Tuesday, September 26, 2017

The Last Sky Of The Earth 19 - Knight's Scene: Blue Shadow

These bunch of guys had truly asked for their funeral.

Or at least iyon ang nasa isipan ni Amiko habang tinitingnan ang natitira pang mga lalaki na tila humahanap ng tiyempo para sugurin siya. Laking pasalamat na lang niya na tila wala naman na sa mga ito ang nagtangkang sundan pa ang prinsesa. Well, maybe because every time some of them tried to follow the princess, the mysterious sniper would snipe them down in an instant. Iyon din ang isang rason kung bakit nababawasan ang kinakalaban niya na wala siyang gaanong ginagawa.

Pero hindi pa rin dapat mapalagay si Amiko. Hindi pa niya alam kung talaga ngang mapagkakatiwalaan ang sinumang sniper na iyon. There might be other reasons for that sniper to finish off the other thugs attempting to follow Kourin.

Nawala sa iniisip ang atensiyon ni Amiko nang mapuna na niya ang pagsugod ng dalawang lalaki sa kanyang likuran. She immediately blocked the two katanas that were about to strike her down using both of her sai. Sinipa naman niya ang isa pang lalaking papasugod sa kanya sa harap.

The way Amiko kicked the approaching man out front allowed her to flip her body upward and and land behind the two men trying to strike her down with katana. Before any of them could face her, sinaksak na niya ang mga ito mula sa likod gamit ang hawak-hawak niyang dalawang sai diretso sa puso. Agad na nalagutan ng hininga ang mga ito at bumagsak sa tabi niya na dilat pa rin ang mga mata.

Amiko maintained the same passive expression despite the horrific scene in front of her. May pito pang natitira sa mga kalaban niya—lahat ay pawang mas malalaki ang katawan kumpara sa kanya at tiyak na kayang-kaya siyang balian ng buto ng mga ito nang walang kahirap-hirap. But heck! As if she would actually allow that to happen. Marami pa siyang dapat asikasuhin at hinding-hindi niya hahayaang maungusan ng mga ugok na ito.

The seven remaining men surrounded Amiko, all were armed and ready to fight. But three of them immediately went down upon getting struck with something sharp. Agad na nakita ng dalaga kung ano ang tumama sa mga ito.

'Kunai.' And they were struck hard and fast.

Before the young Knight knew it, she saw someone familiar approaching that immediately turned the thugs' attention to the newcomer. Naramdaman naman niya ang tangkang pagsugod sa kanya ng isa sa apat pang natitirang mga kalaban. Walang pasubaling itinapon niya ang isa sa dalawang sai na hawak niya patungo sa papasugod na lalaki. The blade struck the assailant's neck through and through. Moments later, he collapsed with his neck oozing with blood.

Hinugot ni Amiko mula sa pagkakatusok sa leeg ng lalaki ang sai nang walang anumang emosyon. Matapos niyon ay ibinaling niya ang tingin sa maputi at emotionless na lalaking tumulong sa kanya.

"It's rare for you to come to my aid..." ani Amiko at bahagyang nginitian ang lalaki. "...Shiro-san."

Shiro smiled back and scanned their surroundings. A sigh escaped his lips at the sight of the dead bodies. "Well, we did receive an order and a warning. Ayoko namang makagalitan, lalo na kapag wala akong ginawa."

"Let me guess. Si Ate Akemi ang nagpatumba sa ilan sa mga ugok na 'to?"

A nod from Shiro confirmed it. Ibinalik ni Amiko mula sa holster sa kanyang magkabilang hita ang dalawang duguang sai. Seriously, the brutality and ruthlessness of her helpers had never seize to amaze her and at the same time, scare her, as well. Pero sa kanya na lang ang isiping iyon.

"How did you know I'm here?" tanong ni Amiko kapagkuwan.

"You're not the only one who was almost shot with the same type of arrow," ani Shiro sa seryosong tono.

Wait... Serious was still mild to be a description. But Amiko decided not to pay attention to that. Instead, her mind focused more on Shiro's words. Hindi lang sila ni Kourin ang muntikan nang tamaan ng palaso na may symbol ng Dark Rose? May dahilan ba para mangyari iyon?

Ang tanong na iyon ang nagpaalala kay Amiko ng isang bagay. "The princess!"

Bagaman napansin pa ng dalaga ang pagkagulat ni Shiro, hindi na niya binigyan pa ito ng pagkakataong makapagsalita. Agad na siyang umalis doon at tinahak ang daang sa palagay niya ay dinaanan ni Kourin para makatakas.

Question was—saan hahanapin ni Amiko ang kaibigan niyang iyon? Just great! Hindi pa nga pala niya alam ang direksyong tinungo nito. Paano na?

Nagpatuloy na lang si Amiko sa pagtakbo habang palinga-linga sa paligid sa pag-asang agad niyang makikita si Kourin. As she was about to approach the nearest road outside that forest, she caught a glimpse of something embedded to a tree trunk. Napahinto siya sa pagtakbo at agad na nilapitan ang nakitang bagay.

Nanlaki ang mga mata ni Amiko nang malinaw na niyang nakita ang isang pamilyar na dagger doon.

"This has to be a joke..." ang tanging usal ni Amiko nang mapatunayang hindi nga siya nagkamali sa nakita niya.

Kinuha ni Amiko ang dagger at pinag-aralan iyon nang mabuti. Tila nanghihinang napasandal siya sa puno. But she soon heard something that cracked, followed by actually having a feeling that she had stepped on to something.

Amiko's heart seemed to have stopped beating upon seeing a familiar iPhone lying on the ground. Kahit hindi na niya tingnan ang nilalaman niyon, alam na niya kung sino ang nagmamay-ari niyon. The wallpaper alone as the device's backlight lit up was more than enough proof.

"Lady Kourin..."

What the heck had happened to her?

No comments:

Post a Comment