Thursday, August 27, 2015

Finding A Special Heart - Chapter 5

"ALAM mo, nakakainis ka na. Sa totoo lang."

Napansin ni Czarina na tila napapitlag si Seth nang marinig nito ang sinabi niyang iyon. Well, she said it on impulse and was meant to be a joke. Iyon ay dahil na rin sa kakaibang ikinikilos nito kanina pa mula nang sunduin siya nito. Lagi na lang itong wala sa sarili. Kahit naman siguro sino ay maiinis kapag napansin iyon.

And yet she couldn't deny that she was worried for him because of that. Ano kaya ang nangyari at ganoon ang ikinikilos nito nang mga sandaling iyon?

"I'm sorry," tanging nasabi ni Seth at saka bumuntong-hininga.

Something's definitely wrong. "You know, hindi ko tuloy maiwasang isipin na pinoproblema mo na ang pagsama-sama mo sa akin," nakasimangot na saad niya.

"What? No! That would never happen."

It looked like she got his attention. "Eh bakit ilang araw ka nang wala sa sarili mo? Alam mo, kahit sino, iisiping napipilitan ka lang. Kasama nga kita, pero wala naman dito ang isipan mo."

Hindi umimik si Seth, tila tinamaan sa sinabi niya.

"It's not that I was forced to do this. Hindi ko lang talaga maiwasang mag-alala tungkol sa... mga bagay-bagay."

"Halata namang may iniisip ka, eh. Kaya nga lagi kang wala sa sarili mo. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala para sa iyo." And then it hit her. What in the world did she say to him?

"Nag-aalala ka sa akin?"

Napansin niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito, pati na rin ang pagngiti nito. Pero alangan namang bawiin pa niya ang mga sinabi niyang iyon? Totoo naman ang mga iyon.

"Bakit? Masamang mag-alala para sa iyo? Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng pag-aalala, 'no? That's what friends do, right?"

"Oh..." At bumalik ang pagiging seryoso ng mukha nito. Idagdag pa na tila may dumaang lungkot sa mga mata nito.

Ano ba 'to? May nasabi pa yata akong hindi maganda, ah. Ngali-ngaling pukpukin niya ang ulo nang paulit-ulit. Hindi nakaligtas sa kanya ang paghinga nito nang malalim. Seriously, ilang beses na ba nitong ginawa iyon sa araw na iyon?

"What's that on the box?" tanong ni Seth kapagkuwan. The look on his face was passive.

Napatingin siya sa box na hawak niya. Saka lang niya naalala na may dala-dala pala siya. Iniabot niya iyon dito. "I made this for you."

"For me?" With a skeptical look, he took it from her hand.

Pero sa dagling pagdidikit ng mga daliri nila, that same electric sensation she always felt whenever their skin touched coursed through her veins. Hindi nga lang alam ni Seth na ang kasabay niyon ay ang biglang pagwawala ng puso niya. Ang weird nga, eh. Their fingers just touched. How come she had to feel all that?

Hindi niya maiwasang kabahan habang tinitingnan nito ang laman ng cake box.

"Wow! A sponge cake. Favorite ko 'to, ah," natutuwang saad nito at saka siya tiningnan. "Ikaw ang gumawa nito? Thank you. You have no idea how long it has been since last ate sponge cakes."

"I'm glad you like it." Nakahinga siya nang maluwag. Sa totoo lang, ilang oras pa niyang pinag-isipan bago siya umalis sa kama kung anong klaseng cake ba ang gagawin niya. Until she remembered an entry written in her journal about Seth's favorite dessert.

When they reached the lake where they decided to stay for a while, kapansin-pansin sa kanya ang kakaiba namang kasiyahan nito habang hawak-hawak ang cake box. Hindi tuloy niya napigilang matawa, bagay na napuna ni Seth at napatingin sa kanya.

"What's so funny?"

Sinikap niyang pigilan ang tawa niya at saka ito hinarap. "Kung alam ko lang na cake pala ang makakapagpabago ng mood mo, noong isang araw pa ako siguro dapat nag-bake niyan."

Natawa na rin si Seth. Pero sapat naman ang tawa nitong iyon upang makaramdam na naman siya ng pagwawala ng puso niya. Ano ba 'to? Tumawa lang ang lalaking ito, ganoon na ang reaksyon ng puso niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya, eh.

"Siguro nga, dapat ginawa mo na iyon noong isang araw pa. That way, wala na akong inaalalang kung ano."

"I guess it's too big of a problem para magkaganyan ka."

"Sort of, since it involves two of the most important people in my life," makahulugang wika nito.

Napakunot-noo naman siya. Parang may iba siyang pakiramdam sa sinabi nitong iyon.

"Huwag mo nang alalahanin iyon. I'll be able to think of a solution about that... I think." At saka siya tinulungan nito na umakyat at umupo sa malaking bato.

Pero sa totoo lang, parang malabo yatang magawa niya ang gusto nitong mangyari na huwag mag-alala para rito.

=========

MALI nga siguro para kay Seth na isipin pa nang husto ang pinoproblema niya pagdating sa nararamdaman ng kaibigan niya sa babaeng matagal na niyang mahal. Pero hindi rin niya mapigilang isipin na mali ring maramdaman pa niya ang pagmamahal na iyon gayong ang kakompetensiya niya sa puso ni Czarina ay ang kaibigan pa niya mismo.

So ano nga ba ang tama?

Iyon ang tanong na hindi niya mahanapan ng kasagutan sa nakalipas na mga araw pagkatapos ng tawag na iyon ni Chris sa kanya. Patuloy na nagugulo ang isipan niya. And to think even Czarina would notice it...

It was also making her worry. Sa totoo lang, nagbigay iyon sa kanya ng 'di maipaliwanag na saya sa puso niya. Para bang bumabalik siya sa nakaraan kung saan hayagang ipinapakita nito ang pag-aalala sa kanya kapag may bumabagabag sa kanya. It was just a simple declaration. But the effect it gave him was colossal.

"'Ayan ka naman, eh. Paano kaya ako hindi mag-aalala sa ginagawa mo?"

Napangiti na lang siya sa kabila ng pagpitlag niya sa narinig mula kay Czarina. How could this one woman's pouting expression made him feel elated? Mali pa rin ba na maramdaman niya ito para sa babaeng mahal ng kaibigan niya?

"Don't pout. Nawawala ang ganda mo kapag nakanguso ka."

It was meant to be a joke. But for some reason, it made her blush. Lalo siyang napangiti sa nasilayan. Was he creating some effect on her to see such reaction?

"Pansinin mo na nga lang 'yang cake na hawak mo. Hindi 'yong nakukuha mo pang mambola gayong problemado ka na nga't wala pa sa sarili mo." Nag-iwas ito ng tingin kapagkuwan.

He looked at the cake box on his lap. Inside of it was a sponge cake that Czarina made just for him. Sino naman ang hindi sasaya sa isiping iyon?

For now, he would just shrug off those thoughts that made him worry. Ang pakaiisipin na lang muna niya ay ang lubus-lubusin ang mga sandaling kasama niya si Czarina kahit ganitong iilan pa lang ang naaalala nito tungkol sa kanilang nakaraan.

"Hati tayo?" he offered.

Though she looked surprised, it vanished soon after and nodded with a wide smile. Her smile soon dissipated the rest of his worries followed by his heart soaring high.

=========

"HAVE you watched stars like this?"

Napatingin si Czarina kay Seth na kasama niyang nakahiga sa hood ng sasakyan nito habang naroon sila sa dalampasigan kung saan nito ipinarada iyon. Gabi na iyon at sa totoo lang ay dapat pauwi na siya sa bahay. Pero bigla siyang niyaya ni Seth na mamasyal sa dalampasigan. He said that maybe she would be able to remember something if they did one of the things they usually do together when they were young.

And that would be stargazing while lying on the hood of the car.

Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan ng lalaking ito at nag-suggest ito nang ganoon. But it wouldn't hurt if they do it since it could truly help her.

Maybe...

"I only watched the stars kapag gusto kong kumalma. Pero sa totoo lang, hanggang doon lang iyon. At nag-i-stargazing lang ako sa veranda ng bahay namin." Hinarap ni Czarina si Seth. "Have we done something like this before?"

Tumango ito. "Pero hindi sa hood ng sasakyan kundi sa bubong ng bahay n'yo. Madalas pa nga tayong abutan ng parents mo na nakatulog na roon, eh." Kasunod niyon ay pumailanlang ang tawa ni Seth.

But the things he said only gave her even more sadness and frustration. Bagaman ramdam niya na totoo ang mga sinasabi ni Seth, masaklap pa rin na wala siyang maalala sa mga iyon. Muling napatingala sa langit si Czarina. Hindi niya gustong ipakita ang kalungkutan at pagkadismayang tiyak na nakapaloob sa mga mata niya. At sa pagtinging ginagawa niya sa mga bituin, kasabay niyon ang pagsigid ng sakit sa kanyang ulo. Napapikit siya nang mariin at hindi na niya napigilang mapaungol sa tindi ng sakit.

"Czari? What's wrong?" Napaupo si Seth at dinaluhan ang dalaga na hindi na naitago ang pagtitiis sa sakit.

Pero wala siyang anumang tugon sa tanong nito. Sinisikap pa rin niyang tiisin ang pananakit ng kanyang ulo. But soon after, she found herself seeing flashes of different images in her head. She could also hear laughter and fun-filled voices between two young people. Hindi na niya kailangang itanong sa sarili kung sino ang mga iyon.

"You're remembering something again?" tanong ni Seth na halata sa tinig ang matinding pag-aalala.

Napaluha na lang si Czarina bago naramdaman ang unti-unting paghupa ng pananakit ng kanyang ulo. "This is the first time recalling something I've forgotten would give me this pain."

Seth was looking at her with worried eyes. Moments later, he pulled her to an embrace so tight and yet soothing at the same time. The way he caressed her hair seemed enough to ease her pain. Iyon ay kahit wala siyang kaide-ideya kung paano nito nagagawa iyon.

"Don't force yourself. Ayoko sa lahat na nakikita kang nasasaktan nang husto. I don't want to see you crying like this. I'm sorry. I think I'm the one who'd given you this pain."

"Mabuti na 'yong ganito kaysa naman wala. At saka inihanda ko na ang sarili ko tungkol dito. So don't worry." Nag-angat siya ng tingin matapos niyang ilayo ang sarili rito nang bahagya. "How would I be able to thank you?"

"Just do that when you've recovered your memories, okay? Higit pa sa sapat na kabayaran para sa akin ang maalala mo na ang lahat, lalo na ang mga namagitan sa atin thirteen years ago."

That means matagal-tagal pa pala bago niya ito magawang pasalamatan nang husto. But if that would really mean so much to him, then she'd do everything she could to retrieve her lost memories. Para na rin sa ikapapanatag nilang dalawa.

For that moment, she'd allow herself to remain with Seth as he embraced her once more. She'd enjoy the feeling of those strong arms wrapped around her that truly calmed her down despite her heart beating so fast and merging with the sound of his heartbeat.

No comments:

Post a Comment