin daw ang rason kung bakit walang nagtatangkang manligaw sa kanya dahil agad nang itinataboy ni TJ ang mga iyon.
As for the resthouse in question, nalaman niya na dati palang pag-aari iyon ng pamilya Ramos na ipinagbili ng ama ni TJ. Napilitan si Tito Jacob na ibenta iyon upang maisalba nito ang papaluging negosyo ng pamilya Ramos matapos ang trahedyang kumitil sa buhay ng ina't kapatid ng binata. Laking pasalamat nito noon na ang nakabili niyon ay ang ama ni Aries. Ito rin ang tumulong sa pamilya na maisalba ang negosyo. Hindi naman daw pinagbabawalan si TJ ni William Sanchez—ang ama ni Aries—na pasyal-pasyalan ang resthouse na iniregalo na ng una sa anak nito. Alam daw nito na hindi ganoon kadali para kay TJ na pakawalan ang isang lugar na nagpapaalala sa binata ng ina't kapatid nito.
But the resthouse had one more important purpose—one that Lolo Herbert said was something that only TJ could tell her since it was a personal purpose.
Nang mapadako ang tingin niya sa kalendaryong nakasabit sa pinto ay nakita niya roon ang nabilugang numero. February 12. GC Warriors vs. SU Knights basketball game. Matapos niyang maisip ang kuwento ni Lolo Herbert ay hindi na siya nag-alinlangan kung pupunta ba siya o hindi. Tutal naman, napagdesisyunan na niyang kausapin at patawarin si TJ. Not to mention, naintriga rin siya sa "other important purpose" na tinutukoy ng matanda tungkol sa resthouse.
Nakita niya agad si TJ na nakaupo sa bench nang makapasok na siya sa gym. Kasalukuyan itong naghahalungkat sa sports bag nito. At kahit nakatagilid ito, kitang-kitang niya sa mukha nito ang lungkot na pilit pa rin nitong itinatago sa madla. It pained her to know na siya ang may kagagawan ng lungkot na iyon sa guwapong mukha nito. Lalong umigting ang pagmamahal niya rito.
Patuloy pa rin siyang nakatingin sa kinauupuan nito. Hindi na siya natinag nang makita niyang biglang tumingin sa direksiyon niya si TJ. Without pain and pretenses, she smiled at him and she saw him stunned. Halatang hindi nito inaasahan ang ginawa niyang iyon. Nakita niyang kinausap ito saglit ni Aries at napangiti ito. Then TJ stood up and went toward her.
"Hi," bati niya rito.
"H-hi..." nag-aalangan pang ganting-bati nito nang makalapit na ito. "I-I thought... you'll never come."
Nagkibit-balikat siya. "I was planning not to come..."
Nakita niyang bumalatay sa mukha nito ang disappointment. "Oh..."
At lihim siyang napangiti bago magpatuloy. "...if your grandfather hadn't convinced me to forgive you."
Napatingin ito sa kanya.
"I'll forgive you for good at paniniwalaan ko ang confession mo sa akin—na mahal mo ako—kapag ginalingan mo ang paglalaro mo. If you didn't do your best for the team and this game, don't expect me to forgive you. Deal?"
Natahimik ito sa sinabi niya. Halo-halong emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito. But his determination was one thing that truly stood out. At sigurado siya na pumapayag na ito sa deal.
"I'll do it," sa wakas ay sagot nito.
Kung nalalaman lang nito, even if he didn't do his best, she already forgave him.
= = = = = =
MAHIGPIT ang laban ng Greenfield College Warriors at Salcedo University Knights hanggang sa last quarter ng laro. But even if the GC Warriors obviously did their very best for the game, they didn't win. At kitang-kita ni Livie sa mukha ni TJ ang hindi maipaliwanag na lungkot at disappointment.
That was why she came down fast from the bleachers and approached him. Humarap ito sa kanya. Her heart constricted just by looking at that sad face of his. Noon pa man ay ipinangako na niya sa sarili na gagawin ang lahat para sa ikasisiya ng lalaking ito. It was a promise she would definitely live up fulfilling until the end.
"Livie... I'm sorry..." he said, his voice was almost heartbreaking and she couldn't bear hearing it.
"TJ—" But she was forced to stop talking when she saw him kneel in front of her. Her eyes widened at the sight.
"Livie, please. Alam kong may kasalanan ako sa iyo. Pero nakikiusap na ako sa iyo na sana patawarin mo ako. I love you too much and I knew I wouldn't be able to live normally without you. Magmula nang makilala kita, hinayaan kong maging dependent ang puso ko sa iyo. I know I'll never find someone like you who made me live my life again after my mom and my brother died. You became my star, one that guided me along the way. At hindi na ako makakakita pa ng isang babaeng mamahalin ko nang higit pa sa pag-ibig na nararamdaman ko para sa iyo," madamdaming pahayag nito.
Hindi niya malaman ang sasabihin. Speechless siya dahil sa mga sinabi nito pero walang dudang nag-uuapaw sa galak ang puso niya. She took a deep breath just to calm her erratically beating heart.
"Tumayo ka na nga riyan. May paluhod-luhod ka pang nalalaman, hihingi ka lang naman ng tawad. Hindi mo naman kailangang gawin iyan, ah," luhaan pero nakangiting sabi niya at nilapitan si TJ.
Agad namang tumayo ito subalit tila nag-aalangan pa itong lapitan siya. "Pero..."
"Pero?"
Napakamot ito ng ulo. "P-pero natalo kami. That's why I'm doing what I think I can to say sorry and for you to eventually forgive me kahit na ganoon ang resulta ng laro."
So iyon pala ang rason kung bakit malungkot ito. Ang akala siguro nito ay hindi niya ito patatawarin dahil natalo ang team nito sa basketball game.
"Ano ba ang deal natin upang patawarin kita?" tanong niya. "'Di ba ang sabi ko, kailangang galingan mo kung gusto mong patawarin kita?"
"Y-yeah, but—"
"But it doesn't mean that if you lose, I'll never forgive you. Wala sa usapan natin na kailangan mong manalo para patawarin kita."
Hindi kumibo si TJ.
Bago pa siya makapagsalita ay nilapitan siya si Clarisa. May ibinulong ito sa kanya.
"Thirty-eight points. He's the highest pointer sa buong game."
Nangunot ang noo niya at tumingin siya rito. "Even among all the members of the two teams?" Nakangiting tumango ito. Iyon ang dahilan upang mapangiti na rin siya saka hinarap si TJ. "Thirty-eight points. You're the highest pointer in the entire game. That means you did it."
It took him a while to finally absorb what she said. At hindi nagtagal ay niyakap siya nito. It was as if he was afraid of letting her go.
"Does that mean I'm forgiven?" pabulong nitong tanong sa tainga niya.
She gently nodded. Tila hindi na nakapagpigil, agad siyang hinalikan nito in front of everybody! Naghiyawan ang halos lahat na nakakita subalit wala na siyang pakialam. Ang mahalaga na lang sa kanya nang mga sandaling iyon ay damhin ang halik nitong kaytagal din niyang pinanabikang muling madama. Oh, how she missed his kisses. And her heart was slowly being shred to pieces just thinking that she would never feel his kisses like this again kapag hindi pa sila nagkapatawaran nito.
Their audience were clapping when they ended the kiss. Ngunit tila wala silang napapansin dahil nakatingin lang sa isa't isa. Both of them were smiling.
"I thought you'd never forgive me. But I admit na kasalanan ko ang lahat ng ito dahil hindi ko nasabi sa iyo ang tungkol sa dare ni Aries—"
"Please don't," masuyong putol niya sa mga nais pang sabihin nito. "I've been a jerk and I admit that. Nagpaapekto kasi ako kaya nagalit ako sa iyo. It was the dumbest thing for me to do without even letting you explain your side. And I'm really sorry. I know it's not enough but please let me say it, still."
He was about to speak again when she gently placed a finger on his lips. "Let me speak first. Pareho tayong may kasalanan. So there's no reason for you to only blame yourself. You had your reasons for keeping the truth but then I became narrow-minded. Hindi kita hinayaang makapagpaliwanag dahil nga nasaktan ako. But still, we love each other as a friend... and now more than that despite all the hurt we unintentionally gave to each other. And I'll continue loving you till the end. Iyon sana ang pakatatandaan mo, TJ. I don't care if it was because of your high school graduation promise or some dare."
"You knew about that?" hindi makapaniwalang tanong nito.
She nodded with a smile. "Yeah. Lolo Herbert told me about it. But it doesn't matter now. We'll definitely end up together and I love you—that's what matters."
Napangiti ito at muli siyang niyakap. "I love you, too. And I'm glad you came. Muntik na akong mawalan ng pag-asa kanina, alam mo ba 'yon?"
Hindi siya umimik. She just hugged him tighter. At that moment, she knew TJ felt he didn't really lose anything at all. Natalo man ang team sa laro, para sa kanya ay panalo pa rin ito. Tiyak niyang ganoon din ang nararamdaman nito. It couldn't be compared to any material prizes and trophies.
Then she remembered something. Kaya pinilit niyang kumawala sa yakap nito. Nagtatanong ang mga matang tumingin ito sa kanya.
"I'll just ask something. Since when did you actually love me?"
"Kailangan mo pa bang malaman iyon?" tatawa-tawang balik-tanong nito.
"Siyempre naman, 'no!" bulalas niya.
"Pero bakit pa?"
"Basta," giit niya.
Bumuntong-hininga ito at seryosong tumingin sa kanya bago ito nagsalita. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyo na minahal na kita since the day I've met you? Sa iyo ko lang naman naramdaman na kaya ko palang magmahal matapos mawala ang halos lahat sa akin. You, accepting me as your friend and who cared for me with no pretenses, was something much more than I could ever ask for. And I love you so much because of that. Lalo akong naging desidido na tuparin ang graduation promise ko sa sarili ko—basta kasama kita."
Her heart swelled after that. Hindi niya akalaing makakaranas siya ng ganoong uri ng pakiramdam sa puso niya. "Ang dami mo talagang alam na kadramahan. But I'll tell you one thing. You'll win this dare for sure."
"As long as you'll stay with me forever."
She smiled. "Much longer than forever, if you want."
Tumawa lang ito at muli siyang niyakap. And after a few moments or so, he kissed her again. He kissed her deep and passionate.
Memories came rushing in her mind. She couldn't believe how everything had started between her and TJ. A friendship that started because of coping up with their own grief had become a tool for them to find love with each other. Both of them had lost a mother and a brother. But then they had met and now, they had each other.
That was more than enough for them to feel contented.
Ito ang isa sa mga katuparan ng ipinangako niyang kasiyahan para kay TJ. And she promised she would make it last. As long as she was with TJ, alam niyang magagawa niya iyon.
No doubt about that.'
"I love you, Livie. Thank you for being my starlight..." anas nito matapos siyang halikan.
"I love you, too, TJ."
Tama nga siya nang minsang sabihin niya na may dahilan para maputol ang tali ng pagkakaibigan nila. Confessing to each other na mahal nila ni TJ ang isa't isa—iyon na ang hudyat na mapuputol na ang taling nag-uugnay sa kanilang dalawa bilang magkaigan. Iyon ay dahil ibang tali na ang mag-uugnay sa kanila. Kasabay niyon ay isang panibagong kabanata na ang sasalubong sa kanila. Ang kanilang kabanata bilang magkasintahan.
It was a chapter enough to change their lives forever.
THE END
No comments:
Post a Comment