Wednesday, August 5, 2015

Nanumbalik ang nawawalang kilig 😄

What the heck namang title `to? Haha! Pero pagpasensiyahan n’yo na lang ako, ha? Ngayon lang `to. Palibhasa, inuulit-ulit lang ang mga videos ng #AlDub. Oo na, isa na ako sa mga kinilig kahit ayaw ko. Ewan ko ba. Haha! Pero saka ko na ibabalandra ang pagkakilig ko sa kanila kahit na hindi naman talaga ako nakakapanood ng TV at wala naman kami n’on dito. Walang antenna. :P

Anyway, back sa totoong rason kung bakit ko naisipang i-post ito since wala naman akong maisip isulat na matino. Na naman. Ewan ko lang kung bakit. Baka kinulang na naman ako sa kilig kaya ganoon.

Ilang araw ko nang nakikita sa FB newsfeed ko si Yaya Dub pero sa totoo lang, hindi ako maka-relate. Siguro nga, isang rason doon ang kawalan ng TV. Wait, let me rephrase that. Meron kaming TV pero walang signal dahil walang antenna. `Yon po talaga ang rason. Mahina lang maka-pick up ng signal dito sa amin. So iyon nga, nakikita ko ang tungkol sa kanya sa newsfeed ko. Pero parang wala lang. I saw various posts about Alden and Yaya Dub meeting for the first time kahit hindi pa talaga sila formally nagkikita. At least, doon sa segment nila.

And then nasundan na iyon ng mga FB status ng mga FB friends ko tungkol sa kanilang dalawa. Kung paano sila kiligin sa #AlDub. And take note, because of Dubsmash-ing, nagkaroon na tuloy ang Pilipinas ng panibagong trending loveteam. Variety show loveteam, as I would like to call them since wala pa naman silang small screen at big screen appearances. Tama? Kahit `yong mga romance writer na FB friends ko at pati na rin `yong iba na hindi na basta-basta kinikilig sa nagsusulputang loveteams ngayon, inaaming kinikilig kina Alden at Yaya Dub.

At kahit hindi ko naman talaga feel, pinanood ko sa FB page ng Eat Bulaga ang videos about this segment, lalo na ang inaabangang love story ng #AlDub. Aba! Kahit akong hirap pakiligin (I think), eh kinilig din sa dalawang `to. Well, one factor for that to happen to me is because of Alden Richards. Isa lang naman po kasi siya sa mga local artist na crush na crush ko kahit hindi na nga ako gaanong nakakapanood ng TV. And as I go on watching the videos about #AlDub, nakikita ko na rin sa wakas ang rason kung bakit ganoon na lang ang pagkahumaling nila sa trending loveteam na `to.

I’m not very much aware of Dubsmash, pero dahil sa #AlDub, nagawa ko na ring maintindihan sa wakas kung ano iyon. Hehe! Hindi ako ganoon ka-updated kaya pasensiya na. And I like the songs they used as a response to each other. Lalo na kapag kilig moments nila nina Alden at Yaya Dub. From old songs to new, I like all of it. Mahilig din akong makinig ng mga old songs kaya sabihin na natin na ilan sa mga kantang ginamit nila, eh napakinggan ko na. Nakakatuwa din ang #LoMmy. Grabe ang tawa ko sa dalawang `to kahit gusto ko nang takpan ng libro ang mga mukha nila kapag nagkakaharap sila. But I like #AlDub better. Haha! I agree with Joey’s comment na maganda nga kapag naging teleserye ang kuwento nina Alden at Yaya Dub. Tiyak na maraming mag-aabang at manonood n’on. Isa na ako roon, of course! Pero dito ko lang aaminin iyon.

As of this writing, I’m done watching the video about #AlDub’s Day 8. Pero ito lang ang isa sa masasabi ko. Ito ang loveteam na masasabi kong hindi pilit kung magpakilig. Sana nga, magkatotoo ang kahilingan ng karamihan na magkaroon sila ng movie or maybe even a TV series na silang dalawa ang bida. Hindi na ako mag-e-expect na maging sila in real life. Sa dami ng mga posibleng mangyari, we’ll never know.

Waiting for more #AlDub moments to come! Sana marami pa kayong mapakilig sa paglipas ng panahon. :)

No comments:

Post a Comment