Tuesday, May 30, 2017

Shrouded Flowers: The Last Sky Of The Earth 5 - Entrust

"SEIICHI, sigurado ka bang gusto mong sumama sa amin sa New Zealand? Hindi mo naman kailangang lumipat kasama namin kung hindi pabor sa 'yo."

Nag-angat lang si Seiichi ng tingin at tumango bilang tugon sa sinabing iyon ng tiyuhin niya. Aalis na kasi ito kasama ang anak nito at pinsan niyang si Misae para mag-migrate sa New Zealand dahil madedestino na ito roon. Na-promote kasi ito sa pinapasukan nitong engineering company at binigyan ito ng oportunidad na lumipat sa New Zealand branch ng kompanya.

"Mas mabuti na rin ito, Tito Hideki. Marami lang akong maaalalang hindi maganda kapag nanatili pa ako rito," malungkot na sabi ni Seiichi at ipinagpatuloy na lang niya ang pag-iimpake ng mga damit niya. "Isa pa, hindi naman ako magtatagal doon, eh. Susubukan ko lang makalimot. Kung hindi naman effective, at least kailangan ko lang maka-move on. Pipilitin ko ㅡ kahit alam kong talagang mahihirapan ako."

Nakarating na kasi kay Seiichi ang balita tungkol sa nangyaring trahedya sa isang mansion sa Kyoto, Japan two weeks ago. Masakit para sa kanya na malamang ang kaibigan niyang si Hitoshi Shinomiya ang isa sa mga napatay sa pag-atakeng naganap doon. Hindi siya makapaniwalang naganap ang mga iyon. Pero ang talagang hirap siyang tanggapin ay ang katotohanang pati ang babaeng mahalaga sa kanya ㅡ lalo na sa puso niya ㅡ ay kasamang nasawi sa trahedyang iyon.

Narinig ni Seiichi ang malalim na pagbuntong-hininga ni Tito Hideki bago tumabi sa kanya. Kasabay naman niyon ay pumasok sa silid si Misae. Dala-dala nito ang isang chest box na noon lang niya nakita.

"Ano 'yang dala mo, Misae?" kunot-noong tanong ni Seiichi.

Huminga nang malalim si Misae at iniabot kay Seiichi ang dala nito. Nagtataka man ay tinanggap niya iyon. But his frown deepened at the sight of four roses etched on the top of the box. Hindi lang iyon basta-basta mga rosas dahil apat na magkakaibang kulay iyon, each were placed in four cardinal points. The white rose was placed north, the blue one on the east, the red on south, and the green rose was placed on west side.

For some reason, Seiichi frowned at the sight of it not because of the color combination. Hindi niya maintindihan kung bakit pero parang pamilyar sa kanya ang apat na rosas na iyon.

"Why are you giving this to me?" nagawa na lang itanong ni Seiichi sa pinsan niya dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon.

"Ang bilin ni Lolo sa akin bago siya mamatay noon, kapag aalis ka raw sa bahay na 'to, huwag na huwag mo raw kalilimutan iyan. Bahala ka na raw kung kailan mo planong buksan iyan para makita ang nilalaman niyan. Don't worry, I didn't open it at all. Kaya kung bubuksan mo na 'yan, huwag kang maalala dahil ikaw pa lang ang makakakita ng laman niyan," sagot ni Misae at tinanguan ni Tito Hideki. "Mag-aayos muna kami ng mga gamit sa baba, Kuya Seiichi. Okay lang ba na maiwan ka muna namin dito?"

Tumango na lang si Seiichi. Ilang sandali pa ay iniwan na siya nina Tito Hideki at Misae sa silid na iyon na patuloy na naguguluhan at nagtataka sa sinabi ng pinsan niya. He looked at the chest box on his lap once again. Bakit hindi ibinigay sa kanya nang diretso ng Lolo niya ang bagay na iyon? Bakit kailangan pa nitong ihabilin iyon kay Misae?

And those roses... Seiichi knew he'd seen them from somewhere. But from where?

Iyon ang mahirap kay Seiichi nang mga sandaling iyon. All because he lost parts of his memories when he was 13 years old dahil sa aksidenteng muntik na niyang ikinasawi noon. Kung hindi dahil sa Lolo niya, baka wala na siya sa mundong ibabaw nang mga sandaling iyon.

Seiichi was hiking with his parents at the time, ayon na rin sa kuwento ng Lolo niya. Medyo napalayo siya sa mga ito dahil kumuha sa atensyon niya ang isang maliit na batong monumento na may nakasulat na mga Japanese characters ㅡ Kanji in particular. Kasing-tangkad ng isang walong taong gulang na bata ang monumentong iyon na nakatayo malapit sa isang kuweba. The monument was erected near a cliff that was unfamiliar to him. But as he tried to traverse the path that led to the monument, he slipped and rolled down the rocky path. Tumama ang ulo niya sa isang malaking bato at saka siya nawalan ng malay.

Nalaman ni Seiichi ang tungkol doon nang magising siya na wala nang maalalang kahit na ano sa nakaraan niya dahil may nakasaksi sa ginawa niyang pagpunta sa kuweba. Ayon sa lalaking iyon na nagngangalang Hayato Akashi, ito talaga ang pakay ng mga magulang niya nang mag-hiking sila sa bundok na iyon. Pero dahil napansin ng mga ito na napahiwalay siya, agad siyang hinanap sa gubat na iyon. Pero kahit ganoon ang nangyari, sinabi pa rin sa kanya ni Hayato ang tungkol sa monumentong iyon. Sinamahan siya nito roon kasama ng mga magulang niya at ikinuwento sa kanya ang nalalaman ng mga ito tungkol doon.

And that was when Seiichi remembered where he'd seen the four roses' symbol. Sa monumentong iyon ㅡ na napag-alaman niyang puntod ng isang Hapones from 271 years ago. The symbol was etched above the name placed on that stone.

"Masujiro Yasunaga..." usal ni Seiichi sa naaalala niyang pangalan na nakaukit sa batong iyon. May koneksyon kaya ang monumentong iyon sa nilalaman ng chest box na iniwan ng Lolo niya sa kanya?

Pero saka na iisipin ni Seiichi ang tungkol doon dahil mas mabuti pang asikasuhin muna niya ang mga gamit niya. Hindi naman siya nagtagal sa pag-eempake ng mga gamit niya. In fact, parang kumaunti pa nga ang gusto niyang dalhing mga gamit sa kabila ng napakalaking closet na meron siya sa kuwartong iyon. Nang mapatingin siya sa labas, nagulat na lang siya nang mapansin niyang gabi na pala. Pambihira, ilang oras ba siyang wala sa sarili niya at ito na ang sumalubong sa kanya?

Napatingin na naman si Seiichi sa chest box na nakapatong lang doon sa kama. Hindi pa niya binubuksan iyon dahil mas inuna pa niya ang pag-aayos ng mga gamit niya. Hindi niya alam kung bakit pero parang bigla siyang natakot na buksan iyon at alamin ang nilalaman niyon. But that would be a crazy thought, right? Ano naman ang dahilan para makaramdam siya ng ganoon?

"Kuya Seiichi, may package na ipinadala rito para sa 'yo!" narinig niyang sigaw ni Misae mula sa labas ng silid niya.

Napakunot naman si Seiichi ng noo. 'Package para sa akin? Kanino naman kaya galing iyon?' "Sige, susunod na ako! Iwan mo na lang sa sala."

"Okay!"

One more time. Seiichi looked at the chest box one more time. Soon after, he sighed and placed that chest box malapit sa maleta niya at lumabas na siya ng kuwarto. Ilang sandali pa ay narating na niya ang sala. Lalong lumalim ang pangungunot ng noo niya nang makita na ang package na tinutukoy ni Misae. It was rectangular in shape, possibly a meter and a half long.

Nilapitan na lang iyon ni Seiichi para agad na niyang malaman kung kanino galing iyon. Pero nang makita niya ang pangalan ng sender na nakasulat doon, hindi niya napigilang magulat.

"Hitoshi Shinomiya?!" bulalas ni Seiichi dahil sa nabasa niya. Paano nangyari iyon? Dalawang linggo nang patay si Hitoshi. Pero bago pa siya makapag-isip ng panibagong tanong, may nakita siyang isang card na nakadikit roon. There was a handwritten note on it. At sigurado siya, handwriting iyon ni Hitoshi.

'What the heck was going on here?'

Gayunpaman, binasa pa rin niya ang nakasulat sa card na iyon.

<Take care of this for me, Seiichi. Ikaw lang sa ngayon ang pagkakatiwalaan kong mag-ingat sa bagay na 'to. This might be all too sudden. Pero mabuti na ang ganito. Besides, this might help you find what you were looking for concerning your past. Don't let this out of your sight as much as possible. Or if you can, hide it somewhere that only you know. The enemies must not know you have this.>

It looked urgent and written in a dire situation, if one would ask him. Nang makita ni Seiichi ang date na nakasulat doon, isang bagay lang ang pumasok sa isip niya nang mabasang isinulat nito iyon may isang buwan na ang nakakaraan. Hitoshi must have predicted something worse during those times, that was why he sent this to him. Kung ano man iyon.

Alam niya ang kakayahang iyon ni Hitoshi, dahilan upang isa ito sa mga tinaguriang legendary geniuses ng Shrouded Flowers. Kakaiba nga lang ang pagiging genius ni Hitoshi dahil ginagamit nito iyon sa pag-predict ng mga maaaring mangyari sa angkan nito gamit ang mga ancient records tungkol sa Shrouded Flowers. It was truly a unique skill. At kung tama ang sinabi ng Lolo niya noon nang bumisita sila sa Shinomiya mansion sa Kyoto, it was also a deadly skill.

Hanggang ngayon, hindi pa rin maintindihan ni Seiichi kung ano ang ibig sabihin ni Lolo roon. How would a unique precognitive ability be so deadly as he described it?

Pero saka na iisipin iyon ni Seiichi. Dinala na lang niya ang package na iyon sa kuwarto niya. Mas mabuti nang makasiguro siya. Isa pa, may pakiramdam siya na hindi dapat makita nina Tito Hideki, lalo na ni Misae ang tungkol doon. Pagpasok niya sa kuwarto at pagkaupo niya sa kama, agad na niyang binuksan ang package na iyon.

The package was a rectangular wooden case, but this one was a little different from the chest box that was sitting beside his travel bag. Hindi lang four roses ang simbolong nakaukit roon. What Seiichi could see at the moment aside from the roses' symbol was the flower emblem of the Shinomiya clan ㅡ the purple tulip. The flower means nobility in the language of flowers. Pero bukod sa dalawang bulaklak na iyon, may isa pa siyang nakikitang flower emblem na nakaukit sa case na iyon.

It was carved in the middle of the case ㅡ a lotus flower. Kumunot ang noo ni Seiichi nang makita niya iyon. Kaninong pamilya naman ang pinapatungkulan ng flower emblem na iyon? Hindi naman naka-lock ang nasabing wooden case kaya naging madali lang sa kanya na buksan iyon. Pero hindi niya akalaing masosorpresa ako nang husto nang makita niya ang nilalaman niyon. It was a sword with an iris flower-like hilt.

Wait a minute. Was it him or Seiichi had the strongest feeling he just saw this sword from somewhere? Nabaling ang atensyon niya mula sa tanong na iyon nang makitang may nakaukit na mga salita malapit sa hilt ng espadang iyon. From the looks of it, it appeared that it was just etched there recently. Probably a month or two. Hindi niya alam kung paano niya nasabi iyon.

Binasa ni Seiichi ang nakasulat doon. To his surprise, though, the words were etched there in English. Kung tutuusin, Japanese si Hitoshi. Ano kaya ang pumasok sa utak ng lalaking iyon at hindi sa hiragana o katakana o kahit sa kanji isinulat ang mga katagang iyon?

<A sword once forged by the Heavens and the Earth must entwine two destined flowers' estranged fates under the guidance of the Ethereal Sky.>

A verse... that somehow hit Seiichi. Kasabay niyon, naramdaman na naman siya ang pagsakit ng ulo. The words "Ethereal Sky"... Alam niyang narinig na niya iyon noon. And what was worse, he heard about it before he lost his memories.

But the one that truly struck Seiichi was something else. 'A sword once forged by the Heavens and the Earth…' Ang mga katagang iyon ang naging dahilan kung bakit bigla siyang naramdaman ang pagsakit ng ulo.

Ano'ng ibig sabihin nito?

No comments:

Post a Comment