KINABUKASAN na ang flight nila patungong New Zealand pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makatulog si Seiichi. Mag-aala-una na ng madaling araw pero dilat pa rin ang mga mata niya at sa kung saan naglalakbay ang kanyang isipan. Pero ano pa ba ang bago? Mula pa yata nang umalis siya sa Kyoto ― sa tahanan ng mga Shinomiya kung saan limang buwan din siyang namalagi ― ay ganoon na ang nangyayari sa kanya. Lumala pa iyon nang mabalitaan niya ang nangyaring pag-atake sa mansyon at nalaman niyang walang nakaligtas sa mga kaibigan niya.
Sino pa ba ang makakatulog nang maayos dahil nangyari ang mga iyon?
"Mukhang hanggang sa huli, pag-iisipin n'yo pa rin akong magkapatid..."
Ilang beses na niyang naging biro iyon kina Hitoshi at Kourin noon. Pero nakapagtatakang nginingitian lang siya ng mga ito, na para bang may pinaplano ang magkapatid tungkol sa kanya. Pero kung siya ang tatanungin, si Hitoshi lang ang alam niyang may kakayahang gawin iyon. Kourin was a little pampered young lady and even though trained in combat, she wasn't forced to put those trained skills to use.
Come to think of it... "Ano nga ba ang kakayahang meron si Kourin para bantayan siya nang ganoon ni Hitoshi?" Seiichi was pretty sure that the former Shinomiya prince didn't have a sister complex or something. Pero sa opinyon niya, ibang klase ang security na nakapalibot sa prinsesa ng Shinomiya clan. Dahil ba ito ang bunso?
Sa pagkakaalala niya sa dalagita, may inabot si Seiichi sa loob ng bulsa ng suot na pantulog. Napangiti na lang siya kapag naiisip niya kung paanong hindi nawawala sa tabi niya, sa katawan niya ang isang bagay na minsang inabot sa kanya ni Kourin. It was her return gift to him in exchange of the ribbon he gave her once. Hindi niya napigilang mapangiti sa kabila ng masakit na katotohanang kaakibat niyon.
Taking it out from his pocket, his left hand soon revealed a blue stringed bracelet with a unique charm hanging on it. A crane taking flight with a tulip on its beak. He had never seen such a design before, which was why he found it unique...
"A crane?" Seiichi couldn't help smiling as soon as he saw the charm that was the only design hanging on the bracelet. It wasn't big, but the details of the charm was intricately detailed that he couldn't help feeling amazed at the sight of it.
"What? It's a bringer of good fortune, even in this country. And I want you to have a reminder of that wherever you go. The tulip is just a bonus, so that you'll know that it came from me."
Lalong lumuwang ang pagkakangiti ni Seiichi sa narinig kay Kourin. No girl had ever given him such a meaningful gift before. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit ganoon siya kasaya ng mga sandaling iyon.
"Arigatou..." he said sincerely. Though still struggling to speak in a language that he should've already learned when he was young, he still knew a lot for him to use in a conversation that he'd like to hold with Hitoshi and Kourin. "I'll treasure this." Tiningnan niyang muli ang disenyo ng charm na nasa string bracelet at napangiti. "Yup. I'll definitely remember only you whenever I'd come to look at this. I recalled watching you fold paper cranes when I first met you."
"Oh, yeah. There was that time, huh?" Ngumiti si Kourin na tila tuwang-tuwa sa pagkakaalala sa binanggit niyang insidente. "I'm really glad you like it..."
"Why wouldn't I like anything that came from you?" Seiichi uttered after recalling that memory. Pero kasabay ng ngiting ipinakita niya habang inaalala iyon ay ang pagtulo ng mga luhang ilang araw na niyang pilit na pinipigilan. Lagi nga lang siyang bigo na gawin iyon.
Oo nga at masaya ang alaalang iyon. Pero kaakibat niyon ang katotohanang hindi na mauulit pa ang bagay na iyon. Hanggang sa alaala na lang ang lahat. Wala nang katuloy pa.
"Magiging mahirap ba talaga para sa akin na kalimutan ang lahat, Kourin?"
Pero kung si Seiichi ang tatanungin, isang malaking kahangalan na kalimutan na lang ang lahat para lang hindi na umiyak at masaktan na wala na ang mga taong mahahalaga sa kanya. Na wala na ang mga naging kaibigan niya sa Kyoto. Wala nang Hitoshi na puwede niyang kausapin at pagkuhanan ng payo. Wala nang Kourin na bagaman mas bata sa kanya ng apat na taon, hindi naging hadlang iyon upang makaramdam siya ng pag-ibig para rito.
Wala na ang mga ito sa mundo. Kailangan na niyang tanggapin iyon.
Magkaganoon man, kailangan din niyang mag-ingat. May iniatas na tungkulin sa kanya si Hitoshi ― ang Iris Sword. At kahit kabaliwan nang maituturing, may mali sa pangyayari kung saan naganap ang pag-atake. Oo nga't sinabi ring posibleng patay na si Kourin. Pero may nararamdaman siyang mali.
At gagawin niya ang lahat para malaman ang katotohanan sa likod ng pag-atakeng iyon sa Shinomiya mansion. He would go to the bottom of this. Perhaps by doing so, something about his past would resurface.
Hindi siya sigurado kung ano ang basehan niya sa pakiramdam na iyon. Pero handa siyang pagkatiwalaan iyon ― kahit hanggang kamatayan. Isa pa, iyon na lang naman ang magagawa niya sa ngayon.
No comments:
Post a Comment