The shrine priestess greeted the two girls with a warm smile as they headed to the altar and offer a prayer. Pero kung si Kourin ang tatanungin, isa lang ang hiling niya. Kahilingang nagtagal nang dalawang taon at hanggang sa mga sandaling iyon ay pilit pa rin niyang hinihintay na magkaroon ng katuparan.
Tahimik pa ring nagdarasal si Kourin kapag hindi na nito namalayan ang manaka-nakang pagtingin ni Amiko sa direksiyon nito.
Ang daming naglalaro sa isipan ni Amiko nang mga sandaling iyon ― lahat ay may kinalaman kay Kourin at sa mga posibleng gumugulo sa isipan ng prinsesa. Idagdag pa ang mga isiping ilang araw na ring bumabagabag sa kanya.
Napatingin si Amiko sa kamay niyang nasugatan ng dagger na dala-dala ng isa sa mga lalaking nagtangka sa buhay ni Raiden at ni Kourin. Naroon pa rin ang sakit pero hindi na niya alintana iyon. Ang mas inaalala niya ay ang crest na nakaukit sa mismong patalim na iyon.
"Okay ka lang, Ami?" tanong ni Kourin na mapansin niyang tila malalim ang iniisip ni Amiko habang nakatingin sa palad nito. Saka lang niya napansin ang sugat na naroon na siyempre pa, ikinagulat niya. "Saan mo nakuha ito?"
"I've been careless," Amiko answered with a smile despite Kourin's startling inquiry about her wound. "Don't worry, it will heal soon."
"Ano'ng heal soon ang sinasabi mo riyan? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Saan mo nakuha 'to?" Hindi talaga titigil si Kourin hanggang hindi siya nakakakuha ng matinong sagot mula kay Amiko.
Amiko just sighed exasperatingly and faced the young clan princess. "I told you, I've been careless... and probably a little inattentive, as well." She just shrugged and faced the altar once more.
"On what?"
"That I was actually holding a dagger and because of my anger, I ended up clenching its blade before I knew it." Muling tiningnan ni Amiko ang sugatang palad niya. "Well, at that point, may ideya na ako na hindi lang iisa ang kalaban natin. There are others enemies out there just waiting to take us down with all their might."
Okay... Seriously, that didn't even sound right to Kourin. At hindi na niya maitatanggi na napakalaki ng dahilan kung bakit pati sina Daryll Corazza at Shingo Yanai ― na parehong miyembro ng angkang kinabibilangan nina Nanami, Kana, at Takeru ― ay ipinatawag para sa interrogation. Usually, those two men were only called kapag kailangan ng mabilisang resulta pagdating sa interrogation.
"Was there something on that dagger that made you angry in the first place?" kapagkuwa'y tanong ni Kourin kay Amiko.
Katahimikan ang bumalot sa dalawang dalaga. Pero sa pananaw ni Kourin, iyon ang uri ng katahimikang may hatid na kaba sa kanya. That was weird. Where could that possibly come from?
Not only that, the silence surrounding Kourin and Amiko had a somewhat foreboding feel to it. The clan princess couldn't exactly tell but that was how she felt it.
"Right now, it's better that I shouldn't tell you until we had a confirmation of the dagger's origin and information about its maker. And there had to be a reason why would that weak jerk even carry such a weapon," seryosong saad ni Amiko at ipinatong niya ang isang kamay sa ulo ni Kourin. "But I'll make sure that you'll be safe. I promise."
Napangiti man si Kourin, hindi pa rin sapat iyon para mapawi ang pag-aalala niya. "Hindi lang sana ako ang protektahan mo, Ami. Pati na rin sana si Raiden. Nadadamay siya sa gulong hindi naman niya dapat kasangkutan."
"Alam namin iyon, 'no? Pero siyempre, ang pagprotekta sa iyo ang top priority namin. Don't worry. We'll make sure Raiden is safe, as well. Okay?" At least, alam ni Amiko na magagawa niyang tuparin iyon. They couldn't afford to fail, after all.
That short moment of ease didn't last long, however. It was disrupted with a foreboding presence, as if someone was actually watching the two girls. Soon after, Amiko knocked the princess to the ground as Kourin heared a faint sound as if something just passed by in an incredible speed followed by another sound that seemed like a sharp object delving to the stone path.
Nang hagilapin nila iyon, nakita nila ang isang palaso. Agad na tumayo si Amiko at tinulungan si Kourin. The young Knight inquired if the princess was alright and vice versa. Both of them were unhurt. But they knew it wasn't over yet. Pinuntahan nila ang palaso na nakatusok sa gitna ng stone path ilang hakbang lang ang layo sa posisyon ng dalawang babae.
Kinuha iyon ni Amiko at masusing pinag-aralan ang pagkakayari niyon. Her eyes narrowed at the sight of the symbol engraved on the arrowhead.
Hindi iyon nakaligtas kay Kourin kaya agad niyang tinanong si Amiko kung ano ang problema. Pero nasagot din kaagad iyon nang makita na rin niya sa wakas ang dahilan ng pagkakaroon ng ganoong expression ni Amiko. But instead of eyeing at the symbol with narrowed and calculating eyes, Kourin's eyes widened at the sight of it.
"Dark Rose..." Kourin uttered with her voice laced in one evident emotion ― fear.
Agad na nawala ang atensiyon ni Amiko sa tinitingnang arrowhead nang marinig niya iyon. Napabaling siya ng tingin kay Kourin na kinakitaan niya ng panginginig ― an obvious sign of the young clan princess' immense fear. Hinarap niya si Kourin at hinawakan ang magkabilang balikat nito. Naramdaman niya ang pagpitlag ng prinsesa na ginantihan na lang niya ng isang assuring na ngiti.
"This is why we don't want you to get involved in our missions. But since we can't help it, hinahayaan ka na lang namin." Dagling nagbalik sa pagiging seryoso ang expression ni Amiko. "Pero ito ang tatandaan mo, Lady Kourin. Hinding-hindi na namin hahayaang maulit ang nangyari two years ago. Iyan ang ipinangako namin sa 'yo bago tayo nagtungo rito sa Pilipinas. That's why... you have nothing to fear. We're here to ease that for you."
Kapag tinatawag na ni Amiko ang prinsesa na "Lady Kourin" ― which was the English form of the usual "Kourin-ojousama" while they were still in Japan, nawawalan na si Kourin ng dahilan para makipag-argue rito. Agad ding nawawala ang takot niya sa dalawang salitang nagsilbing dahilan kung bakit ganito ang buhay na pilit niyang isinasalba ngayon.
"Thank you, Ami," Kourin said sincerely that made both girls smile.
Pero agad ding naglaho iyon nang mapuna na nila na hindi lang sila ang tao sa paligid. Soon after, several men clad in black clothes appeared and surrounded the two girls ― all were wielding guns and katana.
"These jerks are definitely cowards," tanging komento ni Amiko sa pagtatangkang pawiin ang panggagalaiti niya. Ginatungan pa iyon ng pag-aalala niya para sa prinsesa. Pero hindi siya puwedeng magpadalus-dalos.
One wrong move and it would all be over. At hindi hahayaan ni Amiko na mangyari iyon. She had to think of a way to let the young clan princess escape before these 20 men could even touch any of them.
Nang makaisip naman si Amiko ng paraan, kumuha sa atensiyon nilang dalawa ni Kourin ang magkasunod na paghandusay ng dalawang lalaki sa may bandang likuran nila. Hindi nagtagal ay nagkagulo na ang iba sa mga kasamahan ng mga ito.
"What was that?"
"Madali! Hanapin n'yo kung saan nanggaling iyon!"
Mukhang pare-pareho lang silang lahat ng iniisip, kung ganoon. Those two were sniped down. Pero sino kaya ang may kagagawan n'on? But Kourin and Amiko had to think about that later.
Agad na inilabas ni Amiko mula sa holster sa magkabilang hita ang trademark weapon niya ー ang Japanese bladed weapon na kung tawagin ay sai. She used a sharpened version of it, though. They were the same blade that the heroine Elektra from Marvel Comics would use. But for the young Knight, it was the weapon that became the proof of her chosen path.
"Kourin, I'll make a path for you. And when I managed to do so, run from here as fast as you can," sabi ni Amiko na hindi tumitingin kay Kourin.
"I can't do that! Para namang kaya kitang iwan dito."
"Well, I can't let you stay here either!" Amiko was supposed to add something more to that but three more bodies collapsing all of a sudden caught her attention. At iyon ang hinihintay niyang pagkakataon.
Sinugod ni Amiko ang apat na lalaking nasa likuran ni Kourin at gamit ang angking bilis ay walang kahirap-hirap na pinatumba niya ang mga ito. She did that as she plunged a few kunai right to the chest followed by slitting the throats that almost instantly ended the lives of those who were blocking the girls' path. Pero ginawa niya iyon nang masiguro niyang hindi nakatingin ang prinsesa. Kahit sabihin pa kasi na alam na ni Kourin ang ginagawa nila, hindi pa rin dahilan iyon para hayaan ito na makita iyon nang personal.
"Run for it!" utos ni Amiko kay Kourin at ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa mga lalaking tila hindi yata inasahan ang ginawa niya.
Kourin wasted no chance and ran for it through the path tha Amiko had created. But she only did that after uttering "keep your promise" to her protector and upon hearing another thud that seemed like someone was taken down. Mukhang alam na niya kung sino ang nagpapatumba sa mga lalaking iyon mula sa malayo. Pero sino sa limang kilala niya ang may gawa ng mga iyon? In any case, the clan princess had to think about that later. She had to escape first.
Kourin could only hope that Amiko would fulfill her promise.
Patuloy lang si Kourin sa pagtakbo paalis sa temple. Hindi niya alam kung saan siya patungo. Pero ang nasa isipan lang niya ay ang makapagtago at nang hindi na masundan pa. Kaya lang, saan siya magtatago? Though she was somewhat familiar with the place, may mga lugar pa rin na alanganin para sa kanya.
Magpapatuloy na sana sa pagtakbo at paghahanap ng matataguan si Kourin nang maramdaman niya ang biglang paghiklas sa braso niya. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakapaloob sa matigas at malakas na braso ng kung sino mang nanghila sa kanya at saka nito tinakpan ang kanyang bibig.
No comments:
Post a Comment