Tuesday, January 5, 2016

I'll Hold On To You 7 - You Occupy My Thoughts

[Relaina]
Mabilis na lumipas ang mahigit dalawang linggo para sa akin. Well, kaya lang naman siguro naging mabilis iyon sa akin kasi iyon ang hinihiling kong mangyari. Pa’no ba naman kasi? Walang araw na hindi sinira ng kamoteng Allen na iyon ang araw ko.
My gosh! That’s a totally torturous 2 weeks for me na lumipas sa buhay ko. Nakakainis! Kung puwede lang talagang magwala.
Pero sa ngayon kasi, hindi ko naman magawa iyon kahit gustung-gusto ko nang gawin. Ewan ko ba. Iba kasi ang araw na iyon, eh. Nakakawalang-gana… as in, sobra! Tuluy-tuloy ang pagdating ng mga kamalasan sa buhay ko.
Napakamot na lang ako ng ulo ko. Ano ba naman ‘tong nangyayari sa akin? Mukhang masisiraan na naman ako ng bait nang wala sa oras nito, eh.
“High blood ka na naman.”
Napaangat na lang ako ng tingin sa nagsalitang iyon mula sa binabasa kong nobela. Pero kahit yata ang pag-concentrate sa binabasa ko, hindi ko pa magawa.
Sobrang gulo na kasi ng takbo ng utak ko. Kalat-kalat na nga. Mahihirapan na naman yata akong ayusin iyon bago ako matulog mamaya.
Nakita ko si Neilson na nakangiting palapit sa kinauupuan ko. She could see Brent's face on him (well, almost) but I immediately knew it wasn’t him. Weird ba ng assessment ko? Fraternal twins sina Brent at Neilson, 'di ba? So dapat, walang pagkakamukha. Actually, hindi ganoon ang nangyari. Mukhang tama nga yata ang sinabi ng isipan ko noong unang beses kong komprontahin si Brent.
I would have a unique way to distinguish Brent from Neilson kapag makikita ko ang magkambal na iyon. Kahit na fraternal twins sila.
And right at that moment, my heart wasn’t beating that fast. Which means… si Neilson ang nakikita ko. O ‘di ba? Walang hassle sa pag-distinguish. Nakakapraning nga lang.
Hay… Ano ba naman ‘to?
“Kailan ba ako hindi na-high blood magmula nang mag-transfer ako rito?”
Halakhak ni Neilson ang sumunod kong narinig. “Iyong kakambal ko na naman ba ang dahilan?”
“Sino pa ba? Eh siya lang naman ang nakakairitang nilalang sa buong university na walang kapagurang sinisira ang araw ko. Hindi na ako magtataka kung tamaan ako ng hypertension ng mas maaga dahil sa kanya.” At muli ay napa-“Grr!” na lang ako.
Isang malalim na buntong-hininga ang kasunod niyon. Hanggang sa bigla akong napaisip at hinarap si Neilson. “Speaking of which, ano’ng ginagawa mo rito? At paano mo nalamang nandito ako?”
As far as I knew, wala akong ibang pinagsabihan kung nasaan ako nang mga sandaling iyon. Kahit kay Mayu, although alam kong sigurado naman na ang pinsan kong iyon kung nasaan ako. Naroon ako sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng Liberal Arts building. Tatlong building din ang pagitan noon at ng CEA building.
Mabuti na 'yong nandoon ako dahil ayokong maistorbo sa pagbabasa ko. Pero kahit pala ilang building pa ang layo ko, hindi ko pa rin pala mapipigilan ang utak ko sa kaiisip ng anything related sa CEA. Lalo na 'yong buwisit na Kamoteng Brent na iyon.
Hay… Grabeng kabuwisitan talaga ‘to! Hassle sa utak. Pamatay!
Tila noon lang naaalala ni Neilson ang pakay nito sa akin kung ibabase na rin sa ‘light bulb moment’ na expression nito sa mukha na napansin ko. Agad itong yumukod sa harap ko at may kinuha sa bag nito.
Kunot-noo ko lang itong tinitingnan dahil hindi ko naman talaga alam ang pakay nito sa akin para lang puntahan ako sa lugar na iyon. Hanggang sa makita kong may inilabas itong isang white rectangular box.
Hindi pa rin talaga nawawala ang pangungunot ng noo ko habang inaabot sa akin ni Neilson ang nasabing box. “Ano ‘to? Early birthday gift for next year o belated gift?”
Pero kahit pabiro ang naging paraan ko ng pagtatanong n’on, hindi ko naman maintindihan kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. It was actually beating in a familiar tempo.
Oh, God! Huwag mong sabihing…?
“I don’t know kung para saan iyan pero hindi ‘yan galing sa akin. It was from my fraternal twin brother,” ngingiti-ngiting sagot nito.
And seriously, I really thought I stopped breathing after hearing that. Sinasabi ko na nga ba.
“Ano na naman ba ang pakulo ng buwisit na kamoteng iyon at inutusan ka na namang gumawa ng kung ano para sa kanya?”
“Hey, I just did him a favor. Wala namang masama doon. At isa pa, may punto rin siya kung ako ang naisipan niyang utusan.”
Kunot pa rin ang noo kong naghihintay kay Neilson na ipagpatuloy ang sinasabi nito. Kulang na nga lang, yugyugin ko na ang lalaking ‘to, eh. May pa-suspense effect pang nalalaman. Kung alam lang nito, kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko roon sa paghihintay ng susunod na sasabihin nito.
Teka nga lang…
Bakit parang ina-anticipate ko pa yata ang posibleng idadagdag ng lalaking ‘to sa sinasabi nito? Wala naman ako dapat i-anticipate, ‘di ba? Paniguradong hindi na naman matino ang ipapasabi ng kamoteng iyon.
“Kawawa na naman daw kasi ang mukha niya kapag siya ang nag-abot niyan sa iyo,” sa wakas ay dagdag na sabi ni Neilson at saka humalakhak.
Ano raw ang nakakatawa at wala na yatang ibang ginawa si Neilson kundi humalakhak? Naku! Pasalamat ito’t hindi ito si Brent kung hindi… basag na talaga ang mukha nito sa akin.
Pero mabuti naman at alam ng mokong na iyon ang mangyayari rito kapag nagpakita iyon sa akin. Anino pa nga lang n’on, gusto ko na itong katayin dahil alam kong hindi nabubuo ang araw n’on na hindi ako binabanatan ng mga pang-aasar nito.
“Siyanga pala, huwag mo raw itatapon iyan. Message daw niya yan sa iyo. Whatever that means.” At nagkibit lang ito ng balikat bago umayos ng tayo. “O, pa’no? Aalis na ako at may date pa kasi ako, eh.”
“Sus! Baka naman kung sinu-sino ang dine-date mo, ah. Huwag mong sabihing katulad ka rin ng mokong mong kakambal pagdating sa relationship?” Well, biro lang naman iyon. And besides, wala akong pakialam sa kung anumang buhay ang meron ang magkambal na ‘to.
Natawa na lang si Neilson. Now that I thought about it, sino nga ba sa magkambal na ito ang mas maganda ang ngiti? Hindi ko naman kasi gaanong napapansin, eh.
O baka ayoko lang pansinin dahil na rin sa sobrang buwisit ko kay Kamoteng Brent.
“Sira-ulo ka talaga. Pinsan mo ang ka-date ko, although hindi niya alam na date iyon. Ang alam lang niya, mamamasyal lang kami at kailangan ko ng tulong niya para makaisip ng perfect birthday gift for my cousin.”
Kung wala lang akong masyadong iniisip sa ngayon, baka nag-umpisa na akong magplano ng kung anu-anong matchmaking events para kina Neilson at Mayu. Pero baka maisipan ko rin iyon. Hindi nga lang sa ngayon.
Iyon lang at nagpaalam na sa akin si Neilson. Ayoko naman nang istorbohin ito at sirain ang plano nito. Sana lang ay magkaroon ng kahit kaunting progress man lang ang dalawang iyon afetr that so-called date of theirs.
O, siya! Makabalik na nga tayo sa totoong isyu. Ang isyung pampagulo ng husto sa utak ko sa mga sandaling iyon.
Anyway, kailan ba hindi naging panggulo sa utak ko ang buwisit na iyon?
Hawak ko pa rin ang rectangular box na inabot sa akin ni Neilson. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Actually, dalawa lang naman ang choices ko. It was either I'd throw it away (which I had the strong urge to do) or to keep it – albeit begrudgingly. Ang kaso lang, kung 'yong pangalawa ang pipiliin ko, eh ‘di may pang-aasar na naman sa akin ang mokong na kamoteng iyon. Kung 'yong una naman, eh 'di guguluhin naman ang utak ko ng mga salitang sinabi sa akin ni Neilson.
Grabe naman 'to! Ang hassle, ah. Wala naman akong rason para makaramdam ng ganito. What to choose, what to choose?
“Siyanga pala, huwag mo raw itatapon iyan. Message daw niya yan sa iyo…”
Iyon na nga ba ang sinasabi ko. Nag-uumpisa nang umaalingawngaw sa utak ko ang mga salitang iyon. Ano ba naman ‘to?
Pero bigla rin akong napaisip doon. Message ni Kamoteng Brent para sa akin ang kung anumang nasa loob ng box na hawak ko? Ano naman kayang message ang gustong iparating ng mokong na iyon sa akin? May pa-suspense effect pang nalalaman.
Right after asking myself that question, umiral naman na ang curiosity ko. i just hoped that that certain curiosity won’t kill me because as far as I knew, curiosity kills the cat. Pero isipin ko pa lang na si Brent ang source ng curiosity ko, ‘di malabong mamatay ako bigla dahil doon.
Ah, forget it!
Huminga ako nang malalim at inihanda ko na ang sarili ko para buksan ang box. Kabado rin ako at hindi ko maintindihan kung bakit.  Pero kailangang dedmahin ko na lang iyon. I had to.
But the moment I opened it, hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman. Napakurap pa nga ako nang ilang ulit para lang kumpirmahing hindi ako nananaginip o kung ano pa man. Kasunod naman n’on ang pangungunot ng noo ko dahil sa pagtataka.
It was actually a fresh flower – to be specific, a pansy.
Weird reaction that I gave for just a flower? Yes. But not everyone would understand. Flowers all held meaning. As for me, I didn't merely admire them for their appearances and scents but also for their hidden meaning in the language of flowers.
Kaya nga ako natigilan nang unang beses kong makita ang nahulog na gloxinia flower mula sa kung saan, ‘di ba?
“He did not just give me this… right?”
Bakit ako nagre-react nang ganoon? It was because pansy flower actually meant… “you occupy my thoughts”.
Ano naman kayang klaseng sira sa utak meron ang lalaking iyon at naisipan pa talaga akong bigyan nito ng ganoon? Alam ba n’on ang ibig sabihin ng binigay nitong iyon sa akin?

No comments:

Post a Comment