NIYAYA ni TJ si Livie na mamasyal at mag-picnic na rin sa farm ng lolo nito sa bayan ng Altiera. Hindi na siya tumanggi kahit limang oras pa ang biyahe papunta sa bayan. Naisipan na rin niyang interview-hin muli ang binata upang matapos na niya ang kanyang article. Deadline na iyon sa susunod na linggo bago ang acquaintance ball ng Greenfield College.
Hindi niya napigilan ang mamangha sa laki at ganda ng farm nang marating na nila iyon. Pinya at mangga ang pangunahing produkto ng farm na iyon. Mayroon din itong flower farm na bagaman hindi kasinglawak ng flower farm ng kanyang ina—na kasalukuyang pinamamahalaan ng kanyang ama—ay maganda pa rin. Halata sa mga halamang naroon ang maiging pag-aalaga ng mga trabahante at tagapangasiwa niyon. Magiliw siyang sinalubong ni Lolo Herbert—ang lolo ni TJ sa mother's side—at natutuwa siya rito. Kahit na mayaman ito at bakas ang katandaan at awtoridad sa itsura nito ay hindi ito mapagmataas.
"Alam mo ba, hija, walang araw na hindi tumatawag sa akin ang apo ko at nagkukuwento ng tungkol sa iyo?" Iyon ang mga sinabi ng matanda na hindi niya inaasahang marinig mula rito. At hindi rin niya inasahang masilayan ang pagba-blush ni TJ habang pinipigilan nito si Lolo Herbert sa pagkukuwento pa ng anumang may kinalaman sa sinabi ng huli.
Natawa na lang siya at hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi niya sa tuwing maaalala niya iyon hanggang sa makarating na sila sa pond. Doon naisipan ni TJ na mag-picnic sila nito sa suhestiyon na rin ni Lolo Herbert.
"Pagpasensiyahan mo na si Lolo, Livie. Ganoon lang talaga iyon," pagdidisimula ng binata nang maiayos na nila ang picnic mat sa damuhan.
Napangiti na lang siya. "Hindi ko akalaing nagiging madaldal ka pala kapag ang lolo mo na ang kausap mo."
"Isa lang ang lolo ko sa mga taong napagsasabihan ko ng mga nangyayari sa buhay ko. Kaya huwag ka nang magtaka." At saka ito kumagat ng egg sandwich na hawak nito.
"Pero totoo bang walang araw na hindi ka nagkukuwento sa lolo mo tungkol sa akin?" nanghuhuling tanong niya. She smiled triumphantly nang makita niyang tila nasamid ito. Agad na nag-iwas ito ng tingin nang matawa na siya sa inakto nitong iyon.
She found him adorable nang mapansin niyang nagba-blush na naman ito. For almost four years, this was one of TJ's side that she rarely see—if not never. His boyish side that made her admire him even more.
Pero bago pa man makapagsalita si TJ, bigla namang bumuhos ang ulan kaya agad silang tumayo. Nagmamadaling tinungo niya ang isang malaki at matandang puno na malapit lang sa puwesto nila kanina. Kumunot ang noo niya nang mapansing nakatayo lang si TJ katabi ng picnic mat at nagpapabasa sa ulan. But what surprised her was the fact that she saw him smiling like an innocent little boy while being drenched in the rain. She smiled at the sight. Pakiramdam niya ay nakikita niya ang younger TJ sa harap niya nang mga sandaling iyon.
Humarap ito sa kanya, nakangiti pa rin at ngayon ay papalapit na sa kanya. "Halika, Livie. Maligo tayo sa ulan," yaya nito at agad siyang hinila paalis sa pagkakasilong niya sa malaking puno.
"Pero wala akong dalang extra clothes para pamalit ko, TJ. And besides, baka magkasakit lang tayong dalawa."
"At least, nag-enjoy tayong dalawa, 'di ba?"
Napailing na lang siya. Nang tingalain niya ang langit, naisip niyang tila nais pa yata nitong pagbigyan ang kagustuhang iyon ng binata dahil lalong lumakas ang buhos ng ulan. Pero kung tutuusin, magiging masaya nga naman ang araw niya dahil makakasama niya sa pagligo sa ulan ang lalaking mahal niya. Isa iyon sa mga pinangarap niyang gawin kasama ang lalaking kanyang minamahal kahit alam niyang walang malisya—at least on his part—kaya wala naman sigurong magiging problema. Like what she kept on telling to herself, she would enjoy every moment she spent with him. At isa lang ito sa mga moment na iyon.
"Kapag nagkasakit ka, huwag mo akong sisisihin, ha?" aniya bago siya dumiretso malapit dito at nagpaikot-ikot habang nagpapabasa sa ulan.
Nag-e-enjoy sila ni TJ sa pagpapabasa sa ulan habang naghahabulan sila. Doing this had definitely made her enjoy every moment. This was actually the first time na naglaro sila nito sa gitna ng ulan. Nang mapagod ay nahiga siya sa maputik na damuhan, hindi alintana kung marumihan ang damit niya. She closed her eyes as she felt the raindrops continuously falling from the sky. When she opened her eyes, nakita niyang nakalahad ang isang kamay sa kanya. She looked up, only to see TJ smiling.
"May I have this dance?" masuyo ang ngiting yaya nito sa kanya at bahagya pa itong yumukod.
Pakiramdam tuloy niya ay isa siyang prinsesa. A princess drenched in rain and mud, that is. Pero wala roon ang atensyon niya. Nanlalaki ang mga matang tinitigan lang niya ito. Seryoso ba ito? Dancing with TJ in the middle of the rain?
"Please?"
Tiningnan niya ang kamay nitong nakalahad pa rin sa harap niya. After a few moments of thinking about it, she took it and stood up. "But how do you expect us to dance without music?"
Hindi ito sumagot pero ngumiti ito. He gently placed her right hand on his shoulder as he held on the other. His left arm wrapped around her waist that made her slightly shiver. Napalunok din siya. Nag-iiba na talaga ang pakiramdam niya sa paglalapit ng katawan nila ng best friend niya. Dati-rati ay wala lang sa kanya kapag ganoon sila kalapit nito sa isa't-isa. But now, their closeness was enough to cause her heart to beat crazy. Pero aminado siyang gusto niya ang init na nagmumula sa katawan nito na dumaloy sa kanya habang hawak nito ang isang kamay niya at nakapaikot ang isang braso nito sa baywang niya. Gently and slowly, they started dancing as soon as he sang.
"You're in my arms and all the world is calm. The music is playing on for only two. So close together and when I'm with you, so close to feeling alive..."
"Puwede kang maging singer, alam mo ba 'yon?" she commented.
" 'Di ba sabi ko naman sa iyo na shy type ang best friend mong ito? Nagagawa ko lang kumanta sa harap ng ibang tao kapag alam kong nanonood ang mga taong mahalaga sa akin. But you know what? Mas gugustuhin ko pa ring ikaw lang ang makarinig sa pagkanta ko," tila nahihiya pang saad nito habang patuloy pa rin sila sa pagsayaw.
His last sentence made her blush and caused her heart to beat faster. Hindi man niya gusto ngunit tila nais niyang bigyan ng ibang kahulugan ang mga katagang iyon. Because of that, she never realized that she smiled sweetly—a kind of smile that even TJ rarely saw from her. At iyon marahil ang nagbigay ng lakas ng loob dito na ipagpatuloy ang pagkanta.
"A life goes by, romantic dreams will stop. So I bid mine goodbye and never knew. So close was waiting, waiting here for you. And now forever I know. All that I wanted is to hold you so close..."
Since she knew the song very well, she decided to sing along with him. She wanted to know what it felt like to perform a duet with Terrence Jay Ramos. Kahit alam niyang hindi naman pang-duet ang kantang iyon, she decided to go with it.
"So close to reaching that famous happy end. Almost believing this was not pretend. Now you're beside me and look how far we've come. So far we are so close..."
But then she didn't know how it started. Natagpuan na lang niya ang sariling masuyong hinahagkan ni TJ ang kanyang noo, ang kanyang nakapikit na mga mata, papunta sa tungki ng kanyang ilong. She opened her eyes and she was surprised to see him looking intently at her. Pero sandali lang iyon. For after a few moments, she found herself sharing a passionate kiss with her best friend under the rain.
She couldn't believe it! Ang unang halik na natikman niya... She couldn't believe TJ gave that to her. Gusto man niyang pigilan ito, tila tinakasan na siya ng lakas na gawin iyon. Tila ba tinangay na iyon ng hangin kasabay ng panlalambot ng mga tuhod niya habang lumalalim pa ang paghalik nito sa kanya. At ginantihan niya iyon sa parehong paraan, sa parehong intensidad. Napakapit siya sa batok nito kasabay ng paghigpit ng yakap nito sa baywang niya habang tumatagal ang paghalik nitong iyon.
She was catching her breath when the kiss ended. She knew her face was red as she tried her best to look at TJ's face and eventually, his eyes. Halo-halong emosyon ang nakikita niya roon kaya hindi niya matukoy kung ano nga ba ang iniisip nito nang mga sandaling iyon. At kinakabahan siya na hindi niya mawari kung para saan.
Pagkatapos ng tila walang katapusang katahimikan, dahan-dahan siyang pinakawalan ni TJ at saka ito nag-iwas ng tingin. "I-I shouldn't have done that. I-I'm sorry, Livie." At saka siya nilampasan nito. "We better go back bago pa tayo magkasakit dito."
= = = = = =
FINALLY, this is the night! Iyon ang excited and at the same time, kinakabahang saisip ni Livie habang pinagmamasdan niya ang sariling repleksyon sa full-length mirror suot ang isang lavender na Greek-inspired dress na lampas tuhod ang haba. Naka-ponytail naman ang mahaba niyang buhok na kinulot sa dulo at nag-ayos talaga siya ng mukha. Hindi niya maintindihan kung bakit subalit naroon ang kagustuhan niyang ma-impress si TJ sa itsura niya. Napangiti siya nang maisip iyon.
Hindi niya maalala kung kailan siya nag-ayos nang husto upang mapa-impress ang isang lalaki sa itsura niya. But all of a sudden, she rememberd that this was actually the first time she did something like that. Never did she imagine that her love for a man—in this case, her love for her best friend—could do this much for her. It did a lot of changes to her in a short period of time and seriously, she loved it. It was okay if it would be one-sided feeling... for now.
She sighed upon recalling the time she confronted TJ about the kiss...
= = = = = =
"WE BETTER go back bago pa tayo magkasakit dito."
But for some reason, ayaw kumilos ng katawan ni Livie. She just stood there, staring vacantly into nothing. When her mind finally managed to absorb what TJ had just said, she turned around.
"Sorry? Ganoon na lang ba iyon, TJ? Sorry?" asik niya kay TJ nang harapin niya ito.
Napatigil naman ito sa paglakad at hinarap siya. "Livie, it's not like that. Kaya lang—"
"You gave me my first kiss, TJ. Although unexpected, I really appreciate it, believe it or not. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ka nagso-sorry dahil doon at kung bakit mo ginawa iyon."
Stunned silence surrounded them. Hindi niya alintana ang patuloy na paglakas ng buhos ng ulan kahit na aminado siyang nilalamig na siya. But just remembering the kiss they've shared a while back was enough to bring out the slumbering heat in her.
He sighed before walking toward her. "You probably won't believe me if I tell you the reason right now. But I'll tell you one thing. I'm not sorry about kissing you," pag-amin nito na nagpabilis sa tibok ng puso niya. "I said I'm sorry because I know you would think that I'm taking advantage of our friendship. At ayokong magalit ka dahil baka akala mo ay sinasamantala ko ang closeness natin."
"O-okay..." tanging nasabi niya. Ngalingaling sabihin niya rito na hindi ito nagte-take advantage sa kanya in any way. Subalit pinigil niya ang sarili. She fell silent for a few moments before speaking again. "So why did you kiss me?"
"Livie..."
"I want to know the reason why." Ano nga ba ang rason nito upang halikan siya? Mahal ba siya nito kagaya ng uri ng pagmamahal niya para rito? He didn't kiss her out of curiosity, did he?
Huwag naman sanang ganoon ang rason na ibigay ng kumag na 'to sa akin at baka kung ano ang magawa ko rito. She shrugged the thought off of her mind, though. Hindi ito ang panahon para mag-isip siya ng kung anong negatibo. "Please... answer my question."
Nakita niya ang pagkagat nito ng labi at muling nag-iwas ng tingin.
Why do I have a feeling that he's hiding something and he was somehow struggling? Whatever he was hiding, that's what she wanted to know. Subalit ang inaasahan niyang pagsagot nito ay hindi nangyari. Bagkus ay hinawakan lang nito ang isang kamay niya at hinaplos ang pisngi niya.
"Will it be okay if I tell you the truth on the night of the acquaintance ball?"
Pero bakit? "On the acquaintance ball?" takang tanong niya.
Tumango ito.
Pinag-isipan niya ang sinabi nito. Kung iisipin niyang mabuti ang tungkol sa request nito, marahil ay ganoon kaimportante ang sagot nito at kailangan pa nito ng isang linggo para ihanda ang sarili nito. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit eksaktong sa acquaintance ball pa nito naisipang sabihin sa kanya ang sagot na kailangan niyang malaman mula rito.
Left with no choice, she nodded. Then she looked at him intently. "Okay. Only if you promise me to tell you the truth and only the truth."
He smiled and gently embraced her. She took that as a yes. After all, kilala niya si TJ na hindi marunong sumira sa pangako. Kaya handa siyang magtiyaga sa paghihintay ng isang linggo upang malaman ang sagot sa tanong niya.
= = = = = =
MULI na namang napabuntong-hininga si Livie matapos alalahanin iyon. At ngayon na nga ang araw—este gabi pala—na pinakahihintay niya. After that, she smiled. Muli niyang sinipat ang kanyang itsura sa salamin. Noon naman siya nakarinig ng pagkatok sa sa pinto ng kuwarto niya. Ilang sandali pa ay iniluwa niyon ang kanyang ama.
"Pa, kayo pala," nakangiting bungad niya rito.
Nilapitan naman siya ng Papa niya at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Saka ito ngumiti. "You really remind me of your mother, Livie. Kung nakikita ka lang niya ngayon, sigurado akong ipagmamalaki ka niya. You really looked like her younger version."
"And you still love her kahit matagal na siyang nawala sa buhay natin. I'm sure na ipagmamalaki ka rin niya, Papa."
Niyakap siya nito matapos niyang sabihin iyon. "Raising you was more than enough for me to stay in love with your mother. Sana ay makatagpo ka ng lalaking magagawa kang mahalin in the same intensity as I love her."
She remained quiet after hearing that from her father. Kung sana... sana si TJ na lang iyon, she silently wished.
= = = = = =
HINDI MALAMAN ni Livie kung ano ang dapat niyang maramdaman habang bumababa sa hagdan at ngayon ay pinagmamasdan niya si TJ. Hindi niya maiwasang hangaan ito dahil sa kaguwapuhan nitong lalong lumutang sa suot nitong amerikana. Mukhang pinaghandaan din nito ang acquaintance ball.
Pinilit niyang ikubli ang panlalamig at panginginig ng kalamnan niya nang hawakan na ni TJ ang kamay niya at halikan nito ang likod niyon. Pakiramdam niya ay isa talaga siyang prinsesa na binibigyang-galang ng isang prinsepe. Nagpakilig naman sa kanya ang paghangang hindi maitatangging nakikita niya sa mga mata nito habang tinititigan siya. Tila ba tinitiyak nito sa sarili kung siya nga ba ang nakikita nito.
"May plano ka pa bang isama ako sa ball, TJ? Titigan blues na lang yata ang gusto mong gawin ngayon, ah," nakangiting pukaw niya rito bilang pagbasag na rin sa nakakailang na katahimikan ng binata.
Tila nabigla naman ito sa sinabi niya at natawa na lang habang umiiling. Nagunot naman ang noo niya sa kilos nitong iyon.
"Sorry. Masyado lang kasi akong..." Ngunit hindi na nito itinuloy ang pagsasalita at saka muling umiling. "Forget it. Let's go. Baka mahuli pa tayo niyan." Iniumang nito sa kanya ang braso nito na malugod naman niyang tinanggap.
All she could do was to smile at that. Ngunit bago pa man siya makasakay sa kotse nito ay naglakas-loob na siyang sabihin dito ang isang bagay na isang linggo na rin niyang ninais sabihin kay TJ.
"Huwag mo sanang kalilimutan ang ipinangako mo sa akin a week ago."
Napatitig lang sa kanya si TJ. Then she stepped into the car after saying that. Agad na rin itong sumakay sa kotse. Pagkasakay nito, sa gulat niya ay agad nitong hinawakan ang kamay niya, dahilan upang mapatingin siya kay rito. "TJ..."
He smiled surprisingly sweet. Admit it or not, that smile made her heart feel calm somehow kahit na walang tigil sa kapapasag iyon dahil sa inaakto ng kaibigan niya nang mga sandaling iyon.
"Alam mong hindi ako marunong sumira sa pangako, Livie. Sana lang, huwag kang magalit sa oras na ipagtapat ko na sa 'yo ang lahat." Then slowly, he lifted his hand and caressed her face with care.
With that, she closed her eyes and felt that tingly yet warm caress he did to her face. She also lifted her hand and held TJ's hand on her cheek, then she smiled. "Only if you tell me the truth..." When she opened her eyes, she saw TJ still smiling.
"I will, starlight. I promise. And I won't fail you," he answered.
No comments:
Post a Comment