Tuesday, June 13, 2017

Shrouded Flowers: The Last Sky Of The Earth 7 - New Life

Two years later...

"WOW... 'Di ko man lang akalain na ganito pala kalaki ang Skyfield University."

"Ngayon ka lang nag-react nang ganyan, samantalang dalawang taon ka nang nag-aaral dito."

Napasimangot na lang si Kourin at saka niya hinarap ang nagsabi n'on. "Grabe ka naman, Ami. What I meant was the space na sakop ng college department. Alam mo namang bawal magpunta rito ang mga taga-high school department maliban na lang kung may kailangan ka sa isa sa mga professors dito."

Ngumiti lang si Amiko at saka ginulo ang buhok niya. Hindi pa rin nawawala ang pagsimangot niya nang hawiin ang kamay nito sa ulo niya. Nakakainis lang. Ang hilig guluhin ng mga ito ang buhok niya.

Enrollment day nang araw na iyon at kasama ni Kourin si Amiko ㅡ pero Ami ang madalas niyang tawag dito. Ami-chan dapat ang itatawag niya rito kahit pa may dalawang taon na pagitan sa mga edad nila. Well, the young clan princess would've called Amiko like that if she was still back in Japan. She used to do that back home. Pero ibang kultura na ang kailangan muna niyang sundin... just for the sake of adapting to the new life she had to live.

Wala namang problema sa pagsasalita niya ng Filipino dahil pinag-aralan naman niya iyon bago pa man siya nagdesisyonng mag-migrate sa Pilipinas. It was one of the languages she decided to learn for a reason.

"Siyanga pala, nasaan si Ate Nanami?" mayamaya'y usisa ni Kourin kay Amiko. Ang alam kasi niya, sasama rin daw si Nanami sa kanya na magpapa-enroll.

"May kailangan lang daw asikasuhin sa dean's office. Don't worry, kasama naman niya sina Ate Kana at Kuya Takeru."

'Magkasama na naman ang dalawang iyon? Hay...' Kung hindi lang niya alam na sa iisang angkan lang nanggaling sina Kana at Takeru, iisipin talaga niyang may relasyon ang dalawang iyon. "Hindi talaga mapaghiwalay ang dalawang iyon, sa totoo lang."

"Kahit naman noong nasa Japan pa tayo, palagi nang magkasama ang mga iyon. Hindi ko nga alam kung paano naging magkasundo ang dalawang iyon, samantalang magkaibang-magkaiba talaga ang personality nilang dalawa."

Hindi na siya umimik pagkatapos n'on. Maging siya ay nagagawa ring itanong iyon sa sarili niya paminsan-minsan. Pero kasabay naman n'on ay ang paglukob ng lungkot sa dibdib niya. Somehow, hearing the word "Japan" usually triggered a lot of memories in her mind ㅡ those that she could still remember. Sinikap niyang pigilan iyon para walang mahalata si Amiko. Kahit papaano ay nagawa niya 'yon. Siguradong mag-a-activate na naman ang "mother hen mode" nito kapag may nahalata itong bakas ng kalungkutan sa kanya. Ang tindi pa man ding mag-alala nito kapag ganoon.

Hindi naman naghintay sina Kourin at Amiko nang matagal kay Nanami. Siguro, may 5 minutes lang pagkatapos niyang itanong kay Amiko kung nasaan si Nanami. At gaya nga ng sabi ni Amiko, magkasama na naman sina Kana at Takeru. Right after that, sinamahan na siya ng mga ito na magpa-enroll para sa first semester niya sa Skyfield University. Yes, she knew. She was perhaps the youngest enrollee there at her age of 17. Pero ano'ng magagawa niya? Maaga siyang nag-aral, eh. At ang resulta? Heto, maaga ring naka-graduate ng high school.

Nang matapos na ang enrollment process at nakapagbayad na rin ng downpayment, hindi na sila nagtagal pa sa school. Kabilin-bilinan kasi sa kanya ng isa sa mga guardian niya na si Hotaru na huwag daw siyang magtatagal sa labas. Tapusin na lang daw muna niya ang mga dapat na asikasuhin at umuwi na raw siya kaagad pagkatapos n'on.

Umiral na naman kasi ang pagiging worrywart ng babaeng iyon kaya ganoon na lang kung makapagbilin kay Kourin. Then again, may pinag-ugatan ang kilos nitong iyon. And that same reason made the young clan princess have a chaperone para lang makapag-enroll siya.

"Rin!"

Agad na nag-angat siya ng tingin mula sa binabasa niyang class schedule. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang pinagmulan niyon. Hindi niya maitago ang tuwa nang makitang papalapit sa kanya ang taong iyon.

"Raiden!"

Tumigil ang isang guwapo't maputing lalaki sa harap niya. Ang lawak ng ngiti nito nang harapin siya nito. "Nakapag-enroll ka na?"

Tumango siya. "Heto nga, o. Katatapos lang. Ikaw?"

"Pareho tayo. Actually, natapos na akong magpa-enroll 30 minutes ago. Nagkataon lang na dumaan pa ako sa dean's office to settle something with regards to my subjects." Raiden looked at the paper Kourin was holding. "Mind if I take a look at it?"

Kourin just handed the paper to Raiden wordlessly. Well, inasahan niya nang mag-i-inquire ang lalaking ito sa schedule niya. Hindi naman nagtagal ang ginawa nitong pagtingin doon. Moments later, he handed the paper back to her.

"Ganoon lang 'yon?"

Nakangiting tumango naman si Raiden. "Tiningnan ko lang kung may pagkakaiba tayo sa time na ibinigay sa 'yo. So far, wala naman. I guess that makes us blockmates."

'Blockmates? Don't tell me...?' "You enrolled the same course as I did?" Business Administration kasi ang kinuha niya, eh. And she could really get to use that in the near future.

"O, ano nama'ng nakakagulat doon? I told you about that before, right?"

May sinabi nga ba si Raiden sa kanya? Teka nga lang. Tatandaan muna niya. Hmm...

Bigla namang napabuga ng hangin si Raiden na pumutol sa "traveling down the memory lane" ni Kourin. She ended up frowning when she saw him scratching the back of his head. "Nakalimutan mo na naman, 'no?"

Napangiwi na lang siya dahil sa sinabing iyon ni Raiden. She guessed it was true.

"Do you still have time? Labas muna tayo. Ipapasyal kita," yaya ni Raiden kay Kourin na bahagya niyang ikinagulat.

"Eh? A-as in ngayon na?"

Nakita niyang natigilan si Raiden. Mukhang nahalata yata nito ang pag-aalinlangan niya. "I-is it a bad time? Magdadalawang linggo na kasi kitang hindi nakikita sa park, eh. Hindi naman kita mapuntahan sa bahay n'yo at mukhang mahigpit ang security sa inyo."

Hindi na umimik si Kourin. What he said was the truth. Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang huli silang nagkita ni Raiden.

"It's okay. You go on ahead, Rin."

Agad na hinarap ni Kourin si Takeru na nagsabi n'on. Nakangiti lang ito sa kanya as he nodded. Nang tingnan naman niya sina Kana at Nanami, they both had the look that said "don't worry."

"Huwag ka na ngang mag-alala. Kami na ang bahala, okay?" sabi naman ni Amiko at ipinagtulakan pa talaga si Kourin kay Raiden.

The princess glared at Amiko but she just laughed it off. Sa totoo lang, makakatikim talaga ng sermon sa kanya mamaya ang babaeng 'to, eh. But as she read Amiko's words, she thought she knew what they were all up to.

Wala nga sigurong magiging problema kung sumama siya kay Raiden, 'di ba? Hinarap na lang niya ang lalaking 'yon at saka siya tumango.

"Siguraduhin mo lang na mag-e-enjoy ako sa pagpasyal natin, ha?"

All Raiden did as a response was to show a wide smile. Hindi na rin napigilan ni Kourin ang mahawa sa ngiti nitong iyon.

No comments:

Post a Comment