HINDI malaman ni TJ kung pang-ilang beses na siyang bumuntong-hininga nang araw na iyon. But then wala na yata siyang planong magbilang dahil wala namang maitutulong iyon sa kanya.
Seriously, how could he had been such a coward to face his best friend-slash-love of his life after that? Okay, he did tell Livie the truth—the real reason why he kissed her that one rainy afternoon. Pero ano na ang ginawa niya pagkatapos niyon? Iniwasan niya si Livie? Kung hindi ba naman talaga siya may saltik sa utak sa pinaggagagawa niya. But he did it for a reason.
He was afraid. Nang gabing magtapat siya sa dalaga, naalala niya ang tungkol sa deal nila ni Aries. Walang alam si Livie tungkol doon. At mas dapat na hindi iyon malaman ng dalaga dahil tiyak na malalagot siya kapag nagkataon. It was one thing that she hated the most—ang gamitin sa isang laro o kahit na anong pustahan pa man iyan.
Hanggang sa maisip niya na parang lumabas tuloy na nagbibiro lang siya sa ginawa niyang confession noong gabi ng acquaintance ball. But none of them was just a mere joke. The feelings he poured through the song was way real. Alam niyang naramdaman din iyon ni Livie, despite being consumed with shock.
Eh kung ganoon naman pala, bakit nandito ka ngayon sa rooftop kasama ang mga kaibigan mo? You told her the truth. Now it's time for you to face the consequences that goes with it, sermon ng isang bahagi ng isip niya. Napakamot na lang siya ng ulo.
Ano nga ba ang ginagawa niya roon kasama sina Aries, Aljon, at Mark sa rooftop?
"Paano ba iyan, TJ? Kaya mo pa ba? Are you still willing to continue our deal?" sunud-sunod na tanong ni Aries sa kanya na nagpabalik ng isipan niya sa realidad.
Hindi siya nakaimik. Was he still doing all these just for a deal? Parang hindi na, eh. Yes, it did give him the push he wanted to go on and finally gain the guts to confess. But then he couldn't help but feel guilty, as well. May mali, eh. Kaya nga niya iniiwasan si Livie. He needed the time to completely tell her the truth—as in the entire truth.
"Pare, kung nahihirapan ka na, don't force yourself," ani Aljon sabay tapik sa balikat niya. "There's always a time for you to stop."
"Pambihira ka naman, Pareng Aljon. Parang sinasabi mo na rin na dapat nang magpahinga ni TJ, ah. Ano 'yon, may sakit lang?" pang-aasar ni Mark na hindi na lang niya pinansin. "He already confessed to her—at sa harap pa ng buong student body. 'Tapos ngayon sasabihin ninyong tumigil na siya kasi umabot na sa ganito?"
"'Sus! Kung makapagsalita ito, akala mo hindi nahirapanng pasagutin si Clarisa. Para namang hindi namin alam na dumaan ka rin sa ganitong stage minsan sa buhay mo."
"I was challenged, okay? And I never back down on a challenge whatever you do to stop me," depensa ni Mark.
"Challenge din ang ibinigay ko kay TJ. At alam ninyong dalawa ang reward kapag nagawa niya iyon nang tama," seryosong saad ni Aries.
None of them said a word after that.
But TJ thought this through. If he truly played his cards right, it would be like hitting two birds with one stone. He would have Livie and the resthouse he truly cherished altogether.
Magkasalikop ang mga kamay na napabuntong-hininga siyang muli. Hindi na talaga niya alam kung ano ang gagawin. Bakit ba kasi siya nag-walk out nang gabing iyon?
"But you know, I think the deal actually helped you a lot, TJ. Tingnan mo, nakagawa ka ng ganoong klaseng confession sa babaeng napili mo," ani Aries kapagkuwan.
"Eh resthouse ba naman kasi ang kapalit. Sino ba naman ang hindi mate-tempt doon? Hindi basta-bastang reward iyon, 'no?" saad ni Mark.
Hinarap niya ang mga kasama niya. "Okay na rin iyon. Kahit hindi ang resthouse ang kapalit, the deal actually did a lot. Mas napabilis ko pa ang almost four years na proseso ng kalbaryo ko. So thanks."
Pero bakit kahit wala pa namang solidong resulta ang ginawa niya ay hindi pa rin siya lubusang matahimik? Para bang kinakain ng kung ano ang dibdib niya? Ilang beses na rin niyang naramdaman iyon.
"So everything you said... was just a lie for you to win in whatever deal you had with your friends?"
Dread formed at the back of his mind the moment he heard that. Hindi siya nakakilos sa gitla. Ang mga kaibigan naman niya ay dagling nanlaki ang mga mata. Dahan-dahan siyang pumihit upang matiyak na ang boses na narinig niya ay galing sa taong ayaw na ayaw pa man din niyang makarinig ng pinag-uusapan nila. Unfortunately, his prayers weren't heard.
And at that moment, what he feared was about to come true.
"L-Livie..."
= = = = = =
WHAT Livie thought was a sincere expression of TJ's feelings turned out to be a lie she never realized that he would ever say to her. At para saan? Para sa isang pustahan—sa isang deal?
"L-Livie... I-it's not what you think." Halata sa tinig ni TJ ang pagkabigla nito. Well, duh? He should be.
Akala pa man din niya, totoo na ang lahat. Akala niya, seryoso ang mga pinagsasasabi nito. It turned out she was dead wrong.
"Not what I think? Tell me, TJ. What exactly do I think about all of what I've heard from you and your friends? You know the one thing that I hate the most. At iyon ay ang lokohin ako. Pero ano 'tong ginawa mo? Na nag-confess ka lang pala sa akin dahil ch-in-allenge ka nila. Na kapag nagawa mo nang tama ang challenge na iyon, may resthouse ka pang reward. Ganoon na lang ba ang worth ko sa iyo, TJ? Does our friendship only worth that much to you?"
Matapang siyang tao. Pero sa pagkakataong iyon, tila hindi na nakatulong ang tapang na mayroon siya upang pigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Livie, please. Give me a chance to explain, okay? Everything that I've told you that night was the truth. Kahit iyon man lang sana, magawa mong paniwalaan."
"Paano, TJ? Ngayon mo sabihin sa akin kung paano ko paniniwalaan ang mga sinabi mong iyon gayong ginawa mo lang iyon because of some deal with your friends." Marahas na pinahid niya ang naglandas na mga luha sa kanyang pisngi. "I guess I made a wrong assumption in all of your words, huh? Believing that my best friend had truly loved me... the same way I loved him more than a friend..."
"But that's the truth. Mahal kita. Not just because you're my best friend but also more than that," giit nito at hinawakan pa nito ang kamay niya.
Pero marahas niyang binawi iyon at puno ng lungkot at sakit na tiningnan niya ito. "Kung noon mo pa siguro sinabi iyan... Lalo na kung galing sa puso at wala ang buwisit na deal at challenge na iyan, baka pinaniwalaan pa kita. Ngayon... hindi na ako sigurado kung talagang alam mo ang pagmamahal na puso ang pinairal at hidi dahil kinuyog lang ng iba."
"Livie..."
Iyon lang at tuluyan na niyang iniwan si TJ. Hindi na niya alintana ang patuloy na pagtulo ng kanyang mga luha. Pero sa paglapat ng likod niya sa isinarang pinto paalis sa lugar na iyon, hindi na niya napigilan ang pag-iyak.
She couldn't help feeling betrayed by all that. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Erika nang maputol ang ugnayan nito at ni Aries noon? Ganito rin ba kasakit para sa dalaga ang lahat?
Mukhang hindi tinupad ng Diyos ang tanging hiling niya noon. Umabot pa rin pala sila sila ni TJ sa ganitong punto—ang magkasakitan ng kalooban. Ngayon, dahil sa pag-ibig na nararamdaman niya para sa binata, tiyak nang mapuputol ang pagkakaibigan nila nito.
And perhaps this time, gaya ng sitwasyon nina Aries at Erika, wala nang pag-asa pang maayos ang lahat.
= = = = = =
"YOU'RE still thinking about TJ?"
Ang sinabing iyon ni Erika ang nagpabalik sa diwa ni Livie sa realidad. But not completely. Buntong-hininga ang itinugon niya bago siya muling napatingin sa labas ng bintana. Naroon siya sa base ng Encounters at kasalukuyang tinatapos ng pag-e-edit niya ng mga articles na ilang araw nang naka-pending. Kaya lang, ayaw talagang makisama ng isipan niya. Dahilan iyon upang maisantabi niya ang mga dapat gawin.
Binigyan siya ng isang linggo pang palugit para tapusin ang iba pang articles. Marahil ay nakarating na sa guro ang nangyari sa kanila ni TJ. Ini-expect pa nga niya na magagalit o mag-iistrikto si Ma'am Cedo sa kanya dahil masama ang loob niya at nadadamay pa ang trabaho niya. But she was wrong.
"It hurts, right? Being betrayed by the friend you had fallen in love with," basag ni Erika sa katahimikan nilang dalawa sa malungkot na tono. A rare sight, at that.
Pero sapat na iyon upang makuha ang atensiyon niya. "Did you... have the same experience?" she ventured.
Tumango ito. "Two years ago... but you don't have to know the details." Hinarap siya ni Erika na may ngiti ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nito. "What I'm trying to say is, maybe there is an even bigger story lying in that challenge. Why not try to find out more about it?"
Kunot-noo lang siyang nakatingin sa kasamahan dahil sa pinagsasasabi nito. Sa pagkakaalam niya, wala siyang ibang pinagsabihan ng totoong dahilan ng pag-iwas at sama ng loob niya kay TJ. Not even her father.
"Piniga ko lang naman si Aries para malaman ko ang totoo, even though the sight of that jerk disgusts me," anito na tila nabasa ang iniisip niya. "Para ano pa't school journalist ako kung hindi ko magagamit iyon para ma-satisfy ang curiosity ko."
She could've laughed at that pero alam niyang pahihirapan lang niya ang kanyang sarili. Wala na kasi siyang ibang inisip kundi ang lungkot na nararamdaman niya.
Since the day she confronted TJ, tila wala na sa normal ang takbo ng bawat araw niya. Tila pumapasok na lang siya for the sake of obligation to go to school. Hindi dahil gusto niyang mag-aral. Hanggang maaari ay umiiwas siya sa mga lugar na posibleng magsalubong sila ni TJ. Subalit alam niyang hindi niya maiiwasan ito pagdating sa klase dahil ka-blockmate niya ito. Kaya naman pinipili niyang umupo sa bandang likuran ng classroom. At kahit papaano ay nagtatagumpay siyang iwasan ito.
Pero sa totoo lang ay nasasaktan siya sa katotohanang kaya pala siyang tiisin nito. Kunsabagay, siya naman ang gumagawa ng hakbang para iwasan ito. Kaya lang, kung talagang mahal siya nito gaya ng sinabi nito sa kanya noon ay dapat na patunayan nito iyon.
But perhaps there was nothing left to be done. Wala na siyang magagawa pa kundi tanggapin ang kinahinatnan ng paglayo niya rito.
Kahit na magiging mahirap iyon para sa akin...
No comments:
Post a Comment