Tuesday, September 5, 2017

The Last Sky Of The Earth 16 - Knight's Scene: Suggestion

MAAGA pa ring nagising si Miyako kahit na pasado alas-dos na siya nakatulog. The file she was reading somehow kept her up until her brain screamed for her to rest (at least not literally). She woke up at 4:30 A.M.

But there was a reason why she woke up at that particular time. She had to see someone.

Hindi na nagtaka pa si Miyako nang maabutan niya si Mamoru sa sala. He was also busy reading something from a folder.

"Oniichan, mata isogashiku nari-souda ne. (Looks like it's going to get busy for you again, Onii-chan.)," Miyako said as she proceeded to get out nang hindi na nagpapaalam kay Mamoru.

Well, Miyako's brother doesn't have anything to worry about when it comes to her. Despite being a girl, no one should underestimate Miyako Yumemiya. She had been living up to the tradition and rules of the Yumemiya family, after all.

Napatingin si Mamoru sa front door nang marinig niya ang pagbukas ar pagsara niyon. Though he had no idea where Miyako would head to, wala naman siyang dapat ipag-alala.

Of course, it would be a different issue if the worst happened.

Ipinagpatuloy na lang ni Mamoru ang pagbabasa sa files na hawak niya. Pero sa totoo lang, nakakapanghina ng pakiramdam ang mga nababasa niya. They were the files that Takeru had sent to him the night he called Yasha Wilford. Hindi pa man nag-uumpisa ang tunay na laban, marami nang "unrelated victims".

The worst thing was, hindi nila magawang pigilan iyon.

Una, si Yasha Wilford. Sumunod ang kapatid nito na si Raiden. Ngayon naman, pati ang childhood friend ng Shinomiya clan princess. Ano ba talaga ang dahilan at nadadamay ang mga ito sa gulong dapat ay wala silang kinalaman?

"What in the world is going on with this battle?" Muling pinasadahan ng basa ni Mamoru ang hawak niyang files. But reading it wasn't enough. There was something even bigger, and he knew it.

It was just a question of what could it possibly be.

Meanwhile, Miyako just walked casually dahil hindi naman siya nagmamadali. Isa pa, tiyak naman ang patutunguhan niya. Ang problema lang ー

Miyako halted to a stop upon spotting a familiar figure not too far from where she stopped. Napangiti na lang siya nang makilala na niya sa wakas kung sino iyon.

"This girl's prompt as ever," nasabi na lang ni Miyako sa sarili. But of course, despite knowing that, she decided to have her version of fun.

Well, hide and seek lang naman ang nasa utak ni Miyako. And so she hid behind one of the thickest tree there. Hay... Para lang siyang bata sa ginagawa niya. Pero okay lang. Kahit papaano, nag-e-enjoy siya.

Pero sandali lang iyon dahil kaagad na naramdaman ng taong pinagtataguan ni Miyako ang kanyang presensiya. And with a smile, she revealed herself to the teenage girl ー none other than the princess of the Shinomiya clan, Kourin.

At the course of their short reunion, agad na tinanong ni Kourin kay Miyako ang resulta ng pinapatrabaho nito sa kanya. Siyempre pa, hindi na niya ikinagulat iyon. In fact, nakuha pa nga niyang magbiro tungkol sa eagerness ni Kourin na malaman ang lahat ng impormasyon. But the princess wasn't in the mood for jokes. At that point, she knew that something must have happened.

And so, Miyako told Kourin the truth ー everything she found out about someone named Seiichi Yasuhara through another comrade of theirs named Shuji Haruta -- ang dating shadow guardian ni Hitoshi. Hindi na niya inalam pa ang dahilan kung bakit ibinigay ni Kourin sa kanilang dalawa ng kuya niya ang trabahong iyon. In a way, she could still discover the reason.

Hanggang sa dumating na si Kourin sa puntong hindi na nito alam ang gagawin kaya si Miyako ang tinanong nito. Hindi nga lang niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at nasabi niyang "Show yourself to him". When in fact, no one was supposed to know that the Shinomiya princess survived the attack more than two years ago. Gusto na talaga niyang batukan ang sarili niya.

"I can't do that..." sabi ni Kourin makalipas ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan nila ni Miyako.

As expected...

"Princess..."

"If he was that determined to know the reason behind the attack, then I could already tell how much pain I must've caused him. At may palagay akong hanggang ngayon ay nananatili pa rin iyon sa puso niya."

Gusto na sanang sabihin ni Miyako na tumpak si Kourin sa sinabi nitong iyon. Pero para ano pa? Sa mga salita pa lang ng prinsesa, ramdam niya na pati ito ay nahihirapan na rin.

Pero hindi lang iyon ang inaalala ni Miyako. Hindi lang si Kourin ang dapat niyang alalahanin. Pati na rin si Seiichi. That guy was hell-bent in finding out every bit of information with regards to the attack. Alam niya kung gaano ito kadesidido. Nakita niya iyon nang minsang mag-usap sila nito.

"Walang dapat makaalam ng totoo, Ate Miyako. If you can, please do your best to stop him from finding out the truth. Tama nang tayo-tayo na lang ang nakakaalam ng totoo. Ayoko nang may madamay pa sa gulong tayo lang dapat ang dapat ang may kinalaman," kapagkuwan ay saad ni Kourin kay Miyako.

Bagaman tumango si Miyako, hindi niya tiyak kung magagawa niya nang maayos ang utos na iyon ni Kourin. At least, iyon ang pakiramdam niya. Tiyak na darating ang pagkakataong mahihirapan siyang gampanan ng maayos ang trabaho niya tungkol sa taong mahalaga kay Kourin.

"Sigurado ka ba na iyon ang gusto mong mangyari?"

Tumango lang si Kourin. Iyon kay kahit bakas sa magandang mukha nito ang 'di matatawarang lungkot na alam niyang walang sinuman sa kanila ang makakapawi para sa kanilang prinsesa.

No comments:

Post a Comment