WARNING: This is a long post. And I mean really long since umabot lang naman ito ng 2 pages nang i-type ko ito sa MS Word. Font style: Calibri, font size: 11. Haha! Grabe, in-elaborate pa talaga ang ginamit na font style at size, `no?
= = = = = =
Nakakairita! Sa totoo lang. Masyado na bang dumarami ang mga taong walang magawang matino sa mga buhay nila at pati ang nananahimik na buhay ng ibang tao, pinapakialaman at tinatangka pang sirain? Sa mga nakakakilala sa akin, alam nila na hindi ako masyadong nagre-react kapag ako ang pinapakialaman nila o nilalait nila. Hanggang kaya kong manahimik para lang walang gulo, gagawin ko. Ganoon ako. Pero kapag ang nanay ko o ang mga kapatid ko na ang tinira nila, aba! Ibang usapan na ‘yan, ah.
Kung ano man ang mababasa n’yo rito, reaksyon lang ito ng isang taong sobrang buwisit na sa mga taong walang matinong magawa sa mga buhay nila. Sa mga desperadang mapansin at sa mga taong nambubuwisit ng mga nananahimik na tao, na nagmamagaling na para bang alam niya ang totoong kuwento—ang totoong mga nangyari. Ito lang ang masasabi ko sa `yo, kung sino ka mang istorbo ka na nanggugulo sa nanay ko.
Huwag na huwag mong ipapakita sa akin ang pagmumukha mo kung ayaw mong ihampas ko sa `yo ang lahat ng pamalong makikita ko sa paligid. Hindi ako war freak na tao at alam ng mga nakakakilala sa akin ang tungkol diyan. Tahimik akong tao—in fact, sobrang tahimik. Kahit sa social media, tahimik ako. Pero huwag na huwag mong kinakanti ang sinuman sa pamilya ko at baka ikaw ang unang makaranas kung gaano ako kabrutal na tao. Hindi kita tinatakot. Alam ng nanay ko at ng mga kapatid ko kung gaano kabigat ang kamay ko kapag namamalo ako—pabiro man o seryoso. Baka gusto mong iparanas ko sa `yo mismo kung gaano kabigat ang kamay ko kapag may narinig pa ako sa nanay ko na kung anu-ano ang pinagsasasabi mo sa kanya na para bang ang dami mong alam sa buhay niya at sa mga pinagdaanan niya.
At hoy, feelingera! Don’t talk as if you really know everything that happened. Gusto mo pa i-Tagalog ko? Huwag kang daldal nang daldal na para bang alam na alam mo talaga ang nangyari at ang totoong kuwento ng nanay ko. Nakakairita! Huwag ka ring makialam ng account ng ibang tao na para bang ang laki naman ng karapatan mo para gawin iyon. Bakit, sigurado ka bang kayo pa rin at sa `yo nga siya babalik gaya ng sinasabi mo sa nanay ko? Hindi ako nagpapaka-confident sa mga pinagsususulat ko rito pero sa nakikita ko kasi, wala ka pa ring karapatang magdesisyon para sa kanya. Masyado kang clingy.
At ang lakas din ng loob mong sabihang pulubi at mukhang pera ang nanay ko. Sasabihan mo pang laki siya sa hirap? Grabe, bilib na talaga ako sa confidence at insecurity mo, `no? Palakpakan naman diyan (note the sarcasm, please). Ang sabihin mo, hindi ka lang marunong dumiskarte at hindi ka lang marunong maghanap ng matinong isusuot sa murang halaga. O baka naman meron ka ngang nakikita. Hindi ka lang marunong magdala. Nasa nagdadala iyan. Tried and tested na iyan, hindi lang sa nanay ko kundi pati na rin sa mga kapatid at kaibigan ko. `Yang sinasabihan mong laki sa hirap, mas marami pang isinuko para sa aming mga anak niya, kasama na doon ang magandang buhay na tinamasa niya noon pa. Baka kapag inalam mo pa ang totoong kuwento ng buhay niya, manliit ka pa. At huwag mo nga kaming idinadamay ng mga kapatid ko sa kabalbalan ng utak mo na sa tingin ko pa, eh ang sarili mo lang ang tinutukoy mo at ipinapasa mo lang sa iba ang pagiging insecure mo. Hindi mo alam kung paano magalit ang mga `yan. Kung mataray at maldita nang naturingan ang nanay ko, mas malala pa kami. And besides, inilulugar namin ang kamalditahan at katarayan naming magkakapatid. Kaya sana, pag-isipan mo `yang mga pinagsasasabi mo sa nanay ko kung ayaw mong iparanas namin sa `yo ang gulong hinahanap mo, okay? Masyado kang mapapel. Kulang na lang, ikuskos ko `yang mapapel mong mukha sa pader.
Sa totoo lang, sa mga pinagsasasabi mo, pinapakita mo lang kung gaano ka kadesperada at hindi nag-stay sa utak mo ang mga pinag-aralan mo sa GMRC at sa Values Education subjects mo. Seryosong usapan lang. Kaya mas lalo kang nakakairita na kulang na lang, hampasin na talaga kita pagkakita ko sa pagmumukha mo. Wala nang sali-salita. Ganoon kasama ang tingin ko sa `yo. Isa pa, kung talagang confident ka na sa `yo nga siya pupunta at babalik pagkauwi niya rito sa Pilipinas, eh `di sana hindi ka na nang-iistorbo ng ibang tao sa pagsasabi ng mga bagay na `yan. Ano’ng gusto mong palabasin sa mga pinagsasasabi mo sa nanay ko? Na ikaw na ang panalo? Mare, huwag kang magsalita ng tapos. Maraming puwedeng mangyari araw-araw. Hindi lang buwan, hindi lang linggo. Proven na iyan. Ikaw rin, baka pagsisihan mo `yang pagiging confident mo kuno balang araw pagdating ng hinihintay mo rito sa Pilipinas. That is, kung may dapat ka nga bang hintayin at kung may babalik nga ba sa `yo.
= = = = = =
Sa mga FB friends o kahit sino sa mga kaibigan ko na makakabasa nito, pasensiya na sa masyadong mahabang rantings. Nakakainis lang kasi, eh. Sobra na. Hindi na talaga nakakatuwa. Pero at least, surprisingly, kumalma na ako nang gawin ko ito. Makakapagsulat na ako ng maayos mamaya. Baka doon ko na lang ibaling ang natitira ko pang inis. May mapapala pa ako kapag doon ko ibinaling ang inis kong ito.
No comments:
Post a Comment