TENSYUNADO at tila nakakailang na katahimikan ang tanging nakapalibot kina Czarina at Seth na naroon pa rin sa tabi ng lawa. Siya ay nakaupo sa tuktok ng malaking bato samantalang si Seth ay nakasandal lang ang likod sa kaliwang gilid niyon. Manaka-nakang napapatingin sila sa isa't-isa pero agad din iniiwas kapag nagsasalubong ang mga tingin nila. They were in their mid-20s, for Pete's sake! Pero kung umakto sila, para silang mga teenagers.
Kagat-labing tinitingan na lang niya ang naka-bookmark na bahagi ng journal na hawak niya. Nakalagay ang isang floral bookmark sa bahaging kinalalagyan ng litrato nilang dalawa ng batang Seth.
Hindi pa rin talaga niya maintindihan kung paano siya nagawang mapanatili ni Seth sa lugar na iyon dahil sa pakiusap nitong iyon. Hindi niya nagawang tugunan ang sinabi nito. Namalayan na lang niya ang sariling umaakyat sa malaking bato at naupo roon. Pinakiramdaman na lang niya ang mabining pag-ihip ng hangin mula sa lawa habang nag-iisip ng susunod na gagawin o sasabihin sa taong malaki ang maaaring maitulong sa kanya.
Kaya lang, ginagawa na niya iyon ng humigit-kumulang tatlumpung minuto. Para bang wala ni isa sa kanila ang may balak maunang magsalita upang basagin ang katahimikang iyon. Pero sa totoo lang, hindi na niya matagalan iyon.
"What made you decide to stay?" Ang mahinang tanong na iyon ni Seth ang tuluyang bumasag sa katahimikan nilang dalawa.
Napatingin siya rito. It startled her to see that Seth was actually staring at her from his position with head raised.
"Hindi ko alam," pag-amin niya saka nag-iwas ng tingin rito. "Isa iyan sa mga tanong na hindi ko pa mahanapan ng sagot." Bumuntong-hininga siya at saka tiningnan ang journal na hawak. "Pero... alam kong mahalaga sa ating dalawa ang lugar na ito. Dito tayo nagkakilala, 'di ba?"
"Naaalala mo?"
Umiling siya at napatingin kay Seth. "Sana nga naaalala ko na. Para naman hindi ganitong nangangapa ako sa dilim. Hindi ganitong puno ang isipan ko ng mga katanungan. At hindi rin sana ganitong hindi ko maituloy ang isang bagay na dahilan kung bakit nag-aalinlangan ako ngayon."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"I'm totally confused." Napangiti siya nang malungkot. "Hindi ko alam kung matutulungan ba ako ng journal kong 'to noon para malaman ang mga sagot na hinahanap ko."
Hanggang sa mapaisip siya. How did she manage to blurt out all that to a stranger? Wait... Seth wasn't a stranger, according to him and her cousin. Pero hindi ito nakikilala ng isipan niya. Ibang usapan nga lang pagdating sa puso niya. May uri iyon ng pagkabog na tila nagsasabi sa kanya na kilala niya ito. Na may malaking bahagi ito sa buhay niya.
At iyon ang kailangan niyang malaman.
"Do you need any help?" kapagkuwa'y tanong ni Seth. Lihim niyang ikinagulat iyon. "Your journal isn't the only thing that could help you at least remember something, Czarina. I'm willing to help. That is, if you're willing to trust me despite..." Hindi na nito itinuloy ang sinasabi nito. Sa halip ay tumingin na lang ito sa lawa.
Napipilan siya. Hindi niya mahagilap sa isipan ang tamang sasabihin. Pero naintindihan niya ang gusto nitong ipunto. Knowing that, she realized that her old journal wasn't the only one that could help her. There were others, as well. At isa na nga roon si Seth Alarcon—na nalaman niyang kababata't unang pag-ibig din pala niya na nagbigay ng lavender shawl na paborito niyang gamitin sa bawat gabing lumilipas.
It was just a matter of actually allowing him to help her at least recall those lost memories. Could she really trust him with that? Katahimikan ang muling bumalot sa kanilang dalawa. Sa gitna ng pagdedebate ng kanyang isip at puso kung magtitiwala ba siya kay Seth o hindi, napatingin siya sa lalaki. Ang matamang tingin nito ang tuluyang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na sundin ang desisyong nabuo matapos ang debateng iyon.
"Then... let's start, from the beginning."
=========
STARTING everything from the beginning, as Czarina wanted it to happen, wasn't an easy task. Especially if her mind won't cooperate with her most of the time. Pero hindi sapat iyon upang agad siyang panghinaan ng loob. Lalo pa't may isang taong walang kaabog-abog na tumutulong sa kanya hanggang sa mga sandaling iyon. Kaya naman kahit madalas na malabo, okay lang sa kanya.
Kasama si Seth Alarcon at ang journal niya, inisa-isa nila ang mga lugar na naging bahagi ng kanilang kabataan at kanyang nakaraan. Bagaman may kalabuan ang ilang mga alaalang nagsisidatingan sa kanyang isipan, masaya pa rin siya na may naaalala siyang mga pangyayari sa mga lugar na iyon. Ikalawang araw na iyon at talaga namang progress na matatawag iyon para sa kanya. Bakas din sa mukha ni Seth ang katuwaan kapag may naaalala siya, lalo na kapag patungkol iyon sa binata.
Noong una, hindi niya maitatangging naiilang siya at hindi nawawala ang matinding kabog ng dibdib niya dahil sa presensiya ni Seth. But it didn't offend him in any way at all. In fact, he understood that it won't be easy for her to trust him. Kaya lang, batid niyang hindi nagawang itago niyon ang sakit ng katotohanang talagang nalimutan niya ang nakaraan nila ni Seth. Halata iyon sa malayong tingin at nostalgic na mga ngiti nito kapag pinupuntahan nila ang mga lugar na malaki ang kinalaman sa kabataan nila. Hanggang tingin lang ang kaya niyang igawad dito dahil hindi naman niya alam kung paano papawiin ang lungkot at pait na nakikita niya sa mga mata nito.
"Salamat nga pala ulit sa pagsama mo sa akin ngayon, Seth," aniya habang dahan-dahan nilang tinatahak ang haba ng dalampasigan ng Altiera.
Dapit-hapon na iyon at natapos na naman ang araw na iyon na ito ang kasama niya.
"I'm starting to hate hearing those words from you, you know," may bahid ng birong tugon ng binata na ikinangiti naman niya.
"But I really want to say it. Kahit alam kong mahirap para sa iyo 'tong ginagawa mo, you're still here with me. Napakalaking bagay na iyon para sa akin, kung alam mo lang."
Napatigil siya sa paglalakad nang maramdaman niya ang paghawak ni Seth sa kamay niya, dahilan upang mapatingin siya rito.
"I told you I'd help you, right? Kaya wala kang dapat ipagpasalamat. Besides, it was my fault, as well. I didn't come back here as early as I could. Nahuli ako sa pagtupad ko sa pangako ko sa iyo noon." His hold on her hand slightly tightened. But it didn't hurt her.
And there it was again—the hurt in his eyes as he berated himself for returning too late.
Namalayan na lang niya ang sariling hinahaplos ang pisngi nito na halatang ikinabigla ni Seth kung ibabase niya sa biglang paninigas nito. Pero wala itong ginawang anuman para alisin ang kamay niyang iyon.
"I don't blame you, Seth. Besides, we could still start over. Alam ko na kahit papaano, magiging unfair ako sa sinasabi kong ito sa iyo. Pero sa sitwasyon ko, wala talaga akong choice kundi ang magsimulang muli. Iyon lang ang paraan para magawa kong hanapin ang sarili ko, lalo na ang mga alaalang tinangay ng aksidenteng iyon sa akin," aniya.
Hindi nagtagal ay hinawakan ng isang kamay ni Seth ang kamay niyang nasa pisngi nito. The way he held her hand truly proved that he actually missed her. Nagbigay iyon ng 'di maipaliwanag na tuwa sa puso niya. They stayed like that for a few minutes as the sun slowly set on the horizon. The sad color of the setting sun only emphasized the melancholic and wistful mood surrounding Czarina and Seth. Yet it marked the moment of their long-awaited reunion, no matter how awkward or distant their hearts were feeling from each other.
"I'm just glad you came back, Seth... especially now that I truly needed someone like you the most," anas niya habang nakatingin sa mga mata ni Seth.
Isang mahigpit na yakap lang ang naging tugon ng binata.
=========
"ANG GANDA ng dagat, 'no?"
Napangiti na lang si Czarina at hinarap si Seth na kasalukuyang nakatingin sa paglubog ng araw. It was another day of memory hunting done for her. She recalled a few yet blurry images from her missing past. Pero ang mga tunog na naririnig niya mula sa mga malalabong alaala na iyon ay malinaw na rumerehistro sa kanya.
At hindi naman siya nabigo na ilan sa mga iyon ay patungkol sa kanila ni Seth.
"Ito naman, hindi man lang sumagot. Para tuloy akong walang kasama ngayon."
Nagkaroon ng tunog ang ngiti ni Czarina na lalong ikinasimangot ni Seth. Ano ba'ng meron at bigla-bigla yata ay nakikita niya ang side na ito ng binata ngayon? "You're acting weird. Do you know that?"
"Yeah, I know. Kaya ko nga ginagawa ito because this is the side of me that I never showed to the world after I left you 13 years ago."
So walking down the memory lane na naman pala ang drama nito. "You're making the mood worst again."
Bumuntong-hininga ito at hinarap siya. "Then we'll just have to make it better. Come on!"
Hindi na napigilan pani Czarina si Seth nang bigla ay hilain siya nito at naglunoy sila sa tubig-dagat. Gusto niyang mainis dahil sa walang pasabing pagsaboy nito ng tubig sa kanya. Pero agad ding naglaho iyon dahil sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng binata. How could his smile do something like that to her in an instant?
"Natahimik ka na naman. Did you remember something?"
Umiling siya at walang pasabing binasa ito ng tubig-dagat.
"Hey!"
"Bayad lang iyan sa paghila mo sa akin dito," nakangiting aniya.
"Ganoon, ha?"
Napatili siya nang buhatin ni Seth at dire-diretso siyang dinala nito sa may kalalimang bahagi ng dagat.
"Seth, stop it! Ibaba mo na ako. Magkakasakit tayo nito, eh."
Pero tila walang narinig ang binata. Before she knew it, marahan na siyang ibinaba nito at tuluyan nang malubog ang hanggang dibdib na bahagi ng katawan niya sa dagat. Nalaman niya na ganoon ang lalim ng bahaging pinaghintuan nila ni Seth. She shivered at the coldness of the seawater as soon as he put her down.
"There... Ibinaba na kita," usal ni Seth kapagkuwan.
Napatingin si Czarina kay Seth na kasalukuyang nakayapos ang mga kamay sa baywang niya at matamang nakatingin sa kanya.
"B-bakit mo naman ako binitbit hanggang dito?" pabirong tanong niya kahit alam niyang pilit iyon. His intense stare was truly making her heart restless. Napalunok tuloy siya. "A-and why are you staring at me like that?"
"Masama ba? I just missed you so much, that's why."
Ramdam niya ang sinseridad sa sinabing iyon ni Seth. But she also felt the pain and longing in his words. Hindi niya maintindihan kung bakit tila patalim iyon na tumarak sa puso niya pagkarinig niyon.
"Ano'ng gagawin ko, Czarina? Miss na miss na talaga kita. Bakit kasi kailangan pang mawala ang mga alaala mo?"
"Seth..." Ano ba'ng nangyayari sa lalaking ito at ganito ito kung magsalita ngayon?
"Gustung-gusto ko na talagang tuparin ang ipinangako ko bago ako umalis dito 13 years ago. God knows how much."
Pangako? Ano naman kaya iyon?
Soon after, the pain she saw in his eyes disappeared but not the sadness.He smiled at her as he pulled her close that made her gasp at the closer contact. Walang sinabi ang lamig ng tubig sa init na nagmumula rito na nararamdaman niya.
"O, huwag kang matakot. Kailangan lang kitang hawakan nang mahigpit dahil lumalakas ang paghampas ng mga alon."
Czarina chuckled. "At gumawa ka pa talaga ng dahilan para lang itago mo ang katotohanang tsinatsansingan mo lang ako."
"Anong tsansing ang pinagsasasabi mo riyan? Baka ikaw nga itong nananantsing sa akin, eh. Tingnan mo nga, mas mahigpit pa ang hawak mo sa akin."
"Ang kapal ng mukha nito!" bulalas niya sabay hampas sa dibdib ni Seth nang ilang ulit.
"Hey, stop it! Matatangay ka ng alon, sige ka." Pero tatawa-tawa lang ito habang sinasabi iyon.
Hindi niya pinansin iyon at napagpatuloy sa paghampas dito. Hanggang sa namalayan niya ang sariling napasubsob sa matipunong dibdib nito at mahigpit na niyayakap.
"I guess this will make you stop hitting me," bulong ni Seth sa tapat ng tainga niya.
Nagbigay iyon ng kakaibang kilabot kay Czarina at napalunok siya, lalo na nang maramdaman niya ang pagtama ng hininga nito sa balat niya. She could hear his heart beating loudly. Unti-unti ay tila siya idinuduyan niyon. Natagpuan na lang niya ang sariling itinatapat ng tainga sa dibdib nito at napapikit. Pagbibigyan niya ang sarili na pakinggan ang pagtibok na iyon na sumasabay sa bilis at lakas ng tibok ng puso niya.
Then she wondered—could Seth hear it? Would he realized that it was only reacting like that whenever she was with her? Sana nga.
"I made the right decision in dragging you here, after all. Nagkaroon na naman ako ng dahilan na yakapin ka nang ganito katagal."
Napangiti si Czarina sa tinurang iyon ni Seth. Magkaganoon man, parang gusto niyang sang-ayunan ito. "Huwag mo lang akong sisisihin kapag nagkasakit ka sa ginawa mong 'to. Ikaw ang may pakana nito, baka nalilimutan mo."
The sound of his laughter was music to her ears, enough to make her heart flutter.
========
"PAMBIHIRA ka rin, 'no, Pare? Nabakasyon ka lang, hindi mo na naisipang magparamdam man lang? May balak ka bang magpaka-ermitanyo riyan sa pinagbabakasyunan mo, ha?" nanggagalaiting salubong ni Chris kay Seth na ikinangiwi na lang niya.
Katatapos lang niyang mag-shower pagkauwi sa resthouse kung saan siya naglalagi sa pagbabakasyon niyang iyon. Dumiretso na siya roon matapos niyang ihatid si Czarina sa bahay nito pagkagaling nila sa tabing-dagat at nangakong magkikita sila nitong muli kinabukasan. Iyon ay kahit sabihin pang kailangan rin ng katawan niya ng pahinga. At hot shower na rin dahil nilamig siya sa ilang minutong paglulunoy nila ng dalaga sa tabing-dagat. Gayunpaman, hindi niya pinagsisisihan ang ginawang iyon.
"High blood ka na naman. Daig mo pa ang nanay kung magwala ka riyan, ah." Nakuha pa talaga niyang magbiro.
"Paano naman kaya ako hindi magwawala rito, eh umalis ka na hindi man lang nagpapaalam?"
"Nagpaalam naman ako sa iyo a week before that, right?"
"Sira! Sinabi mo lang na may kailangan kang asikasuhin kaya mo naisipang magbakasyon. Pero maanong magpaalam ka sa amin nina Josh at Jim on the day of your departure para naihatid ka man lang namin sa airport o sa bus station." Sina Jim at Josh na tinutukoy ni Chris ay ang dalawa pa nilang kaibigan.
Napakamot na lang siya ng ulo at nagtungo sa veranda ng kanyang silid. Subalit natigilan siya sa akmang paglabas.
"Czarina..." sambit niya sa pagkagulat.
Nakita niya na nakaupo sa balustrade si Czarina, malapad ang ngiting nakatingala sa madilim sa langit. Suot nito ang lavender shawl na kung hindi siya nagkakamali ay ibinigay niya sa dalaga bago siya umalis sa Altiera thirteen years ago.
Come to think of it, nasa posesyon pa rin ba ni Czarina ang shawl na iyon kahit ngayong hindi na siya naaalala nito? Did she do what he'd told her about wearing it every night whenever she felt cold?
"Okay ka lang, Seth?" untag ni Chris sa kabilang linya.
Napakurap na lang siya at muling napatingin sa balustrade ng kanyang veranda. Only to be disappointed upon realizing that what he saw was just a vision and nothing else. What in the world was going on with him?
"I-I'm fine. I just... got distracted." Well, it was the truth.
"Ng alin? Babae?"
"Ha?" Ano'ng pinagsasabi ng kaibigan niyang ito?
"I heard you say the name 'Czarina', so I was thinking na may nakita kang babae sa kung saan. Sino 'yon, girlfriend mo?"
"Nang-aasar ka lang talaga, 'no? Ni hindi n'yo nga ako mapalabas ng opisina nina Jim at Josh para makipag-date, 'tapos sasabihin mong may girlfriend ako. Ikaw yata ang sira sa ating dalawa, eh."
Halakhak ang sumunod na sumalubong sa pandinig niya mula sa kabilang linya. Napangiti na lang siya.
"Pero alam mo, Czarina rin ang pangalan ng nililigawan ko for two years," imporma nito na nagpakunot ng noo niya.
Nakaramdam din siya ng 'di maipaliwanag na pagkabog sa dibdib niya dahil doon. Pero para saan iyon? Bakit nakaramdam siya nang ganoon?
"T-talaga?"
"Yeah. Her name is Czarina Almendarez. You should meet her one of these days. Then you'll know the reason kung bakit ako nakatagal nang dalawang taon sa panliligaw sa kanya. Sayang nga lang at may kaunting problema kaya hindi ko pa rin siya mapasagot hanggang ngayon. She has amnesia dahil sa aksidente three years ago..."
The rest of Chris' words turned gibberish in his head as he finally realized what made his heart pound like that. Paano ba niya sasabihin sa kaibigan na matagal na niyang kilala ang Czarina Almendarez na tinutukoy nito? And worse, mukhang magiging karibal pa yata niya ang sariling kaibigan sa babaeng mahalaga sa kanilang dalawa.
Paano nagkaroon ng ganitong komplikasyon sa sitwasyon nila?
No comments:
Post a Comment