Sunday, May 14, 2017

My Thoughts This Mother's Day

I don't usually post  this sort of entry here on my blog. I mean, I'm not really vocal--both in the real world and even in social networks--when it comes to ocassions like this. But this is my mother that I'm talking about. So that means I should make an exception every now and then, right?

It's Mothers' Day today. But I'm just writing this now (8:01 pm) because I focused on writing other things first. Sorry for that, 'Ma. You know how my mind tends to float away very far when I started writing.

Wednesday, May 10, 2017

Posting 7 lines from page 7 of a work-in-progress

Originally posted in Facebook last May 6, 2016

Working Title: Brokenhearted Heroes #2 – Our Turn To Heal This Broken Heart

“Mukhang malala na yata ang saltik sa utak ng kapatid kong ito. Kailan pa naging sentimental iyon?” mahinang tanong niya sa sarili at umiiling pa na dumiretso sa mini-bar na naroroon kung saan niya naabutan si Riel. Abala ito sa pagpupunas ng mga wine glass doon. “Seryosong usapan, Kuya. Kailan ka pa naging sentimental? You don’t usually play this kind of songs here.”

“Just trying to relish the feeling of being heartbroken.”

Lumalim ang pagkunot ng noo niya. May nangyari ba na hindi niya nalalaman? Her brother looked completely serious when he said that. “Okay. What the heck happened to you while I was away?”

Inilagay ni Riel ang wine glass na pinupunasan nito sa wine glass rack at saka ipinatong ang mga kamay sa counter bago siya tingnan. Sa palagay niya ay bagong hugas lang ang mga wine glass na pinagkakaabalahang punasan ng kapatid niya. Ilang sandali rin niyang hinintay na magsalita ang lalaking ito at sabihin sa kanya ang kung ano mang problema nito.

“Wala na ba akong appeal sa mga babae?”

“Ha?!” halos pasigaw na bulalas niya. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga customer dahil sa ginawa niyang iyon. “Pambihira ka naman, Kuya. Akala ko naman kung ano na ang pinoproblema mo. Huwag mong sabihing pinairal mo na naman ang pagiging babaero mo habang wala ako rito? Makukutusan talaga kita.” Mukhang tama nga siya. May saltik na sa utak ang kapatid niyang ito.

“Nabasted kasi kaya ganyan siya ngayon,” ani isang tinig mula sa likuran niya.

= = = = = =

Tagged by Yasha Red Weasley, Olivette Phr, and Celeste Cardoso Msv.

Monday, May 1, 2017

Approved Manuscript # 3: Guia, The Dancing Lotus Fairy

Sorry kung ngayon ko lang ginawa ito. Ngayon lang ako nagkaroon ng time. Idagdag mo pa ang topaking internet na talaga namang ayaw makisama, eh talagang tatamarin ako, 'no? Anyway, after a year and more (for real), may approved na akong MS ulit. Spin-off naman ito ng Mirui's Hyacinth: Smile At Me na p-in-ublish ng PHR. For 1st revision ang unang result nito at natagalan bago ko nagawang i-revise ito.

Tatlong teaser ang naipasa ko pero isa lang ang ilalagay ko rito. This is the third teaser na ipinasa ko sa kanila at iba ito doon sa naka-post sa Wattpad account ko: