Saturday, December 31, 2016

To The Irreplacable One I Love 10 (Final) - The Final Gift For The Future

PARANG wala pa ring maramdamang anumang hapdi at sakit si Yrian kahit ginagamot na ni Deneel ang tama ng baril na nakuha niya. Sa tingin niya ay biglang namanhid ang kanyang katawan sa dami ng mga nangyari. Ang mga nalaman niya kay Heidi, ang mga ipinagtapat sa kanya nina Deneel at Raiden tungkol sa tunay niyang pagkatao, maging ang pag-alis ni Heidi na hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang unahin.

"Tapos na," untag ni Deneel at iniligpit na ang nagkalat na mga bandages at bulak na nabahiran ng napakaraming dugong nanggaling sa kanya.

Agad niyang inayos ang suot na polo shirt kahit alam niyang mahirap. May isa siyang kailangang gawin sa ngayon. Saka na muna siguro ang matinong paliwanagan kapag naayos na niya ang isang bumabagabag sa kanya.

"Ano'ng plano mong gawin?" tanong ni Deneel na tumayo sa harap niya.

Tuesday, December 27, 2016

I'll Hold On To You 49 - My Turn To Find You

[Relaina]

PAGOD na ako sa pagtakbo, sa totoo lang. Ramdam ko iyon pero hindi ko inalintana. All I wanted to do was to run and run until I finally found that heck of a guy.

Damn it! Naturingan na itong wala sa paningin ko at lahat, ginugulo pa rin ng buwisit na iyon ang isipan ko.

Pero magkaganoon man, aaminin kong hindi ko pa rin mapigilang mag-alala para rito. It was as if a hand clenched my heart tight every time I would think that he could be in danger that he imposed onto himself. Wala pa man din pakundangan ang lalaking iyon pagdating sa sarili nito. Mas mahalaga rito ang sarili nitong emosyon.

At iyon ang mas malala!

Saturday, December 24, 2016

To The Irreplacable One I Love 9 - The Truth That Everyone Hid

DALAWANG taon man ang lumipas mula nang lisanin ni Heidi at ng kanyang mga kapatid ang lugar na iyon pagkatapos ng ambush, parang wala pa rin siyang nakikitang pagbabago roon. Lahat ng nakikita niya roon ay tulad pa rin ng mga naaalala niya. Mukhang naayos din ang mga nasirang gamit doon, partikular na ang fountain, gate, at front door ng mansyon na pinasabog pa noong salakayin ang lugar. Pero kahit wala na ang bakas ng karahasan sa lugar na iyon, hindi pa rin nawawala sa isip ni Heidi ang mga nawala sa kanya roon.

"Mas malaki yata ang mansyon na tinitirhan mo ngayon kaysa dito," komento ni Yrian na pumutol sa pag-iisip niya.

Agad siyang napatingin dito na sumusunod lang sa kanya sa paglalakad niya. "Matagal na kasi ito. Kahit ilang beses nang i-s-in-uggest na i-renovate ito para magawa pa ring tirhan, hindi pa rin nila ginawa. Ang sabi kasi sa akin, ito daw ang mansyong ipinatayo ng founder ng Monceda clan nang makapag-asawa na siya at humiwalay ng tirahan sa ibang mga kasama niya."

"Humiwalay ng tirahan? Ibig mong sabihin..."

Tuesday, December 20, 2016

I'll Hold On To You 48 - To Have Faith

[Mayu]

“DAHAN-DAHAN lang ng kaladkad sa akin, Andz. Marunong pa naman akong maglakad nang kusa.” Tinangka kong haluan ng biro ang ginagawang paghila sa akin ni Andz nang mga sandaling iyon.

But I knew it was a futile effort. Lalo pa’t hindi ko mapigilang kabahan dahil sa seryosong aura ng lalaking ito. If Andz was already known even before as the serious type, doble pa ang kaseryosohang ipinapamalas nito nang kunin nito ang atensiyon ko.

With that, I already figured out that something serious happened. Kailangan ko lang malaman kung ano iyon.

He stopped pulling me upon reaching the right end of the hallway. Malapit kami sa balkonaheng katabi lang ng fire exit. I saw Andz heaved a heavy sigh before facing me.

Saturday, December 17, 2016

To The Irreplacable One I Love 8 - A Promise To The One I Love

"PAMBIHIRA rin pala ang koneksyon ng pamilya mo, Heidi," naiiling na komento ni Yrian nang makapasok na sila sa mansyon na pag-aari ng isa sa mga kasamahan niya sa Eight Thorned Blades na si Zandrix Valencia.

Ito ang may-ari at kasalukuyang namamahala sa Hacienda Valencia, ang hacienda na ipinamana rito ng Lola nito. Ito ang isa sa pinakiusapan ni Louie na magbantay sa kanya habang naroon siya sa Cebu para gawin ang misyon niya.

Natawa na lang siya at nilapitan si Zandrix. "Salamat, Kuya Zandrix. Hindi ka na sana inistorbo ni Kuya Louie sa ganito. Alam ko namang busy ka sa pag-aasikaso ng mga bagay-bagay rito sa hacienda n'yo."

"Walang problema sa akin iyon, Miss Heidi. Na-miss ko rin namang ma-assign sa mga misyon. Alam mo na, medyo tahimik dito sa hacienda."

Tuesday, December 13, 2016

I'll Hold On To You 47 - Reason To Worry

[Relaina]

ONE finger tapping my cheek habang nakapangalumbaba. And then biglang mapapabuntong-hininga. Bakit para na naman akong timang kung maka-emote ngayon? Yes, considered emote pa rin ito para sa akin. Dahil first and foremost, wala akong kinakausap. Second, muntik ko nang hindi mai-concentrate ang utak ko sa klase. Third, kulang na lang, lahat ng mga makakasalubong ko ay tarayan at angilan ko.

Hindi pa rin ba considered pag-e-emote iyon?

Looking outside the window ang drama ko ngayon. Hindi ko alam pero feeling ko talaga, tinatamad akong gumawa ng kahit ano sa mga sandaling iyon. Hindi naman ako ganoon… at least, usually. Parang bigla akong nakaramdam ng panghihina na hindi ko maintindihan.

Marami ang nagtatanong kung bakit ako nagkakaganoon. Pero mas marami pa ang mga nag-conclude ng mga posibleng dahilan. I hated to say it pero… isa yata sa mga dahilang pinagsasasabi ng mga iyon ang totoo.

Saturday, December 10, 2016

To The Irreplacable One I Love 7 - The True Meaning Of Her Dream

"HANGGANG kailan ninyo planong itago sa akin ang totoo?" nakapamaywang na bungad ni Heidi kina Raiden at Tristan nang maabutan niya ang dalawang iyon sa sala ng mansyon nang umagang iyon.

Hindi na siya nagulat na makita ang mga ito roon dahil weekend naman at wala silang pasok. Wala naman siyang pinatrabaho kay Tristan kaya halos beinte-kuwatro oras ay nakabantay ito sa kanya roon. Ilang araw na ang nakalipas mula nang huli nilang makita si Elliot at wala namang sumunod na mga pangyayaring posibleng maglagay na naman sa kanila sa kapahamakan.

Todo rin ang ginawang pagbabantay ni Deneel kay Yrian pagkatapos niyon. Ayon na rin sa branch pillar ng fourth branch ng Monceda clan kung saan kabilang ang kaibigan niyang iyon, oras na para gampanan na nito ang tungkulin nito bilang isa sa dalawang shadow guardian ni Yrian. Nagulat siya nang malamang dalawa pala ang inaatasang maging shadow guardian ng mga nagiging leader ng Monceda clan.

Hindi niya alam ang tungkol doon. Kunsabagay, wala naman kasing sinasabi sa kanya si Tito Alejandro. Isa pa, hindi rin naman siya nagtanong dito ng tungkol sa bagay na iyon.

Tuesday, December 6, 2016

I'll Hold On To You 46 - My Date

[Relaina]

NARIRINIG ko pa rin ang pagtatapos ni Brent sa pangalawang kanta nito kahit naroon na ako sa bleachers sa soccer field at nakaupo. Sa lakas ba naman kasi ng volume ng speakers sa entrance ng gym, talagang maririnig ko pa rin iyon. Buntong-hininga na naman ang itinugon ko sa pagtatapos ng kanta.

Himala talaga na hindi kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang tinig nito. Kunsabagay, wala naman akong dapat na ipagtaka. Hindi naman para sa akin ang kanta. It was for Brent's special girl.

Whoever she is… At tiyak kong hindi ako iyon.

Nanatili pa ako roon ng mahabang sandali habang wala sa sariling pinagmamasdan ang soccer field. The place was field with happy students; most of them were couples who were obviously in love with each other.

Saturday, December 3, 2016

To The Irreplacable One I Love 6 - Revelations And Unexpected Confession

HINDI mapakali si Heidi habang pinagmamasdan si Yrian na may pag-aanalisang nakatingin sa painting na gusto nitong maita. Ginawa nila iyon nang araw matapos nilang maramdaman na may nagmamasid sa kanila sa fastfood restaurant. Wala pa silang pinagsasabihan tungkol sa bagay na iyon.

Pero sigurado siya na hindi na lingid sa mga kapatid niya ang pangyayari. Kahit wala si Tristan sa tabi niya o sa paligid, alam niya na may lihim pa ring nagbabantay sa kanya, sa kanila ni Yrian.

"Uy, magsalita ka naman. Lalo akong ninenerbiyos sa pagiging tahimik mo, eh," untag niya sa binata.

Ilang sandali pa ang lumipas bago ito tumingin sa kanya. "Iisa lang naman ang posibleng interpretasyon ko rito sa painting mong ito. Pero may ipinagtataka lang ako. Paano mo nalalaman na ang eksenang iyon sa panaginip mo ang ipipinta mo?"