Tuesday, July 25, 2017

Shrouded Flowers: The Last Sky Of The Earth 12 - Knight's Scene: Contacting

A few minutes after Takeru's conversation with Akemi, who left the mansion in secret, he entered the interrogation room. The guys guarding it bowed as he passed by. He only acknowledged them with a nod.

Takeru was surprised to see Hotaru and her cousin Amiko already there. "What are you girls doing here? Aren't you supposed to be training?"

Amiko just smiled.

"Mabuti nang mabantayan namin ang process ng interrogation," sagot ni Hotaru na hindi hinaharap si Takeru. "It wasn't even five minutes that has passed and this guy already blurted it all out."

Now that had caught his attention. "He confessed?"

"Yes... at least with regards to their targets." Hotaru turned and turned to the table where three folders were placed.

Takeru approached it and opened each of them, not missing the important details as much as possible. But all he could do as he read it was to frown.

"You got to be kidding me..."

Three people... were supposed to be the targets. And one of them was someone that Takeru knew even before the attack. Kaya lang, hindi niya magawang pilitin ang sarili na paniwalaan ang nakikita niya ng mga sandaling iyon.

‘Yasha…’ Paano nangyaring nadamay ang babaeng ito sa gulo?

"What's wrong?" tanong ni Amiko nang makalapit ito sa kanya. "Do you know that woman?"

Isang tango lang ang naging tugon ni Takeru. Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng panghihina nang makita ang pangalang Yasha Wilford bilang isa sa mga target ng mga loko-lokong nahuli nila. He was supposed to remain firm about this.

Pero sino ba ang niloloko niya? This woman wasn't just someone to him... at least she wasn't a long time ago.

"Are you okay, Takeru?" may pag-aalala nang tanong ni Amiko sa kanya.

Huminga siya ng malalim bago hinarap ang dalaga. "I'm fine. I just need to confirm to myself if what I'm seeing here is real."

"I guess she's that important to you before, huh? You wouldn't react like that if she wasn't."

Was she? Hindi alam ni Takeru kung ganoon pa rin nga ba ito kaimportante sa buhay niya sa mga sandaling iyon. Pero saka na niya pagtutuunan ng pansin iyon. Muli niyang pinasadahan ng basa ang mga file na naroon sa folder na iyon. Hindi na niya ikinagulat nang makita ang pangalan ni Seiichi Yasuhara sa tatlong profiles na naroon. It was probably because of that young man's involvement with the clan princess' dead brother Hitoshi. Ang ipinagtataka niya lang ay ang makita ang pangalan ng kapatid ni Yasha ー si Raiden Wilford.

Bakit pati ito ay nadamay? Was it because of his relation to Yasha? No, there was something more to this kid ㅡ Takeru was sure of that. From the start, he could tell that there was something unique about Raiden, for some reason.

Pero sa ngayon, kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang tungkol kay Yasha. Nanganganib ang buhay nito. Hindi siya titigil lang sa isang tabi at walang gawin tungkol dito. With a heavy sigh, he closed the folder and took his phone from his jacket pocket. He didn't hesitate to press the name of the specific person he needed to contact from his speed dial and waited for it to be answered.

xxxxxx

"PAMBIHIRA! Inuna mo pa talaga ang pakikipag-date, ha?"

"Ano'ng date? Palibhasa ikaw, walang ka-date. Ganoon?"

Gusto na talagang upakan ni Raiden ang kapatid niyang ito, sa totoo lang. Kung hindi lang ito mas matanda sa kanya at kung hindi siya marunong gumalang sa mga babae, baka nga nagawa na niya iyon. Pero hindi pa siya nasisiraan ng bait para gawin iyon. Lalo pa't nasa paligid lang ang lolo't lola nila.

"Hoy, Yasha, Raiden! Tumigil na nga kayong dalawa riyan bago ko maisipang pagsaraduhan kayo ng pinto nang sa labas na kayo pareho na matulog."

Napatingin sina Yasha at Raiden sa lola nila. "Lola naman!"

"Kung ayaw n'yong gawin ko iyon, manahimik kayong dalawa. Yasha, ikaw namang bata ka, kadarating mo lang, pang-aasar kaagad sa kapatid mo ang isasalubong mo sa kanya," sermon ni Lola Linda nila.

Tatawa-tawa namang lumapit sa asawa nito si Lolo Tope. "Parang hindi ka na nasanay sa dalawang 'yan, Linda."

"Oo nga naman, 'La. You know that's my way of showing affection to my baby brother." At si Ate Yasha, kuntodo nguso pa para lang ipakita ang pagtatampong nararamdaman nito.

" 'Showing your affection' ka riyan. Ang sabihin mo, gusto mo lang makaganti sa pang-aasar ko sa 'yo noon." But soon after, Raiden smiled and embraced her na mukhang ikinagulat naman nito.

"Welcome back, Ate."

It appeared that it took a few moments for her mind to fully register what he had said. When she did, she embraced Raiden back.

"Thanks, baby brother. Pasok na nga tayo. Ang drama na naman natin dito," sabi nito nang pakawalan na siya.

With a laugh, the Wilford siblings entered their house where their grandparents were waiting.

xxxxxx

KATATAPOS lang ng dinner at narinig ni Raiden na gusto na talagang magpahinga ni Ate Yasha. Pero kahit hindi nito sabihin, alam niyang sa dinami-dami ng gumugulo sa utak nito, mukhang magiging mailap na naman sa Ate niya ang tulog. Pero wala naman na siyang dapat na ipagtaka sa bagay na iyon.

Maraming hindi magagandang alaala ang sumisingit sa utak ng kapatid ni Raiden kapag nakakatulog na ito. She said that she doesn't want to see those nightmares again if it would only remind her of the time she almost lost her life. Kung hindi daw dahil sa isang kaibigan nito sa Kyoto, marahil nga ay patay nang iuuwi rito si Ate Yasha.

Isa lang ang paraang alam ni Raiden para tulungan si Ate Yasha. Sana lang, gumana. Ilang sandali pa, matapos niyang kunin ang isang bagay sa kuwarto niya na posibleng makatulong sa kapatid, kinatok na niya ang pinto ng kuwarto nito.

"Ate... alam kong gising ka pa."

"Come in."

At pumasok na nga si Raiden, hawak-hawak ang ginawa niyang dream catcher. Walang salitang isinabit niya iyon sa hook na naroon sa pader na nakakabit sa itaas lang ng headboard ng kama ni Ate Yasha. Alam niya ang predicament nito more than two years ago. And as always, using his woodworking and handicraft talent he inherited from his grandfather, he created that dream catcher for her.

Kasabay niyon ang isang hiling lang ni Raiden para rito ― na sana ay tumalab iyon para wala itong kinatatakutan sa tuwing matutulog sa gabi.

"Don't you dare remove it from there kung ayaw mong magtampo ako sa 'yo," sabi ni Raiden na nagpangiti naman kay Ate Yasha.

"Mahal na mahal mo talaga ako, 'no?" And with a smile, she embraced Raiden once more. "Thank you."

Raiden just returned the gesture. "Saka mo na muna asikasuhin ang mga dapat mong asikasuhin. You badly need the sleep. Lalo kang papangit kapag hinayaan mo pang lumaki 'yang eyebags mo. I don't want a sister with two rice sacks for eyebags."

Pareho na lang natawa roon sina Raiden at Yasha. For him, this was truly one moment he wouldn't dare trade for anything else.

Pagkatapos ng moment nilang magkapatid at ang pangako ni Ate Yasha na magpapahinga na talaga, umalis na rin si Raiden sa silid nito. Pero hindi pa siya dumiretso sa kuwarto niya. He just stayed there outside her room, waiting for more movements and hopefully, listen to whatever his sister would mumble. He heard her sigh. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagbukas ng drawer ng study table nito. Mukhang may kinukuha ito roon.

At mukhang alam na rin ni Raiden kung ano ang kinuha ni Ate Yasha roon.

"Ma... Pa... Am I really doing the right thing?" narinig niyang mahinang tanong ni Ate Yasha.

Raiden just felt his heart constrict as he heard it. Sinasabi na nga ba niya. May kinalaman na naman ang mga magulang nila ang kung ano mang pinaggagagawa ni Ate Yasha sa kung saan. Not that he had any right to stop her. Desisyon nito iyon. Pero ayaw naman niyang manatiling walang ginagawa kung ganitong si Ate Yasha na lang halos ang kumikilos para alamin ang totoong nangyari sa mga magulang nila.

Oo, pati si Raiden, may duda sa pagkamatay ng dalawang iyon. May mali sa mga nangyari, iyon ang sigurado siya. Ang hindi lang niya maintindihan, bakit ayaw sabihin sa ni Ate Yasha sa kanya ang anumang nalalaman nito tungkol doon?

"Dr. Shingo Yanai..."

Huh? Dr. Shingo Yanai? A Japanese man, that would be for sure. Pero sino naman kaya iyon? Ngayon lang narinig ni Raiden ang pangalan na iyon, ah.

Ilang sandali pa, narinig ni Raiden ang pagtunog ng cellphone ni Ate Yasha. Pero kasabay naman niyon, narinig rin niyang may nahulog doon sa loob ng kuwarto at nabasag iyon. It must be the picture frame na hawak-hawak nito kanina. For some reason, he felt an ominous pounding of his heart that soon followed as he heard that.

"H-hello?" parang nanginginig pang bungad ni Ate Yasha sa kung sino man ang tumatawag na iyon sa cellphone nito nang oras na iyon.

Alam ni Raiden na manghihimasok na naman siya sa kapatid. Pero kung hindi niya gagawin iyon, hindi niya malalaman ang mga posibleng mangyari rito. His sister was scared for some reason dahil sa tawag na iyon. Kaya naman idinikit niya ang tainga sa pinto para mas malinaw niyang marinig ang sinasabi ni Ate Yasha sa kausap nito sa kabilang linya.

"Y-yes, si Yasha Wilford nga ito. Sino 'to?"

By then, Raiden could imagine her frowning. Medyo nag-subside na rin ang takot na nararamdaman nito kung ibabase sa steady nang pakikipag-usap nito sa kabilang linya.

"Mamoru? As in Mamoru Yumemiya, the current head of the Yumemiya clan?"

No comments:

Post a Comment