May dahilan kung bakit apat ang naging chaperone ni Kourin sa pag-e-enroll nang araw na iyon. Tama rin ang sinabi ng prinsesa na dahil iniutos iyon ni Hotaru. Pero ano nga ba ang dahilan na iyon?
"It's quite unusual for you na agad na pumayag na mamasyal si Lady Kourin kasama ang ibang tao," sabi ni Kana kay Takeru nang harapin siya ng dalaga.
"If you don't want that boy to become suspicious of us just because we didn't allow her to accept his invitation, I think I just made the right decision."
"Kayong apat talaga... Bakit ba masyado kayong mabait sa prinsesa, ha? We're supposed to be strict with her."
Agad silang napalingon nina Amiko, Nanami at Kana sa pinagmulan ng tinig na iyon. Nakita ni Takeru ang paglapit ng isang babaeng may mahaba at wavy na brown hair.
"Your mother hen mode is on again, Hotaru," bungad niya sa dalaga, dahilan upang umani siya ng irap dito na tinawanan lang niya. Mataray talaga at may pagkasuplada rin ito pero sanay na siya roon.
"Sobra ka naman, Hotaru. Mabuti na 'yong ganito. At mas magiging madali para sa kanya ang maka-adapt sa lugar na ito," sabi ni Kana.
"Ang sabihin mo, ini-spoil mo lang si Lady Kourin." At si Hotaru, umiral na naman ang pagiging high blood. 23 years old pa lang ito na maituturing, dinaig pa ang mine-menopause kapag nagalit.
"Besides, it's not like we're forgetting our duties to actually allowing her to befriend someone, you know," dagdag naman ni Takeru.
Usually, agad na nagbibigay ng opinyon ang dalawa pang babaeng kasama niya ー sina Nanami at Amiko. But weird enough, he didn't hear any response. Instead, he saw those two looking at a certain direction with narrowed eyes.
"Ano'ng problema n'yong dalawa?"
Pero nasagot lang ang tanong ni Hotaru nang makita na rin niya ang kumuha sa atensyon ng dalawang dalaga.
"Time to work," Amiko said gravely before deciding to go after the princess. Hindi malabong ang target ng apat na lalaking kanina pa nagmamasid sa kanila ay si Kourin.
At ni isa man sa kanila ay hindi papayag na mangyari iyon. Iyon ang sigurado ni Takeru.
"Hotaru, Amiko, we'll go after the princess. Kana and Nanami, go after the other jerks," utos ni Takeru at nauna na siya sa pagtakbo upang habulin ang mga loko-lokong planong sumunod kay Kourin.
Kapag ganoon na siya kung mag-utos sa mga ito, no choice na ang mga kasama niya kundi ang sumunod sa kanya. After all, mas matanda siya kaysa sinuman sa apat na babaeng magkakasama sa mga sandaling iyon. The girls might be higher than him in terms of ranks in the Shrouded Flowers, but that didn't change the fact that he was older. Shigeru ー one of Kana and Nanami's older brothers ー gave him a go signal to do that whenever the Miyuzaki sisters would accompany him on a certain errand. And so the girls did.
Laking pasalamat na lang nina Takeru, Hotaru at Amiko na hindi pa gaanong nakakalayo sina Kourin at Raiden kaya walang problema kung susundan nila ang dalawang ito. Pero hindi pa man sila nagtatagal sa ginagawang pagsunod, napansin na nila na may dalawang lalaki pang nakasunod din sa dalawang iyon.
Raiden soon brought Kourin to a Shinto shrine hidden from the public's view. May pagkakatulad ang istruktura n'on sa Izumi Temple ng Shinomiya clan sa Kyoto. In fact, napangiti pa nga ng lihim si Takeru nang mapansin niya iyon.
Nakita nilang naglabas ng dagger ang isa sa dalawang lalaking sumusunod kina Raiden at Kourin.
"Let's go!"
At iyon na ang signal.
Two girls dashed towards the two suspects and all Takeru could do was to shrug and sigh as he watched, knowing that he wouldn't have to break a sweat in dealing with two weak guys that he knew Amiko alone could take down. Ni hindi nga nakalaban nang matino ang dalawang lalaki sa magpinsan, eh.
Several punches and a few deadly kicks did all the trick to finish the guys off. At ngayon, tulog na rin ang mga suspect nila.
"Wala palang binatbat ang mga sira-ulo na 'to, eh," komento ni Hotaru matapos huminga ng malalim.
Pinuntahan naman ni Amiko ang puwesto kung saan nalaglag ang dagger kanina nang sugurin ng mga ito ang dalawang lalaking iyon.
"What's wrong, Amiko?" tanong ni Takeru nang lapitan na niya ang dalaga. He saw Amiko frowned at the sight of the dagger.
"This dagger... This one belongs to the Dark Rose."
Naintindihan nila ang ibig sabihin ni Amiko, lalo pa't nakita nila kung paano humigpit ang hawak ng dalaga sa dagger, dahilan upang magdugo ang palad nito na may hawak n'on.
Dark Rose...
Simple man ang dalawang salitang iyon, iba naman ang epekto n'on sa kanilang lahat na nakakaalam ng ibig sabihin n'on. Dahil kasabay ng pagbanggit sa mga iyon ang pag-angat ng 'di matatawarang galit na patuloy na namamahay sa mga dibdib nila para sa mga taong may kinalaman sa dalawang salitang iyon.
Napapitlag si Takeru nang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon nang makita ang pangalan ni Kana sa screen. "How is it on your end?"
"We're done. Papunta na riyan sa lokasyon n'yo si Kuya Daryll para kunin ang mga bugok na pinatulog n'yo. Si Kuya Shingo naman ang huhuli sa dalawa pang nandito sa lokasyon namin ni Nanami."
Parang gusto tuloy matawa ni Takeru sa sitwasyon. Pulos babae ang nagpatumba sa mga kalaban nila. Eh para ano pa't naroon siya?
"Ikaw na raw muna ang bahala sa pagbabantay sa dalawang bata, Takeru. Tutal, hindi mo pa maipakita ang totoo mong kakayahan, magbantay ka na lang daw muna." At tatawa-tawang tinapos na ni Kana ang tawag na iyon.
Napailing na lang si Takeru sa pang-aasar ng partner in crime niya. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin na magagawa niyang ipadaan sa cellphone na hawak-hawak niya, baka nagawa na niyang patumbahin si Kana.
But since it was their duty to guard the girl ー their future leader, Takeru had no complaints of accepting it. Kahit inaasar na siya dahil doon.
No comments:
Post a Comment