Tuesday, July 7, 2015

Till Beyond Eternity - Chapter 11

HOURS HAD passed. Sa wakas, natapos na ni Allen ang pagbabasa sa journal ni Relaina na ipinagkatiwala nito kay Tita Marie bago ito umalis. Sa kapal ng journal na iyon, masasabi niyang tama si Miette. Ang sipag ngang magsulat ni Relaina. Maging siya ay nagulat sa dami ng nakasulat doon. Nang mabasa niya ang unang pahina niyon, kinasabikan na niyang basahin ang mga sumunod na pahina. Lalo pa't nagsimula ang nakasulat doon noong araw na unang beses na nagsalubong ang mga landas nila ni Relaina. Hindi niya napigilang makadama ng saya habang binabasa ang journal. May mga pagkakataon pa nga na natatawa rin siya, lalo na kapag nababasa niya doon kung gaano ito nabubuwisit sa kanya pero hindi naman mai-deny na attracted ito sa kanya since day one. Nakita rin niya ang mga bulaklak na sinasabi ni Miette na nakaipit doon. Hindi mapuknat ang ngiti niya nang makita ang mga bulaklak na ibinigay niya sa dalaga noon. One of each kind and placed on the page where the dates that he gave those flowers were written. Natuyot man ang mga iyon, tila dama pa rin niya ang essence ng bawat isa sa mga iyon.

He cried when he read the parts of the journal that she wrote right after he had amnesia. Sa mga sulat ng dalaga doon, naramdaman niya kung gaano niya ito nasaktan. Parang nakikita na niya sa kanyang isipan ang walang humpay na pag-iyak nito habang isinusulat ang mga iyon. It felt like something gripped his heart tight every time he could see it in his mind. Nararamdaman niya sa bawat katagang nakasulat doon ang sakit na hindi niya inakalang naibigay niya rito. He even said he doesn't have the heart to hurt her. But what did he do?

Sa isang bahagi ng journal kung saan nakasulat ang huling journal entry ni Relaina, nakita niya ang isang nakatuping papel. Kinuha niya iyon at binuksan. It was a letter—Relaina's letter to him—which was dated March 28 eight years back. So she wrote this on what was supposed to be our ninth monthsary... he thought sadly and began reading it.

Allen,

Happy 9th monthsary... or at least that's what I want to say pero wala na akong lakas para gawin iyon. Isa pa, parang wala na rin akong karapatang gawin iyon sa iyo. Hindi mo na nga ako naaalala, 'di ba? Pero okay lang. Titiisin ko na lang ito nang mag-isa. Wala na rin siguro akong magagawa. Nangyari na, eh. May mga tao lang siguro na hindi kailanman magiging pabor na magmahal ng isang babae lang ang isang Allen Anthony Olivarez. Pero kahit ganoon na ang nangyari, hindi ako galit. Naghihinanakit siguro, puwede pa. Besides, I guess God just gave me a reason to somehow find a path for me to take on my own. So now I'm leaving. I'm leaving you, Altiera and the country. But I won't be a fool to have our memories behind. Kusa nang hindi pinakawalan ng puso ko ang mga iyon. So rest assured, hindi kita malilimutan.

Kapag nabasa mo ito, wala na ako dito. But that doesn't mean I gave up on you. Umalis ako para tuparin ang pangarap ko sa sarili ko. I'll become the best writer that I can be—someone you can proud of someday. Babalik ako sa oras na matupad ko iyon, pangako. At sa pagbabalik ko, sisiguruhin ko na magiging tayo uli sa oras na may masilip akong pag-asa para mangyari iyon. Even if it's just a slight chance, I won't let it go. Kung hindi mo pa rin ako maalala sa pagbabalik ko, gagawa ako ng paraan upang maalala mo ako. Ako pa ang manliligaw sa iyo if it comes to that. I only want you to fulfill a love that's worth the eternity you've promised me last New Year's Eve. Ikaw lang ang gusto kong makasama sa habang-buhay at sa susunod pa. That night, when you promised that we'll love each other forever, I knew right there and then na ikaw lang ang para sa akin. Wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang. I can promise you that—a promise I'll never break no matter what happens.

I love you so much, Allen... for eternity and probably beyond that. I hope you'll wait for me and love me again.

Relaina

Parang tinakasan ng lakas si Allen pagkabasa ng sulat na iyon. Hindi niya mapaniwalaan ang mga nabasa niya. Kung gayon, totoo ang sinabi ni Joseph sa kanya. For eight years, Relaina did nothing but to strive hard and fulfill her dreams while trying to fulfill her promise of not loving anyone else but him. Walang kapantay ang sayang lumukob sa kanya nang ma-realize niya ang lahat ng iyon. It appeared he wasn't the only one who tried to defend their pledge all this time.

Sunod na kinuha niya ang librong ibinigay ni Joseph sa kanya. Nang pasadahan niya ng tingin ang mga iyon, nasorpresa siya sa nakita. Pulos sulat ang mga iyon—sa sulat-kamay ni Relaina—na pinagsama-sama ni Joseph. All of the letters were written on the twenty-eighth of each month starting April 28 eight years back. Walang pagmamadaling binasa niya ang mga iyon. Habang ginagawa niya iyon ay isa lang ang nasa isipan niya.

It was about time he did his part for that love story to have a happy ending, at last. And he knew a way just how to do that.

HINDI NAKATULOG nang maayos si Relaina nang nagdaang gabi. Hindi kasi niya maiwasang kabahan dahil sa sinabi ni Joseph na ito ang kakausap kay Allen. Pero malaki ang tiwala niya sa kuya niya na maipapaliwanag nito kay Allen ang lahat. Hindi man nito masabi rito ang kumpletong detalye sa ngayon—dahil kailangan daw na magkalinawan muna silang dalawa—ay alam niyang maiintindihan din ng binata ang lahat. Ang problema lang, ano ang gagawin ng kuya niya? She wasn't expecting the worst dahil hindi naman bayolenteng tao si Joseph. Si Allen ang inaalala niya. Baka hindi ito makinig at basta na lang saktan ang kuya niya.

Biglang tumunog ang cell phone niya. Tumayo siya mula sa kinahihigaan at kinuha sa bedside table ang tumutunog na aparato. Hindi pamilyar sa kanya ang numerong tumambad sa screen. Sa tingin niya ay hindi iyon titigil hanggang hindi niya sinasagot iyon. Kaya para matigil ito sa pang-iistorbo sa kanya, pinili na lang niyang sagutin iyon. "Hello?"

"Mukhang may nakakalimutan ka yata sa petsang ito, Ate Relaina," bungad ng estrangherong tumatawag sa kanya.

Napakunot-noo siya. Teka, pamilyar ang tinig na iyon. In fact, she knew kung kanino galing iyon dahil nakausap lang niya ang taong nagmamay-ari niyon kahapon sa reception. "Armand? Is that you?"

"Bakit, Ate? May iba ka pa bang naiisip na may birthday ngayong araw bukod sa akin?"

"Birthday?" Oh, my God! Umiral na naman ang pagkaulyanin mo, Relaina Elysse, kastigo niya sa sarili habang tinatampal nang ilang ulit ang noo niya. "I'm so sorry, Armand. Nawala sa isip ko."

"Sus! Para namang may dapat pa akong ipagtaka," anito sa pabirong tono. Hindi ito nagtatampo o baka magaling lang itong magtago. "Pustahan tayo. Hindi mo naalala ang birthday ko pero ang ninth anniversary ninyo ni Kuya Allen, naalala mo."

Mahinang tawa lang ang sagot niya sa sinabi nito. Guilty kasi siya doon. "Sorry talaga, Armand. Promise, babawi ako next time. Problemado lang kasi ako ngayon, eh."

"Huwag ka nang maghintay ng next time, Ate. Ngayon ka na bumawi."

"Ha? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Look outside."

Nagtataka man ay sinunod niya ito. Nagtungo siya sa terrace ng kuwarto niya at tumingin sa ibaba. Nasorpresa siya nang makita niya sa gilid ng kalsada si Armand na ngayon ay nakangiting kumakaway sa kanya. Gumanti na rin siya ng kaway at ngiti dito.

"Ano'ng ginagawa mo diyan?" malakas na tanong niya rito.

Ibinaba na nito ang cell phone nito at pinatay iyon. "Personal na sinusundo ang special guest para sa birthday party ko mamaya. Come on." Iminuwestra nito na bumaba na siya at lumabas.

"What? Special guest? Bakit?"

"Basta. Sumunod ka na lang."

DAHIL SA pangungulit ni Armand at sa pangongonsensiya nito sa pagkalimot niya sa birthday nito, walang nagawa si Relaina kundi ang sumunod dito. Pero hindi pa rin niya naiwasang magtaka dahil nawi-weird-uhan siya sa ikinikilos ng kasama niya sa loob ng kotse. Magmula nang sumakay siya doon ay hindi na maalis-alis ang ngiti nito. Gusto tuloy niyang isipin na nababaliw na ito pero alam niyang imposible iyon. Birthday nito kaya siguro natural na dito ang maging palangiti—kahit wala namang dapat ikangiti sa ginagawa nitong pagmamaneho-sa araw na iyon.

Bigla ang pagbundol ng di-maipaliwanag na kaba sa dibdib niya nang marating nila ang ancestral house ng mga Cervantes. Wala namang dahilan para kabahan siya. Bumuntong-hininga muna siya upang pakalmahin ang sarili. Pababa na sana siya sa kotse nang tawagin siya ni Armand. Nilingon niya ito. "May problema?"

Ngumiti ito at umiling. May kinuha ito mula sa glove compartment at ibinigay iyon sa kanya. To her surprise, it was a white carnation. "'Di ba madalas na kinukuwestiyon sa isang taong nanliligaw ay kung gaano ba kalinis ang intensiyon nito sa nililigawan niya? Ito lang ang masasabi ko sa iyo, Ate. This flower already speaks of his pure love for you. Sana tanggapin mo siya uli sa puso mo kahit hindi niya sinasadyang saktan ka. That's not even the real him, he said." At tumawa ito nang mahina. "Mauna ka nang pumasok sa bahay. May aasikasuhin lang ako dito sa labas sandali."

Kinuha niya ang hawak nitong white carnation. Kahit nagtataka, bumaba na siya sa kotse. Mabagal ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng ancestral house. Napahigpit ang hawak niya sa gilid ng kanyang palda habang bumibilis ang pagtibok ng puso niya. Narating na niya ang malaking sala nang makita niyang pasalubong sa kanya si Miette. Abot-tainga ang ngiti nito at may hawak itong bulaklak. The girl was holding two honeysuckles in which the branches were entwined together. Miette handed it to her.

"Alam mo, iilan lang talaga ang taong kayang patunayan sa mga minamahal nila ang devotion nila dito. He was a person who firmly believes that true love could bind two hearts together even if they're miles apart from each other. That kind of bond and devotion isin't something that will falter so easily. Sana hindi ka pa rin daw bumibitaw sa taling nagsisilbing pag-asa niya para mapasakanyang muli ang puso mo." Iyon lang at itinuro nito ang daan papunta sa entertainment room.

Bagaman nag-uumpisa na siyang magkaideya sa nangyayari, nagpasya na lang siyang sumunod sa daloy. Dire-diretso siya sa pagpunta sa entertainment room at naabutan niya doon si Vivian. She was listening to a very familiar song na hindi muna niya binigyang-pansin. Nakatuon kasi ang atensiyon niya sa hawak nito: three blue violets. Marahil ay naramdaman nito ang presensiya niya kaya tumuwid ito ng upo at ngumiti pagkakita sa kanya. Agad itong tumayo at ibinigay sa kanya ang hawak nitong bulaklak.

"Ngayon ko lang na-realize kung bakit hindi ka niya mapakawalan mula nang mahalin ka niya. Once you found the person you're willing to be with for life and when you realized that you could never live the same way without that person, you'll always find yourself being faithful to him or her. Hindi ang distansiyang naglalayo sa inyo o ang tagal ng panahong nagkalayo kayo ang sisira sa faithfulness na iyon. You'll just find yourself being true to the one you love dahil iyon ang tama at iyon ang sinasabi ng puso mo."

"Is that a ready-made speech?" hindi niya napigilang itanong dito.

Ngumiti lang ito. "No. This is just something I realized when I saw him did those things. I felt the same for my husband. It's just like this flower's meaning, right?"

Kinuha niya ang bulaklak at diniretso ang daan patungo sa pool area dahil doon siya inutusan ni Vivian na pumunta. Nakita niya na abala si Rianne sa pagtugtog ng gitara at ngumiti lang sa kanya nang makita siya. "Ano na namang pakulo ito, Rianne? And I thought you're suppose to be on your honeymoon."

Tumigil ito sa paggitara at itinabi iyon. Kinuha nito ang apat na tangkay ng arbutus. Inilagay nito iyon sa maliit na basket at iniabot sa kanya. "Put the other flowers here para hindi ka nahihirapang bitbitin iyan."

Napailing na sinunod niya ito. "So what's your speech this time?"

"Ang sama talaga nito. But if you're asking for it..." Tumikhim ito nang mahina at hinarap siya. "You're lucky... because there's someone who vowed that you're the only one he'll ever love. Over the years, he proved that kahit hindi mo siya nakikita. Kaya sana, huwag mo na siyang pakakawalan pa. You'll never find another guy like him in this lifetime."

"Just like how you thought about Alex, right?" Tumango ito; bakas ang pagmamahal sa mga mata nito nang banggitin niya ang pangalan ng asawa nito. Matapos niyon ay sinabi nito na magtungo siya sa isa sa mga garden palabas ng pool area. Naabutan naman niya doon si Alex na abala sa pagmamasid sa mga cream tulips na naroon. When he glanced at her direction, he smiled and appoached her as he tried to hide something behind him. "Let me guess. Five stems of forget-me-nots?"

"Good guess. Alam mo rin siguro kung ano ang kasunod nito."

"A speech from you?" biro niya.

Tumawa ito nang mahina at inilagay sa basket na hawak niya ang bulaklak na itinatago nito sa likuran nito. She was right; it was five stems of forget-me-nots. "Thank you for helping me realize my life without the one I truly love. Kayo ni Allen at ang pagmamahal ninyo sa isa't isa ang dahilan kaya na-realize ko na hindi ko na dapat pakawalan si Rianne. Kaya ikaw, huwag kang matakot sa pag-ibig niya para sa iyo. True love mo siya, 'di ba? At alam kong siya lang ang mananatiling true love mo. Continue holding on to the love you believed in. Just continue holding on to the love that you have for him."

Ngiti lang ang naging tugon niya sa mga sinabi nito before she mouthed a "thank you" and embraced him. Hindi pa man siya nakakaalis sa lugar na iyon ay nakita niyang pasalubong sa kanya si Fate. She was holding six stems of primrose na hindi na niya ikinagulat. Napangiti siya at napaluha na rin dahil hawak ng ina ng lalaking mahal niya ang paborito niyang bulaklak sa lahat ng mga bulaklak na ibinigay ni Allen sa kanya noon. After all, primrose was the emblem of Allen's promise of eternal love for her. Nang makalapit na ito nang tuluyan ay pinahid nito ang luhang naglandas sa pisngi niya. Inilagay nito sa basket ang hawak nitong bulaklak.

"Now I can say that my son is lucky that he loved someone like you who never gave up on him kahit walang pasabi ang pag-alis mo noon. Nararamdaman ko rin kung gaano mo siya kamahal sa kabila ng lahat ng mga nangyari. Will it be okay if I ask you a favor?"

"As long as I can do it, Tita."

"Be with my son. Let him continue to believe that love is something beautiful. Let him continue to believe in eternal love."

Napangiti siya nang maluwang kahit luhaan. "Don't call it a favor, Tita. Gagawin ko pa rin naman po iyon kahit hindi n'yo sabihin. I don't think I'd be able to live my life normally kung hindi ko kasama ang anak n'yong iyon sa buhay ko."

Niyakap siya nang mahigpit ni Fate na ikinatuwa niya. "Thank you so much, Relaina."

Napaluha siya nang mapagtantong ipinapaalala sa kanya ng mga taong naging saksi sa pag-iibigan nila ni Allen kung gaano siya kasuwerte at natagpuan niya ang taong alam nilang nakatadhana para sa kanya.

No comments:

Post a Comment