Okay. I know, mukhang walang patutunguhang matino ‘tong post na `to. Pero since kailangan kong maglabas ng inis at sama ng loob (na thankfully ay hindi naman naipon sa dibdib), I guess I have to do this now. Wala rin namang matinong progress ang sinusulat ko, so ito na lang muna ang pagkakaabalahan ko.
Alam ko, marami sa atin ang na-disappoint sa mga pangyayari sa KalyeSerye ng Eat Bulaga kahapon (8-12-15). Isa rin naman ako sa mga iyon, eh. I even remembered na kinabahan talaga ako nang husto para sa magiging performance ni Miss Maine Mendoza sa studio para sa Bulagaan Pa More. Pero mas kinabahan talaga ako at isa sa mga libo-libong nag-anticipate ng pagkikita na dapat ng AlDub. But then, naisip ko rin na kapag nagkita nga sila kahapon, ano na ang kasunod? Parang agad na mawawala `yong natural na kilig na nabuo dahil sa tambalan nila.
Iniisip ko rin `yong hirap ng mga writer na nag-conceptualize ng Cinderella story peg para sa performance ni Yaya Dub. In fairness, ang ganda niya sa suot na gown. At kering-keri niya, ah. Haha! Naaliw talaga ako sa buong durasyon ng panonood ko ng EB kahapon. Kahit `yong mga host, parang hindi makahinga nang maayos habang nag-aabang ng mga kaganapan. And my heart broke nang makita ko silang talagang napaiyak dahil sa kinalabasan ng KalyeSerye. Para lang silang mga ordinaryong manonood sa bahay na nag-aabang ng mga susunod na pangyayari sa inaabangan nilang teleserye. Advantage na rin siguro na talagang hindi nila inaalam ang mga susunod na pangyayari, `no?
But seriously speaking, this post has another purpose. Gaya nga ng sabi ko, gusto kong maglabas ng sama ng loob. Kahit panandalian ko lang naman talagang naramdaman iyon. Ewan ko ba. Feeling ko, hindi ako marunong magalit at mainis nang matagal. Well, maliban na lang sa nararamdaman ko when it comes to my father. Pero forget it na lang iyon. Ayokong pag-usapan ang tungkol doon.
Yesterday, sinabi na sa akin ng boss ko na since hindi naman gaanong kumikita ang center, kailangan na niya akong i-let go. Well, that’s one reason kung bakit ganoon. Secondly, sinabi rin niya na disappointed siya sa akin sa naging attitude ko sa work. Not that I violated any rules or anything at all. Pero napapansin daw niya kasi na parang wala akong initiative sa trabaho at hindi ko raw ito priority. May mga times daw na parang lumilipad ang isip ko kahit nasa trabaho.
I came to realize na totoo iyon. Madalas talaga na nasa iba ang isip ko. Particularly sa kagustuhan kong maging isang full-time writer. Pero ewan ko ba kung bakit parang hirap akong patunayan ang sarili ko na kaya kong gawin iyon. As to this day, dadalawa pa lang naman ang approved MS ko. `Yong isa, malalaman ko pa ang verdict next week, August 18. The next manuscripts after those two approved ones, nasundan pa ng dagdag na returned. Ako naman, siyempre, sobrang nadismaya. Pero ewan ko ba kung bakit sige lang ako ng sige sa pagsusulat. Alam ko na ito talaga ang gusto kong gawin. Pero hindi naman puwedeng dito lang ako umasa.
Ang problema lang sa akin, hindi ko talaga makita ang sarili kong nagtatrabaho sa isang office or doing office-related works. As I view myself in a bigger picture, mas nakikita ko ang sarili ko na nagta-travel while doing the one thing I love the most, and that is writing. At that point, nararamdaman ko talaga na hindi meant para sa akin ang makulong sa opisina.
Magtu-24 na ako this August 30, pero heto, hindi ko pa rin mahanap ang sarili ko sa reality. And seriously, that sucks! `Kainis!
No comments:
Post a Comment