Sunday, June 4, 2017

Yuna's Tulip: Believe In Me - Chapter 2

CHAPTER 2

"ANO kaya ang nangyari roon?" naitanong na lang ni Jerricko sa sarili habang pinagmamasdan ang mabilis na paglisan ng babaeng nakabangga sa kanya. Alam niyang hindi sinasadya iyon dahil parang may iniiwasan ito. O baka may kinatatakutan.

Napakunot siya ng noo sa huling naisip niya. Pero kung iisipin niya nang maayos, parang ganoon nga ang napansin niya. Kahit saglit lang niyang naramdaman, agad niyang napuna ang panlalamig ng babaeng iyon. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang takot na nasa mga mata nito nang tingnan siya bago yumuko para humingi ng pasensiya sa nagawang pagbangga sa kanya.

That was the first time he saw Yunara Limietta—nicknamed Yuna—like that.

Siyempre, kilala na ang babaeng iyon. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa mga elite female members ng SGS na Imperial Flowers? The group's members were, no doubt, the examples of beauty, brains, and talents combined. Ilang beses na niyang nasaksihan ang kakayahan ng mga ito kaya hindi na nakakapagtaka na maging representative ang mga ito ng Alexandrite University. Pero alam din niya na hindi sa lahat ng pagkakataon ay malakas ang loob ng mga ito.

One proof of that was his observation about Yuna's actions earlier. She really looked so vulnerable back then. Hindi niya maintindihan kung para saan ang takot na iyon na napansin niya.

Nang ma-realize niya na kung anu-ano na ang tumatakbo sa kanyang isipan dahil sa nakita, napaliling na lang siya. Ano ba naman ito? Oo nga't noon lang niya nakita na ganoon si Yuna. Pero kailangan ba talagang pakaisipin niya nang husto ang dahilan kung bakit? Una sa lahat, hindi sila malapit ng dalaga. Sa lahat ng miyembro ng Imperial Flowers, sina Mirui at Aria lang ang masasabi niyang ka-close niya, dahil na rin sa pagiging malapit ng mga ito sa teammates niyang sina Lexus at Selwyn.

Ngayong naisip niya iyon, parang napapansin niya noon pa na tanging kay Lexus lang malapit si Yuna pagdating sa Falcon Knights, ang subgroup ng varsity tennis team ng Alexandrite University. Now that thought had really intrigued him. Si Lexus ang captain ng tennis team kung saan isa siya sa mga miyembro niyon. Kung ang SGS ay may Imperial Flowers, ang Falcon Knights naman ang masasabing counterpart niyon sa tennis team.

"That girl is seriously intriguing," nasabi na lang niya sa sarili nang tuluyang maglaho sa paningin niya si Yuna. Muli siyang napailing dahil sa nasabi. Mukhang hindi na naman siya patutulugin nang maayos nito mamayang gabi.

This was what Jerricko hated whenever something intrigued him even just a little bit. Ayaw siyang patulugin ng curiosity niya.

Akmang aalis na siya sa lugar na iyon nang maramdaman niyang tila may tinapakan siya. Idagdag pa na lumikha din iyon ng kaunting tunog. When he looked down to inspect it, he frowned at the sight of a charm bracelet on the floor. It was a silver one with two skating shoes, two paintbrushes, and two paint palettes placed alternately as its charm designs. He found it cute, to be honest. Nakaka-appreciate siya ng mga ganoong bagay dahil ang paggawa niyon ang libangan ng ate niya na pinagkakakitaan din nito. Isa siya sa pinagtatanungan nito kung maganda ba o bagay ba ang mga combination ng charm designs ng bracelet na ginagawa nito.

Ininspeksyon pa rin ni Jerricko ang bracelet habang itinatanong sa sarili kung kanino ba 'yon. Hanggang sa makita niya ang mga letra sa likod ng bawat charm doon.

Y-U-N-A-R-A

"She must have dropped this, then." Napatingin siya sa direksyong tinahak ni Yuna nang umalis ito roon. Mukhang binigyan lang siya ng bracelet na iyon ng dahilan para muling malapitan ang dalaga.

"O, Arilla! Himala at napadaan ka rito. Hindi naman dito ang ruta mo, ah."

Nag-angat siya ng tingin at kumunot ang noo niya nang makita ang kababatang si Zandro Guevarra na papalapit sa kinatatayuan niya. Sa lahat ba naman ng makakasalubong niya, bakit ang isa pa sa kinaiinisan niya? But heck, he might as well deal with this guy.

"Wala naman sigurong masama kung baguhin ko ang ruta ko paminsan-minsan, 'di ba?" malamig niyang tugon. Sa inis niya, humalakhak pa ang lalaking ito.

"Pambihira! Kaya wala kang girlfriend sa lagay na iyan. Ang sungit mo pa rin."

"Mas mabuti na 'to kaysa naman naiistorbo pa ako. Sige na, aalis na ako. Kailangan ko pang umuwi nang maaga," paalam niya at nilagpasan ito.

"Kailan ka pa naging bastos, Jerricko? Ang ayos-ayos na nga ng pakikitungo ko sa 'yo."

Napaismid na lang siya at umiling. Pero hindi niya ito hinarap. Wala siyang pakialam kung masabihan pa siyang bastos. Hindi talaga niya gustong pakiharapan ito sa ngayon. "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, Zandro? Ano nga ba ang dahilan at biglang nagbago ang trato ko sa 'yo?"

Wala siyang narinig na tugon sa sinabi niyang iyon. Sinamantala niya iyon upang tuluyan nang makaalis doon bago pa siya makagawa ng isang bagay na maaari niyang pagsisihan.

= = = = = =

PABAGSAK na inilapag na lang ni Yuna ang hawak niyang paintbrush at marahas na napabuga ng hangin. Hindi siya makapag-concentrate nang maayos sa ginagawa niyang pagpipinta dahil inaalala pa rin niya kung saan ba niya nalalaglag ang charm bracelet niya. Sa lahat ng charm bracelet na iniregalo sa kanya mula pa noon, pinakapaborito niya ang charm bracelet na huling ibinigay sa kanya ng yumaong ama. It had six charms, with two skating shoes, two paintbrushes and two paint palettes as its designs placed alternately. Representation kasi iyon ng mga pangarap niya sa buhay at maging ng mga hobby niya.

Skating represented her mother's dream while being a painter was what her father was known for before he died of cardiac arrest when she was five years old. Kaya talaga namang mahalaga sa kanya ang bracelet na iyon. Pero dahil hindi siya nag-iingat, heto at problemado siya ngayon dahil hindi niya alam kung saan niya naiwala iyon.

Muling siyang bumuntong-hininga at tiningnan ang pinipintang larawan. But at the sight of it, she just smiled wistfully. Paano ba naman kasi siya hindi mapapangiti nang ganoon? What she painted was something she once wished for a long time. Only to have it crushed in front of her because of an act that truly tore her to pieces. May dalawang taon na rin pala mula nang mangyari iyon.

Her painting depicted a couple, only painted in a silhouette, while watching the starry night sky. Ang mga magulang niya ang inspirasyon niya sa painting na iyon. Iyon daw kasi ang madalas gawin noon ng mga ito bago at kahit pagkatapos nang ikasal. They said that it would always remind them of how love could still shine even during the darkest times of one's life. Having faith in it was one of the things needed to be done for people to actually realize it.

"Geez! Dahil lang naiwala ko ang bracelet, nagkakaganito na ako ngayon. Kung anu-ano na ang naaalala't iniisip ko," bulong na lang ni Yuna at saka pinahid ang luhang naramdaman na lang niyang naglandas sa kanyang pisngi.

Hindi siya sigurado kung babalik pa nga ba ang dating paniniwala niya sa pag-ibig. Pero sa ngayon, wala muna siyang aasahan pagdating sa bagay na iyon. She'd rather focus on doing things she loved and would help her forget her fears and nightmares.

"Mukhang inspired ka, ah. Ang ganda ng pagkakapinta mo nito, o."

Ngiti lang ang naging tugon ni Yuna sa sinabing iyon ni Guia na agad ding naglaho sa kanyang mga labi. Huminga siya nang malalim kapagkuwan at tumayo mula sa kinauupuan niya. Siyempre pa, ipinagtaka iyon ni Guia.

"O? Hindi mo pa ito tatapusin? O baka naman tapos na 'to nang hindi ko lang napapansin," puna ni Guia.

Napatigil sa paglalakad si Yuna paalis sa puwestong iyon. Pero hindi niya nilingon si Guia. "Ipapahinga ko lang muna sandali ang utak ko. Kahit gustung-gusto ko na talagang tapusin iyan para maisama sa Valentine gallery ng society, kung ganito namang hindi ko magawang ipirmi ang isip ko, hindi ko rin matatapos nang maayos ang painting na 'yan. Don't worry, I'll finish it. Hindi ako papayag na hindi iyan maisama sa mga idi-display sa gallery."

Tumango na lang si Guia at pinayagan na siyang lumabas muna ng clubhouse. Pero kahit ilang minuto na siyang nakaupo sa isa sa mga bench na naroon malapit sa clubhouse, tila wala pa ring matinong direksyon na tinatahak ang isipan niya. Kapag ganito nang ganito ang mararanasan niya, paano pa niya magagawang tapusin ang isa sa maituturing niyang masterpiece?

"Find someone who will help you clear your mind. Of course, it has to be someone who will help you face your longtime fears."

Kagyat na napalingon si Yuna sa pinagmulan niyon. Nagtaka siya nang makitang papalapit sa kanya si Mirui. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Naisatinig pa yata niya ang tanong na iyon sa kanyang isipan.

"May pakiramdam kasi ako na hindi lang ang nawawala mong bracelet ang dahilan kung bakit tuliro ka nitong nagdaang araw, eh. Nakita mo na naman siya, 'no? 'Yong sira-ulo mong ex."

Hindi na siya umimik pa. Bagkus ay tumingala na lang siya sa langit matapos huminga nang malalim. Seriously, how many times she had done that this past week? "I only heard his voice talking to some girls probably flirting with him. Pero hindi ko napigilan ang paninigas ng katawan ko, pati na rin ang panginginig ko dahil lang doon. And then..." Pero nagdesisyon siyang huwag nang ituloy ang nais niyang sabihin. It's not that important, anyway.

"And then? May iba pang nangyari?"

Umiling siya. "Nothing. I guess that's where I lost my bracelet. Pero nang balikan ko naman 'yon nang sumunod na araw, wala na akong makitang bracelet sa lugar na huli kong kinatayuan. Or maybe I dropped it somewhere while I was running away from that place."

"Iba talaga ang trauma na ibinigay sa 'yo ng nangyari noon, 'no? Lalo na't ang lalaking iyon pa ang may gawa."

"Kaya nga kung pupuwede, ayoko na siyang makita. Pero gaya ng madalas niyang gawin, parang gusto lang niyang mang-asar. Tingnan kung sino ang tatagal sa aming dalawa. Laking pasalamat ko na lang na hindi kami nagsasalubong pa ng landas kahit nasa iisang school lang kami nag-aaral."

"May isang milya ba naman ang pagitan ng building ng Liberal Arts sa building ng Industrial Technology. Talagang hindi kayo magsasalubong. Mabuti na rin iyon."

Pero hindi pa rin niya maiwasang mag-alala't magtanong. Hanggang kailan mananatiling ganoon ang sitwasyon? Panigurado na nag-uumpisa na siyang paglaruan ulit ng tadhana dahil sa nangyari kahapon. Hindi pa niya alam kung handa na nga ba siyang harapin ulit ang taong iyon.

"Let's go. Samahan mo muna ako sa closed court. Yayain nating mag-date si Kuya Lexus para naman kumalma ka. Alam ko namang siya lang ang lalaking nakakausap at nalalapitan mo nang matino, eh. And I think he already had an idea of what you're going through. Nagtatanong na siya sa akin kahapon kung ano raw ba ang nangyari sa 'yo nitong mga nakaraang araw," kapagkuwan ay pagyaya ni Mirui at saka inilahad sa kanya ang isa nitong kamay.

Nakangiti na lang niyang tinanggap iyon at walang lingon-likod na nilisan muna nila ang clubhouse. Maiintindihan naman siguro iyon ni Guia.

= = = = = =

"AKALA ko, mahihirapan ka pang kumbinsihin ni Rui na magpunta rito," kalmadong saad ni Lexus nang makarating na sina Yuna at Mirui sa closed court. Ang lugar na iyon ang madalas na practice area ng varsity tennis team bukod sa open court. Kumbaga, iyon ang exclusive gym ng tennis team, lalo na kapag masyadong mataas ang tirik ng araw sa labas.

Isang kiming ngiti lang ang iginawad ni Yuna sa sinabing iyon ni Lexus. Habang si Mirui naman ay natawa.

"'Sus! Wala ka kasing bilib sa akin, eh. Lagi naman," ani Mirui na nakasimangot. Ginantihan lang iyon ni Lexus ng tapik sa ulo ng dalaga na ikinainis naman nito.

"Yayayain ka raw naming mag-date, sabi ni Mirui," mahinang sabi niya nang harapin siya ng binata.

"Wow! Ako talaga? Laglagan lang?"

Natawa na lang siya at napatingin kay Lexus na bahagyang nakangiti nang mga sandaling iyon. "Okay lang ba sa 'yo?"

Tumango siya. "Wala naman pong problema sa akin, eh. At saka... mukhang kailangan ko rin pong lumabas at mamasyal paminsan-minsan."

"Okay. Wait for me here along with Rui. Magbibihis lang ako." Iyon lang at nagtungo na ang binata sa locker room.

Agad na pinuntahan ni Mirui si Theron sa eastside bench area na nagpangiti na lang sa kanya. Kitang-kita kasi sa mukha ng dalawa ang matinding kasiyahan nang makita ang isa't-isa. Pinili niyang maupo na lang sa itaas na bahagi ng westside bench area ng closed court para panoorin ang ongoing tennis practice matches doon. Binubuo ng apat na courts ang buong area ng closed court. Sa Court A ay nakita niyang naglalaro sina Kane at Selwyn. Sa Court B naman ay sina Thadis at Jerrold ang naglalaro. Habang sina Errol at ang kinakapatid niyang si Dyran naman sa Court C. At katatapos lang ng laro sa Court D kung saan naroon sina Jerricko at Clifford.

Nang makita niya si Jerricko, natampal na lang ni Yuna nang marahan ang noo niya. Sumagi sa kanyang isipan ang ginawang pagbangga rito nang araw na iyon na narinig niya ang boses ng ex-boyfriend niya. Ni hindi man lang siya nakapag-apologize nang maayos dito sa ginawa niya. Pero paano naman niya gagawin iyon ngayon kung ganitong ipinaalala lang ng taong ito ang nangyari nang araw na iyon? Heto ngayon at nanunumbalik na naman ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso dahil doon.

"Are you okay, Yuna?"

Kagyat na napamulat siya nang marinig iyon at napaangat ng tingin. Lihim niyang ikinagulat ang pagbungad sa kanya ng nag-aalalang mukha ni Jerricko na nakaakyat na pala ng bench area kung saan siya nakapuwesto nang hindi niya namamalayan. Ilang hakbang lang ang layo nito sa kanya mula sa kaliwa. Pero heto't hindi niyang magawang kumilos. Nakapatong pa rin ang kamay niya sa dibdib at unti-unti niyang kinukuyom iyon. Humigpit pa iyon nang makita niyang lumalapit si Jerricko sa kanya.

"May problema ba rito?"

Napatingin naman kaagad si Yuna kay Lexus na siyang nagtanong niyon. Medyo mabigat pa rin ang paghinga niya dahil pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Pero kahit ganoon ay umiling siya bilang tugon sa tanong na iyon ni Lexus. Napansin niyang tinitingnan siya nina Jerricko at Lexus—ang una ay may bakas pa rin ng pag-aalala sa mukha nito habang ang huli ay tila tinatantiya kung totoo o hindi ang sagot niya. Nakita niyang bumuntong-hininga si Lexus at umakyat na palapit sa kanya.

"Sigurado kang okay ka lang? Walang problema?" naninigurong tanong ni Lexus at sinagot na lang niya iyon ng isang tango.

Tumayo na siya mula sa kinauupuan at sumama na kay Lexus sa pagbaba sa bench area. Pero nagulat siya nang maramdaman ang paghawak ni Jerricko sa kanyang braso. Napatingin siya rito.

"M-may... kailangan ka?" kinakabahan at hindi makatinging tanong niya sa binata. Nakuyom niya ang kanyang kamao para piliting kalmahin ang sarili niya.

"Nahulog mo noong mabangga mo ako nang hindi sinasadya," ani Jerricko at saka iniabot sa kanya ang silver charm bracelet na ilang araw nang nawawala sa kanya. "Sa tingin ko, napakahalaga sa 'yo ng bracelet na iyan kaya itinago ko muna hanggang sa magkaroon ako ng pagkakataong ibalik 'yan sa iyo."

Ganoon na lang ang galak niya nang makitang hawak iyon ni Jerricko at hindi na niya naitago iyon. Napangiti siya nang maluwang habang kinukuha iyon mula sa kamay nito. Kapagkuwan ay tiningnan niya ito at nginitian. "Thank you. You have no idea how much you helped me by bringing this back to me."

"You should do that more often, you know."

Agad na naglaho ang ngiting iyon kasabay ng nalilitong tingin na iginawad niya rito.

"Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka lang. Believe me," dagdag ni Jerricko bago ngumiti at bumitaw sa pagkakahawak sa braso niya.

Naiwan siyang nakatulala dahil sa sinabi nito. Ilang sandali pa ay nilingon niya ito at sinundan ng tingin ang paglayo nitong iyon bago dumako ang tingin niya sa hawak na charm bracelet.

No comments:

Post a Comment