"How can you endure doing that?"
That question brought Kourin's mind back to reality. Noon lang niya naalalang nasa rooftop nga pala siya ng department building kung saan siya nag-aaral at kasama niya si Amiko ng mga sandaling iyon. Doon nila naisipang magpunta matapos ang engkuwentrong naganap na hindi niya inasahan nang araw na iyon.
Bakit naroon si Seiichi sa Skyfield University? Ano'ng ginagawa nito roon? Idagdag pa na alam niyang muntik na itong ma-kidnap ng kung sino na napigilan lang dahil kay Miyako. Pero sa tingin niya ay walang kinalaman doon ang dahilan ng pagpunta ng binata sa university na iyon.
"At hindi ka na talaga mamamansin, ha?"
Napatingin si Kourin kay Amiko na nakataas ang isang kilay na nakatingin sa kanya ng mga sandaling iyon. Hindi niya napigilang mapangiti sa nakita, pero sandali lang iyon. Muling nagbalik ang isipan niya sa eksenang naalala.
Ang pagtatama ng mga mata nila ni Seiichi.
Seriously, how long have she yearned to see that again? To experience it once more? Parang gusto na naman niyang maiyak sa naisip. Oo nga at nami-miss niyang maranasan iyon ulit. Kung sana ay katulad pa rin ng dati ang sitwasyon.
"Sorry, Amiko. May naalala lang ako," nasabi na lang ni Kourin at muling tumingin sa kawalan.
"There's nothing for you to apologize for, my lady. But seriously, I can't believe you could endure that. He was right there, looking at you like... he knew you're Lady Kourin and not Rin. You could run towards him right there and then tell him the truth."
Umiling siya. "Not while his life is still threatened. I'm sure you're aware of what happened to him a while back."
"I still can't understand why those jerks tried to kidnap him, though. Wala naman silang mapapala kay Seiichi kung tungkol kay Lord Hitoshi ang pag-uusapan."
Maging siya ay hindi rin maintindihan iyon. Pero hanggang ispekulasyon pa lang ang meron siya sa mga sandaling iyon. Wala pang konkretong konklusyon na puwede niyang magamit.
"Amiko..." Kourin called out after a while.
"Hmm?"
"Do you know what it's like to feel this much longing in your heart to let things happen the way they used to?"
Hindi kaagad nakasalita si Amiko sa tanong na iyon ni Kourin. Nanatili lang itong nakatingin sa amo nito, hinihintay na muli itong magsalita.
"Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naiisip ko nang makita ko siya kanina at nagkatinginan pa talaga kami. It might be a little cliche but --"
"My lady, there is nothing cliche when it comes to what you feel towards someone you love," Amiko said that cut off Kourin's words. "Or at least, that's what my mom would say before whenever I'd comment the same thing about my parents' love story." Ilang sandali pa ay bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy. "It's not my place to give comments about your feelings as it would be disrespectful towards you regardless of the friendly way you're treating me. Pero Lady Kourin, hindi nangangahulugang kailangan mong pigilan ang nararamdaman mo para sa kanya dahil hindi umaayon ang pagkakataon sa inyong dalawa sa ngayon. What you've felt for him was real, and I'm sure you're aware of that."
"Kahit naman totoo ang nararamdaman ko para sa kanya, wala pa rin akong karapatang sabihin sa kanya ang totoo. I can't afford to see him endure even more pain because of me."
Ilang beses nang nasabi iyon ni Kourin -- sa sarili at maging sa ibang tao. Pero sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nasasaktan sa katotohanang iyon. Na wala na ngang pag-asang makasama pa niya ang isang taong importante sa kanya na hindi kabilang sa Shinomiya clan at sa Shrouded Flowers.
"But you know you can't stay in the dark and watch him from afar forever, my lady," Amiko said later. "Sooner or later, you're gonna have to reveal who you really are and what you truly intend to do just to keep him safe. Matagal na siyang napabilang sa magulong mundong kinasasangkutan natin. At may palagay akong iyon ang isang dahilan kung bakit kinaibigan siya ni Lord Hitoshi."
Hindi alam ni Kourin ang dapat isipin sa sinabing iyon ni Amiko. Heto at naisama na naman sa usapan ang namatay na kapatid. Dapat na ba niyang isama sa mga dapat niyang pakaisipin ang totoong dahilan kung bakit dinala ni Hitoshi sa Shinomiya mansion noon si Seiichi at ipinakilala sa kanilang lahat?
Once again, she stared towards the horizon from where she was standing. But then, she couldn't help frowning upon sensing something around her. Bigla siyang napatingin sa mga puno sa ibaba ng building. Wala naman siyang nakitang kakaiba. Pero isa lang ang sigurado siya.
May nagmamasid sa kanya mula sa isa sa mga punong iyon. And those gazes, for some weird reason, were not ominous or foreboding.
'Ano'ng ibig sabihin n'on?'
Could it be someone she knew? Or was it the other way around?
xxxxxx
Hindi alintana ni Seiichi ang distansya para lang makita kahit sa malayo ang babaeng talaga namang nagpagulat sa kanya mula nang makita niya ito. Hindi pa rin siya makapaniwala na makikita niya sa ibang tao ang mukha ng babaeng hindi niya gustong kalimutan hanggang hindi niya nalalaman ang totoo sa nangyari rito.
"You know, I had a feeling that she could sense you staring at her."
Hindi na lumingon pa si Seiichi para harapin ang nagsalitang iyon. Napabuntong-hininga na lang siya at nanatiling nakatingala sa rooftop ng building kung saan naroon pa rin ang babaeng nagngangalang Rin.
"It's like you knew her and what she can do, huh?" he commented, almost absentmindedly.
"Hindi naman. Nagkataon lang na ilang beses ko na siyang naoobserbahan. Mainly because of her uncanny resemblance to Lady Kourin. But just like the clan princess, that girl Rin isn't someone you should be underestimating, as well.
Kunot-noong hinarap ni Seiichi si Shuji na nakatayo sa tabi ng isang puno ilang metro lang ang layo sa punong kinatatayuan niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"I meant just that. Don't underestimate her. And don't get distracted by the appearance she possess. Walang nakakaalam ng mga bagay na kaya niyang gawin sa kabila ng lungkot na nakapalibot sa kanya. But if you truly want to know her and be with her, then brace yourself. Do it for your sake, as well."
Mas lalong nalito si Seiichi sa mga sinabing iyon ni Shuji. Gusto niyang isiping nang-aasar lang ito o 'di kaya ay nagbibiro lang. Pero hindi ganoon ang nakikita niya sa mukha nito.
Once again, he looked at the rooftop where Rin still was. 'I have to brace myself if I want to know her…' Kung ganoon ang pagkakasabi ni Shuji, anong misteryo ang tinatago ni Rin sa madla? Posible ba niyang ikapahamak iyon?
At this point, he knew he had to think it carefully before making the choice.
No comments:
Post a Comment