KUNG hindi ka nga naman talaga minamalas, o! inis na reklamo ni Livie sa isip nang maabutan siya ng ulan sa gitna ng paglalakad niya pauwi.
Kagagaling lang niya sa palengke dahil malapit na siyang maubusan ng stock ng pagkain sa bahay. Naisipan niyang maglakad na lamang pauwi nang mapansin niyang maganda naman ang panahon. Kaya nga laking inis niya nang biglang bumagsak ang malakas na ulan. Nakalimutan pa mandin niyang magdala ng ulan.
Kung bakit ba naman kasi ngayon pa umiral ang pagkaulyanin ko. Naku naman!
Nagmamadali siyang tumakbo upang makahanap ng masisilungan. Basang-basa na siya nang makakita siya ng masisilungan sa isang shed sa tindahan. Napagpasyahan niya na doon muna maglagi hanggang tumila ang ulan. Pinilit niyang tiisin ang lamig sa kabila ng patuloy na pagtulo ng tubig mula sa buhok at damit niya. Nanginginig na rin siya.
Ngunit sa malas ay tila ayaw tumigil ng ulan kaya nanatili lang siyang nakatayo roon habang hinihintay na tumigil ang ulan. Wala naman kasi siyang mauupuan. At kahit nangangalay na ang mga paa niya sa pagtayo ay hindi niya alintana iyon.
Nang tuluyang mapagod ay naisipan niyang isandal ang kanyang likod sa pader at saka ipinikit ang mga mata. Ngunit wala pang limang minuto ang nakalilipas ay nakarinig siya ng pagbusina ng isang sasakyan. At laking gulat niya dahil pagmulat ng kanyang mga mata ay nakita niyang papalapit si TJ.
TJ? You're really here? Ang akala niya ay nagdedeliryo lang siya dahil sa nararamdamang lamig. Pero nagkamali siya nang maramdaman niyang ibinalabal nito sa kanya ang denim jacket na suot nito at niyakap siya habang patungo sila sa kotse nito.
"You're really here..." usal niya.
"Of course I'm here. Hindi kita puwedeng pabayaan na lang dito, Livie."
Bumabagsak na ang mga mata niya nang makaupo na siya s front seat at sa totoo lang ay hindi na maganda ang pakiramdam niya. Hinayaan na lang niyang pumikit ang kanyang mga mata. Ngunit bago pa man siya dalhin ng kanyang isipan sa kung saan ay narinig pa niyang nagsalita si TJ. At kung hindi siya nagkakamali, naramdaman pa niya ang concern at pag-aalala nito sa kanya sa tinig nito kasabay ng paghaplos nito sa kanyang pisngi.
"Magpahinga ka na muna, okay? I'll take you home as soon as possible," narinig pa niyang masuyong sabi nito bago tuluyang tangayin ang kanyang isipan sa kung saan.
= = = = = = =
NAPAILING na lang si TJ nang makitang nahihimbing na si Livie sa kinauupuan nito. Halatang nagpatong-tanong na ang pagod, stress at lamig mula sa pagkabasa ng ulan na nararamdaman nito kaya ngayon ay dinapuan na ito ng lagnat.
Hindi niya maiwasang mag-alala para rito lalo pa't nalaman niya mula kay Tito Connie na wala itong dalang payong nang pumunta ito sa palengke. Agad siyang nagtungo sa palengke at hinanap ito roon. Nang hindi niya ito makita roon ay agad niyang nilandas ang daang maaaring tahakin ni Livie pabalik sa subdivision.
Kinain siya ng matinding pag-aalala para kay Livie nang mag-umpisa nang bumuhos ang malakas na ulan at hindi pa rin niya ito nakikita. Naging dahilan iyon upang pabilisin niya ang pagpapatakbo sa kotse niya kahit na may kadulasan ang daan. Wala siyang pakialam ng mga sandaling iyon kundi ang makita niya kaagad si Livie.
At lalo siyang nag-alala nang makita niya ito sa isang tindahan at tila nanginginig sanhi ng lamig ng panahon. Agad siyang bumusina upang kunin ang atensyon nito. Pero kahit na nagtagumpay siyang gawin iyon, alam niyang wala nang lakas si Livie na maglakad pang mag-isa.
Sinugod niya ang malakas na buhos ng ulan mapuntahan lang ang dalaga. Nang salatin niya ang noo nito, nagulat siya nang maramdamang mataas ang temperatura nito. Dinapuan na ito ng lagnat. This can't be good!
At sa mga sandaling iyon nga ay pauwi na sila sa bahay nito. Subalit hindi pa man sila nakakalayo mula sa tindahang pinanggalingan, napansin niyang lalo pang lumakas ang buhos ng ulan. Halos hindi na niya makita ang daraanan dahil doon. Lumikha pa iyon ng munting baha kaya alam niyang mahihirapan siyang patakbuhin ang kotse niya nang matulin upang makarating kaagad sa subdivision. Nagpasya siyang itigil muna sa tabi ang sasakyan upang patilain ang malakas na ulan.
Pabuntong-hiningang nilingon niya ang katabing dalaga at sa malas ay tila mahimbing na talaga ang tulog nito. Muli niyang sinalat ang noo nito. He sighed again but this time, out of exasperation dahil tila lalong tumaas ang temperatura nito. Halata rin ang panginginig nito. Binuksan niya ang heater sa loob ng kotse. Alam niyang hindi sapat iyon pero sa ngayon ay iyon lang ang magagawa niya para sa dalaga.
"Hindi kita puwedeng pabayaan na lang na ganyan ka, Livie," he whispered.
Isinandal niya ang kanyang likod sa backrest ng driver's seat at pinagmasdan si Livie. Bibihira lang dumating ang pagkakataon ganito kaya sasamantalahin na niya. Sasamantalahin na niya ito na nagagawa niyang tingnan si Livie nang may ibang ibig sabihin—puwede na ring may malisya gaya ng minsang sinabi ni Aljon sa kanya—bukod sa pagkakaibigan.
This was one of the few times he had that he could freely look at Livie with so much love. Subalit kailangan niyang pilitin ang sarili na kontrolin ang nararamdaman niya para rito at huwag ipaalam rito ang tunay niyang damdamin na nakatago sa isang bahagi ng kanyang puso sa loob ng mahigit tatlong taong naging magkaibigan sila nito. Hindi niya gustong iwasan siya nito sa sandaling ipagtapat niya rito ang tunay niyang nararamdaman.
Walang kaalam-alam si Livie kung anong klaseng pagtitimpi ang kailangan niyang gawin huwag lang hayaag malaman nito ang hangarin niyang iyon at iparamdam iyon dito. Wala rin itong kaalam-alam sa pagtitimpig kailangan niyang gawin huwag lang mayakap ito sabay halik nang mariin at mapusok sa mga labi nito kapag nasa malapit lang ito.
Iyon ang rason kung bakit kahit maraming babaeng lumalapit at nagpapapansin sa kanya, hindi niya makita ang mga ito sa parehong paraan kung paano niya tingnan si Livie. Those girls had never been as specila as his best friend.
"How come you couldn't see that you're really special to me, Livie? Even more special than just being my best friend? Hindi ko na kayang magpanggap na best friend mo lang ako if I know deep inside na hindi ko na magagawa iyon."
Masuyong pinagmasdan niya ang paghinga nito habang natutulog ito. Hinawi niya ang tumabing na mga hibla ng buhok sa mukha nito nang bahagya itong kumilos sa kinauupuan nito. At nang mailapit niya ang mukha niya rito, hindi na niya nagawang makapagpigil.
Just one kiss...
Dinampian niya ng mabilis at banayad na halik ang labi nitong bahagyang nakaawang. It was only seconds but definitely more than enough to stir his senses wildly. Matapos niyon ay bumalik siya sa kanyang puwesto.
"I'm sorry. Ayoko man sanang manamantala pero mababaliw na yata ako kapag hindi ko pa nagawa iyon," bulong niya at masuyong hinaplos ang pisngi nito.
Pero sa sandaling masira ang friendship natin sa kahit na anong rason at magkahiwalay tayo, this is one moment I'll never forget. At hindi niya naiwasang mapangiti habang patuloy na dinadama ang labi niyang ilang sandaling hinalikan ang labi ng dalagang kaibigan.
Though he only had a few comparisons, he knew and he could also feel that Livie's lips were definitely the sweetest one to kiss endlessly. Iyon ang tiyak niya. At nakatitiyak rin siya na ito na ang babaeng tutupad sa graduation resolution niya four years ago—just like what his friends had thought.
Livie was the girl in his stellar promise.
His starlight, his life's guide...
= = = = = =
THAT was a week ago. Pero nasa isipan pa rin ni Livie ang mga pangyayari noong nagkasakit siya. Kitang-kita niya sa mga mata ni TJ—idagdag pa ang mga kilos nito—ang matinding pag-aalala at takot nito para sa kanya na animo may malala siyang sakit at tila malapit nang mamatay. He was definitely in a frantic mode at the time. Daig pa nito ang tatay niya sa labis na pag-aalala at sa klase ng pag-aalala nito sa kanya.
He never left her side. He was there to comfort her, to soothe her pains and to make sure she got well. Her heart swelled at that. She didn't know what to say. She couldn't put it in words no matter how much she wanted to say "thank you" to her best friend, to the love of her life even though he didn't know that fact at all.
Katatapos lang niyang gawin ang draft ng article niya tungkol kay TJ. Napansin niyang bigla siyang ginanahang magsulat matapos gumaling mula sa pagkakasakit kaya sinamantala na niya iyon. Hindi man niya alam kung paano o bakit nangyari iyon ay hindi na lang niya pinansin iyon. Ang mahalaga ay magawa na niyang simulan ang draft na hindi niya maumpisahan nang mahigit isang linggo.
Subalit may napansin siya matapos niyang basahin ang natapos na draft.
Parang may kulang. May nakalimutan ba akong itanong kay TJ during the interview? Naisip niya habang pinapasadahan niya ng basa ang isinulat niya.
Ilang beses na rin niyang binalikan ang set of questions na ibinigay ni Mrs. Cedo, pati na rin ang set of questions na ginawa niya. Matapos analisahin nang mabuti ang mga tanong, naisip na rin niya sa wakas kung ano ang kulang.
Bakit nakalimutan kong tanungin sa kanya ang tungkol sa love life niya? Of all things na malilimutan ko, iyon pa! At tinampal na lang niya ang kanyang noo.
Ngunit natigilan siya nang biglang may maisip. "Teka... Kung may love life nga si TJ, 'di dapat alam ko ang tungkol doon. Not unless he kept it a secret," pagkausap niya sa sarili.
Pero gusto niyang makasiguro. Naisipan niyang magtungo sa bahay ng mga Ramos para tanungin si TJ. Hindi niya alam pero may palagay siyang may itinatagong sikreto ang kumag na iyon kahit sabihin pang best friend niya ito. Hindi naman niya kontrolado ang buhay nito para hindi ito magkaroon ng kahit isang girlfriend man lang for more than three years na naging kaibigan niya ito.
Not unless may lihim itong napupusuan at takot lang itong manligaw.
Which is something that is... quite possible. But if that's the case, who's the lucky girl?
May kung anong kirot sa puso niya sa naisip ngunit agad din niyang pinalis iyon. Sinubukan na lang niyang tawanan iyon upang hindi siya mag-isip ng kung anu-ano.
Nang tumigil siya sa harap ng gate ng bahay ay bumuntong-hininga muna siya bago pinindot ang buzzer na naroon. Makalipas ang ilang sandali ay nakita niyang pinagbuksan siya ng houseboy ng mga Ramos. Sinabi nito na nasa hardin si TJ at puntahan na lang daw niya ito roon. Dala ang recorder, notebook, at ballpen ay agad siyang nagtungo sa hardin.
Kilala na siya ng houseboy na iyon. Ayon pa nga rito, siya lang daw ang babaeng kaedad ni TJ na hinahayaan nitong malayang pumasok doon. Tiwala daw kasi ito na hindi niya gagapangin ang amo nito. Although alam niyang biro iyon, naisip niya na may punto ito.
Agad siyang nakarating sa hardin subalit natigilan siya sa paglalakad patungo sa kinauupuan ni TJ dahil sa narinig niya. Tama ba ang naririnig niya? Si TJ, kumakanta? At kung hindi siya nagkakamali, sinasabayan nito ang saliw ng isang gitara na marahil ay pinatutugtog nito.
Now that she thought about it, she did remember that TJ once offered to sing for her. Hindi na bago sa kanya ang kantang pinatutugtog at kinakanta nito. Napakapamilyar pa nga ng kantang iyon. But for some reasons, may naging impact sa kanya iyon. She couldn't find it in her heart to go near him and sit beside him while he sang the song.
Hindi niya inakalang may ibang talent pa pala si TJ bukod sa basketball. Ang totoo ay noon lang niya nakitang humawak ng kahit na anong musical instrument ang binata. Kaya fascinated talaga siyang panoorin ito nang pasikreto sa ginagawa nito. Wala nga lang siyang planong magpakita rito. She couldn't believe it. Hearing him sing like this made her heart dance and flutter.
"Pa'no na kaya? 'Di sinasadya... 'Di kayang magtapat ang puso ko. Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko, ikaw pa? Pa'no na kaya? 'Di sinasadya... Ba't nahihiya ang puso ko? Hirap nang umibig sa isang kaibigan. 'Di masabi ang nararamdaman... Pa'no na kaya?"
Ang ganda naman ng boses niya, she thought dreamily.
How come? How come hearing TJ sing this song made her feel like it was chosen for her and their friendship? As far as she knew, siya lang ang babaeng malapit dito. Maliban na lang kung may iba pa itong female friends na hindi niya nalalaman.
Napangiti siya dahil hindi niya akalaing maganda pala ang boses ni TJ. Puwede itong maging singer kung gugustuhin nito upang hindi lang sa basketball nakapokus ang atensiyon nito.
Nagdesisyon siyang huwag na munang ituloy ag plano niyang muling interview-hin ito at sa halip ay patuloy na lamang siyang nakinig sa pagkanta. Aliw na aliw siya sa pakikinig sa magandang tinig nito. At habang pinakikinggan niya ito ay may mga bagay-bagay na pumapasok sa isipan niya.
Katulad ng nais ipahiwatig ng kanta ang nangyayari sa kanya sa mga sandaling iyon. She had fallen in love with her best friend. Hindi niya iyon ginusto at mas lalong wala sa hinagap niya na mangyayari iyon sa kanya. Since they became best friends, the only thing she ever thought of was doing her best to enjoy every moment she had spent with TJ. Gusto niyang maging memorable ang friendship nila para sa kanya.
Matagal na niyang alam na sooner or later ay may posibleng sumira sa kung ano ang current relationship nila. Pero ngayong dumating na ang hindi inaasahan, natatakot na siya isipin pa lang na mawawala ang binata sa kanya.
Pero may magagawa pa ba siya? Hindi naman niya puwedeng alisin nang basta ang pag-ibig na nararamdaman niya para kay TJ. Ngunit hindi naman niya pinagsisisihan na minahal nga niya ito. Ang totoo ay masaya siya na lumalim nang ganoon ang nararamdaman niya para rito kahit na hindi matatawaran ang takot na lumulukob sa kanya sa bawat paglipas ng araw. Kung sana, may paraan lang upang ma-reciprocate ang feelings niya, baka ginawa na niya iyon.
Bahala na.
Sa ngayon, sapat na sa kanya ang manatiling normal muna ang lahat sa pagitan nila ng kaibigan niya. Kahit na alam niyang tiyak na pahihirapan siya ng nararamdaman niya sa mga susunod na araw.
= = = = = =
MARAMING bisita na ang naroon sa bahay ng mga Ramos. Birthday kasi ng papa ni TJ at naroon si Livie nang gabing iyon dahil na rin sa imbitasyon ng mag-ama. Kasama niya ang kanyang ama sa naturang okasyon na masayang nakikihalubilo sa mga bisitang naroon. Nagtungo na lamang siya sa garden at pinagmasdan ang mga bulaklak na naroon. For some reason, hindi niya gustong makihalubilo sa kahit na sinong bisitang naroon.
"I knew I'd find you here."
Lihim siyang napapitlag nang marinig iyon at napalingon siya sa pinagmulan ng tinig.
"Bakit nandito ka?" tanong niya kay TJ nang makalapit ito sa kanya.
"Kanina pa kita hinahanap, eh. Magsisimula na ang celebration," anito at saka ngumiti na nagpabilis sa tibok ng puso niya.
Napalunok siya nang makitang lalo itong gumuwapo dahil sa ngiting iyon. He definitely looked handsome sa suot nitong long-sleeved light blue polo. Minsan lang niyang nakitang nagsuot ito ng semi-formal attire kaya hindi niya naiwasang hangaan ito sa mga sandaling iyon. Kadalasan ay nakikita niya itong naka-casual attire. Gayunman ay napakaguwapo pa rin nito hindi lang sa paningin niya kundi maging sa paningin na rin ng marami, lalo na sa mga kababaihang may gusto sa best friend niya.
Hindi pa rin siya natitinag sa kinatatayuan niya habang nakatingin kay TJ.
"Hoy! Gising ka ba?" untag nito.
Napapitlag siya nang marinig ang tinig nito. She then nodded hesitantly matapos abutin ng siyam-siyam ang utak niya sa pag-a-absorb sa tanong nito.
Kumunot naman ang noo ng binata at sinalat ang leeg at noo niya. Pinigil niyang huwag mapapiksi pagkadampi ng balat nito sa balat niya. Though it was quick, the warmth from his hand flowed to her entire body. It was a kind of warmth that touched her heart. Sana lang ay hindi iyon mahalata ni TJ.
"Wala ka namang sakit. Pero bakit parang wala ka sa sarili mo?" takang tanong nito habang nasa noo niya uli ang palad nito.
Pinalis niya ang kamay nito sa kanyang noo. "I-I'm fine. I was just thinking... about something," pagdadahilan niya upang hindi na ito magtanong pa ng kung anu-ano.
Baka mahalata nito na nagiging tensyunado na siya dahil lang sa paglapit nito. Mukhang palala na nang palala ang epekto nito sa kanya na tiyak niyang delikado na para sa puso niya.
"May problema ba?"
Umiling siya.
"O, wala naman pala. Come on. The celebration is about to start."
Wala na siyang nagawa nang hawakan nito ang kamay niya at hinila siya paalis sa lugar na iyon.
= = = = = =
LIVIE couldn't help but smile nang marinig niya kung kanino d-in-edicate ni TJ ang kantang ipe-perform nito as a present for his father's birthday.
"Alam ko, Dad, birthday mo ngayon. So I wanted to present this song as one of my gifts for you. But I also want to dedicate this to a special someone, as well. Kaya huwag kang magtampo, Dad," nakangiting pahayag nito, dahilan upang matawa ang mga bisitang nakikinig.
Seryoso na ang mukha nito nang magpatuloy. "Seriously speaking, I want to dedicate this song to a very special person in my life. Siya ang isa sa mga rason kung bakit nagagawa kong harapin ang mundo ngayon matapos mawala ang mama at papa ko. At gusto kong malaman niya na walang patid ang kaligayahan sa puso ko magmula nang makilala ko siya. To my dearest best friend..." Tumigil ito sa pagsasalita at saka tumingin sa kanya. "Livie, this is for you."
Walang pagsidlan ang mga emosyong nadarama niya ng mga sandaling iyon nang mag-umpisa na itong kumanta. Iyon ang first song na kinanta niya noon nang unag beses silang maging magkaibigan ni TJ—ang kantang "One Friend" by Dan Seals.
Ang kantang iyon ang naging theme song nila bilang magkaibigan. She couldn't help feeling happy and sad at the same time.
She was undeniably happy dahil ganoon kaimportante ang turing sa kanya ni TJ. Hindi niya akalaing ganoon siya kaimportante rito.
"Walang patid ang kaligayahan sa puso ko magmula nang makilala ko siya..." Those words were instantly engraved in her heart long before her mind managed to absorb it. She knew that it would stay there for a long time, no matter what happens.
But then, she couldn't help feeling sad, as well. Mahal na niya si TJ nang higit pa sa isang kaibigan at alam na niya iyon. Pero nakakalungkot isipin na hanggang "dearest best friend" lang ang turing nito sa kanya. She hated the idea. Ngunit wala na siyang magagawa. Though she hated the idea na siya lang ang nagmamahal na lumagpas na sa boundary ng pagkakaibigan at pag-ibig, she just have to deal with it.
Eh sa ganoon na lang ang trato sa kanya ni TJ, may magagawa pa siya siya? Maliban na lang kung siya ng magtapat ng nararamdaman niya rito. Ang kaso, hindi niya kaya. Wala siyang ganoong klaseng guts.
"If I had only one friend, I want it to be you..."
She sighed heavily. Then she closed her eyes after letting a tear escaped from it. But I don't want us to be just friends, TJ. I want us to be more than friends. Imposible ba iyon?
No comments:
Post a Comment