CHAPTER 4
WALANG salitang namagitan kina Yuna at Jerricko habang sabay na naglalakad pauwi sa bahay niya. Ilang beses nang pinakiusapan ni Yuna si Jerricko na huwag na siyang ihatid at abalahin pa ang sarili nito sa paghatid sa kanya. Pero sadyang makulit talaga ito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin para lang paalisin na ito. Of course, she didn't want to be rude to him who dedicated his time just to escort her home.
Pambihira naman kasi si Mirui. Kailangan ba talaga nitong pakiusapan si Jerricko na bantayan siya kahit sabihin pang pumayag din si Lexus? Kung minsan talaga, hirap siyang sakyan ang iniisip ng kaibigan niyang iyon.
"Alam mo, mapapanisan ka ng laway sa pagiging tahimik mo. I'm still here. Nag-e-exist ako rito sa tabi mo, baka nagkakalimutan tayo," ani Jerricko na bumasag sa kanina pa nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.
Kahit ayaw niya ay napangiti siya. Nag-iwas siya ng tingin at kinagat ang mga labi para lang hindi matawa.
"Masama rin ang magpigil ng tawa," dagdag pa nito.
Napailing na lang siya at hinarap si Jerricko na tila may nang-aasar na ngiti sa mga labi nito. "Ano'ng nginingiti-ngiti mo riyan?"
Umiling ito pero hindi pa rin napapawi ang ngiting iyon. Soon after, that teasing smile changed into a gentle one before facing her. Lihim siyang napapitlag dahil doon subalit hindi niya ipinahalata. "You're really mysterious, you know."
"Bakit mo naman nasabi 'yan?" Marami nang nagsasabi niyon sa kanya pero hindi na niya inaalam ang dahilan kung bakit ganoon ang tingin ng mga ito sa kanya. But what was it with Jerricko that made her almost immediately ask that question to him?
"Ganoon ang tingin ko sa 'yo. But what really made you mysterious to me is that I always see something in your eyes whenever I try to approach you."
Nagtatakang tiningnan lang niya si Jerricko pero hinayaan niya itong magpatuloy.
"Pero siguro, takot ka lang makipag-usap sa isang estranghero. May pinag-ugatan naman siguro iyon, 'di ba? I admit, hindi pa nga tayo ganoon magkakilala. Pero sana huwag mo naman akong paalisin agad-agad. I really want to get to know you, Yuna."
Walang masabi si Yuna sa mga narinig mula sa binata. Kasabay niyon ay nakaramdam siya ng panginginig at pinilit niyang huwag ipahalata iyon dito. Muli siyang nag-iwas ng tingin at nauna nang naglakad.
"Yuna, wait! I'm sorry binigla kita sa mga sinabi ko," agad-agad na sabi ni Jerricko habang pilit na sinasabayan ang bilis ng paglalakad niya.
Pero tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad. Hindi dapat mahalata ng lalaking ito ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Nagulat na lang siya nang maramdamang may humawak sa braso niya at pinihit paharap dito.
"Let go of me!" Malakas na pinalis niya ang nakahawak na kamay ni Jerricko sa kanya. Wala sa loob na niyakap niya ang sarili at umatras ng ilang hakbang dito.
"Something happened to you... That's why you're scared of me, huh? Of any stranger approaching you?" For Yuna, the way Jerricko said it made it more like a statement than a question, though.
Huminga na lang siya nang malalim. Napalunok siya nang wala sa oras habang yakap pa rin ang sarili. "I-I'm sorry..." Hindi nga lang niya alam kung para saan ang sorry niyang iyon.
"It's okay. At least I already have an idea on how to deal with you the next time," saad ni Jerricko. Tila nauunawaan nito ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
Pero kumunot ang noo niya sa huling sinabi nito, dahilan upang harapin niya ang binata. "T-the next time? Y-you mean...?"
Ngumiti si Jerricko at dahan-dahang lumapit sa kanya. Napaatras nga lang siya ng ilang hakbang dahil doon na kaagad namang nagpahinto rito. Tumango-tango pa ito. "Yeah. Hindi pa ito ang huling beses na sasamahan kita. I'm asking for the impossible for now. Pero huwag ka sanang mag-aalangang lapitan ako kapag may kailangan ka, okay? Hindi lang naman si Lexus ang makakatulong sa 'yo, eh. I'll be a friend to you."
"Kahit alam mong... hindi kita malalapitan nang maayos?"
"Yeah. Sabi ko nga, at least alam ko na kung paano ka pakikitunguhan. For starters, hindi mo na kailangang magpunta sa closed court. Lalo na kung wala kang kasama at wala roon si Lexus. Mabuti nang makasiguro na hindi ka mapapahamak sa teritoryo ng Falcon Knights. Ang dami pa man ding mga loko-loko sa kasamahan ko sa tennis club. Okay? Just make me your friend and I'll do my best to protect you."
Nakatingin lang siya sa binata habang sinasabi nito ang mga iyon. Hindi niya talaga ito mapaniwalaan. Pero wala naman sigurong masama kung tanggapin niya ang iniaalok nitong pakikipagkaibigan, 'di ba? Kaibigan lang naman, eh.
"Pag-iisipan ko."
= = = = = =
"WOW! Iyon ang isinagot mo sa offer niya sa 'yo? Grabe ka, Yuna. Isang guwapo na ang gumagawa ng paraan para makipagkaibigan sa 'yo, 'tapos ganoon lang ang sagot mo? Pambihira ka talaga kahit na kailan," 'di makapaniwala at naiiling na lang na reaksyon ni Mirui matapos niyang ikuwento ang mga naging kaganapan nang nagdaang araw sa pagitan nila ni Jerricko.
Kinumpronta niya kasi ang kaibigan nang maabutan niya ito sa clubhouse ng Imperial Flowers na nagpa-practice ng isang pamilyar na piyesa para sa performance nito sa inihahandang Valentine concert ng university. Inamin naman nito na pinakiusapan nga nito si Jerricko na samahan siya. Nakarating kasi rito ang nangyari sa closed court nang mag-isa siyang pumunta roon.
"Ano nama'ng gusto mong sabihin ko? Alangan namang papayag ako agad-agad? Alam mo namang na-trauma na ako sa mga taong makikipagkaibigan sa akin, lalo na ang mga lalaking nagpupumilit lumapit sa akin," tugon niya at naupo sa settee.
"Alam mo, Yuna, hindi lahat ng lalaki ay katulad ng ex mong bulok ang intensyon sa una pa lang. Besides, kilala ko si Kuya Jerricko, okay? At saka, takot lang n'on kay Lexus, 'no? Si Lexus ang unang-una niyang makakalaban kapag may ginawa siyang masama sa 'yo. Hindi lang hanggang salita ang bad boy image na meron ang lalaking iyon noong high school. Idagdag mo na rin na nakakapanakit ako nang wala sa oras kapag sinaktan ka niya."
Hindi na niya napigilang mapangiti sa sinabing iyon ni Mirui. Kahit kailan talaga, alam nitong pagaanin ang kalooban niya kapag nag-uumpisa siyang maapektuhan na naman dahil sa mga naaalala niya sa kanyang nakaraan. Totoo naman ang sinabi nito. Isa si Lexus sa mga magtatanggol sa kanya kapag napahamak siya. Nakita na niya iyon noon nang muntik na siyang mapahamak sa kamay ng ex-boyfriend niya. Noon din niya napatunayan na totoo ang sinabi ni Kane na isang malaking pagkakamali ang kalabanin si Lexus, lalo na kapag ang mga taong mahahalaga rito ang nasaktan at napahamak.
"Alam ko naman iyon. Laking pasasalamat ko at nakilala ko kayo ni Kuya Lexus."
"Anyway, ano na'ng plano mo? Ano'ng isasagot mo sa inio-offer ni Kuya Jerricko sa 'yo?" kapagkuwan ay tanong ni Mirui.
Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "Ganoon pa rin ang magiging sagot ko. Pag-iisipan ko muna. Hindi na ganoon kadali para sa akin na basta na lang pumayag sa pagkakaibigang hinihingi nila mula sa akin," mapait na sagot niya at tumayo mula sa settee. Mas mabuti pa nga siguro na ituon na lang muna niya ang atensyon sa pagpipinta.
Narinig niya ang malalim na paghinga ni Mirui pero hindi na lang niya pinansin iyon. "Yuna, just try to give Kuya Jerricko a chance on this one. Friends lang naman, eh. Mas mapapanatag ako na siya ang kasama mo dahil alam kong mababantayan ka niya. Wala namang masama roon."
"Hindi ko alam, Mirui..."
"Just give it a try. At sana, dumating ang araw na maipinta mo rin ang obra na magpapaalala sa 'yo na may pag-asa pang makatagpo ng isang pag-ibig ang kagaya mong nasaktan nang husto noon."
Hindi na sumagot si Yuna. Hindi naman siya sigurado kung darating pa nga ba ang araw na iyon na hinihiling ng kanyang kaibigan. Ayaw na rin lang niyang umasa pa. Baka lalo lang siyang masaktan.
= = = = = =
"NAGPA-PRACTICE ka na dapat para sa tennis tournament next month, 'di ba?" hindi tumitinging salubong ni Yuna sa pagdating ni Jerricko sa clubhouse ng Imperial Flowers nang araw na iyon. Hindi naman niya kailangang mag-angat ng tingin para malaman kung sino ang dumating. Sa peripheral vision niya, nakikita na niya ang pamilyar nitong tindig.
"Siguro nga. Pero hindi naman ako kasali sa line-up para sa tournament. Isa pa, hindi pa ako pinayagan ng doktor na maglaro para sa tournament na 'to hanggang hindi pa gumagaling ang wrist injury na nakuha ko noong huling laro ko," tugon ni Jerricko bago umupo sa settee.
Sapat na ang sinabi nito para tumigil siya sa ginagawang pagpipinta at tingnan ito. Hindi rin niya alam kung para saan ang pag-aalalang lumukob sa kanya nang mga sandaling iyon. "I-injury?"
Tumango ito. "Kasalanan ko iyon. Mabuti na lang at pinayagan ako ni Lexus na ipahinga muna ito bago ako maglaro ulit. Don't worry. Minor lang naman ito, eh. Malayo sa bituka."
"Hindi ka lang marunong mag-ingat. Besides, why should I worry?" nakalabing saad niya at muling itinuon ang pansin sa pinipintang obra. Ilang detalye na lang ang kailangan niyang ilagay roon bago niya masabing patapos na ang ipinipinta niya. "Kung ganoon, wala ka nang dahilan para pumunta pa rito. Ipahinga mo na lang 'yan."
"Miss Yunara Limietta, palapulsuhan ko lang ang may injury. Hindi kasama ang iba pang parte ng katawan ko na malakas pa sa kalabaw at kaya ka pang samahan sa lahat ng mga lakad mo. Kaya hindi mo pa ako mapapaalis na lang ng basta-basta at pigilan ako sa gusto kong gawin. Nagkakaintindihan tayo?"
Kunot-noong tiningnan ni Yuna si Jerricko na ngayon ay nakangisi at umaangat-baba pa ang mga kilay nito. "Hindi ka rin insisting, 'no? Ang tigas pa ng ulo mo. 'Buti hindi pa nabubuwisit sa 'yo si Kuya Lexus."
"Uy, good boy ako sa team namin, ah."
"Sa team n'yo lang, ganoon? Eh 'di parang inamin mo na rin na bad boy ka rin sa labas ng tennis team."
"Siguro nga, meron din ako n'on. Minsan ko nga lang ipakita iyon sa madla dahil talagang tiklop sila. Pero wala pa ring makakatalo kay Lexus pagdating sa pagiging bad boy niya."
Kahit gusto pang ipagpatuloy ni Yuna ang ipinipinta, hindi na niya magawa. Bumuntong-hininga na lang siya at nilingon si Jerricko na ngayon ay kumukuha ng isang magazine na nakalagay sa rack na katabi lang ng settee. From her direction, she could see that this guy doesn't really look like he would cause any trouble. Talagang good boy ang image na nakikita niya nang mga sandaling iyon. Hindi naman niya ganoon kakilala si Jerricko para masabi niya na kung ano ang nakikita niya ay iyon ang talagang ugali nito. Gaya nga ng sabi nito, may bad boy image din ito—hindi nga lang naipapakita nang ganoon kadalas sa madla.
"Sino ba sa mga kasamahan mo ang mahilig sa gardening? Parang halos lahat yata ng magazines na nandito, tungkol sa paghahalaman, ah," mayamaya ay usisa nito at nag-angat ng tingin.
Nakita niya ang dumaang pagkagulat sa mukha nito nang mapansin nitong tinitingnan niya ito. Pero sandali lang iyon. Ilang sandali pa ay naging seryoso na ang tinging iginagawad nito sa kanya. "You like what you see?"
Hindi niya sinagot ang nanunudyong tanong nito. Bagkus ay nag-iwas lang siya ng tingin at kinuha ang paint brush na inilapag niya sa pallette na nakapatong sa katabi niyang mesa. "Si Miette lang sa ngayon na member ng Imperial Flowers ang mahilig sa mga halaman. Pero ang talagang focus niya ay flower arranging. Kailangan lang niyang magbasa ng mga ganyang magazine dahil tinutulungan niya ang mama niya na nag-aasikaso sa flower garden na pinagkukunan nila ng mga bulaklak na madalas nilang ginagamit sa flower arrangements na ginagawa nila."
"Ang hirap siguro n'on para sa kanya. Wala man lang siyang kasama sa pinagkakaabalahan niya."
"Kung sa Imperial Flowers lang, oo nga at wala talaga siyang kasama. Pero kung sa ibang members ng SGS, magugulat ka sa dami ng members na talagang mahilig sa flower arranging. Ibinubuhos ni Miette ang panahon niya para turuan ang mga kasamahan namin sa society na katulad niya ang hobby at specialization." Mayamaya pa ay natigilan siya. Paano niya nagagawang magkuwento kay Jerricko ng mga bagay-bagay, lalo na sa mga obserbasyon niya?
"Akala ko talaga, iiwasan mo ako pagkatapos kong sabihin sa 'yo na gusto kong makipagkaibigan. It's a good thing na nagagawa mong magsalita nang ganyan ngayong ako ang nandito ngayon at kasama mo," natatawang saad ni Jerricko kapagkuwan.
Napatingin tuloy siya rito. He smiled at her charmingly, seemingly enough to make her heart beat fast again. Good thing it wasn't a scary type of heartbeat. But definitely something she didn't want to feel at the moment.
"Sinabi ko namang pag-iisipan ko, 'di ba? Wala naman siguro sa mga salitang iyon na nagsasabing hindi puwede. You can still do your thing kung doon ka talaga masaya. Just... maintain a certain distance from me." Halos pabulong na lang ang pagkakabigkas niya sa huling pangungusap.
"I know that. Sinabihan naman na ako ni Lexus tungkol doon the first day pa lang. At wala akong planong sirain iyon. Marunong akong tumupad sa usapan, okay?"
Pinilit niya ang sariling huwag ngumiti. Pero sa loob-loob niya, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang sayang naramdaman niya. He was the first guy in two years that made her feel that way. Gusto niyang matakot nang husto, sa totoo lang. Pero ayaw na muna niyang i-entertain iyon. Since Jerricko was pretty insisting about becoming his friend, she might as well give it a try.
No comments:
Post a Comment