Monday, August 31, 2015

Journal entry — February 17, 2006

Unexpected talaga iyong nangyari kaninang umaga sa may kalye bandang Josefa habang nakasakay ako sa jeep ng Guisad. Ganito kasi iyon:

Nasa bandang Josefa na iyong jeep na sandaling tumigil. Habang nakatigil iyong jeep, tumitingin ako sa mga pasahero sa mga jeep na nakikita ko. And then, it was my surprise dahil sa jeep ng St. Patrick nang makita ko si AC na nakasakay doon. Noong una, hindi niya ako napansin. Then nung umandar ulit at tumigil na naman, lumingon na siya. At I know na na-surprised din siya.

I was happy that moment pero hindi over sa pagiging happy dahil sobra naman nang kagagahan iyan.

***

Ngayon ko lang na-realize na ang babaw pala ng kaligayahan ko noon, 'no? Of course, wala namang masama doon, eh. Panigurado, halos lahat naman tayo, dumadaan sa ganitong stage ng pagkakaroon ng crush. Hehe! But it's still cringey for me. Lalo na't ako pa man din ito. Waaah! By the way, I typed the entries here as I wrote them in my journal. Kaya kung may grammar issues or anything else, blame my 14-year-old self from 2006 for this.

No comments:

Post a Comment