Sunday, July 16, 2017

Yuna's Tulip: Believe In Me - Chapter 6

CHAPTER 6

"HINDI ka talaga titigil sa ginagawa mong ito, 'no?" naitanong na lang ni Yuna nang makasalubong niya sa labas ng clubhouse si Jerricko nang hapon na iyon. Pinili niyang huwag nang magpa-late ng uwi dahil gusto niyang magpahinga muna. Pakiramdam kasi niya ay masyado na siyang pagod—hindi lang pisikal kundi pati na rin sa mental na aspeto.

Siguro nga, masyado na niyang napapabayaan ang sarili nang hindi niya namamalayan. Kaya lang, ipinagtataka niya kung bakit ngayon lang niya naramdaman ang pagod na iyon samantalang wala naman siyang pakialam dati kahit alam niyang sumusobra na.

"Well, sorry. Ganito ako kakulit, eh. Dapat pala, binalaan na kita tungkol doon, 'no? Bago ko sinabing gusto kong maging kaibigan mo."

Napailing na lang siya at lumapit na sa binata. "Siguro nga. Para alam ko kung ano ba talaga ang dapat kong asahan sa mga pinaggagagawa mong 'to."

"On second thought, mas mabuti na rin pala na hindi ko sinabi sa 'yo iyon."

"Ha? Alam mo, hindi ko na alam kung ano'ng tumatakbo sa isip mo. Puro ka kalokohan," napapantastikuhang sabi niya at nauna nang naglakad.

"Miss Limietta, kung puro kalokohan ang nasa utak ko, hindi ako tatagal sa panunuyo sa 'yo nang ganito," saad naman ni Jerricko na nagpatigil sa kanya sa paglalakad.

Gulat na napatingin siya sa binata na nakatingin din pala sa kanya. Nasa mga mata nito ang pagtataka sa kilos niyang iyon. "A-ano'ng pinagsasasabi mo?" Panunuyo? Ibig bang sabihin niyon, may ibang dahilan pa si Jerricko para magtiyaga ito sa pakikisama sa kanya nang ganoon?

"Bakit? Ano ba'ng nasabi ko?" inosenteng ganting-tanong naman ni Jerricko.

Nag-alangan siya kung itutuloy ba niyang sabihin kung ano ang nasa isipan niya. Sa huli ay nanatili siyang tahimik at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad paalis sa lugar na iyon. Sumunod naman kaagad sa kanya ang binata.

"May pupuntahan ka ba ngayon?" mayamaya ay tanong nito.

Kunot-noong napatingin siya rito. "Plano ko nang umuwi at matulog nang maaga. Kailangan kong magpahinga kung gusto ko nang matapos ang painting na pinagkakaabalahan ko nang ilang linggo."

"Huwag ka munang umuwi. May pupuntahan pa tayo."

"Ha? Saan naman?"

Napatigil siya sa paglalakad nang bigla itong tumigil sa harap niya at inilapit pa talaga nito ang sariling mukha sa mukha niya. Hindi niya alam kung bakit mataman siyang tinitingnan nito nang mga sandaling iyon. Pero isang bagay lang ang rumehistro sa kanya nang wala siyang ibang mapuna sa paligid kundi ang guwapong mukha nito. Her heartbeat...

Ilang sandali pa ang lumipas bago ngumiti si Jerricko na ikinagulat at ipinagtaka niya at the same time. "It's a surprise. Don't worry, you'll love it and I'm not going to let anything bad happen to you."

= = = = = =

IF THIS wasn't still called effort, hindi na alam ni Yuna kung ano pa ang itatawag niya sa pinaggagagawang ito ni Jerricko para lang sa kanya. Yes, she could tell that now.

Naroon sila nang mga sandaling iyon sa isang malawak na burol at pinagmamasdan ang isang tagong lawa ilang milya rin ang layo sa campus. Noong una, aminado siyang hindi maipaliwanag ang kabang naramdaman niya. Lalo na nang mapansin niyang medyo tago ang pagdadalhan sa kanya ni Jerricko. But a soft whisper of assurance and a charming smile slowly and steadily dissipated that fear in her. Nakasakay sila sa motorsiklo nito nang mga oras na iyon na ginamit nila para magtungo sa lawa.

"Ang ganda naman dito. Bakit wala man lang akong ideya na nag-e-exist pala ang lugar na 'to?" tanong niya habang patuloy pa rin ang pagkamanghang nararamdaman dahil sa nakikita niya sa paligid.

But what really gave her a reason to smile wider—perhaps one that she showed for the first time after a long while—was the magnificent sparkling view of the lake. Kahit dapit-hapon na ay may kakaibang kinang na hatid ang sunset sa lawa.

"They called this the Aeraven Lake. Ilan lang daw ang nakakaalam ng lugar na 'to. Hindi ko nga alam kung paano nalaman ni Jerrold ang tungkol dito, eh. Pero ang sabi niya sa akin, dahil alam naman naming lahat na talagang magaling ka sa pagpipinta, at posibleng makatulong sa 'yo ang ganito kagandang tanawin para maging inspired ka, heto at dinala kita rito," sabi ni Jerricko at saka siya niyayang maupo sa malaking ugat ng isang matandang puno malapit sa kinatatayuan nila.

Walang salitang sumunod siya at naupo ilang dipa lang ang layo sa binata. Nakakapagtakang hindi siya makaramdam ng takot o panganib kahit isang lalaki na ang katabi niya nang mga sandaling iyon. Maybe because she could somehow feel that he wouldn't let something bad happen to her. Gaya ng ipinangako nito sa kanya bago siya nito dalhin sa burol na iyon upang pagmasdan ang magandang tanawin ng lawa.

"Gaano katagal mo nang alam ang tungkol sa lugar na 'to?" Hindi pa rin nawawala ang pagkamanghang nararamdaman ni Yuna habang kasalukuyan siyang nakatingin sa tanawing ipinakita sa kanya ni Jerricko nang makarating na sila sa lugar na iyon.

"Since last year. Pero noong una, pahingahan ko lang ito. Dito ako mahilig magpunta kapag pressured na ako o 'di kaya'y gusto ko talagang mapag-isa na walang makakahanap sa akin. It didn't come to me that you could possibly use this view as an inspiration for your paintings until Jerrold told me so." Kapagkuwan ay hinarap siya ng binata. "So? Do you like it?"

But she only replied with a smile. Possibly one that she decided to show only to him whose making all this effort just to let her feel comfortable around him. Hindi niya inakalang may darating pang ganitong tao sa buhay niya pagkatapos ng lahat.

"My father usually used bodies of water as a painting references when he was younger," she said. Muli niyang ibalik ang tingin sa lawa. "Nabago lang iyon nang makilala niya ang Mama ko. Naging couple silhouettes na. Palibhasa, masyado niyang mahal si Mama. Masyado nilang mahal ang isa't-isa at gusto niyang ipakita iyon sa bawat paintings niya."

"Did you ever wish for it? Ang makahanap ka ng taong mamahalin mo nang lubos?"

Natigilan siya, kasabay niyon ay nakaramdam din siya ng panlalamig. Nagdagsaan ang ilang pangit na alaala sa kanyang isipan nang mga sandaling iyon. Sinikap niyang pigilan ang panginginig na nararamdaman. Ayaw niyang mahalata ni Jerricko ang nangyayari sa kanya.

Sa gulat niya, ipinatong ng binata sa balikat niya ang isang varsity jacket na alam niyang ginagamit nito sa tennis team. Napatingin siya rito na seryoso lang ang mukha.

"I guess that's a really sensitive topic for you, huh? Sige, hindi na ako magtatanong tungkol doon. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng parang takot pag-usapan ang tungkol sa pag-ibig," sabi na lang ni Jerricko at ibinaling ang tingin sa pagmamasid sa lawa.

Wala sa sariling ibinalot niya nang husto ang jacket na iyon sa sarili at nakimasid na rin sa lawa. "Hindi naman sa masyadong sensitive ang topic na iyon sa akin. Nagkataon lang na marami akong naaalalang hindi maganda dahil minsan akong pinaniwala na totoong pag-ibig ang ipinakita niya sa akin," makahulugang sabi niya at saka bumuntong-hininga. "Ikaw? Minsan ka na bang nagmahal?"

Pero sa gulat at pagtataka na rin niya, umiling ito at malungkot na ngumiti. "Sabihin na nating medyo mapili ako pagdating sa babaeng gusto kong maging girlfriend."

"Wow. May standard ka pa pala pagdating sa ganyan, ah."

"Hindi naman. Kadalasan kasi, hindi naman sa nagmamayabang pero parang trophy boyfriend lang ang gustong mangyari ng mga babaeng nanliligaw at nagko-confess sa akin ng feelings nila. Alam mo na, sikat 'to, eh." At ang bruhong 'to, talagang humalakhak pa.

Siya naman ay napailing na lang pero lihim na natatawa. "Hindi ka rin hambog, 'no?"

"Sorry ka. May pinagmanahan sa Falcon Knights, eh."

"Ah. Mukhang alam ko na kung sino. At paniguradong hindi kasama roon si Kuya Lexus."

Ilang sandali rin silang natahimik matapos niyon. Para bang sapat na sa kanila na pagmasdan ang ganda ng sunset sa lawa. Who would've thought that nature still has this hidden kind of wonder. At tama nga si Jerricko. This view has definitely inspired her to continue painting. Sa mga sandaling iyon, may naiisip na nga siyang eksena na gusto na niyang ipinta.

"Malapit talaga kayo ni Lexus, 'no?" kapagkuwan ay narinig niyang sabi nito.

Napatingin siya rito. Pero ang atensyon nito ay nakatuon pa rin sa lawa. "Hindi naman ganoon ka-close. Nagkataon lang na siya ang tumayong kuya ko mula nang mag-enroll ako sa skating school. Madalas din kasi siyang tumambay roon kapag wala siyang ibang magawa. Pinapanood niya kami ni Mirui sa pag-i-skate namin. The next thing I knew, he appointed himself as my older brother."

"Hindi ka man lang ba natakot sa kanya kahit minsan? Alam mo naman ang reputation n'on sa AU, 'di ba?"

"Natakot naman. But that was only one time. Nakita ko kung paano siya magalit nang husto. Trust me, you haven't seen the worst of him yet. Kung nakakatakot na si Kuya Lexus sa inyo sa school pa lang, mas malala pa iyon kapag nakita n'yo siyang nagalit nang husto. Daig pa niya ang mga terror professor natin sa campus." At totoo iyon. Pero sa mga sandaling iyon, wala muna siyang planong ilahad iyon kay Jerricko. It was for the best if these guys could actually see the truth themselves.

"I know he's scary. Pero hindi tulad ng pagkaka-describe mo sa akin ngayon," kunot-noong saad ni Jerricko. Inasahan na niyang hindi ito maniniwala sa kanya.

"Bihira lang naman niyang ipakita ang side niyang iyon, eh. At isa pa, huwag mo nang pangarapin pang makita iyon. Trust me, you'd definitely not want to get to his bad side."

Nagpalipas pa silang dalawa ng ilang sandali sa lugar na iyon hanggang sa tuluyan nang lumubog ang araw. Sa hindi maintindihang rason, hindi siya nakaramdam ng takot na abutin ng dilim doon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang pakiramdam niya habang nakabalot sa katawan niya ang jacket ni Jerricko.

"Thank you... for showing this to me," mayamaya pa'y taos-pusong sabi niya at saka hinarap ito.

Jerricko faced him and smiled charmingly soon after. "You're welcome. Anytime."

= = = = = =

"MUKHANG maganda ang mood ng anak ko ngayon, ah," maluwang ang ngiting bungad kay Yuna ng kanyang ina nang makapasok na siya sa loob ng bahay. "Pero ginabi ka yata. Saan ka ba nanggaling?"

"Namasyal lang po. Kailangan ko rin naman pong ipahinga ang utak ko paminsan-minsan."

"Stressed ka naman yata masyado nitong mga nakaraang araw, Yuna. May problema ba na hindi mo sinasabi sa akin?" puno ng pag-aalalang tanong ng ginang sa kanya.

Umiling siya. "Wala naman, Ma. Marami lang po akong iniisip. Pero okay lang po ako."

Bagaman halata sa mukha nito na may gusto pa itong sabihin sa kanya, hindi na nito itinuloy. Hinayaan na lang siyang magtungo sa silid niya upang makapagpalit na ng damit at nang makapaghapunan na rin siya. Nang makapagbihis na siya, hindi niya alam kung bakit pero napansin niya ang sarili sa salamin nang tumingin siya roon. She let out a small laugh at the sight of her eyes practically glowing in joy.

I guess I owe this to Jerricko. Kunsabagay, talaga namang nagbigay ng saya sa kanya ang ipinakitang nitong lugar. Hindi lang iyon. Nakatulong iyon upang kumalma kahit papaano ang takbo ng isip niya. Ngayon nga ay inspirado na naman siyang magpinta. Pero saka na niya pagpaplanuhan kung ano ba ang gagawin niya upang makabuo ng panibagong obra. She would just relish that wonderful feeling she felt while she was watching the sunset at the lake by the hill... with Jerricko.

Natigilan siya sa naisip. Naramdaman nga lang ba niya iyon dahil kasama niya ang binata? She admitted, it was the first in a long time that she felt something like watching a view with someone would be enough to make her feel satisfied and contented somewhat. Kahit sa ex-boyfriend niyang si Zandro Guevarra ay hindi niya naramdaman ang ganoon. All she could remember about that heck of a guy was how he wanted to ruin her.

Hindi na niya masyadong matandaan ang mga pangyayari. Basta ang tumatak na lang sa isip niya ay ang ngising aso ng lalaking iyon habang tinatangkang gawin ang kahayukang talaga namang nagbigay ng trauma sa kanya. Hanggang maaari, ayaw na niyang alalahanin pa iyon. Isa pa, hindi na rin niya gustong maalala ang kakaibang galit na nakita niya noon sa mukha ni Lexus nang iligtas siya nito mula sa ex-boyfriend niya. It took her two years to somehow recover from it.

Her mother, and even Mirui and Lexus, were the only ones who knew what she'd been through. Kasama na rin doon si Dyran at pati na rin si Sierra. They were the ones who helped her. At ngayon, sa palagay niya, may isa pang taong tumutulong sa kanya para makalimutan ang bangungot na iyon sa kanyang nakaraan. He just doesn't know it yet.

Bumuntong-hininga na lang si Yuna at ngumiti nang bahagya sa harap ng salamin bago lumabas ng silid. Ayaw na muna niyang alalahanin ang mga masasamang alaalang iyon. Nag-enjoy siya sa pamamasyal nilang iyon ni Jerricko sa burol kung saan nila pinagmasdan ang Aeraven Lake. Sa ngayon, iyon ang mahalaga sa kanya. Iyon ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang makagawa na naman ng panibagong obra.

No comments:

Post a Comment