CHAPTER 10
HINDI pa rin nawawala sa isipan ni Yuna ang mga nangyari noong gabing inihatid siya ni Jerricko sa harap ng bahay niya matapos ang bakasyon nila. Ramdam pa rin niya ang kakaibang init at seguridad dala ng mahigpit na yakap sa kanya ng binata. It had been a week since then. Pero hindi pa rin sila nagkikita nito kahit nang magpunta siya sa Alexandrite University para mag-enroll for the next semester. Nalaman na lang niya kay Ria na may kailangan daw itong asikasuhin sa Batangas kasama ang ina nito. Hindi na lang niya inalam kung ano iyon dahil sa tingin naman niya ay importante ang pakay ng binata roon.
But of course, his absence only made things difficult for her. Nami-miss niya ito sa bawat araw na lumipas na hindi pa rin sila nagkikita. Pero hindi naman niya magawang iparamdam iyon sa binata dahil unang-una, wala siyang contact number nito. Noon lang niya napagtanto na kahit kailan ay hindi ito nagtangka na kunin ang number niya. At mukhang hindi rin nito kinuha iyon sa mga kasama niyang nakakaalam niyon.
Kaya heto siya ngayon, parang wala sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana ng clubhouse. Hindi niya magawang ipagpatuloy ang sketch sa painting na plano niyang simulan dahil hindi siya makapag-concentrate nang maayos. Laging lumilipad ang isipan niya kay Jerricko at sa mga panahong nakasama niya ito. Mag-isa lang siya sa clubhouse dahil hindi pa naman officially nagsisimula ang klase para sa susunod na semester. Kakaunti pa lang ang tao sa school at usually ay mga staff, instructor, at professor ang naroon.
"Mukhang napapadalas ang pagso-solo flight mo rito, ah. Okay ka lang ba, Yuna?"
Napalingon siya sa pinagmulan ng tinig na iyon at nakita niya si Mirui na palapit sa kanya. Tumango lang siya at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.
"Nami-miss mo ba si Jerricko?" diretsahang tanong ni Mirui nang makaupo na ito sa tabi niya.
"Bakit ko naman siya mami-miss? Mabuti na ngang ganito, eh. Tahimik ang buhay ko." Pero sa totoo lang, halata na niyang kasinungalingan ang lumabas sa bibig niya.
"Tahimik nga ang buhay mo. Wala ka naman sa sarili mo. And besides, you're starting to get obvious, Yuna. Kilala kita, okay? Alam ko kung kailan may bumabagabag sa 'yo. Isa ito sa mga panahong iyon," seryosong sabi nito na ikinabuntong-hininga na lang niya. "What's wrong? Parang ang laki ng problema mo, ah."
Ilang sandali rin niyang pinag-isipan kung ipagtatapat nga ba niya kay Mirui ang kung ano mang bumabagabag sa kanya. But this girl had been her friend for a long time. Mirui had been there for her through thick and thin, even during the worst moment of her life. Ito at ang kapatid nitong si Lexus. Ngayon pa ba siya dapat mag-alinlangan kung sino ang dapat niyang pagsabihan ng kanyang mga problema?
"Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding pagkatalo, Mirui. It hurts knowing you'll never become someone ideal for the one who captured your heart."
"Ha? Teka, hindi yata kita maintindihan. May pinapatungkulan ka ba? Si Jerricko ba ang tinutukoy mo?" sunud-sunod na tanong ni Mirui.
Hindi siya umimik. Pambihira! Bakit hindi pa niya masabi nang diretso ang totoo kay Mirui? Wala namang mawawala kung sasabihin niya ang lahat, 'di ba?
"Hindi ako para sa kanya, Mirui. Kahit alam ko na sa sarili ko na nagkaroon na siya ng puwang sa puso ko, hindi ako magiging karapat-dapat para sa kanya kahit na ano'ng gawin ko," nasabi na lang niya at saka huminga nang malalim.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Pero ramdam niya ang matamang tingin nito sa kanya kahit hindi siya nakaharap dito.
"Nasabi mo ba sa kanya ang totoo sa kanya? 'Yong tungkol sa nangyari sa 'yo noon? 'Yon ba ang dahilan kung bakit ka nag-iisip nang ganyan ngayon?"
"'Yon nga ang dahilan kung bakit hindi ko maamin sa kanya ang tungkol doon, eh. Dahil hindi niya ako magagawang tanggapin nang higit pa sa isang kaibigan kapag nalaman niya ang ginawa sa akin ni Zandro. Kahit gusto kong maging karapat-dapat sa kanya, hindi ko magawa dahil siya na rin mismo ang nagpahiwatig na hindi ako ang ideal girlfriend para sa kanya."
Napailing si Mirui. "I-I don't understand..." Ito naman ang huminga nang malalim. "Pero kahit hindi kita maintindihan sa ngayon dahil sa tingin ko ay naguguluhan ka lang, I suggest that you have to think this through. And I mean thoroughly. Hindi ko alam kung ano ang naging takbo ng usapan ninyo ni Kuya Jerricko para mag-isip ka nang ganyan. Pero sa tingin ko, mas makakabuti kung sasabihin mo sa kanya ang totoo. He'd be the one to decide whether you're the right girl for him or not when you're done telling him the truth, including your fear."
= = = = = =
ILANG araw ding pinag-isipan ni Yuna ang mga sinabi sa kanya ni Mirui nang araw na iyon. Pero kahit ilang beses niyang alalahanin ang paalalang iyon, dumarating pa rin siya sa iisang desisyon. Sa tingin niya, hindi na niya magagawang bawiin iyon—lalo na kung ganitong hindi na maka-recover pa ang isipan niya sa mga nangyari sa kanya noon. A guy like Jerricko would never accept someone who was as damaged as her.
Hapon na iyon at kaaalis lang niya sa clubhouse. It was already the third day of class for that semester. Maayos naman ang naging umpisa ng klase niya. Pero hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin sila nagkikita ni Jerricko. Hindi pa ito pumapasok dahil nasa Batangas pa rin ito. Iyon ay kahit nakapag-enroll naman na ito. Nauna pa nga itong mag-enroll sa kanilang magkakaibigan. Mukhang alam yata nito na matatagalan ito sa pananatili sa Batangas kaya maaga nang nagpa-enroll.
Hanggang sa mga sandaling iyon, pinag-iisipan pa rin niya kung paano niya isasagawa ang plano niya para sa kanilang dalawa. It was for the best. Iyon ang palaging nasa isipan niya habang nag-iisip tungkol doon. She had to do it while she could. Mahirap na kung gagawin niya iyon kapag malala na ang lahat.
"Yuna!"
Kagyat siyang napatigil sa paglalakad at nilingon ang pinagmulan ng tinig na iyon. Ganoon na lang ang kaba at gulat niya nang makitang tumatakbo palapit sa kanya si Jerricko. Naroon ang urge sa kanya na tumakbo palapit dito at yakapin ito nang mahigpit. Oo, aaminin niya na ganoon niya ka-miss ang lalaking ito. Pero hindi. Kailangan niyang magpakatatag kung gusto niyang maisagawa nang maayos ang ilang araw na niyang pinaplano.
Kitang-kita sa mukha ni Jerricko ang tuwa nang harapin niya ito. Subalit unti-unti namang naglaho iyon nang mapansin na nito ang blangkong expression niya. Kailangan niyang gawin iyon. Or else, there was a possibility that she might break down in front of him. Hindi niya gustong mangyari iyon.
"Are you okay? B-bakit ganyan ang itsura mo?" tila nananantiya pang tanong nito nang makalapit na ito sa kanya.
She just stared at him blankly. Soon after, she sighed heavily. "Jerricko... Just stop doing this. Huwag mo na akong lapitan pa pagkatapos nito."
Yuna nearly wanted to retract what she said when surprise and pain crossed Jerricko's handsome face. Pero pinandigan niya ang gusto niyang gawin nang mga sandaling iyon.
"B-but why? A-kala ko naman, okay na tayo matapos kitang ihatid sa inyo. May nagawa ba akong mali? Sabihin mo sa akin, aayusin ko. Just... don't do this. Don't say something like this, Yuna. Ayoko..."
Hindi niya mapigilang maguluhan sa inaaktong ito ni Jerricko sa harap niya. Why was he doing this? Why was he making things hard for her?
"I just want to get away from you. Ayoko na ng ganito, Jerricko. Lalo lang akong mahihirapan. Kaya please lang, layuan mo na ako. Wala na rin lang mangyayaring maganda sa mga pinaggagagawa mong ito," aniya sa malamig na tono at nagsimula nang maglakad palayo.
Pero nagulat siya nang hawakan siya nito sa magkabilang braso at ipinihit paharap dito. Dumagundong ang dibdib niya nang makita ang matiim nitong titig sa kanya sa kabila ng sakit na nakikita niya sa mga mata nito.
"Ganoon lang iyon, Yuna? Itinutulak mo ako palayo dahil ayaw mo na? Ano nama'ng tingin mo sa akin? Hindi umayaw nang patuloy mo akong ipinagtatabuyan at dinededma sa kabila ng lahat ng effort ko na patunayan sa 'yo na totoo ang intensyon ko? Ako ang dapat sumuko sa ating dalawa, hindi ikaw. Pero heto pa rin naman ako. Akala ko pa nga, nag-pay off na ang lahat ng effort ko kasi nagiging okay na ang pagtrato mo sa akin. Pero ano 'tong ginagawa mo ngayon?"
"Hindi ko naman hiniling sa 'yo na magpatuloy ka, 'di ba? Siguro nga, dapat ganoon na lang ang ginawa mo. Noong simula pa lang na kinakitaan mo na ako ng takot dahil sa paglapit mo, lumayo ka na. Dapat talaga, sumuko ka na noon pa lang. Para hindi na tayo umabot sa ganito na kailangan pa kitang ipagtabuyan dahil panigurado naman na mapupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan mo para sa akin. Iyon ay kung para nga talaga sa akin ang lahat ng iyon," malamig na saad niya at saka itinulak ang binata palayo sa kanya.
She had to do that or else, her heart would betray her.
Jerricko scoffed bitterly and shook his head in disbelief. "So now you're doubting everything I've done for you? Balewala na ba talaga sa 'yo ang lahat ng pinagsamahan natin, Yuna? Sinasabi mo ba sa akin ngayon na balewala lang ang lahat ng ginawa ko para kahit papaano ay magawa kong kunin ang tiwala mo kahit alam ko namang hindi mo na magagawang ibigay iyon?"
Hindi siya kaagad nakaimik sa sunud-sunod nitong tanong. Hindi ang tanong nito ang nagpatahimik sa kanya, kundi ang pait at sakit na narinig niya sa tinig nito. Halata na rin sa mga mata nito ang mga emosyong iyon. Pero nag-iwas lang siya ng tingin at huminga siya nang malalim.
"Sabihin mo sa akin, Yuna," ani Jerricko sa basag nang tinig. "Sabihin mo sa akin ang totoo. Gusto mo na ba talaga akong lumayo? Sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit ganoon ang gusto mo. If I find your reason acceptable, then... I'll leave you for good. Hindi na ako lalapit sa 'yo kahit na kailan, kung iyon ang gusto mong mangyari. Just... give me one acceptable reason for me to do that."
Nanatili lang siyang nakaiwas ng tingin kay Jerricko. But she could feel his intense stare that froze her to the spot. Talagang inaabangan nito ang magiging sagot niya. Hindi niya kailangang alamin kung bakit pakiramdam niya nang mga sandaling iyon habang inihahanda ang sarili sa isasagot ay naririnig niya ang unti-unting pagkabiyak ng kanyang puso. Since when did pushing someone away like this became this painful?
Inihanda muna ni Yuna ang sarili bago tiningnan si Jerricko na hindi pa rin iniaalis ang tingin sa kanya. She maintained her blank and cold expression when she faced him. "My reason? It's because I can already see it. No matter what you do, you'll never gain anything. Wala na akong maibibigay sa 'yo, Jerricko. Nagkadurog-durog na ang tiwalang pinaghihirapan mong makuha mula sa akin at hindi ko na magawang ibalik iyon sa dati. I'm just sparing you from all the effort that you're going to give to me just to have that. Wala ka nang mapapala sa lahat ng ito. Kaya please lang, itigil mo na ito. It's for the best. For both of us..."
Gusto sana niyang pumalakpak na nagawa niyang sabihin iyon nang hindi pumipiyok at hindi natitinag sa kinatatayuan niya. Kahit na sa totoo lang, gusto na niyang umiyak nang umiyak dahil alam niya sa simula pa lang na masasaktan siya sa ginawa niyang ito. But it didn't come to her that the pain would be so much more than she could ever think of.
Hindi na niya hinintay pang makasagot si Jerricko dahil hindi niya matagalan ang sakit na dumaan sa mga mata nito. She swallowed the lump in her throat as she tried her best not to break down. Not this time. At least not yet.
Pero hinayaan niyang tumulo ang kanina pa niya pinipigilang mga luha. I'm sorry, Jerricko... I'm sorry... Alam niyang ito ang tamang gawin. Subalit nararamdaman niya na napakalaki na ng nawala sa kanya dahil sa ginawa niyang ito. Even though she kept on saying to herself that it was for the best... for her and Jerricko...
But does the best she wanted had to hurt her like this?
= = = = = =
PAKIRAMDAM ni Yuna ay tinakasan siya ng lakas matapos ang nangyaring iyon sa pagitan nila ni Jerricko. Gusto na talaga niyang upakan ang sarili niya dahil sa mga nasabi niya. Ni hindi man lang niya hinayaang magsalita ito at sabihin sa kanya ang nasa isipan nito. Pero naisip naman niya kaagad na kapag hinayaan niyang mangyari iyon, baka hindi na niya magawang panindigan ang kanyang desisyon.
Hindi niya gustong maguluhan pa siya nang husto. Hindi niya gustong dumating sa puntong babawiin din niya ang desisyong gusto niyang panindigan. Isa pa, alam niyang iyon ang tama kahit masakit sa kanya. Iyon na lang ang iniisip niya nang mga sandaling iyon habang hinahayaan ang sarili na umiyak nang umiyak.
Pumasok siya sa kuwarto niya at agad napasandal sa pinto matapos isara iyon. Doon na niya tuluyang pinakawalan ang tila hindi maubos-ubos na mga luha na inilabas niya mula pa nang makaalis na siya sa campus ground kung saan sila huling nagkausap ni Jerricko. O kung pag-uusap nga bang matatawag iyon. Sa isip niya ay patuloy lang siya sa paghingi ng tawad kay Jerricko kahit alam naman niyang hindi na nito maririnig iyon.
No matter how much it would hurt her, she was determined to accept the fact that she would never be someone meant for him. Baka gawin na lang niyang inspirasyon ang mga naranasan niya kasama ang binata. Sa totoo lang, hindi niya akalaing magiging napakasakit sa kanya ng ginawa niyang ito. Mas masakit pa iyon kumpara noong mga panahong pinagsamantalahan siya ni Zandro na pinagkatiwalaan niya nang buong-buo. Pero sa mga sandaling iyon, siya naman ang sumira sa tiwalang posibleng ibinigay ni Jerricko sa kanya.
Hinila niya ang bag na nasa tabi lang niya at may kinuha sa loob niyon. Lalo siyang napaiyak nang makita na nasa kanya pa pala ang varsity jacket ni Jerricko na ipinahiram nito sa kanya noong nagkaroon ng joint vacation ang Imperial Flowers at Falcon Knights. Niyakap na lang niya iyon nang mahigpit at patuloy na umiyak.
Pa... Tama ba talaga itong ginagawa ko para sa aming dalawa ni Jerricko? Pero alam niyang wala siyang makukuhang sagot doon. Dahil maging siya, kahit anong pilit niya sa sarili na ito ang tama, malaking bahagi pa rin ng kanyang puso ang nagsasabi na mali ang lahat ng nangyayaring ito sa kanilang dalawa ni Jerricko.
No comments:
Post a Comment