Monday, August 24, 2015

Journal entry — February 13, 2006

Nakakabuwisit iyong practicum namin kanina sa MAPEH at si AC pa ang naka-partner ko. Pero tama si Andrea. Deep inside, masaya ako and at the same time, kinikilig din. Kaya lang hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko iyong mga possibilities na, iyon nga, tulad ng sabi nina JN at ID, na nagka-crush si AC sa akin. At iniisip ko rin kung ano'ng magiging reaksyon niya tungkol doon sa sasabihin ni Andrea sa kanya.

***

Okay. Here's something weird, by the way. I checked the old list of the names of my classmates from that school year (yes, I still have that, believe it or not) para hanapin kung sino si Andrea at nang makita ko ang apelyido niya. I was thinking of putting just the initials again. However, there wasn't a name Andrea in the list. I checked — twice. Nothing. So posible ba na maling pangalan ang nailagay ko? Or was I talking to someone else who wasn't a part of the class? O puwede rin naman na second name niya 'yong Andrea. Whatever the case, mukhang may naging mystery pa sa old journal ko. What the heck?

As for this practicum, I'm pretty sure it was a dance. I mean, demonstration of folk dance positions, kung hindi ako nagkakamali. Of course, I could be wrong. Ang tagal na nito kaya hindi na ganoon kaklaro ang memorya ko pagdating sa mga events na nangyari.

No comments:

Post a Comment