Kung tutuusin, wala naman talagang dahilan si Hotaru na pagmasdan ang isa sa mga portraits na naroon sa main hall ng mansion. Kaya lang, hindi talaga siya mapakali. Kanina pa siya nakakaramdam ng 'di maipaliwanag na pag-aalala. At hindi niya alam kung para kanino iyon.
All that Hotaru did to calm herself was to look at a certain portrait. Ginawa niya iyon kahit alam niyang masasaktan siya dahil sa masasakit na mga alaalang nagsisidatingan sa kanyang isipan.
Nakarating na kay Hotaru ang balitang nasa bansa na si Seiichi Yasuhara at nagsalubong na rin ang landas nito at ni Kourin. Kung nasa normal na sitwasyon siguro ang buhay ng Shinomiya clan princess, that meeting would have been a joyous one. Pero 'pinatay' na ni Kourin ang identity nito—to be exact, her existence as a Shinomiya princess—in favor of living in another identity to protect the others who knew the fact that she was still alive.
Para sa katulad ni Kourin, sa tingin ni Hotaru ay napakabata pa nito para gawin ang desisyong iyon. Not to mention that it was also one of the most painful decisions for the young clan princess to do. Pero wala na siyang magagawa pa. It was already an irrevocable decision. Ang tanging magagawa na lang niya ay protektahan ito. She was one of the 12 Knights of the Sky, after all. It was the Knights' duty to protect the leader of the Shrouded Flowers.
Kagyat na napalingon si Hotaru sa pinagmulan ng tinig na iyon. Napangiti na lang siya nang malungkot nang makita niya ang paglapit ng isang pamilyar na lalaki sa kanya. "Namumuna ka na naman sa mga pinaggagagawa ko."
"Hotaru!"
Napabuntong-hininga na lang si Hotaru at muling hinarap ang portrait na kanina pa niya tinitingnan—one that displayed the proud profile of the deceased Shinomiya prince. "Ito na lang ang paraan ko, Kuya. I may not be able to receive answers from him no matter how many questions I would ask him. All I want from him is to give me a sign kung ang mga nangyayari sa prinsesa ngayon ay ginusto niya para sa kapatid niya." Moments later, she faced her older brother Satoru. "What do you think?"
Hindi nakaimik si Satoru nang itanong iyon sa kanya ni Hotaru. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang isasagot, eh. Maging siya ay marami ring tanong tungkol sa mga nangyayari, lalo na ang tungkol sa kanilang prinsesa.
"I don't know..." pag-amin ni Satoru at tiningnan na rin ang portrait ni Hitoshi. "Noon pa man, alam na nating maraming plano si Lord Hitoshi para sa prinsesa. If this is still a part of his plans even after he died, then we have no means of knowing his true purpose for doing all this for her. Ang tanging magagawa na lang natin ay patuloy na protektahan ang prinsesa—kahit na anong mangyari."
Tumango na lang si Hotaru bilang pagsang-ayon sa sinabi ng nakatatandang kapatid. Tama ito, wala silang paraan para matukoy ang totoong layunin ng mga plano ni Hitoshi bago pa man ito mamatay. But that doesn't mean that they were also clueless on how to protect Kourin. They had to do it—more importantly, for the Shinomiya clan princess' sake.
= = = = = =
Kulang na lang ay upakan talaga ni Amiko si Kourin nang mapansin na naman niya itong problemado. But heck! As if she had the guts to do that. Eh hindi nga niya ito mapagsabihan na tumigil na sa kaiisip ng mga problema at mag-concentrate na lang muna sa pag-aaral.
Though Amiko wanted to blame Seiichi for being one of the reasons for Kourin to act like that, wala na lang siyang komento pagdating sa isyung iyon. Pero aminin man niya o hindi, malaking gulo talaga ang naging hatid ng pagdating ni Seiichi sa buhay ni Kourin—whether it was an intentional meeting or just purely coincidental.
Napansin ni Amiko ang matamlay na pagkilos ni Kourin habang isinisilid nito sa bag ang ilang mga gamit nito. Hindi lang siya. Pati si Raiden ay tila nahahalata na rin iyon. Now that she thought about it, matagal na niyang napapansin ang pagiging keen observer ng lalaking ito. At kung tama ang nakikita niya sa mga kilos nito, she could tell that Raiden wasn't raised as ordinarily as many would think. She was raised differently kaya alam niya. At ang nakakapagtaka, she couldn't help thinking that Raiden was raised sa kaparehong paraan kung paano siya pinalaki ng kanyang adopted father—as one of the ultimate warriors.
Umalis na sa pagkakasandal sa dingding malapit sa bintana ng hallway si Amiko nang makita niyang handa nang umuwi si Kourin. And it looked like Raiden insisted on accompanying the princess on going home again even in the young Knight's presence.
"I guess Kourin needs company," nasabi na lang ni Amiko sa sarili nang may ngiti.
Magandang ideya na nga siguro na hindi lang si Amiko ang magbabantay kay Kourin. Isa kasi sa ibinilin sa kanya ni Hotaru ay siguraduhing hindi ito nag-iisa. Nakarating na rin sa kanya ang balita tungkol sa engkuwentrong kinasangkutan ni Nanami sa isa sa mga Dark Rose members—ang sword mistress na si Theia na ikinokonsiderang rival ni Nanami. Nitong nakaraan rin lang, may nakaengkuwentrong mga tauhan ng Dark Rose si Miyako. Nagtataka siya kung bakit napapadalas na yata ang pagsugod ng mga ito.
Were Amiko and the others already on the verge of facing the real danger for the second time?
"Hey! What do you think you're doing?"
Ang pagsigaw na iyon ni Raiden ang pumutol sa pag-iisip ni Amiko. Natigilan siya nang makita niyang hinihila ni Seiichi ang tila nabiglang si Kourin palayo sa classroom. But it didn't take long, lalo na nang makita niyang sinundan ni Raiden ang dalawa. As she decided to follow Seiichi and Kourin, pinilit niyang sumabay sa pace ni Raiden. But they both halted to a stop nang makita niyang humarang sa landas nila si Miyako.
"What's the meaning of this, Miyako? We have to follow them!"
But Miyako's somber expression dissipated Amiko's desire to go after those two. There was something in that expression that told her the reason why Miyako had to interfere.
Hinarap ni Miyako si Raiden. "Don't worry. Those two just needed to talk. No one would hurt her, okay?"
Hindi sigurado si Raiden kung dapat ba niyang pagkatiwalaan ang mga sinabi ng babaeng nasa harap nila ni Amiko nang mga sandaling iyon. Not only that, he couldn't help feeling that he shouldn't trust the guy who suddenly took Rin away from them. From him. Oo, possessive na siguro siya para isipin iyon. But he just had the bad feeling na ang lalaking iyon—kung sino man iyon—ang maglalayo kay Rin sa kanya.
Sino ba ang lalaking iyon? Bakit parang kilala yata ito ni Rin? Hindi man lang kasi pumalag ang kaibigan niya nang hilain ito ng lalaking iyon. Ano ba ang kailangang pag-usapan ng dalawang iyon?
Raiden sure had a lot of questions that he wanted to find answers soon. Ang hindi niya alam, unti-unti nang nagpapakita ang mga sagot na kailangan niya and they were all just hovering around.
No comments:
Post a Comment