"WAIT A minute! Where are we going?"
Pang-ilang ulit nang itinanong iyon ni Kourin kay Seiichi pero tila wala itong naririnig. Patuloy lang ito sa paghila sa kanya palayo sa mga kasamahan niya. Naku po! Tiyak na magwawala na naman si Amiko nito. Idagdag pa si Raiden.
Gustong pagtakhan ni Kourin ang dahilan ng lalaking ito para bigla siyang hilain paalis sa school. As far as she recalled, hindi naging maganda ang naging huling pagtatagpo nila.
Kourin ended up telling a lie that she had woven for the past two years. Iyon naman ang matagal na niyang plano. Walang dapat makaalam--lalo na si Seiichi--na buhay pa siya. Na buhay pa si Kourin Shinomiya. But that didn't exactly stop her from learning what she could about his life since she 'died'. Pero hindi kailanman sumagi sa isipan niya na magkikita sila ng lalaking ito sa ganoong sitwasyon.
Why did fate allow them to meet again in a circumstance where she had to live in a different identity?
But the princess was sure of one thing. Seiichi was the kind of person who couldn't be fooled for long. At iyon ang ikinakatakot niya. Kung tama ang sinabi noon sa kanya ni Miyako, na gumagawa na ng hakbang si Seiichi para malaman ang totoo tungkol sa pag-atake, hindi siya sigurado kung ano ang kaya nitong gawin kapag lumabas na ang katotohanang hinahanap nito.
Sa wakas ay huminto na si Seiichi sa paghila kay Kourin. Nang pasimpleng inilibot ng dalaga ng tingin ang paligid, lihim niyang ikinagulat ang lugar na tumambad sa kanya.
Ano'ng meron at doon pa talaga dinala ni Seiichi si Kourin sa hidden Shinto shrine na iyon?
"I'm sorry... if I pulled you away from your friends," pagsisimula ni Seiichi na hindi hinaharap si Kourin. He couldn't face her at the moment. Gusto muna niyang ihanda ang sarili sa mga posibleng mangyari.
Hindi malaman ni Kourin kung ano ang magiging tugon niya roon. Nanatili lang siyang nakatingin rito. Magkasalikop ang mga kamay niya at nakaramdam din siya ng panlalamig na hindi niya alam kung para saan.
"I hope... I didn't scare you, Rin," dagdag ni Seiichi.
Kourin shut her eyes. Pero hindi niya dapat ipahalata ang nararamdaman niyang sakit nang mga sandaling iyon. This was her choice, and one that Seiichi had, perhaps, finally accepted. Pagbukas niya ng mga mata ay nginitian na lang niya ang binata at umiling. "Don't worry. Hindi ako ganoon kadaling takutin. Nasorpresa, oo. But never scared."
Then silence ensued. Bigla-bigla ay nakaramdam si Kourin ng pagkailang. Weird... This had never happened before. Ano'ng nangyari?
Napatingin si Kourin kay Seiichi pagkarinig niya sa sinabi nitong iyon. Nakatingin ito sa kanya nang mataman habang nakangiti. But even from where she stood, she could see that something felt off with that smile. Nahalata nito marahil ang obserbasyong ginagawa niya kaya napayuko ito na tila ba nahihiya at napahawak din ito sa batok nito. Siya naman ay kagyat na nagbaba ng tingin at lihim na kinagalitan ang sarili.
"Sorry, I didn't mean to--"
"No, it's okay." Huminga nang malalim si Seiichi at diretsong tumingin kay Rin. Seriously, it was really hard for him to say the name of the girl who looked so much like the girl he had befriended years ago. Nagkataon rin na ang kanji character ng pangalan ni Rin ay katulad sa second kanji character ng pangalan ni Kourin Shinomiya. The character actually meant "forest". Sa ngayon, hindi pa niya matukoy kung coincidences lang ba ang naoobserbahan niya o ano. "I know that you think all of this was really... weird."
Hindi napigilan ni Kourin na mapangiti. "Napansin mo rin pala."
"Oo. Kahit ako, nagtataka na sa ginagawa ko. I don't usually do this."
"Really? Hindi halata." But deep inside, Kourin surprised herself with the response she was giving to Seiichi. Hanggang sa muli siyang nagseryoso nang harapin niya ito. "But why decide to bring me here?"
Naging seryoso na rin ang expression ni Seiichi. Kunsabagay, may karapatan naman itong magtanong sa kanya nang ganoon. He just led her away from that guy friend of hers--whoever he was--without saying any reason at all. Pero paano ba niya sisimulang sabihin dito ang sagot na hinihingi nito?
Habang pinag-iisipan ni Seiichi ang isasagot, nanatiling nakatingin lang dito si Kourin. Pero wala ang buong atensiyon niya sa paghihintay ng isasagot ng lalaking ito. Half of her focus was to her surroundings.
Bakit palagi yatang bumabalik si Kourin sa hidden Shinto shrine na iyon? Since the first time Raiden brought her there, parang may mali na sa mga nangyayari. Patuloy ang simpleng paglilibot niya ng tingin sa paligid. Until her sharp eyes detected something neatly carved on one of the temples' doors.
'What in the world...?' Paano nangyari na naroon ang rose emblem na nakita ni Kourin sa marble crest na iniabot noon sa kanya ni Aya Yukimura? But as she squinted her eyes, she noticed one particular detail.
The three roses weren't colored white like that of Aya's. The ones on the temple door were blue roses.
Ano kaya ang ibig sabihin niyon?
"Are you alright, Rin?" untag ni Seiichi sa dalaga. napansin niya na tili napapitlag ito at humarap sa kanya. Tango lang ang naging tugon nito. Pagkatapos niyon ay bumuntong-hininga siya. "To be honest... hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong sabihin sa iyo. I acted on impulse. But I know you'll just think of it as a lame excuse." Napakamot tuloy siya ng ulo at bahagyang napangiwi.
'This is just great!' Grabe, nagawa talagang sabihin ni Seiichi ang bagay na iyon kay Rin? Na ganoon lang? Ano ba 'tong nangyayari sa kanya? How could he easily blurt things out like that to her?
Pero nagawa na iyon ni Seiichi. That only means wala nang urungan.
"I really want to tell you something... kaya kita dinala rito," Seiichi started as he faced the girl once more. "Is it okay if... we start over again?"
Kumunot ang noo ni Kourin sa narinig na tanong ni Seiichi.
"I-I don't understand..." Well, the princess was telling the truth. Anong 'start over again' ang tinutukoy nito?
"What I mean is..." This time, napakamot naman si Seiichi sa batok niya. "Hindi naging maganda ang kinalabasan ng huli nating pag-uusap, if you recall. You ended up running away after I forced you to say that..." Hindi na niya nagawang ituloy ang dapat niyang sabihin nang mapansing tila hindi na komportable si Rin sa pag-uungkat niya sa topic na iyon.
Kourin recalled the event that Seiichi mentioned. Oo nga, tinakbuhan niya ito. But that was while he was telling her that she lied. That she was really someone he knew from before. Hindi niya maintindihan nang mga panahong iyon kung bakit sa isang iglap ay gumuho ang ilang taong lakas ng loob na inipon niya sa kanyang dibdib dahil lang sa sakit at denial na nakita niya sa mga mata nito. Kaya bago pa man siya tuluyang bumigay at biglang maipagtapat dito ang totoo, tinakbuhan na lang niya ito kahit masakit para sa kanya na gawin iyon.
"That's why I want to make it up to you. And this time, I hope you won't decide to run away from me again," pagpapatuloy ni Seiichi na nagpakunot naman ng noo ni Kourin. "Is it okay if... we start over again? By becoming friends?"
No comments:
Post a Comment