"HANGGANG kailan mo ba ako planong kaladkarin sa kung saan, ha?"
Pero walang nakuhang anumang tugon si Mirui sa tanong niyang iyon kay Theron na hawak-hawak pa rin ang kamay niya. Kahit naman gusto niyang hilain ang kamay niya mula sa binata, nakapagtatakang tila nawalan siya ng lakas na gawin iyon. Not to mention, she actually liked the feeling of holding Theron's hand like that, as if it was the right thing to feel.
Basta ang alam niya, ang dami na niyang kakaibang nararamdaman sa simpleng pagdadaop lang ng mga palad nila. It started since the day they finally settled the issue between them. Iyon ay kung may isyu nga ba talaga silang matatawag.
Hinayaan na lang niya ito na dalhin siya sa kung saan—na naisip na niya for who knows how many times. Hindi na naman kasi siya kinikibo ng lalaking ito kapag tinatanong niya ito at mukhang wala rin talaga itong plano na kibuin siya hanggang hindi nila nararating ang lugar na pagdadalhan nito sa kanya.
Makalipas ang ilan pang sandali, nangunot ang noo ni Mirui nang makita niyang patungo naman sila ni Theron sa isang amusement park. Are you freaking kidding me? Ano naman kaya ang gagawin nila sa lugar na iyon?
Malamang, magde-date.
Date? As if! Pero hindi pa rin sapat ang reaksiyon ng isipan niyang iyon para pigilan ang pag-akyat ng init sa kanyang mga pisngi. Para namang ganoon nga talaga ang mangyayari. May date ba naman kasing basta-basta na lang siyang kinakaladkad sa kung saan?
"I'm sorry," umpisa ni Theron nang sa wakas ay matigil na sila sa paglalakad.
So they really went to an amusement park. Pero wala na muna roon ang atensiyon niya. Nakatingin lang siya sa binata habang hinihintay ang susunod na sasabihin nito.
"Hindi ko lang talaga alam kung paano kita iimbitahan, eh. Lagi namang ganoon," dagdag pa nito na nagpakunot-noo sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. "Alam mo, hindi lang ang kilos mo ang weird ngayon, eh. Pati na rin ang mga sinasabi mo. Wala naman sigurong masama kung ipapakiusap ko sa 'yo na linawin mo ang mga iyon para sa akin. Dahil sa totoo lang, naguguluhan na ako." Hindi siya nagbibiro. At hindi rin niya alam kung bakit nagiging vocal siya pagdating sa confusion na nararamdaman niya pagdating sa taong ito. Pero alangan namang sisihin niya ang presensiya ni Theron dahil lang nag-uumpisa na siyang mag-iba.
Ilang sandali rin ang lumipas na nakatingin lang siya rito kahit na batid niyang sa ginagawa niyang iyon ay lalo lang siyang kinakabahan na hindi niya maintindihan kung para saan. He was intently looking at her and she couldn't stop her heart from being so fast.
"Gusto lang talaga kitang ipasyal. I just... don't know how to ask you properly," nakatungong tugon ni Theron. "Pero kung ayaw mo talaga akong kasama, it's okay. You can go and leave me. I'm sorry kung kinaladkad pa kita hanggang dito."
"Iyon na nga. Kinaladkad mo na rin lang ako nang bongga, aba'y samantalahin mo na habang nasa mood pa akong makisama sa mga trip mo." Huli na nang ma-realize ni Mirui kung ano ang lumabas sa bibig niya. Even still, she didn't regret blurting it out.
Halata sa mukha ni Theron na tila natigilan ito at naroon ang pagkagulat bago siya nito hinarap.
"O? Huwag mo akong panlakihan ng mga mata riyan. Seryoso ako."
"H-hindi ka galit?"
Umiling siya. "You just saved me from doing the same thing to you. Actually... ever since you gave me this charm bracelet--" she paused as she raised her left hand where the item was placed. "--gusto kong gumawa ng paraan para magpasalamat sa 'yo. Kaya lang, hindi ko naman alam kung papaano. It's not enough that you just called and asked me how I feel about receiving it. In case you didn't know, lagi kong tinitingnan ang charm bracelet na 'to kapag feeling ko, tumitindi ang kaba ko dahil sa pressure." Tumawa siya pero sandali lang at saka hinarap si Theron. "Kaya walang rason para magalit ako, okay? Nagulat, oo. Nagtaka, definitely. Pero hanggang doon lang 'yon."
Ilang sandali rin siyang tinitigan ni Theron na ikinailang niya pero hindi niya ipinahalata. Nakipagtagisan lang siya rito ng titigan habang hinihintay ang sasabihin nito.
Sa gulat niya, unti-unting napangiti si Theron at tumawa kalaunan na tila ba nakahinga ito nang maluwag. Kitang-kita niya ang mapuputing ngipin nito. Pero hindi iyon ang pinagtuunan niya ng pansin. For the first time in more than three years na nakilala niya ang taong ito, nasilayan niya kung gaano pala ito kaguwapo kapag nakangiti nang ganoon.
"Marunong ka naman palang ngumiti, eh," aniya nang mahimasmasan.
"Sorry. I guess I looked like an idiot," hinging-paumanhin nito bagaman hindi pa rin naglalaho ang ngiti sa mga labi nito.
"No, you're not. Pero bakit ayaw mo yatang ipakita 'yan sa madla?"
"I'd rather smile in front of the people that truly matters to me." Iyon lang at muli nitong kinuha ang kamay niya bago siya hilain nito papasok sa loob ng amusement park.
Pero ang isipan ni Mirui, naroon sa pahayag ni Theron. Idagdag pa ang muling pagdadaop ng mga kamay nila ng binata. Kaya ang resulta, wala na siyang marinig sa paligid niya dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya.
= = = = = =
"ALAM mo, ngayon ko lang lubusang na-enjoy ang pamamasyal sa amusement park," ani Theron na ikinalingon naman ni Mirui rito.
Naroon sila sa isa sa mga bench malapit sa Ferris Wheel at nakaupo habang kumakain ng ice cream. Katatapos lang nilang maglibot sa lugar at kahit papaano naman ay nag-enjoy sila kahit hindi nila maisip-isipang sumakay sa kahit na anong rides na naroon. Kaya naman nang mapagod ay naisipan na lang nilang bumili ng makakain at mag-people observing. Hindi nga lang siya sigurado kung bakit ice cream ang iminungkahi nitong kainin nila. But since he was the one who paid for it, hindi na siya umangal.
Tahimik lang silang dalawa habang pinapanood ang mga taong naroon sa lugar. Kaya naman sa tingin niya, parang may himalang nangyari. Ano'ng meron at ito ang unang nagsalita sa kanilang dalawa?
"Bakit mo naman nasabi 'yan? Hindi ka ba nakakapasyal dati?"
Umiling si Theron. "Masyado silang busy lahat. Well, my mother left me and my father when I was eight. My father started drowning himself with so much work even before that that he has no time for me."
Natigilan naman si Mirui sa mga isiniwalat nito. Ang tanging nagawa lang niya ay tingnan ito. He still had that stoic look on his face. But those dark eyes of his didn't successfully hide the sadness he was feeling.
"I'm sorry." Iyon lang ang tanging nasabi niya bagaman hindi niya alam kung ano ba ang inihihingi niya ng paumanhin.
"Don't be. And I told you this because... I just want you to know. Hindi ko rin alam kung bakit. Pasensiya ka na." Theron smiled after pero hindi umabot iyon sa mga mata nito.
"Okay lang iyon. Though to be honest, nagulat lang naman ako kasi ikaw ang nag-initiate ng conversation natin. Na in the end, hindi ko alam kung conversation nga ba talagang matatawag dahil wala naman akong nasabing matino."
"Minsan lang talaga akong magyayang mamasyal. But at the end of the day, I ended up feeling empty as if something was missing. Parang may kulang," saad ni Theron at muling pinagdiskitahan ang kinakain nitong chocolate ice cream.
Though Mirui was paying attention to his words, mas nakatuon ang pansin niya sa mga kilos ni Theron. Pambihira lang! Bakita pati ang paraan ng pagkain nito ng ice cream, parang nanghihipnotismo pa sa kanya? She couldn't help thinking that Theron looked... sexy as he watched him.
Waah! Bakit umiiral ang kahalayan sa utak mo ngayon, Mirui? Lihim na lang siyang napailing upang mapalis iyon sa kanyang isipan. She continued eating her vanilla ice cream na unti-unti na palang natutunaw at tiyak na tutulo na sa kamay niya kung hindi pa niya napagtuunan iyon ng pansin. Ganoon ba kainit sa lugar at parang ang bilis yatang matunaw ng ice cream ngayon?
"By the way, bakit vanilla ang pinili mong flavor ng ice cream?" kapagkuwan ay tanong ni Theron na ubos na pala ang kinakain nitong ice cream.
Agad na kinuha ni Mirui ang tissue sa bulsa niya at pinahid ang gilid ng bibig ni Theron nang mapansin ang bahid ng chocolate ice cream doon. "Ang kalat mo namang kumain ng ice cream."
Pero agad din siyang natigilan nang mapunang tila nanigas si Theron habang nakatitig sa kanya. Tila nabitin sa ere ang kamay niyang may hawak ng tissue na nagpapahid ng dumi sa gilid ng bibig nito. Ilan sandali rin ang lumipas bago niya nagawang alisin ang kamay niya roon bago nag-iwas ng tingin. Napapikit siya dahil sa nararamdamang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Bakit ganoon ang effect ng lalaking ito sa kanya? Ito ba ang napapala niya sa kagustuhang mapalapit kay Theron? Ang magulo nang husto ang puso niya?
"A-ano na nga pala ulit 'yong tanong mo?" Hiling lang ni Mirui na sana ay hindi mahalata ni Theron ang panginginig sa tinig niya.
"Bakit vanilla flavor ang pinili mo?"
Kunot-noong tiningnan niya ito. "Bakit naman 'yan pa ang naisipan mong itanong?"
"Dahil iyon ang naoobserbahan ko. Sagutin mo na lang."
Ano? Naoobserbahan? Tama ba ang narinig niya? At nagsungit lang talaga si Snowflakes, ah. "Gusto mo talagang malaman?"
"Kanina mo pa ako binabanatan ng mga tanong, ah."
Napahagikgik siya at iwinasiwas ang kamay. "Sorry. Pero samahan mo muna ako."
"Saan naman?"
But instead of answering him, Mirui just took his hand and pulled him away from the place. This time, siya naman ang kakaladkad dito patungo sa lugar na sasagot sa tanong ni Theron sa kanya.
= = = = = =
NGUMITI nang maluwag si Mirui habang pinapanood niya si Theron na pilit ibinabalanse ang sarili nito sa skating rink kung saan naroon sila nang mga sandaling iyon. Hindi naman niya gustong gawing katatawanan ang paghihirap nito. Kaya lang, hindi talaga niya mapigilan ang sarili niya na punahin kung gaano ito ka-cute.
"Hindi ka rin sadista, 'no? Wala ka man lang planong tulungan ako rito." Akmang lalapitan siya ni Theron pero hindi pa man ito nakakalayo sa pagkakakapit nito sa gilid ng rink ay tuluyan na itong nadulas. Bumagsak ito nang pahiga.
Pigilan ni Mirui ang matawa sa nasaksihan at nag-skate na lang para lapitan ito. Inilahad niya ang isang kamay sa binata. Tumingalan si Theron sa kanya sa kabila ng nakakatawang posisyon nito.
"Paano kaya kita tutulungan if you're not even asking for it?"
Huminga nang malalim si Theron. Bagaman parang padabog na kinuha nito ang kamay niya at kailangan niyang higpitan ang pagkakahawak niya rito, hindi maikakaila ang pagdaan ng tila kakaibang sensasyon sa kalamnan niya dahil doon. But she tried her best to compose herself dahil hindi niya gustong may mahalatang kakaiba ang lalaking 'to. Mabuti na lang at nakaya niya ang bigat nito nang hilain niya ito patayo.
"Humawak ka lang sa kamay ko, okay? Tuturuan kitang mag-ice skating. Mukhang ang dami mong na-miss na gawin noong bata ka, ah."
"Ano ba ang kinalaman ng ice skating rink sa sagot sa tanong ko sa 'yo kanina, ha?" pag-iiba ni Theron sa usapan habang tinuruan niya itong ibalanse ang sarili sa pag-i-skate nila roon.
"It reminds me of one thing I love to do the most bukod sa pagtugtog."
"Ha? You mean, ice skating?"
Tumango siya. "I just love anything related to both white and cold. Gaya ng vanilla ice cream. Pati na rin ang snow." At... pati na rin sa 'yo. Pero dadanak muna ang dugo bago niya maamin iyon sa lalaking 'to na nakahawak sa kanya nang mahigpit as if his life depended on her.
Hindi niya maintindihan pero gusto niya ang ganoong pakiramdam.
"White and cold, huh? I didn't know that."
"Dahil wala naman akong ibang pinagsasabihan n'on, 'no?"
"Kahit kay Captain?"
Tumango siya. "Kahit na kay Lexus, hindi ko sinasabi iyon. Ewan ko ba. Hindi ko lang siguro feel sabihin sa kanya."
Nagpatuloy lang sila sa tahimik na pag-i-skate na hindi pa rin bumibitaw sa isa't-isa. Bigla ay naramdaman niya na humigpit ang paghawak nito sa kamay niya pero wala siyang reaksyon. Lihim siyang napangiti. Somehow, she felt inspired to do a skating routine because of that gesture alone.
= = = = = =
TIYAK na magagalit sa kanya si Lexus. At least iyon ang nasa isipan ni Theron habang pinapanood si Mirui na nag-e-enjoy sa pag-i-skate nito sa gitna ng skating rink. Pinili na lang niyang manatili sa gilid dahil hirap talaga siyang ibalanse ang sarili niya roon. Hindi na niya kakayanin pa kapag napahiya na naman siya sa harap ng dalagang hinahangaan. But at the sight of the girl gliding beautifully on that thick ice, napagtanto niya na marami pa pala siyang hindi alam pagdating dito. Para bang... hiyang na ito sa pag-i-skate.
Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit dinala siya roon ni Mirui. Pero hindi rin niya maintindihan kung bakit sa ibang paraan nito sinagot ang simpleng tanong niya tungkol sa choice of ice cream flavor nito. Though he admitted that it was unique, batid niyang may iba pang ibig sabihin iyon. Ipinagtapat rin nito sa kanya ang pagkagusto nito sa anumang may kinalaman sa puti at malamig. He found it weird, but without a doubt had made her even cuter in his eyes.
Natapos ang araw na iyon na sabay silang umuwi pero hanggang sa labas lang ng gate ng subdivision niya ito naihatid. Okay lang daw iyon kay Mirui bagaman hindi pa rin niya maiwasang makonsensiya dahil gabi na nang makauwi sila nito.
"Thank you, Theron, ha? I had a good time," sabi nito at saka siya nginitian.
Napatulala lang siya sa nasilayan pero sandali lang. Hindi na niya napigilang gantihan ang ngiting iginawad nito. This time, ito naman ang tila napatulala na lalong ikinalapad ng ngiti niya.
"You're acting as if I smile once in a blue moon," aniya.
"Hindi ba? Naku po! Blue moon ba ngayon at ganyan ka ngayon sa akin?" Nakuha pa talaga nitong magbiro.
"Parang gusto mo pa yatang araw-araw, blue moon."
"Honestly speaking..." Tumigil si Mirui sa pabirong pagtingin sa langit at tiningnan siya. "...kahit walang blue moon, okay lang sa akin. Basta ba hindi mo na ako iiwasan pa."
Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Natagpuan na lang niya ang sarili na pinaliit ang distansiyang nakapagitan sa kanila at niyakap ito nang mahigpit. Narinig niya ang pagsinghap ni Mirui pero wala siyang pakialam. Damn it! Bakit ba ang daming sinasabi ng babaeng 'to na nagiging dahilan para mawala siya sa sarili at gawin ang mga bagay na hanggang panaginip niya lang nagagawa para rito?
"T-Theron..."
"Sorry... Hindi ko lang talaga alam kung paano ka lalapitan kaya ako umiiwas sa 'yo." Hanggang doon lang ang nakaya niyang sabihin. Kahit gusto na niyang magsalita at ipagtapat dito ang lahat, hindi niya magawa. Pinapangunahan pa rin siya ng takot na baka layuan siya ng dalaga kapag nag-umpisa na siyang magsalita ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa nararamdaman niya.
Natigilan siya nang maramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso sa katawan niya. "Thank you, Theron."
Thank you? Para saan? Pero hindi na niya naisatinig iyon. Bagkus ay humigpit na lang ang yakap niya rito. He relished the feeling of impulsively holding Mirui close like that. Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya para gawin iyon, subalit nagpapasalamat na lang siya. Sa mga sandaling iyon, iyon na lang ang magagawa niya.
No comments:
Post a Comment