Sunday, August 30, 2015

Patience in Waiting for “Tamang Panahon” (Thoughts On AlDub/Kalyeserye Episode 39)

As I sit here writing this, hindi ko mapigilang matawa. This has something to do with KalyeSerye’s episode 39 last Saturday kung saan ipinagawa na rin ni Lola Nidora ang second challenge niya kay Alden. Hindi na ako nagulat na beast mode na naman ang AlDub fans dahil sa official hashtag for that day (#ALDUBMaiDenHeaven) and of course, the episode itself. I agree with Sir Joey de Leon’s tweet that this is one of AlDub’s best hashtags. Sino ba naman ang hindi kikiligin at mai-in love sa HT na `to, eh ginamit lang naman nila ang dalawang official fandom name ng love team na ito sa iisang HT lang, `no? Kung wala lang akong kaagaw sa computer at internet, baka nakisali na ako sa twitter party na `to last Saturday. Hahaha!

But the real issue here in my post comes from an FB status and a few comments na nabasa ko sa FB newsfeed ko. May isang post kasi akong nabasa na na-hopia na naman sila dahil hindi pa rin nagkikita sina Alden at Yaya Dub (Maine) last Saturday. Hindi na raw niya nagugustuhang pinaghihintay na naman daw siya sa wala at nagsasawa na raw siya na pare-pareho na lang ang kantang ginagamit at pinapatugtog sa serye. Idinagdag pa niya na wala rin daw sense na ipakita pa ng KalyeSerye ang mga parangal ni Lola Nidora tungkol sa challenges and responsibilities of love whatsoever na `yan dahil itinuro na raw sa kanya iyon ng mga magulang niya.

And then I thought, may punto nga naman siya. But the real question here is, kung talagang itinuro iyon ng mga magulang natin, are they even implementing it in real life situations? Sa nakikita ko kasi ngayon, lahat na lang ng bagay, minamadali. I’ve been in situations before na gusto ko, madalian ang lahat. Hindi kinakaya ng patience ko ang maghintay ng matagal. But even before KalyeSerye was born, may mga bagay pa rin akong matiyagang ipinaghihintay. If you’re an aspiring writer (for one), alam mo na ang ibig kong sabihin na puwedeng application ng patience in waiting.

As for me, nakaka-relate ako sa mga parangal ni Lola Nidora. In fact, medyo istrikto at sabihin na nating makaluma (pero sobra naman) ang Papa ko. Ang Mama ko naman, ibina-balance ang sarili sa makaluma at makabago. One strict rule na sinabi nila sa aming magkakapatid (na puro babae), kapag may gustong manligaw sa amin, sa bahay umakyat ng ligaw. Hindi sa kalye. That way, magagawa nilang kilatisin ang taong iyon kung totoo bang seryoso siya o baka naman nagbibiro lang at feel lang makipaglaro. Isa pang lesson ni Lola na talagang nakaka-relate ako, ang pagmamadali sa pag-ibig. I think that’s one reason kung bakit NBSB pa rin ako ngayon. May mga crushes ako before, pero hanggang doon na lang iyon.

Anyway, as for my personal opinion with regards to the August 29 episode of KalyeSerye, alam ko na talagang hindi pa rin magkikita sina Alden at Yaya Dub (Maine) on that day. Naramdaman ko na when I watched August 27’s KalyeSerye episode na 6th weeksary naman ng AlDub. Reading between the lines sa mga sinabi ni Lola Nidora kay Alden with regards to the rules na kailangan niyang gawin tungkol sa additional pasalubong galing Bicol na laing at pinangat, it’s already understood na dadalhin ni Alden iyon kay Lola personally. But it doesn’t actually imply na kasama ni Lola si Yaya Dub sa meet-up na iyon nina Lola at Alden. Of course, there is that expectation na posible talagang magkita ang dalawa dahil nga dapat (and usually) magkasama ang mag-amo at all times, lalo na sa labas. But a lot of things can happen, can be planned and can be decided sa mga sinabi ni Lola. The three split screen alone already gave answer as well na walang pang pagkikitang magaganap kina Alden at Maine.

Ewan ko ba sa mga tao ngayon. Talamak na ang pagiging impatient. Madali na ring magsawa. Seriously speaking, ang KalyeSerye na `to ang susubok sa patience ng isang tao (especially sa mga AlDub fans and viewers) sa paghihintay sa tinatawag nilang “tamang panahon”. Oo, hindi talaga maiwasang ma-hopia kasi nga excited. Gustong lubus-lubusin ang kilig. Kung sa real life nga, may nagde-date na mga couples na umaabot pa ng ilang taon bago mag-settle down kung talagang alam na nilang ready na sila for that, sa love story pa kaya ng AlDub sa KalyeSerye?

Kumbaga, pakaisipin na lang natin na ganito rin ang set-up ng AlDub. Let’s make them a couple already. Kunwari lang, ha? For example lang naman. Every day or every episode, disregarding the interconnected events and just focus on the kilig moments, i-equate natin iyon sa months. Masyado kasing matagal `pag years, eh. Hehe! `Yong palitan nila ng flowers and messages (including songs by dubsmashing), i-consider natin iyon na mga dates nila at moments nila together as a couple. Then si Lola and the other characters to appear in the series, siya ang representation ng trials at turn of events na pagdadaanan ng AlDub in each month. Maraming puwedeng mangyari sa paglipas ng mga buwan, kagaya rin ng twists na inilalagay ng mga writers sa kuwento ng AlDub tuwing tanghali kapag segment na ng Juan For All, All For Juan. Hindi natin alam kung ano ang mga iyon, kagaya ng mga hosts ng EB na hindi alam at hindi nila inaalam ahead of time kung ano ang posibleng mangyari sa magkasintahan (or should I say nagliligawan?) at sa episode din mismo.

Ganoon din tayo. Hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari. We might have a guess as to what could possibly happen, pero hindi nangangahulugan iyon na ganoon nga ang mangyayari. Sa dinami-rami ng mga possible twists sa buhay natin, we could never really guess the future events. And here comes `yong sinabi nila at pinakaaabangan nating “tamang panahon”. Ito kumbaga `yong moment of truth ng magkasintahan na nalagpasan ang pagsubok as time passed by. Ito na `yong moment of settling down sa mga couples na nag-date ng ilang taon bago maisipang mag-settle down.

That’s it.

Although to be honest, hindi ako sure kung nagkaroon ba ng sense ang pinagsususulat ko rito. Opinion ko lang naman ito, so far. Darating din ang tamang panahon na pinakahihintay natin. Sabi nga sa isang article sa Abante, pinapalipas lang muna nila ang ghost month (which happens to be my birth month, `kainis lang). Mahirap nang malasin, `no? After that, madla na ang magde-decide kung mananatili pa rin ba silang fan ng AlDub kapag nagkita na sila. Sa ngayon, mukhang nakikita ko nang may agad na mawawala sa fanclub basing it from their “hopia” and “nagsasawa” comments.

Basta ako, maghihintay lang ako. Nakapaghintay nga ako ng 6 months sa paghihintay sa feedback ng isang manuscript ko, eh. Sa pagkikita pa kaya ng AlDub? Haha!

No comments:

Post a Comment