NAILANG NANG husto si Livie sa mga matang nakatingin sa kanya eksaktong pumasok na sila ni TJ sa loob ng function hall kung saan kasalukuyang ginaganap ang acquaintance ball. Gaya ng inaasahan ay marami nang tao ang naroon. Nagdesisyon siyang maupo na lang kasama ang staffs ng Encounters. Si TJ naman ay nagtungo sa mga kasamahan nito sa basketball team.
Hindi na siya nagtaka nang magsilapit ang mga kasamahan niyang babae sa puwesto. Iisa lang naman ang sinabi ng mga ito sa kanya. Lahat sila ay naiinggit dahil si TJ ang escort niya nang gabing iyon. Kiming ngiti lang ang naging tugon niya sa sinasabi ng mga ito.
Ilang sandali pa ay nag-umpisan na ang opening program. Subalit habang nanonood siya sa mga nagpe-perform sa stage at pinakikinggan ang mga nagsasalita roon ay hindi niya maiwasang tingnan si TJ sa kinauupuan nito. At labis na ikinatuwa ng puso niya ang katotohanang hindi rin niito maiwasang tingnan ang direksiyon niya. Ilang beses na rin niya itong nahuling tumitingin sa kanya na nagpakilig hindi lang sa kanya kundi maging sa mga kasamahan niyang nakakapansin din ng simpleng titigan nila ni TJ. Hindi niya napigilan ang pag-iinit ng mga pisngi niya dahil tinutukso tuloy siya ng mga kasamahan niya.
Mayamaya pa ay nagsalita ang emcee.
"Alright, guys! Before we officially start having fun and enjoy this night, we're going to have our last intermission number for this opening program. Ang magpe-perform po ngayon ay isa sa mga basketball players ng ating school."
Nagsimulang maghiyawan ang mga estudyanteng naroon habang siya naman ay napakunot-noo. Sino naman kaya sa mga basketbolistang iyon ang naglakas-loob magpakita ng talento nito sa harap ng mga estudyante? Hindi na siya nagtaka nang magtilian ang mga babaeng estudyante pagkarinig sa sinabi ng emcee na isa sa mga basketball players ang magpe-perform.
"I know all of you will be surprised kapag nalaman n'yo na kung sino ito dahil ngayon ko lang nalaman na talented pala ang varsity player na ito."
Lalong lumakas ang hiyawan ng mga naroon. Siya naman ay tila nagkakaideya na kung sino ang tinutukoy ng emcee. Subalit nanahimik na lang siya.
"I know that you're all excited to meet this guy. Kaya hindi ko na patatagalin pa. I would like to call on Mr. Terence Jay Ramos for his intermission number." Iyon lang at agad na nagpalakpakan ang mga tao doon as soon as TJ stood in front of everyone on the stage.
Siya naman ay nagulat sa narinig. I thought he's still the shy type person. But even though she was a little confused, she couldn't help but to smile. TJ spoke as the applause faded.
"Alam ko, nakakagulat na makita ninyo akong lahat na nakatayo sa stage na ito for a different reason other than basketball. Pero gusto ko lang gawin ito for the reason that I'm going to dedicate this song I'm singing tonight to someone special. To be specific, to the girl I love," he announced with such emotions.
Unti-unting natahimik ang paligid matapos ang ilang sandaling pagre-react ng mga audience dahil sa narinig. Hindi man tiyak ngunit tila nagkakaideya na ang mga ito kung ano ba ang mangyayari sa pagsasalitang iyon ni TJ. Habang siya naman ay nakatitig lang sa binatang kasalukuyang nag-i-speech sa harap. She wouldn't deny the fact that she was stunned to know the fact that TJ loved someone. Though she was hoping na siya sana ang babaeng tinutukoy nito, hindi pa rin niya napigilang mag-isip ng kung anu-ano. Patindi nang patindi ang kabang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
Muling nagsalita si TJ. "And I want to let her know that... there's always someone beside you that had loved you. But I guess you'll never know that I've loved you since the day I finally realized that true love is possible if it's you I'm going to love. I've always been here beside you, loving you secretly. I hope this song will open your eyes to make you realize that I'll never love anyone else but you—" he paused, closed his eyes, heaved a sigh, and then opened them again. "—Olivia Marie Garcia."
= = = = = =
ALAM ni TJ, lahat ay tiyak na nasorpresa sa mga pinagsasasabi niya nang mga oras na iyon. Maging siya ay nasorpresa rin. Wala naman talaga sa plano niya nang araw na iyon na ikalat sa buong student body ang nararamdaman niya para sa babaeng naging bahagi ng kanyang buhay, lalo na ng kanyang puso.
Thinking about that person made him look at the spot where Livie was sitting. Naroon ito, nakaupo at nalalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hindi na niya matukoy kung ano ba ang talagang nararamdaman nito sa mga ipinagtapat niya. Ngunit gusto niyang panghawakan ang pangako nitong hindi ito magagalit sa kanya sa oras na ipaalam niya ang sagot sa tanong nito.
"So why did you kiss me?" hanggang ngayon, umaalingawngaw pa rin sa isip niya ang tanong na iyon ni Livie. Ang totoo, kaya niyang sagutin iyon noong araw na hinalikan niya ang dalaga. But he hadn't prepared himself yet for her reaction with regards to what he did if he answered it that day. Isang linggo ang ibinigay niyang taning sa sarili niya upang paghandaan ang gabing iyon.
The music played. With all his heart, he would sing the song he chose for this night. A song that would hopefully make Livie realize his love that would always be meant for her alone.
"You've been searching the world to find true love. Looking in all the wrong places. When all of the times, you've been blind to love. As plain as the nose on the face..."
That's right. Livie was looking for true love. Iyon ang madalas nitong hinihiling tuwing kaarawan nito, even during Christmases and New Years. She kept looking for it, even though she was somewhat oblivious to his feelings for her. He loved her truly and deeply. Unfortunately, even if he had shown it in some ways, she never noticed it at all. It was really becoming her—not to mention, frustrating—for him.
"It's here, it's now. Open your eyes to see it. Right here, right now. Open your eyes to love..."
If only he could have done something before to open here eyes so that she could see him as someone who could love her truly, much more than a friend, then maybe...
Kung alam mo lang, Livie, I could give you the love you were looking for. If you only knew how and where to look...
He kept on singing with full of emotions using his soothing voice. After all, this was his night for him to tell the truth to Livie. Iyon naman ang ipinangako niya rito a week ago. At hindi siya marunong sumira sa pangako niya. Subalit hindi pa rin niya maiwasang matakot sa kung ano ang posibleng maging resulta ng pagtatapat niya. Probably after this confession, she would avoid him and eventually hate him. Though he didn't want that to happen, he guessed it would be inevitable since he just blurted out his feelings for Livie. And in front of the audience, for goodness' sake!
But he really wanted her to know her feelings for her. At least he wanted her to know that someone really cared for her and loved her. He wanted her to know all that even though it really hurt him knowing that she would only acknowledge him as a friend. As her best friend...
"Love has been right by your side. So close that you couldn't see. If love could speak, it would shout to the sky. 'I've always been here. I always will be.' I'm here, I'm now. Open your eyes and see. Right here, right now. Open your eyes to love... Open your mind to love... Open your heart to love..."
That's exactly what he wanted Livie to know. He had been by her side and always will be, loving her to the fullest. He would always be there and he would continue to love her. He would love her even if she'd hate him because of that confession. Even if he could only love her from afar, it doesn't matter. Loving Livie was the greatest and the most beautiful thing he had ever done in his life. He would never regret it no matter what.
Matapos ang kantang iyon ay umugong ang malakas na palakpakan. Nang dumako ang tingin niya kay Livie, nakita niyang nakatingin ito nang seryoso sa kanya. Hindi tuloy niya matukoy kung galit ito o ano. He left the stage and made his way toward Livie's direction. He sighed before reaching her and then stopped to her side.
"I know it really surprised you, Livie. But believe it or not, it's true. I'm sorry if... if I only managed to tell you the truth now. Tinupad ko lang ang ipinangako ko sa iyo noong isang linggo. Iyon ang totoong dahilan kung bakit kita hinalikan noong araw na iyon. Mahal kasi kita, eh. Noon pa," pagtatapat niya.
With that, he shut his eyes tight and began walking away from her. Hindi niya alam kung para saan ang paglayong ginagawa niya nang mga sandaling iyon. Pero iyon lang ang naiisip niyang tama.
= = = = = =
"SO, ANO? Dedmahan blues na lang ang gagawin ninyong dalawa ni TJ niyan?" tanong ni Faye kay Livie nang maabutan siya nitong nagmumukmok sa base ng Encounters nang araw na iyon.
"Anong dedmahan ang pinagsasasabi mo riyan, Faye? Eh hindi nga lumalabas ng base ang babaeng 'to, 'no? Sino naman ang dededmahin niya rito, ha?" pambubuska ni Clarisa na tinugunan lang niya ng isang buntong-hininga. "O, tingnan mo. Depressed kaya nandito."
"Sino ba naman kasi ang hindi made-depressed, ha? Magko-confess siya sa akin na mahal daw niya ako. And then what? Magwo-walk out siya. Kung hindi ba naman siya nasisiraan ng bait." At balik na naman siya sa pagmamaktol niya.
Narinig niyang may bumuntong-hininga pero hindi niya alam kung sino kina Clarisa at Faye ang gumawa niyon.
May tatlong araw na rin ang nakalilipas matapos ang "biggest love confession of the year," 'ika nga ng mga estudyante ng GC. Ganoon katagal siyang tila hindi naka-recover dahil sa gulat. Thought it was something she truly wanted to hear from his best friend-slash-love of her life, the shock that came with it was something she hadn't truly anticipated. But there was no denying that she was happy—extremely happy. Her feelings were reciprocated.
Pero napalitan naman ang sayang iyon ng labis na disappointment nang hindi na niya nakausap si TJ after that night. Hindi siya sigurado subalit tila ba natakot itong humarap sa kanya pagkatapos ng ginawa nitong pagtatapat. Hindi tuloy niya napigilang ma-frustrate. And to think things wasn't really going easy on her after that. Hindi pinatahimik ang isip niya ng confession na iyon. But then it gave her one thing she really needed—the courage to finally tell TJ how she truly felt for him.
And she would, if that guy ever decided to come out to finally talk to her.
"Urgh! Nakakainis naman, eh!" frustrated na aniya at kinamot pa talaga niya ang ulo niya dahil doon.
"Easy ka lang, Livie. Makakalbo ka niyan nang wala sa oras, eh."
"Kapag nangyari iyon, si TJ ang sisihin n'yo. Okay?"
"But I think it's better for you to stand up there and do something to find that guy," suhestiyon ni Faye. "Kung ayaw niyang magpakita sa iyo, eh 'di hanapin mo. Iyon lang iyon."
She rolled her eyes. "As if it's that simple."
"Then don't make it even more complicated than it is. Lalo ka lang pahihirapan niyan, eh. Hanapin mo na si TJ ngayon pa lang para magkaalaman na," saad ni Clarisa.
After giving her friends' suggestions a careful thought, sa wakas ay itinigil na rin niya ang pagmumuni-muni at magmumukmok sa base ng Encounters.
"Okay. Time to face you and the truth behind your confession, TJ..."
= = = = = =
PERO KAHIT gaano pala kadeterminado si Livie, tila hindi naman nakikiayon sa kanya ang pagkakataon. Kaya nang mga sandaling iyon, heto siya at abala sa paglinga-linga sa paligid para lang makita niya ang kanyang pakay. Kung bakit ba naman kasi pagkalaki-laki ng campus grounds ng Greenfield College.
Pero alam niyang naroon lang si TJ sa school. In fact, ilang estudyante na ang napagtanungan niya at kinumpirma ng mga ito na nakita nga nila ang binata. Pati na rin ang mga security guards sa bawat gate ng campus, tinanong na rin niya dahil baka lumabas na si TJ sa campus grounds. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mahiya na alam din ng mga guwardiya ng campus ng mga naganap noong acquaintance ball. But then, she was thankful. Kahit paaano ay natulungan siya ng mga ito.
Pero mahigit isang oras na siyang naghahanap kay TJ sa loob ng campus ay wala pa ring progress na nangyayari. She felt like she was just running in circles. Lalong nakadagdag iyon sa frustration na nararamdaman niya.
"Best friend naman, eh... Huwag mo na akong pahirapan pa nang husto," mahinang hiling niya habang patuloy siya sa paglinga sa paligid.
She was tired and her body screamed for her to stop. Pero hindi niya alintana iyon. Mahalaga sa kanya na makita niya si TJ. And now, isang lugar na lang ang kailangan niyang puntahan.
Sa rooftop ng building ng College of Engineering and Architecture.
Damn it! Bakit ba ngayon lang niya naalala na isa iyon sa mga tambayan ni TJ at ng mga kaibigan nito?
With that in mind, kahit talagang pagod na siya, nagpatuloy lang siya sa CEA building. Five floors ang nasabing building kaya siguro naman, kakayanin niyang akyatin iyon hanggang sa makarating siya sa rooftop. She had to, before every ounce of courage she gathered would disappear.
Makalipas ang ilang minuto, narating na rin niya sa wakas ang rooftop. Pinahupa muna niya ang paghingal niya bago binuksan ang pinto patungo roon. It creaked but not as loud as she feared. Nakatulong din ang tunog na likha ng pag-ihip ng hangin para mapagtakpan kahit papaano ang tunog na nilikha ng pagbukas ng pinto.
As soon as she stepped out, she immediately heard several voices. Isa sa mga iyon ay tiyak niyang galing kay TJ. Hindi nga siya nagkamali. Subalit napakunot-noo siya nang unti-unti na niyang naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito.
Nanigas siya sa kinatatayuan nang marinig na niya nang husto ang mga iyon.
This is a joke, right? Isa lang ang alam niya. Hindi niya gusto ang tinutungo ng usapan ng mga ito.
It was because the issue involved her and TJ's so-called feelings for her. One that turned out to be the most painful lie of all.
Ano ba talaga ang totoo?
No comments:
Post a Comment