Tuesday, March 22, 2016

I'll Hold On To You 15 - Chance To Stop Playing Around

[Brent]

“NOW TELL me, sino ang nagmamay-ari ng boses sa nag-iisang voice mail na naka-save dito?” seryosong tanong ko kay Mayu. I even asked it in a tone that should leave her with no choice but to tell me the truth. 

Ewan ko lang kung effective iyon sa babaeng ‘to.

May ilang sandali ring hindi umimik si Mayu pagkatapos kong itanong iyon. At sa totoo lang, nag-uumpisa nang mangawit ang braso ko sa paghawak ng cellphone na iyon dahil nakalapit pa rin iyon kay Mayu.

Kung puwede lang sigawan ng babaeng ‘to, eh baka kanina ko pa ginawa iyon. Ano ba namang klaseng tao kasi iti? Huwag na nga itong magpairal ng suspense effect at baka masakal ko lang ito nang wala sa oras.

“Hoy! Wala ka talagang planong magsalita?” pagulat na tanong ko kay Mayu para lang magising ito. Baka naman kasi nakatulog ito – padilat nga lang. Parang kuwago.

“Meron, ‘no? Pinag-iisipan ko lang kung ano ba ang dapat kong sabihin.”

Mabuti naman. Ang akala ko, wala na itong planong kausapin ako dahil sa itinanong ko. Pero teka… back to the topic. May sagot akong kailangang malaman sa babaeng ‘to, eh.

“Huwag ka nang mag-isip. Sagutin mo na lang ang tanong ko. Simple lang naman iyon, ‘di ba?”

Tinaasan naman ako nito ng kilay. “Alam mo, hindi ko alam kung ano’ng topak meron ka’t napaka-demanding mo ngayon. Ano ba’ng nakain mo’t bigla kang naging interesado sa caller ng pinsan ko?”

Naku po! Patay ako nito. Nag-umpisa na itong mag-interrogate. Hindi ba puwedeng skip muna tayo riyan?

“Ako ang naunang nagtanong sa iyo kaya sagutin mo muna ang simpleng tanong ko.” Oo na, makulit na ako kung makulit. Pero hindi ako papayag na maungusan ni Mayu.

At si Mayu, hayun at napabuntong-hininga nang pagkalalim-lalim nang wala sa oras. “Kung para sa iyo, Brent, simple ang tanong na iyon… Siguro nga, simple lang. Pero para sa akin, hindi. Lalo pa’t alam kong hindi pa talaga nakaka-recover ang pinsan ko. Simple lang ang tanong mo, pero hindi ganoon kadali para sa akin na ilabas ang sagot, eh.”

Natigilan ako sa nakita kong reaction ni Mayu habang ipinapaliwanag nito iyon sa akin. At dahil doon, alam ko nang may pinagdaanan si Relaina na alam ni Mayu. And it was something that was quite painful.

“Pero… sige…” pagpapatuloy ni Mayu na nagpabalik ng concentration ko sa pinag-uusapan namin. “Tutal, napaghahalata namang nagkakainteres ka na sa ever dearest kong pinsan, pagbibigyan kita.”

Okay na sana ang tuwa ko sa pagpayag nito, kung hindi lang naunang nag-register sa utak ko ang idinagdag nito.

Ano’ng pinagsasasabi ng babaeng ‘to? Nagkakainteres? What the heck!

“O, subukan mong i-deny na nagkakainteres ka sa kanya, isusumbong kitang ini-stalk mo siya.”

Aba, ang topaking ‘to! Nagawa pa talagang manakot.

“Hindi ko siya ini-stalk. Nag-aalala lang ako sa kanya.”  There. Hayan tuloy! Nagkaroon pa ako ng ‘slip of a tongue’.

But then I guessed mas okay na rin ang ganoon. Si Mayu naman ang kausap ko. Siguro naman, maiintindihan ako nito. Basta sabihin ko lang ang totoo.

“I guess she intrigued you in so many ways, huh?”

Buntong-hininga ang naging tugon ko at saka ako napasandal sa pader na katabi ng bintana. “You have no idea.” Napatingin ako kay Mayu. “So?”

Si Mayu naman ngayon ang napabuntong-hininga. Mukhang inihahanda lang nito ang sarili nito sa magaganap na pag-uusap. Well, gaya na nga ng sabi nito, hindi ganoon kadali para rito na basta na lang ipagtapat sa akin ang totoo.

“The voice in that voice mail belonged to Aina’s ex-boyfriend – si Oliver Santiago. At ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit hate na hate ng pinsan kong iyon ang mga lalaking may face value na kagaya ng sa iyo.”

“You mean to say, magka-boyfriend ang amasonang iyon kahit titibo-tibo? And wait! Sino ang mas guwapo sa aming dalawa ng Oliver na iyon?” 

Pambihira naman, Brent Allen Montreal! Paano mo pa nakuhang magbiro nang ganyan?

“To answer your second question, I hate to admit it pero ‘di hamak na mas guwapo ka kaysa sa Oliver na iyon. As for the first question, yeah… she did have a boyfriend kahit amazona ang tingin mo sa pinsan ko,” matamlay na sagot ni Mayu na sinabayan pa ng isang mapaklang ngiti. “Until that bastard terribly broke her heart to pieces just because the entire courtship and relationship was only initiated through a bet.”

Pambihira naman! Sa pagkakaalam ko, matalino si Relaina pagdating sa pag-iwas sa mga ganyang sitwasyon.

“And what was even worse, tinangka pang pinagsamantalahan ang pinsan ko ng mga ugok din tulad ni Oliver na kasamahan nito.”

I frowned at that. “Huwag mong sabihing hindi nanlaban si Relaina? Hindi kita paniniwalaan niyan.”

Rianne looked at me incredulously. “Sa tingin mo ba, papayag na lang si Aina na mapagsamantalahan nang ganoon na lang? Hindi nag-aral ng karate ang pinsan ko para lang magpaapi sa kung sinong kulugo riyan sa kanto, ‘no?”

“So… those jerks received more than just a punch on the face?” I ventured. Sa totoo lang, parang ayoko nang imagine-in ang itsura ng mga kulugong iyon – as Mayu called them – mula sa mga kamao ni Relaina.

“To put it simply, they were all taken to the police station black and blue.”

Wow! Concrete answer nga. Bigla tuloy akong kinilabutan nang maisip ko iyon. Kaya naman pala walang magkamali sa babaeng iyon, eh.

But wait! 

Parang may kulang yata.

“Huwag mong sabihing ganoon din ang inabot ng ugok na Oliver na iyon?” tanong ko kay Mayu.

Napakunot-noo ako nang makita kong dahan-dahan itong umiling. “Aina spared him… dahil gusto niyang malaman ang totoo kay Oliver. He told her the truth she wanted… at the expense of her heart that I guess had truly loved him so.”

Hindi ko na nakapagsalita pa pagkatapos n’on. I didn't even want to ask kung ano ang itsura ni Relaina nang malaman na nito na pinaglaruan lang ito ng Oliver na iyon. For Pete’s sake! I couldn’t even imagine her going through that.

“Matanong nga kita. Bakit ba bigla kang naging interesado sa voice mail na i-s-in-ave ni Aina sa cellphone niyang sa pagkakaalam ko ay itinapon na niya? Huwag mong sabihing may plano kang isama sa listahan mo ng mga babaeng nakarelasyon at pinaluha mo? Brent, hindi lang sapak ang aabutin mo sa akin kapag ginawa mo iyon.”

“Ano? Mayu, sabihin mo nga sa akin. Do I look like someone who would senselessly hurt your cousin’s feelings?” Pambihira lang talaga. Oo, aaminin kong marami na akong nai-date at pinaiyak magmula pa noong 3rd year high school. But heck! Hindi ba talaga ako kilala ni Mayu pagdating sa bagay na iyon?

“You want me to be honest?” tanong nito na ipinagtaka ko naman.

Para saan naman kaya iyon? Pero tumango pa rin ako bilang sagot. Totohanan na kung totohanan. I told her the reason why I was interested in Relaina’s past that made that girl so sad. Siguro naman, hindi ako bibiguin ni Mayu pagdating sa sagot na hinihingi ko.

Tiningnan ako nito nang mataman. Para bang tinatantiya pa nito ang dapat gawin tungkol sa hinihingi kong sagot.

“I know… you would never play with Aina’s feelings. Isa pa, alam ko naman ang totoong dahilan sa likod ng pagiging notorious heartbreaker mo.” After that, Mayu smiled in a sort of understanding way. “Pinapaasa’t pinapaluha mo lang naman ang mga babaeng—”

“Okay, okay! You don’t have to blurt that out loud kung alam mo na pala,” I interjected as soon as he could bago pa may makarinig na iba. “Pero teka, paano mo nalaman ang tungkol doon? Si Neilson lang ang nakakaalam n’on, ah.”

“Brent, hindi ako tanga para hindi ko mapunang may mali sa mga ginagawa mo, okay? Your twin brother only just confirmed my speculations.” And then she just shook her head. “Nalilihis tayo sa pinag-uusapan natin, eh. Ngayong alam mo na ang totoo, ano na ang plano mo?”

Doon ako natahimik dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Ano nga ba ang plano ko?

Ang totoo niyan, ang konkretong plano ko lang talaga ay alamin ang tungkol sa voice mail na iyon – which turned out to be from Relaina’s ex-boyfriend. Hindi ko alam kung bakit tila nakaramdam ako ng pagkulo ng dugo nang rumehistro sa isipan ko ang pangalang Oliver Santiago na iyon.

But after learning all that, hindi ko na malaman kung ano nga ba ang susunod na gagawin ko. Hindi ako makapag-isip nang matino. I didn't know why.

Napatingin ako sa cellphone ni Relaina na hawak ko pa rin pala. Hanggang sa nagkaroon ako ng ‘light bulb’ moment dahil sa naisip ko.

Tama…

This could be my chance to stop playing around. May chance na akong baguhin ang lahat. All I had to do was to actually put it into action and play my cards right.

“You just wait, Relaina…”

xxxxxx

“THAT’S right. Just wait…” bulong ko sa sarili ko pagkatapos kong alalahanin iyon.

Honestly, para lang akong tanga roon sa ginagawa kong pag-alala ng mga bagay na hindi naman dapat na alalahanin pa. Pero hindi ko mapigilan, eh. Kahit alam kong sa ginagawa kong iyon, ang dami kong mapapatunayan sa sarili ko.

Dalawang araw pa lang ang nakalilipas mula nang mag-umpisa ang truce namin ni Relaina.

Ano pa kaya ang mangyayari sa mga susunod pang araw sa pagitan namin ni Relaina dahil sa truce na iyon? Ano pa ang babaguhin ng truce na iyon sa buhay ko?

Pati na rin sa damdamin ko?

“To hell with that truce…” Ano ba’ng ginagawa mo sa akin, Relaina?

No comments:

Post a Comment