Tuesday, March 8, 2016

I'll Hold On To You 14 - Hearts In Frenzy

[Relaina]

And that was the start. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko matatagalan ang set-up na binigay ko para rito. Parang maling ideya pa yata na nag-propose pa ako ng temporary truce. Bigla kasi akong nanibago sa naging trato sa akin ni Brent pagkatapos niyon.

At heto, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman dahil doon.

Teka nga lang, bakit ko pa ba pinagtutuunan ng pansin iyon? Nakuha ko na nga ang gusto kong mangyari, ‘di ba?

Nakakausap ko na nang matino ang baliw na kamoteng Brent na iyon. Hindi na ako binabanatan ng pang-aasar nito. At hindi na rin nito sinisira ang araw ko.

And to think dalawang araw pa lang ang nakalilipas pagkatapos ng truce na iyon…

Pambihira naman, o!

Pero bakit parang may mali pa rin para sa akin? Heto’t iniisip ko pa lang ang concern at pag-aalagang ipinapakita ng lalaking iyon mula nang magsimula ang truce na iyon, grabe kung makatibok na naman nang mabilis ang puso kong lagi na lang yatang ganoon ang reaksyon basta si Brebt ang issue.

Bakit ba ang gulo-gulo ng takbo ng utak ko pagdating sa buwisit na kamoteng iyon?

And heck! Kailan ba naman hindi naging magulo ang utak ko pagdating sa lalaking iyon? Heto na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong makapareha iyon, eh. Pero dahil si Mrs. Castro na ang nagsabi, wala na akong magagawa. Rules were rules so I had no other choice but to abide.

Napahikab ako nang wala sa oras. Ano ba naman ‘to? 4 PM pa lang, ah. Huwag mong sabihing maaga akong babagsak nito sa higaan ko mamaya pagdating ko sa bahay?

Buntong-hininga na naman ang naging drama ko pagkatapos kong maisip iyon. Wala na nga yata akong kapagurang bumuntong-hininga, lalo pa ngayong wala pa rin akong masasabing tunay na katahimikan pagdating sa isipan ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, this time medyo mabilis na nga lang. I just felt enthusiastic to walk faster. Mas gumagana ang utak ko nang ganoon sa pag-iisip ng mga logical at karapat-dapat isiping mga bagay.

Pero ang nakakainis lang, bakit pulos ang kamoteng iyon ang napapadaan sa isipan ko? Please lang, tama na! Sapat nang ginugulo na nito ang nananahimik kong utak sa school. Huwag naman nang pati sa daan pag-uwi ay iniisip ko pa rin ang buwisit na mokong na iyon.

“Return to your original focus! Hindi ka dapat nalilihis sa focus mo, Relaina Elysse!”

Great! Nagmumukha na akong tanga roon. Para na akong timang sa pagkausap ko sa sarili ko. Ako yata ang praning, eh.

O, ‘ayan! Nalalait ko na tuloy ang sarili ko nang wala sa oras dahil sa kapraningan ko.

Then all of a sudden, I felt something like a hand just grabbed my left arm and pulled me hard. Hindi ko alam ang mga naging kaganapan pagkatapos kong maramdaman iyon. Basta ang sumunod na rumehistro na lang sa isipan ko, isang braso ang nakayakap sa likod ko, may isang kamay sa likod ng ulo ko, nakapikit ako habang ang mukha ko ay nasa dibdib ng taong tiyak na nanghila sa akin.

Hindi lang iyon.

Pati ang puso ko, sumasabay sa bilis ng tibok ng puso ng taong nakalibre ng yakap sa akin sa mga sandaling iyon. He was breathing hard, too, as if he just ran just to get me and –

Now wait just a freaking minute!

He? As in lalaki?

'Sira! Matibay nga ang dibdib, ‘di ba? At siguro naman, obvious na rin doon sa amoy ng nakayakap sa iyo.'

‘Yan tuloy, natawag pa akong sira nang wala sa oras.

Teka nga! Kalma lang muna. Focus. Madali lang naman sigurong malaman kung sino 'yon, ‘di ba?

Pero paano?

“Maghanap nga kayo ng ibang lugar para mag-PDA. Pati daanan, hindi na pinatawad,” sabi ng isang ‘di pamilyar na tinig. Kasabay n’on ay ang tunog na para bang galing sa isang motorsiklo.

And heck! Ano’ng sabi n’yon? Nagpi-PDA sa daan?

“Hoy, gago! Baka ang sarili mo ang dapat mong pagsabihan. Ang laki-laki ng daan, sa sidewalk mo pa naisipang magwala kasama ng kakarag-karag na motorsiklo mo. Sa susunod na makita ko iyang motorsiklo mong kakalat-kalat sa sidewalk at kasama mong nagwawala, titiyakin kong pira-piraso mo nang makikita iyan sa junkshop!”

Grabe naman kung makasigaw ‘tong lalaking ito, ah. And I was right, lalaki nga ang humila sa akin.

Not just any guy, though.

It was a very, very, very familiar guy.

Kaya naman pala wagas kung dumagundong ang tibok ng puso ko at umabot pa hanggang sa tainga ko. Mabuti na lang at sinabayan n’on ang tila dumadagundong ding boses ng nakalibre ng tsansing sa akin ngayon sa lakas. Kung hindi, patay talaga ako.

Ang tila nagmamadaling pag-alis ng motorsiklo ang huling narinig ko bago ko naisipang silipin ang pagmumukha ng taong may hawak sa akin. I slowly distanced my face from his chest before looking up. Diyos na lang ang nakakaalam kung gaano ko pinigilan ang sarili kong huwag mapasinghap nang malakas sa gulat pagkakita ko sa mukha ng lalaking iyon.

Of all people naman, kailangan ba talagang si Brent pa?

Agad na napatingin sa akin si Brent at huli na para mag-iwas ako ng tingin. Our gazes met. He was breathing slightly heavy, as if he was still catching his breath. Pero hindi ko maide-deny ang nakita ko sa mga mata nito.

He was worried… for me.

“Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?”

Even his tone of voice was laced with the same emotion, along with concern. Kung makapag-alala naman ito, para naman akong na-corner ng kung sinong gangster diyan at muntik nang mapagsamantalahan.

Wait lang… Parang ang pangit yata ng ginamit kong example. But that was the closest one I could think of.

“I’m alright. Thank you.” I could’ve granted him a smile for that but heck, no!

That was because… she couldn’t.

Paano naman kasi ako makakangiti sa kumag na ‘to kung ganoon namang nag-uumpisa na yata akong pamulahan ng pisngi kahit ayoko? Mukhang nakakalimutan pa yata nito na yakap-yakap ako nito at ang higpit pa. Paano raw kaya ako makakapag-concentrate sa dapat kong sabihin dito?

“Ah...Brent…” I started, venturing.

“Hmm?”

Breathe in… Breathe out… Kaya mo ‘yan, Relaina.

“Umm… C-could you please… let me go now? Mukhang sinasamantala mo yata ang truce natin kaya sinasamantala mo ring makalibre ng yakap at tsansing sa akin, eh.”

Good one, Relaina! Grabe! Muntikan na akong mautal doon, ah.

And as if scalded, Brent released me from his hold almost immediately. Lihim akong napabuntong-hininga pagkatapos n’on and instinctively, I looked somewhere that wasn’t anywhere near him. Hanggang sa napatingin ako sa isang napakalaki at talaga namang malagong puno na nakatayo sa isang cliff na nasa itaas ng kalapit na tabing-dagat.

Weird… Bakit parang iba yata ang pakiramdam ko sa punong iyon?

“Sorry, ha?” panimula ni Brent na agad na nagpaalis ng concentration ko sa pagtingin sa punong nandoon sa cliff.

Napatingin ako sa lalaking iyon dahil doon.

“Wala akong planong masama nang gawin ko iyon. I guess it’s just…”

Parang alam ko na ang irarason nitong kumag na ‘to sa akin. “Protective instincts… right?”

Agad na napatingin sa akin si Brent na tila hindi nito inaasahan ang sinabi ko.

“What? Am I wrong?” I asked casually kahit na heto, pasaway pa ring maituturing ang puso ko. Nagugulat nga ako sa sarili ko. Paano ko ba nagagawang magpaka-casual pagdating sa lalaking ito kahit laging wala na sa ayos ang lahat sa kanya – ang puso ko at pati na rin sa utak ko?

Umiling lang si Brent pagkatapos at napangiti. Muntik na akong mapanganga (literally) nang makita ko ang ngiting iyon. After seeing that, I guessed I could finally conclude kung sino nga ba sa magkambal na Montreal ang mas maganda ang ngiti.

Napatingin ako sa pulsuhan ko nang bigla kong mapansing wala nga pala akong suot na relo. Oh, great! Ano’ng oras na ba?

“Umm… Ano’ng oras na ba sa wristwatch mo?” tanong ko nang wala na akong ibang option. Hindi pa man din ako nakakabili ng bagong cellphone para sana sa second option.

Tutal, si Brent lang naman ang mas malapit sa kanya at tiyak na may dalang relo dahil kitang-kita ko namang suot nito iyon, eh ‘di ito na lang ang tatanungin ko.

Pero ang bruho, hayun at dinedma lang ako. But then, akala ko lang pala iyon. Dahil after a few moments, naramdaman ko na lang na may dalawang kamay na ipinatong sa shoulders ko mula sa likod at sinimulan na akong itulak ng buwisit na mokong.

Ano na namang saltik meron ang utak ng lalaking ito at ginagawa nito iyon?

“Oras na para maghanap tayo ng makakainan ko ice cream dahil gusto kong kumain ng anything malamig.”

Hanep, tsong! Ang ganda ng sagot mo, ah. Parang inamin mo na ring may saltik ka nga sa utak.

Kulang na lang talaga, hambalusin ko sa sobrang inis ang lalaking ito. At kung makatulak din sa akin, akala nito nagtutulak lang ng kariton. Walang pakundangan.

‘Kakabuwisit lang, as in! Kung hindi lang dahil sa truce na iyon… Naku!

“Eh bakit kailangang isama mo pa ako? Puwede ka namang kumain ng ice cream na wala kang kasama, ah.”

“Huwag ka na ngang mareklamo. Ikaw na nga itong ililibre ko riyan, eh.”

Ano raw? Tingnan mo. Nakakarami na talaga ‘tong lalaking ito. 

“Hoy! Hindi por que nag-suggest ako ng truce, eh may karapatan ka nang kaladkarin ako sa kung saan-saan. At puwede ba? Dahan-dahan lang ng tulak at hawak sa mga balikat ko. Baka masuntok lang kita ng wala sa oras kapag lalo mo pang hinigpitan ang hawak mo sa akin. Taking advantage na ‘yang ginagawa mo, ah.”

Pero imbes na matakot ang kumag, hayun at natawa lang ito. It was a heartfelt laugh, one that sent my heart soaring high.

Waah! Ano ba naman ‘to? Anong kadramahan meron ang utak ko ngayong araw na ‘to at may pa-‘heart soaring high’ pa akong pinagsasasabi rito? Pambihira lang talaga!

“Sinasamantala ko lang ang pagkakataong tulad nito, my dear Relaina. ‘Di ba nga, sabi nila na ‘Grab the chance while it lasts’? I’m just doing that. Wala naman sigurong masama na gawin ko iyon, right?”

Nang tingnan ko ang buwisit na pagmumukha ng mokong na hawak-hawak pa rin ang dalawang balikat ko at tinutulak ako, ayoko mang aminin pero lihim akong natigilan. The look I was actually expecting to see on Brent's face was something analogous to that of a smug one. But as I looked at him on that simple moment, hindi iyon ang nakita ko roon.

It was a look that was something close to that of childish – innocent, heartfelt, and full of life. Ang ngiti nito ang isa sa mga contributing factor kung bakit ganoon ang nakita ko.

That and the endearment he used to me…

“…my dear Relaina…”

Haay… Wala na nga ba talagang araw na hindi magiging pasaway ang puso ko? Waah! Ayoko na ng ganito!

“Kung puwede lang sanang hindi matapos ang truce na ‘to…”

Napakunot ako ng noo nang marinig ko iyon. I had this feeling na hindi nito intensiyong iparinig sa akin ang sinabi nitong iyon.

Eh iyon na nga ang kaso roon. Hindi nito intensiyong iparinig sa akin iyon. Pero may naalala kasi akong sinabi sa akin ng Mama ko noon about some words that were not meant to be heard but then you still heard it, albeit unintentionally.

Ang sabi nito sa akin, ang mga ganoong salita raw – iyong mga hindi intensiyong iparinig sa isang tao – ay mga salita na usually ay nagmumula sa kaibuturan ng puso ng nagsabi n’on.

If that was the case, then…

Nanlaki ang mga mata ko nang maisip ko ang posibleng ibig sabihin n’on.

Don’t tell me…?

Lihim kong pinalis ang kung anu-anong imaheng bigla-bigla na namang naglalabasan sa aking ever-hyperactive na isipan. No way na mangyayari iyon! At saka imposible, ‘no?

Napakaimposible! Sobra!

Ano ba namang klaseng torture ‘to? Now even my heart was insanely pounding faster inside my chest because of that equally insane thought.

Pambihira talaga! Second day of practice pa lang ‘to. Ano na’ng gagawin ko? Kung isa’t kalahating linggo kong pagtitiisan ang buwisit na ito, that means… I still had 8 more days to endure.

Waah! Seryoso lang talaga?

Eight days… then adding the day of the dance practicum would make it nine days. Ganoon katagal pa ang magiging torture ko kapag kasama ko ang lalaking ‘to. Naku naman!

Pero sige na nga. Nine days… Kailangang kayanin niya. Tutal, nakadalawang araw naman na ako.

But to be honest, kung alam ko lang nang mga sandaling iyon na maraming babaguhin ang buong eleven days na duration ng truce na iyon sa takbo ng buhay ko, sana hindi ko na lang pala s-in-uggest iyon.

Argh!

No comments:

Post a Comment