"UY, MIRUI! Ang ganda ng performance mo kanina. Grabe! The best!"
Napailing na lang si Mirui sa reaction na iyon ni Miette habang tinutulungan sina Kresna, Guia, at Yuna sa pag-aayos ng mga equipment na ginamit nila para sa performance niyang iyon for the kids sa orphanage na pinuntahan nila. It was actually an orphanage na mina-manage ng president ng Alexandrite University. Kaya wala namang kaso sa kanya na isa siya sa mga nag-perform doon.
And she was glad that she did fairly well sa performance niya nang gabing iyon.
"Mukhang inaantok ka na yata, Miette. Kung ako sa iyo, umuwi ka na at nang diretso ka nang makatulog," aniya at saka ipinagpatuloy ang pagtulong sa pag-aayos.
"Uuwi lang ako kapag nahagilap ko na si Monterossa. Nandito lang iyon, eh."
Kumunot ang noo niya sa narinig. Dahil doon ay napalingon siya kay Miette. "Monterossa?"
Tumango ito at muling napalinga sa paligid. Mukha nga talagang seryoso ito sa sinabing iyon. "Sinabi ko kasi sa kanya ang tungkol dito sa event mo. Ang akala ko nga, hindi pupunta."
"Bakit hindi ko siya nakita?" Huli na nang ma-realized niya ang naisatinig na tanong. Ngali-ngali lang talagang upakan niya ang sarili dahil sa katabilan ng dila. "What I mean is... Bakit hindi siya nagpakita sa akin?"
"Malamang takot sa iyo."
Gusto na talagang upakan ni Mirui si Miette dahil sa sinabi nitong iyon. Pero itinuon na lang niya ang atensiyon sa mga gamit na inaayos. Kaya lang, may mga sandali talaga na hindi niya maiwasang mapalinga sa paligid, nagbabakasakaling makita roon si Theron.
Iyon ay kung totoo nga ang sinabi ni Miette at hindi lang siya ginu-good time ng bruha niyang kaibigan. Pero bigo siya.
She was about to leave the area when someone approached her and handed her a small box. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya sa nagbigay niyon.
"May lalaking nagpapaabot niyan para sa iyo.Congratulatory gift daw for a good performance.In fairness, Mirui, ha?Ang guwapo niya. Hindi mo man lang sinasabi sa akin na may schoolmate ka palang ganoon kaguwapong chinito."
Isinantabi na lang niya ang kung ano mang inis na naramdaman lalo na nang makita niya ang handwriting sa card na nakapagkit roon.
You look confident and carefree when you play the guitar. You are full of emotions when you play the violin. Either way, I still like the way you play them. I hope you'll like this simple gift I found for you.
-Theron-
Okay... Does she even have the right to squeal in delight as soon as she finished reading that? Ang weird. Ganoon ba talaga ang dapat niyang maramdaman dahil lang alam niyang si Theron ang nagbigay niyon sa kanya?
Nag-excuse siya na aalis na at dire-diretsong tinungo ang comfort room bago pa siya mag-umpisang mangmukhang nababaliw sa harap ng mga kasamahan niya. Agad-agad niyang sinipat ang laman ng box na iyon matapos niyang bukasan iyon nang may pag-iingat na rin. Napangiti siya nang makita ang isang silver charm bracelet na may music theme. Well, the charms were actually comprising of just guitars and violins—which were her specialization. Magkaganoon man, ang cute pa ring tingnan niyon.
Hindi niya napigilang matawa habang nai-imagine kung anong klaseng confusion at hirap—idagdag na rin ang posibleng kahihiyan—ang pinagdaanan ni Theron habang binibili iyon. But soon after, a frown slowly graced her features as she thought of one thing.
Why did Theron go through all that just to get a charm bracelet for her? Kailan lang naman sila naging malapit nito, ah. Pero kahit pala tingnan niya ang charm bracelet na hawak-hawak niya, hindi pa rin niya makita roon ang sagot na kailangan niya.
= = = = = =
"HOW'S the performance?"
Natigil sa akmang pagpasok sa kuwarto si Mirui nang marinig niya iyon. Nakita niyang lumabas pala ng kuwarto nito si Lexus at gising na gising pa. "O, bakit gising ka pa? maaga pa ang practice n'yo bukas, 'di ba?"
"Pakisabi nga sa akin kung paano ako matutulog gayong alam kong nasa labas ka pa kahit gabi na?"
"Sabi ko nga. Okay naman. I could still say that it was a success."
"But why do I have a feeling na hindi ang success ng performance mo ang dahilan kung bakit iba ang aura mo?" Humalukipkip pa talaga si Lexus at may nakakalokong ngiti lang sa mga labi nito.
Seriously, puwedeng upakan ang bugok na 'to? "Wala, 'no? Guni-guni mo lang iyon. Itulog mo na lang iyan, okay? Kumain ka na ba?"
"Tapos na kahit ayoko dahil wala akong kasabay."
"Eh 'di at least kumain ka pa rin.At saka sanay ka namang walang kasabay, 'di ba?"
"So ano'ng tawag mo sa sarili mo, multo?"
Humagikgik siya at nginitian ito. "Ang cute ko namang multo." Pumasok na rin siya sa kuwarto niya matapos sagutin ang ilan pang mga tanong ni Lexus sa kanya.
But as soon as she closed the door, napaisip na naman siya dahil sa charm bracelet na sa mga sandaling iyon ay suot na niya. Pagkaupo niya sa kama ay isa-isa niyang pinaglaruan ang mga charm na naroon.
Palaisipan pa rin sa kanya kung bakit ibinigay iyon ni Theron. Ah, wait. Ipinaabot pala para sa kanya since hindi nagpakita sa kanya ang Snowflakes na iyon. Kahit ayaw niya, hindiniya napigilang magtampo. Mukhang aabutin pa yata ng siyam-siyam bago niya masasabing talagang malapit na sila ng lalaking iyon.
Kagyat na naputol ang daloy ng isipan niya nang tumunog ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya nang makitang numero lang ang naka-display sa screen.
"Sino naman kaya ito?" Gayunman, pinili pa rin niyang sagutin iyon kahit nagtataka siya kung sino ba ang tatawag sa kanya nang oras na iyon. "Hello?"
"Did you receive my simple gift?" bungad ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Her heart skipped a few beats at that.
"O-oo naman. Pambihira, hindi ka man lang nagpakita sa akin. Nandoon ka pala sa venue ng performance ko." Nakanguso siya kahit alam naman niyang hindi makikita iyon ni Theron.
"Sorry. Pinag-iisipan ko lang nang husto kung magpapakita pa talaga ako sa iyo o hindi. Natapos na ang performance at lahat, walang matinong sagot na pumasok sa utak ko."
Hanggang sa may napuna siya sa kabila ng pagngiti niya. "Mas napapadaldal ka yata kapag kausap kita sa cellphone, ah."
"Hmm... Nagkataon lang na hindi kita nakikita kaya malaya kong nasasabi ang gusto kong sabihin."
"Ano naman ang kinalaman ko sa hindi mo pagsasalita?" nagtatakang tanong niya.
"Malaki," diretsong sagot ni Theron na lalong nagpagulo sa isipan niya. Ano kaya ang ibig sabihin niyon?
Napailing na lang siya at bahagyang tumawa. "Thank you for the gift, ha? Pero alam mo, napaghahalata ka, ah."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"'Yong nakasulat sa card na kasama ng charm bracelet na binigay mo sa akin. May crush ka sa akin, 'no? You were able to observe the way I play my favorite instruments. Samantalang ang ibang tao riyan sa paligid, hindi man lang nagagawang punahin ang paraan ko ng pagpapatugtog sa mga iyon. But you know, I'm glad you like the way I play them."
Pero hindi na niya naituloy ang nais niyang sabihin nang wala na siyang marinig na kahit ano mula sa kabilang linya.
"Hello? May kausap pa ba ako?" untag niya kay Theron.
Sa lalong pagtataka niya, busy tone na ang sumunod na narinig niya. Napatingin tuloy siya sa cellphone niya. "Weird..."
= = = = = =
"URGH! The worst thing you could do, Theron!" aniya habang patuloy na pinapalo ang noo niya dahil sa kawalan niya ng focus sa usapan nila ni Mirui.
But what the heck? Nawalan lang naman siya ng presence of mind dahil sa tanong nito sa kanya. Na kung may crush daw ba siya rito. Naumid talaga siya sa narinig, kahit sabihin pang sa cellphone lang sila nag-uusap nito. Kaya ang resulta, naibaba na niya mula sa kanyang tainga ang cellphone at wala sa sariling tinapos ang tawag na iyon. Huli na nang ma-realized niya ang nagawang kagaguhan.
Sa cellphone pa lang iyon, pero ganoon na ang reaksyon niya. What more kung sa personal na? Tiyak na nanigas na siya sa sobrang kaba. He would be a perfect example of an iceman dahil sa paninigas niya.
Magkaganoon man, hindi pa rin niya napigil ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. Sa kabila ng ginawa niya, talagang ikinagalak niya ang kaalamang nagustuhan nito ang munting regalo niya para rito. But it would've been better if he gave it to her personally nang sa gayon ay nakita niya ang reaksyon nito nang tanggapin ni Mirui iyon.
Puwede pa namang mangyari iyon. Basta ba hindi ka na gagawa ng anumang katangahan sa harap niya. Go for it! Nakalagak na sa harap mo ang napakaraming opportunity. Nasa sa iyo na kung paano mo gagamitin iyon, tugon ng isang bahagi ng kanyang isipan.
In fairness, may punto naman iyon. Magmula nang maging malapit sila ni Mirui, napakarami na nga namang tsansa ang dumarating sa kanya para tuluyang maipakita rito ang totoong intensiyon niya—in his own Theron way, of course.
Right now, he just thought of another way to take advantage of that opportunity. This time, napangiti na siya nang maluwang habang iniisip ang mga paraan para maisakatuparan ang mga plano niya.
= = = = = =
ABALA sa pagsamsam ng kanyang mga gamit si Mirui nang matapos na ang klase niya sa araw na iyon. She was just taking her time dahil hindi naman siya nagmamadali. Wala naman kasi siyang practice kaya okay lang kahit magbagal-bagal siya. Ang plano niya ay pupunta na lang sa closed court at panonoorin ang practice matches ng Falcon Knights at upang bisitahin na rin si Theron.
Hindi pa nga pala niya ito nakokompronta sa pagtapos nito nang walang paalam sa tawag nito sa kanya two days ago.
Ipinagtaka niya ang nakitang pagkukumpulan ng mga kakabaihan sa labas ng classroom nila habang tila may tinitingnan sa isang direksyon nang palabas na sana siya.
"Ano'ng meron?" tanong niya pero sa sarili lang niya.
Pero agad na nasagot iyon nang marinig niya ang pagbubulungan ng mga babaeng tila namimilipit sa kilig na hindi niya mawari kung bakit.
"Ang guwapo talaga niya kahit ganyan siya kaseryoso, 'no?"
"That's what makes him cool."
"Ang lakas din ng dating niya. Grabe! Tingnan ko pa lang siya mula rito, nai-in love na naman ako sa kanya."
"Hay... Bakit kaya siya napunta rito sa building natin?"
"Baka may hinihintay."
"Ako ang hinihintay niya, 'no?"
"'Sus! Nangarap ka na naman. Ni hindi ka nga niya tinapunan nang tingin kahit ibinaladra mo na ang sarili mo sa harap niya nang ilang beses, 'no?"
Despite the incredulous stare she was giving to those girls, in the end she just shook her head and forced her way to go outside. Hindi niya feel makinig sa kalandian ng mga kaklase niyang ito. But as soon as she finally got out, her eyes widened at the sight of Theron leaning on the wall on the other side of the hallway.
Nakita niyang napaayos ito ng tindig nang makita na rin siya nito.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Iyon ang agad niyang naitanong sa binata nang ganap na itong makalapit sa kanya.
Much to her confusion, he didn't answer. Her confusion soon turned to surprise when all of a sudden, he took her hand and pulled her away from the place without a word. Wala siyang ibang nagawa kundi ang magpatangay rito dahil na rin sa gulat na naramdaman niya.
Okay... What in the world was going on?
No comments:
Post a Comment