Tuesday, September 12, 2017

The Last Sky Of The Earth 17 - Death Attempt Pt. 1

KADALASAN, kapag nalaman ni Kourin na may mga nagtatangka sa buhay niya, she always kept telling to herself that she needed to get used to it. That with the path she chose, it was a normal scenario.

But to think even a friend of Kourin's would also become a potential target... Heto siya ngayon, hindi mapakali. Kulang na lang, ihampas niya sa pader ang ulo para lang matigil na siya sa pag-isip ng mga kung anu-ano.

"Don't make that kind of face, Lady Kourin. Lalo kang papangit niyan. Sige ka, baka hindi ka na magustuhan ni Raiden."

Hindi pa rin nawawala sa facial expression ni Kourin ang frustration niya kahit na nang marinig niya 'yon kay Amiko. Ito talagang babaeng 'to, kahit na kailan... Mas malala pa yata ang saltik nito sa utak kaysa sa mga taong nagtatangka sa buhay niya.

"Give me one good reason why I shouldn't make this kind of face kung ganito namang pinag-aalala ako lalo ng mga nalaman ko," Kourin could only respond in distraught.

Kourin saw Amiko's face turned somber. "It would only make things worst if you showed that expression to the others." After that, tumabi ito sa kanya nang maupo ito sa gilid ng kama niya. "Alam mo namang sa lahat ng ayaw nilang nakikita kang nag-alala."

"Has it ever occurred to them na trabaho ko ang mag-alala? I'm their leader, for goodness' sake!" O, 'ayan na! Nag-uumpisa nang magwala roon si Kourin.

"That's why they don't want to see you worry because you're the leader. We're not just doing this for the reason that you're merely 17 years old. Though I must say, isa iyon sa mga rason."

Napabuga na lang si Kourin ng hangin. Hindi na niya talaga alam kung ano ba ang dapat niyang isipin. Lagi na lang kasing magulo ang lahat para sa kanya, eh.

Pero hindi naman puwedeng hayaan ni Kourin na ganoon lang, 'no? Dapat may gawin din siya kahit papaano. But how was she supposed to do that? Where should she start?

"By the way, ano pala ang resulta ng interrogation sa nahuli n'yo?" Perhaps Kourin could start there.

Tiningnan lang si Kourin nang mataman ni Amiko at hindi naman siya nagpatinag. Then Amiko sighed. "Huwag mo akong isusumbong, ha? I'll tell you what has transpired in the interrogation room but don't let them think I told you everything, okay?"

"Even if I don't say anything, may posibilidad na malalaman pa rin nila 'yon. Ang sa akin lang, ayokong iniiwan nila ako sa dilim. Lalo lang akong naiinis kapag ginagawa nila iyon sa akin." At totoo iyon. Pati ba naman kasi sa mga trabaho ng mga ito, restricted pa rin si Kourin na malaman ang mga iyon?

Hindi naman na lingid kay Kourin kung ano talaga ang kayang gawin ng mga ito, eh. So what's the use of hiding almost everything from her?

"Okay. I'll face the consequences kung sakali nang mabisto ako. Here goes." Amiko heaved a heavy sigh before she spoke again. "Something had definitely occurred in that temple you and Raiden visited yesterday. Totoo rin na may pinatay roon pero bago pa man makatawag ng puli ang mga nakatira roon, the dead body they saw had disappeared. Kaya ang akala nila, baka nagha-hallucinate lang sila. Until they confirmed the next day that it wasn't a hallucination at all because of the blood they saw. And it was just recent."

"Nakita ba nila 'yong katawan?"

Tumango si Amiko. "Just a mile away from the temple."

"Eh 'di ang lapit lang."

"It was. Pero ang problema, si Raiden ang nakakita sa katawan pagkagaling niya sa kendo practice niya."

Nagulat si Kourin sa sinabing iyon ni Amiko. Kaya pala alam ni Raiden ang tungkol sa insidenteng iyon. Pero bakit hindi nito sinabi iyon sa kanya? "So you're saying that because he discovered the dead body, sinubukan siyang patayin?"

"More or less. Although hindi talaga sigurado ang mokong na nagtangka sa inyo, inamin niya na may malalim pa raw na dahilan kung bakit nila tinangkang iligpit si Raiden. With or without anyone else accompanying him as they knew he would return to the temple."

Though aaminin ni Kourin na nakakapanghina talaga ang mga narinig niya, there wasn't a doubt na kinuha rin n'on ang interes niya. "Sinabi ba nila kung sino ang nag-utos sa kanila?"

"No, unfortunately. But they were certain about the targets."

Targets? Plural? "Ilan sila?"

"Three, including Raiden. Though I doubt the reason for his involvement was anything as deep as that of his sister's."

"His sister? Bakit nadamay si Ate Yasha sa mga iyon?" Ano ba naman 'to? One disaster after another lang talaga ang scenario.

Ay, mali! Hindi pala disaster lang na maituturing ang lahat ng ito. It should be called "danger!" Double danger!

"Right now, hindi pa namin matukoy kung bakit dahil nga ang mga targets lang ang ipinautos ng kung sino man sa mga lalaking iyon. But I wouldn't doubt it if the three targets were really involved in something big."

Kumunot ang noo ni Kourin sa klase ng kaseryosohang naramdaman niya sa tinig ni Amiko. "You mean... as big as what our families are dealing with?"

"I'm not sure," sagot ni Amiko matapos ang ilang sandaling katahimikan. "Pero kung ganoon nga, mas magiging mahirap para sa atin na pakiharapan ang sitwasyon. Sana lang ay makaya pa nating harapin ang lahat na wala nang mawawala pa sa atin."

So in the end, Kourin could guess that they all faced the same fear.

Sana nga.

Nang sa gayon, wala nang dahilan pa si Kourin para mag-alinlangang lumaban.

xxxxxx

DALAWANG taon...

Ganoon katagal nang sinisikap ni Kourin na ilagay sa tahimik ang buhay niya kahit alam niyang talaga namang napakahirap. At kahit pala baguhin niya ang kanyang pangalan, hindi pa rin sapat iyon para mailayo niya ang sarili sa magulong mundong kaakibat ng kanyang pagiging isang Shinomiya.

Changing Kourin's name alone would never change the fate she was destined to face sooner or later. Iyon ay dahil isa siyang Shinomiya ー sa dugo, sa isipan, at lalong-lalo na sa puso. Because of that, she knew that several people would risk their lives in order to protect all that. Iutos man niya iyon o hindi, iisa pa rin ang magiging desisyon ng mga ito.

After all, it was their resolution in front of the burning Shinomiya mansion right after the attack subsided.

Ang mga isiping iyon ang naglalaro sa isipan ni Kourin habang nakatayo siya sa harap ng torii gate ng Shinto shrine na pinuntahan nila ni Raiden two days ago. Kaya naman hindi talaga nakapagtataka na kahit nakarating na siya sa lugar kung saan sana niya gustong makahanap ng katahimikan ng isipan, heto at tila lalo lang nagulo iyon. Lalo pa't siya lang mag-isa ang nagtungo roon.

"Do you really have to go here all alone, my lady?"

Sinikap ni Kourin na hindi ipahalata ang pagpitlag niya nang marinig ang tinig na iyon. All she did was to heave a heavy sigh and face the person ー who turned out to be Amiko. "I though I managed to leave the house without anyone's notice."

"Well, alam mong napakaimposible ng bagay na iyon, lalo pa't sigurado sila na maraming gumugulo sa isipan mo ngayon." Amiko soon approached Kourin and stopped just beside the princess as they both eyed the temple's area. "Your actions alone gave way for us to know that something bothers you in a great deal. Kourin, we've been with you for a long time para malaman namin ang mga iyon."

The young princess could've laughed pero hindi niya magawa. Para ano pa? Bistado na siya. "Ang hirap pala ng naging buhay natin pagkatapos ng lahat, 'no?"

The other girl just stared at Kourin with a slight frown. Hindi nga siya nagkamali na may bumabagabag kay Kourin kaya ito nagsasalita nang ganoong sa mga sandaling iyon. "Kourin..."

"At kahit dalawang taon na ang lumipas, ramdam ko pa rin ang paghihirap na iyon. Patunay lang na hindi sa lahat ng pagkakataon, kayang paghilumin ng panahon ang lahat ng sakit," dagdag ni Kourin na hindi natitinag ang tingin sa torii gate. Pero ilang sandali pa ay ngumiti na lang siya. Saka niya hinarap si Amiko. "Let's go inside and pray. Malay mo, baka sakaling pakinggan at pagbigyan."

Hindi na nakatanggi si Amiko nang hilain na ito ni Kourin. Hindi yata niya hahayaang kulitin na naman siya ng kaibigan niyang ito na tiyak ay makakarating na naman kay Hotaru. Masisiraan lang siya ng bait kapag narinig na naman niya ang mahabang litanya ng guardian niyang iyon.

No comments:

Post a Comment