Thursday, April 19, 2018

Mirui's Hyacinth: Smile At Me - Chapter 7

"MUKHANG may magandang nangyari, ah."

Agad na napatigil sa pag-eensayo sa ice skating rink si Mirui at nilingon ang pinagmulan ng tinig na iyon. Nakita niya si Yunara Limietta--o Yuna sa karamihan--na palapit sa kinatatayuan niya. Ice skater din ito katulad niya at isa sa labing-dalawang miyembro ng Imperial Flowers.

Naroon sila sa ice skating rink sa loob ng isang malaking building na pag-aari ng kanyang ama na ipinatayo nito noong nililigawan pa lang nito ang Mama niya. Iyon na rin ang ginamit na training ground ng mga aspiring ice skaters, specifically figure skaters, nang magdesisyon ang Mama niya na magretiro sa pagiging figure skater at maging skating coach habang nagpapalakad sa ice skating school na iyon.

"Halata ba?" tanong niya nang tuluyan na itong makalapit.

Tumango ito. "Usually, hirap kang mag-isip ng routine para sa skating competition lalo na kapag hectic ang schedule ng rehearsal natin sa clubhouse. Ngayon naman, parang wala lang sa 'yo ang lahat ng pressure na pinagdadaanan natin kahit magsabay pa ang activities natin sa IF at itong skating competition pa."

"Over naman 'to. Hindi naman ganoon kahirap 'yon, ah," nakangusong tugon niya. Soon after, she slowly glided over the icy platform.

"Okay. Hindi na kung hindi. Pero hindi mo maide-deny na may magandang mangyari. Inspired ka, 'no?"

Ngumiti na lang siya. Mahigit isang linggo na ang nakalilipas subalit nagagawa pa rin siyang pangitiin ng mga nangyari sa kanila ni Theron sa amusement park hanggang sa ihatid siya nito sa labas ng gate ng subdivision. Pagkatapos niyon ay talagang pinanindigan na ng binata na hindi na siya nito iiwasan. Well, he didn't actually promised anything about that. Nag-sorry lang ito sa kanya dahil sa pag-iwas nito sa kanya noon.

So hindi pa pala sapat na pangako ang nagyakap niya sa iyo that time? Ganoon?

Napakunot-noo siya sa pagsingit ng isiping iyon. Besides, as if Theron's embrace was enough to be a proof of a promise. She knew him as a man of few words--at least before he took her out to the amusement park.

"So wala ka talagang planong ikuwento man lang sa akin ang mga pangyayari? Aba'y kating-kati na akong makinig sa mga sasabihin mo, in case you didn't know that," untag ni Yuna sa kanya.

Natawa na lang siya. "Saka na. Sa ngayon, sasamantalahin ko muna ang pagiging inspired ko para makabuo ng routine na ipe-perform ko para sa competition two months from now." Hindi na niya hinintay pa ang tugon ni Yuna at nagpatuloy na siya sa pag-eensayo.

"Hay... Kailan kaya ako magiging kasing-inspired ng babaeng 'to para naman makagawa ako ng isang award-winning skating performance?"

Napailing na lang siya habang pinatutugtog niya sa kanyang isipan ang musikang napili para sa competition na tinutukoy niya.

Give it all you can give it, when your love comes around... If you put your heart in it, then it won't let you down... You'll find out it's true, baby, someday when love finds you...

Come to think of it, bakit nga ba iyon ang naisip niyang gamitin bilang background music niya para sa competition? Hanggang sa nanlaki ang mga mata niya sa realisasyong tumama sa kanya makalipas ang ilang sandali.

No freakin' way! Imposible!

She couldn't possible be in love with Theron.

= = = = = =

MAY mali sa mga nangyayari nitong nakalipas na mga araw. At least iyon ang naiisip ni Mirui habang naroon siya sa rooftop kung saan sila unang beses na nag-usap ni Theron at pinapanood ang paglubog ng araw. Hindi niya maintindihan kung bakit parang lumalala pa yata ang kakaibang nararamdaman niya sa tuwing malapit si Theron sa kanya? Or specifically, it was the beating of her heart towards him that she considered wrong and weird.

Hind lang iyon. Maging ang mga kilos ni Theron ay tila may gustong patunayan sa kanya. Hindi pa nga lang niya matukoy kung ano. Isa pa, iba ang klase ng treatment nito sa kanya kapag silang dalawa lang ang magkasama nito. Para bang nawawala ang barrier na meron sila kapag magkasama sila. She never would've thought that Theron has a sweet and caring side. Kapag kaharap naman ang mga kaibigan nila, Theron was treating her as if they were friends.

Eh friends naman talaga kayo, 'di ba?

Oo nga. Iyon naman ang alam niya. Pero bakit iba ang pakiramdam niya sa mga ikinikilos nito? Nag-e-expect ba siya sa pagsulpot ng isang sagot na alam niyang sadyang imposibleng maganap?

"Ang layo naman ng pinagtambayan mo."

Saglit na natigilan si Mirui nang marinig iyon. Kapagkuwan ay nilingon niya ang pinagmulan ng tinig at ganoon na lang ang malakas na pagkabog ng dibdib niya nang masilayan ang paglapit ni Theron sa kanya. Suot pa nito ang tennis uniform habang hawak ang strap ng nakasukbit na sports bag sa kanang balikat niya.

"But I guess I can understand why you're here," dagdag nito.

Gusto niyang kutusan ang sarili. Ano'ng nangyayari sa kanya at tila nauumid na naman siya dahil lang sa presensiya ng lalaking ito? Naramdaman niya na tumabi ito sa kanya at saka ito bumuntong-hininga. Noon naman niya naisipang harapin ito.

"Makabuntong-hininga ka naman, parang hindi ka na bubuntong-hininga kinabukasan."

But Theron just smiled at that. And again, napatulala na naman siya sa nasilayan. Seriously speaking, ano ba ba talaga ang nangyayari sa kanya at ganoon ang nagiging epekto ng ngiti nito sa kanya?

"Himala yatang hindi ka tumambay sa closed court ngayon," mayamaya ay sabi ni Theron.

"Ano naman ang gagawin ko roon? At saka mas gusto kong tumambay sa tahimik na lugar pansamantala bago ako umuwi." Tiningnan ni Mirui ang binata. "What made you come here?"

"I was looking for you," diretsong sagot nito na nagpamulagat sa kanya.

Dahilan din iyon upang tingnan niya ito. "B-bakit naman? May kasalanan ba ako sa 'yo?"

"Wala, 'no?" Bumuntong-hininga si Theron kapagkuwan.

"May problema ba? Grabe ka kung makabuntong-hininga ngayon, ah," puna niya dahil sa nakikitang kaseryosohan sa mukha nito.

Bagaman hindi na bago sa kanya ang facial expression nitong iyon, hindi pa rin niya maipagkakamali na tila ba may gumugulo sa isipan ng lalaking ito sa mga sandaling iyon.

"Umm... Would it be weird for you if I..."

"If you... what?" Teka nga lang. Ano ba'ng meron at kinakabahan pa yata si Theron? "Puwede ba, mag-relax ka nga muna." Tumayo siya mula sa kinauupuan at minasahe ang likod nito nang pumuwesto siya sa likuran nito.

But it seemed that Mirui's actions only caused Theron to stiffen. Napatigil naman siya sa ginagawa nang mapuna iyon.

"S-sorry... I guess I just made you uncomfortable," sabi na lang niya at saka nag-iwas ng tingin.

"Don't be... N-nagulat lang kasi ako. No one had ever done that to be before. So..."

Tiningan niya si Theron na nakita niyang nakamasid sa papalubog na araw. But the sunset had only emphasized his melancholic expression which caused her to eventually frown. "You never really allowed them to get close to you, huh?"

Walang tugon ang binata kahit lumipas ang ilang sandali. With the perception of invading too much of his privacy when she asked that, she chose to keep quiet, as well.

"Paano ko naman kasi sila hahayaang makalapit kung ang taong gusto kong lumapit sa akin, ayaw naman akong lapitan?" makahulugang ganting-tanong ni Theron kapagkuwan, dahilan upang mangunot ang noo niya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Instead of answering it, he shook his head and stood up. Nagulat na lang siya nang ipinatong nito sa kanya ang varsity player na suot nito kanina lang. "This looks good on you."

Napangiti si Mirui at ibinalabal niya nang husto ang jacket sa katawan niya. "Bakit mo naman ipinasuot ito sa akin? Hindi naman malamig ang panahon ngayon, ah."

"I just want you to wear it."

Okay, nawi-weird-uhan na talaga siya sa mga salita't kilos nito nang mga oras na iyon. Pero saka na lamang niya siguro pagtutuunan iyon ng pansin. Napatingin siya sa jacket na suot niya. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay si Theron ang nakayakap sa kanya dahil sa jacket na iyon.

And then she wondered.

What was it like to feel Theron's embrace around her? Bigla ay natilihan siya sa tanong na iyon.

Seriously, Mirui, what in the world are you thinking?

= = = = = =

NAGLALAKAD sina Theron at Mirui patungo sa subdivision kung saan nakatira ang dalaga. In-insist niya na ihatid ito dahil maggagabi na nang makaalis sila nang tuluyan sa rooftop kung saan sila nanood ng sunset. Laking pasalamat na lang niya at pumayag ito.

Hindi pa kasi niya gustong matapos ang mga sandaling kasama niya si Mirui.

Napatingin siya sa varsity jacket na ipinasuot niya sa dalaga. Suot pa rin nito iyon na lihim niyang ikinangiti. Hindi siya sigurado kung alam ba nito ang totoong dahilan niya kung bakit nasa posesyon nito ngayon ang jacket na iyon. Pero mas maganda siguro na ito na lang ang personal na makaalam niyon. Kaya lang, ang ikinakatakot niya ay ang magiging reaksyon ni Lexus kapag nakita nito ang jacket niyang iyon na pananatilihin niyang suot ni Mirui.

"Sigurado ka ba talagang okay ka lang? Nakakatakot kasi ang pananahimik ko ngayon, eh. Ang weird din ng mga kilos mo ngayon. Sigurado ka bang wala kang sapi?"

Hindi na niya napigilan ang mapangiti sa tinuran ni Mirui. "May sapi talaga kapag tahimik at iba kaysa sa dati ang mga ikinikilos ko?" Napailing siya.

"Malay ko ba kung iyon nga talaga ang nangyayari sa iyo. Mahirap na, 'no? Baka hindi ko na alam kung paano kita pakikibagayan kapag ganoon ang nangyari."

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad. To be honest, kanina pa niya napapansin na tila pabagal yata nang pabagal ang lakad na ginagawa nila ni Mirui. Not that he was complaining about it. In fact, he liked it. Hindi lang talaga niya maiwasang magtaka.

Katulad din ba ng pakiramdam niya ang dahilan ni Mirui kaya nito ginagawa iyon? Hindi rin ba nito gustong matapos ang sandaling iyon?

Yeah, right. Dream on, Theron. Tutal, 'yan na lang naman ang libre sa mundo.

"Bakit kaya umabot pa ako ng tatlong taon bago ko naisipang komprontahin ka sa wakas?"

Napatigil sa pag-iisip at sa paglalakad si Theron sa tanong na iyon. Tiningnan niya ang dalaga nang may halong gulat at pagtataka sa ekspresyon niya. "W-what made you ask that?" balik-tanong niya rito.

Tumigil na rin sa paglalakad si Mirui at pabuntong-hiningang hinarap siya nito. "I don't know. Hindi ko lang napigilang itanong. But you know what? Had I known even before that you can be warm as the way you treat me right now, baka siguro... hindi lang ganito ang kahahantungan ng kung anong treatment na meron tayo sa isa't isa." Moments later, she chuckled. "Huwag mo na nga lang pansinin ang mga sinabi ko. Epekto lang siguro ng paninibago ko sa pakikitungo mo sa akin ngayon."

But how would he?

How would Theron forget those words when it already gave hope in his heart? Pag-aasam na baka may patunguhan ang ginagawa niya para kay Mirui kahit na hindi iyon ang talagang nakasanayan niyang gawin.

"Don't ever think I'd forget about it, Mirui." Because you have no idea how long have I wished na sana, hindi ako naging duwag na lapitan ka noon pa. Mirui had a point, though. Baka nga siguro hindi lang sa kung anong klaseng 'relasyon' meron sila ngayon ang maging estado ng paglalapit nilang iyon.

No comments:

Post a Comment