"AYUMI!"
Hindi na niya kailangan pang mang-angat ng tingin para malaman kung sino na naman ang naisipang mambulabog sa kanya nang araw na iyon. Naroon siya sa Love Blossoms kung saan ay kababalik lang niya galing sa dalawang buwan niyang leave. Nakatulong naman ang ilang linggo pang natitira niyon kahit papaano dahil kailangan nga naman talaga niyang ikondisyon ang kanyang isipan lalo na kapag bumalik na siya sa flower shop at asikasuhin ang mga naiwan niyang trabaho roon.
"Ano na naman ang topak mo, Beatrice? Ilang araw mo na akong kinukulit dito, ah," aniya na hindi ito tinitingnan dahil abala siya sa binabasang report na kailangan niyang pag-aralan bago niya ipasa iyon sa amo niya.
"Ito naman. Ibinibigay ko na nga ang sarili ko sa iyo para magkaroon ka man lang ng social life na matatawag, ganyan pa ang salubong mo sa akin."
Nang mag-angat siya ng tingin na kunot-noo pa, napaikot na lang siya ng mga mata nang makita ang nakasimangot na itsura ni Beatrice. Pero as if namang tatalab pa talaga sa kanya ang pag-e-emote nito.
"Puwede ba, kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo? Seriously speaking, ano na naman ang problema mo at nandito ka na naman? Pasalamat ka't pamangkin ka ni Boss. Kung hindi, naku! Lagot ka talaga sa akin kapag hindi ko nagawa nang maayos ang trabaho ko."
"Don't worry. Alam naman ni Tita Beth kung ano talaga ang purpose ng panggugulo ko sa iyo nitong nakalipas na mga araw. I have her permission naman kaya okay lang," makahulugang sabi ni Beatrice na ipinagtaka niya.
Pero hindi na lang siya nagsalita pa. Itinuloy na lang niya ang pagbabasa sa report habang hinihintay ang anumang topak na ibabalandra ni Beatrice sa harap niya.
"Mukhang over naman na yata ang pagiging workaholic mo, ah," mayamaya'y puna nito.
"Mas okay na ito kaysa naman nag-iisip ako rito na baka ikabaliw ko pa kapag hindi ko ibinaling sa ibang gawain ang isipan ko."
"Nami-miss mo pa rin si Baby Boy mo?"
Hindi na siya umimik. Alam naman na nito ang kuwento sa likod ng mga sinabi niya. Kaya wala nang paliwanagan kung bakit ganoon ang naging sagot niya rito.
"Alam mo, you should take a break."
Doon siya napatingin sa kaibigan niya. "Huh? Take a break? Eh katatapos lang ng dalawang buwang leave ko, take a break na naman. Gusto mo ba talaga akong umuwing baliw?"
Natawa lang si Beatrice na ikinainis niya. "Hindi, 'no? What I mean is, samahan mo ako sa isang art exhibit this Saturday. Ipapaalam kita kay Tita kung kinakailangan."
"Thanks but no thanks, Beatrice. Baka mamaya, may masabi pa ang ibang kasama ko rito sa ginagawa mong 'to."
"Alam na namin ang plano niya, Ayumi," sabad ni Tasha nang lumapit ito sa kanilang magkaibigan, dahilan upang mapatingin siya rito. "Kaya okay lang. And besides, isang araw lang naman iyon. Malay mo, may mangyaring maganda sa araw na iyon para naman hindi ka na lantang talilong diyan sa susunod na pumasok ka rito."
Bagaman nagtataka sa mga sinabi ni Tasha sa kanya, wala naman siyang masabi upang pasubalian ang kagustuhan ng mga ito na kaladkarin siya ni Beatrice sa kung saang lupalop man gaganapin ang art exhibit na tinutukoy nito. Kung nalalaman lang ng kaibigan niya, sisirain na naman niyon ang kanyang isipan sa tiyak na raragasang mga alaala. Pero dahil may pagkamanhid nga naman si Beatrice at batid niyang maganda pa rin ang intensyon nito sa pagyaya sa kanya, she agreed to the offer.
Natawa na lang siya nang mag-'Yes!' nang malakas sina Tasha at Beatrice at nag-apir pa talaga ang dalawang bruha. Ngayon, alam na niyang inilagay niya ang sarili sa kung ano mang patibong meron ang dalawang ito para sa kanya.
I shouldn't have agreed.
= = = = = =
"WOW! Nagbihis ka talaga, ah."
Tinaasan ni Ayumi ng kilay si Beatrice sa sinabi nitong iyon. Pero hindi na siya nagkomento pa dahil totoo naman iyon. Well, isinuot lang naman niya ang paborito niyang light blue dress para sa araw na iyon sa hindi pa rin niya maintindihang dahilan. Ang totoo niyan, sinabihan naman na siya nito na mag-ayos dahil hindi basta-basta ang mga bisita para sa exhibit na pupuntahan nilang magkaibigan nang Sabadong iyon.
But somehow, she had a weird feeling that day would be something very special. Hindi nga lang niya alam kung sa paanong paraan magiging espesyal iyon.
'Sus! Niloko mo pa talaga ang sarili mo. Eh alam mo naman na dahil lumabas sa bibig ni Beatrice ang salitang 'art exhibit', iisang tao lang ang agad na naaalala mo, tudyo ng isang bahagi ng isipan niya na pilit na lang niyang pinalis. Mabuti na sigurong hindi niya pinapakinggan ang mga nakakalokang bulong ng kanyang isipan. Hindi pa niya gustong maloka nang wala sa oras.
"Let's go. It's about to start."
Tumango na lang siya at sumabay kay Beatrice sa pagpasok sa grand hall ng hotel na iyon kung saan ginanap ang art exhibit. As it turned out, it was actually an event showcasing exquisite artworks of rising Filipino painters and sculptors from all over the globe na nabigyan ng oportunidad na ipamalas ang kanilang talento sa kapwa nila Pinoy.
Hindi man siya maituturing na fan ng mga ganoong klaseng event, hindi naman niya maitatangging hinahangaan niya ang galing ng mga ito sa piniling larangan. Of course, that event also made her quite hopeful that somehow, something would really happen that one fine day.
Pero mukhang malabo pa yatang mangyari iyon sa nakikita pa lang niyang naka-display na mga iskultura roon.
"Are you looking for a specific sculpture, Miss?"
Napalingon siya sa pinagmulan ng tanong na iyon at sumalubong sa kanya ang nakangiting organizer ng event na iyon.
"Even if I say yes, I don't think it's going to be here," magalang na sagot niya at muling itinuon ang atensiyon sa marble sculpture ng isang pareha na tila nagsasayaw ng waltz.
"Bakit mo naman nasabi 'yan?"
Hindi niya alam kung sasabihin nga ba niya rito ang totoo. "Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko. But if it's okay, I want to ask if you invited someone who—"
"Who was actually known in the field of glass sculpture. Girlfriend kasi niya 'tong bestfriend ko, eh. His name is—"
Pero hindi na naituloy ni Beatrice ang sinasabi nito dahil tinakpan niya kaagad ang bibig nito. Pambihira lang talaga! Hindi na nahiya ang babaeng 'to sa mga pinagsasasabi nito. "Huwag kang makinig dito. May topak lang ang babaeng 'to. Palibhasa, wala pang boyfriend kaya nanggugulo na lang ng ibang tao kapag wala siyang magawa. Pero kung puwede kang maka-date nito, okay lang para matahimik na kaming lahat. Willing naman siyang sasama sa 'yo, walang duda iyon."
Natawa naman ang lalaki kahit muntik na siyang sakalin ni Beatrice na nagawa naman niyang iwasan. Napangiti na lang siya.
"No problem with me. In fact, I'm actually looking for a date right now. Kung okay lang ba sa kaibigan mo, we're going to have a coffee date after the exhibit."
"Sure! Iyon lang pala, eh!" walang kaabog-abog na sang-ayon ni Beatrice na bagaman ikinagulat niya pero sandali lang.
Ilang sandali pa ay nagpakilala na sa isa't-isa ang dalawang 'to at nalaman niya na si Rhyser Nathaniel Quitor nga ang organizer ng event na iyon na nagkataon pang isa sa apat na "prinsepe" ng may-ari ng hotel na pinagdarausan ng exhibit.
Iiwan na sana niya sina Beatrice at Rhyse nang bigla siyang tawagin ng lalaki.
"About your friend's question earlier, meron nga sanang magpapakita rito na isang glass sculptor pero nahuli na siya ng dating dahil na rin sa dami ng kailangan niyang asikasuhin. He will have his solo exhibit tomorrow. But if you want, you can have a look at his works sa isa pang grand hall kung saan nakalagay ang mga iyon."
"T-talaga? I mean, okay lang sa iyo iyon?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Well, you helped me find a date tonight. I'd just like to return the favor, though I'm not sure if he's the one you're looking for."
Nabuhayan pa rin siya ng loob kahit ganoon ang sinabi nito.
= = = = = =
AYUMI felt that all she was seeing at the moment made her feel as if she was standing in a Glass World where everything around her were petrified and turned to glass. It was both scary and wonderful at the same time. Pero mas dama niya ang pagkamangha kaysa sa anumang takot na pumapalibot sa kanya dahil sa gumaganang imagination niya.
Or maybe all the glass sculpture around her reminded her of one important person na anim na buwan na niyang hindi nakikita. Ni wala man lang siyang anumang balita rito. But she knew that person was definitely doing his best. Ipinangako nito iyon bago siya nito iwan.
Matapos ang exhibit ay agad siyang sinamahan ni Rhyse sa grand hall na tinutukoy nito kung saan ay naka-display na raw roon ang mga glass sculpture na likha ng lalaking hindi kaagad nakarating para sa first day ng exhibit. Mukhang pinaghandaan talaga ang solo exhibit ng glass sculptures na naroon. Iilan pa lang sa mga glass scupltures ang natatanggalan ng telang nakatakip sa bawat isa sa mga obra at wala ni isa man sa mga iyon ang pamilyar sa kanya.
Funny... Para namang may dapat pa akong asahan. Sinabi na nga sa akin ni Rhyse na hindi siya sigurado kung ang taong lumikha ng mga ito ang taong hinahanap ko. Kaya Ayumi, tigilan mo na ang pagiging assuming.
"Ayumi, is it okay if I leave you for a while? May kailangan lang akong asikasuhin sa opisina. Urgent lang," paalam ni Rhyse sa kanya na tinanguan na lang niya. Sumunod naman dito si Beatrice na ipinagtaka niya.
Though upon realizing the fact na siya lang mag-isa roon, huli na para tawagin si Rhyse dahil wala na ito sa silid na iyon. Nang iikot niya ang kanyang paningin sa paligid ay napansin niya ang ilang CCTV camera. Kaya kahit siguro magliwaliw siya roon nang mag-isa ay magbabantay pa rin naman sa kanya.
Hindi pa siya nakakapangalahati sa ginagawang pagmamasid sa bawat obra nang makaramdam siya na tila may nakatingin sa kilos niya. And she knew it wasn't just the cameras that were observing the place. Alam niyang may tao sa paligid at nakamasid sa bawat kilos niya! Nanayo ang mga balahibo sa batok niya at hindi niya maiwasang kabahan.
Pero bago pa siya makaisang hakbang palabas sa lugar na iyon, biglang nagliwanag nang husto ang paligid at sabay-sabay na naalis ang mga telang nakatakip sa iba pang mga obra na naroon. Nanlaki ang mga mata niya sa tumambad sa kanya.
"You... You've got to be kidding me..." nanulas sa bibig niya matapos mapasinghap sa sorpresang naramdaman.
Paano ba naman siya hindi masosorpresa? Ang tumambad lang naman sa kanya ay mga glass sculptures na ibinase sa mga iginuhit niya noong nasa mansion siya ng mga Castagnia. Every single one of the sketches she made on that sketchpad she didn't bring with her when she left the mansion months ago had a corresponding glass sculpture. Patunay niyon ang mga papel na pinagguhitan niya ng mga disensyong iyon at tila pinunit mula sa sketchpad na inilagay sa platform ng bawat obra.
Pero ang talagang nagpagulat sa kanya ay ang isang glass sculpture doon na ang pinagbasehan ay ang huling drawing niya—the figure of a man and a woman dancing with teddy bears around them. She would know because it was her favorite sketch as it was reliving that wonderful moment when she and Vince danced on their favorite spot on the hill that one night.
"How in the world...?"
Perhaps love is like a resting place, a shelter from the storm. It exists to give you comfort. It is there to keep you warm. And in those time of trouble when you are most alone, the memories of love will bring you home...
Nanigas siya nang pumailanlang ang kantang iyon, dahilan upang ilibot niya ang tingin sa paligid. Until she gaped at the sight of that familiar handsome chinky-eyed cutie smiling so charmingly as he was looking at her with so much admiration that made her heart thump wildly and swell at the same time.
"Hi! I hope I'm not too late," bungad ni Vince na hindi pa rin nawawala ang ngiti at ngayon ay lumalapit sa kanya.
Siya naman ay nananatiling nakatingin rito, hindi pa rin makapag-isip nang matino kung nananaginip lang ba siya o hindi. Yet she wanted to hope for the latter, though.
"Uy! Magsalita ka naman. Nakita mo lang ang kaguwapuhan ko, nawala na ka ng dila. Ganoon ba talaga ang epekto ng kaguwapuhan ko sa iyo?"
Yup, he's definitely back. "Mukhang mas lumala pa pala ang pagkahambog mo nang pumunta ka sa Paris. Pasalamat ka't malaki 'tong grand hall na 'to. Dahil kung hindi, baka kanina pa ako tinangay sa tindi ng hanging inilalabas ng mga pinagsasabi mo sa akin ngayon." Napailing lang siya.
Pero ang bruho, hayun at nakuha pa talagang humalakhak. One of the things na talaga namang nakakapagpatulala sa kanya rito whether she admitted it or not.
"You know, I missed that about you," kapagkuwan ay sabi ni Vince na unti-unting nagseryoso at tumitig sa kanya nang mataman.
Of course, her heart hammered inside her chest ever so wildly because of that. She saw that look before. Pero this time, okay lang sa kanya ang mag-assume na sana ay katulad ng gusto niyang maging kahulugan niyon ang ibig sabihin ang tinging iyon.
"I'm glad you've finally fulfilled your dream," aniya nang hindi na niya matagalan ang katahimikan sa pagitan nila ni Vince.
Umiling ito na ipinagtaka niya. "Hindi rin."
"What do you mean?"
"May isa pa akong pangarap na gustong tuparin. And I want you to help me fulfill it."
Kumunot ang noo niya. "Ha? Huwag mong sabihing maghahanap ka na naman ng taong magbabantay sa iyo? Aba, Mr. Castagnia, spare me from that kind of trouble, okay? Nadala na ako sa kakulitan mo noong alagaan kita."
"Akala ko ba, susuportahan mo ako sa pagtupad sa mga pangarap ko? Bakit parang ayaw mo pa yata akong tulungan sa gusto kong mangyari?" nakasimangot na tanong nito.
Hindi naman niya napigilang tumawa dahil parang nagpapa-cute lang naman ang bugok na ito, eh. "Ano ba kasi ang isa pang pangarap mo na gusto mong tuparin bukod sa maging isang magaling na glass sculptor?"
"Eh 'di ang mahalin ka, not just as a friend. Fulfill my dream of allowing me to make you feel how much I love you more than a friend. Become my ultimate source of inspiration in the next coming years of our lives. Kaya mo ba akong suportahan sa pagtupad sa pangarap kong iyon? Iyon lang naman ang gusto kong itulong mo sa akin, eh."
He... did not just ask that, right? Kulang ang sabihing tila bombang sumabog sa harap niya ang pahayag ni Vince nang marinig niya iyon. Pero sa nakikita naman niyang expression nito, obvious na obvious talaga na hindi ito nagbibiro. Teka, ano ba ang nangyayari?
"Are you... asking me to be your girlfriend, Vince?" Great! Iyon na talaga ang naitanong niya. Parang ni-rephrase lang niya ang sinabi nito into one sentence—err, question.
"Aba, ayaw mong maging girlfriend muna kita? Kung gusto mo namang diretso na kitang maging asawa, walang problema sa akin iyon. In fact, pabor sa akin na ganoon na ang maging set-up para wala nang ligawan."
"Sira! Iniwan mo pa yata sa Paris ang utak mo. Kunin mo muna iyon doon bago ka magpakita uli sa akin at nang makausap kita nang matino." She was about to turn around but Vince grabbed her arm and made her face him. Seconds later, she found herself kissing Vince in such a way that she would actually know how much he missed him. Napaluha siya sa realisasyong iyon kaya nang mga sumunod na sandali, ipinaramdam din niya rito kung gaano siya nangulila rito—at kung gaano niya ito kamahal.
In the end, their kisses answered each other's questions about what they wanted to happen to both of them.
"Akala ko, ako lang ang iyakin sa ating dalawa, eh," komento ni Vince nang may ngiti at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. Pinahid nito ang mga naglandas na luha sa pisngi niya bago siya ginawaran ng halik sa noo. "I love you, Baby Girl. Noon pa. Bago pa ako napilitang umalis nang walang paalam, nandito ka na sa puso ko. Ang sabi ko pa noon sa sarili ko nang umalis ako, I'll turn myself into a better person so that you would learn to accept me more when I come back and hopefully, will make you love me not just as a friend. Kaya naman pinagbutihan ko ang lahat ng ginagawa ko. Kahit mahirap ang naging buhay ko dahil nasanay ako na nandiyan ka palagi sa tabi ko, pinilit ko pa rin. I used your sketches as my inspiration to fulfill one of my greatest dreams."
"Ibinigay ko iyon kay Manang Belen noong malaman kong umalis ka nang walang paalam. Ang sabi ko, sana man lang magawa nilang iabot iyon sa iyo. It was my last gift to you. Kaya siguro hindi kita kaagad naalala kahit ibinigay mo sa akin ang glass figurine na iyon nang bumisita ka sa Love Blossoms. I gave away my only medium to remind me that for once, chubby Baby Boy Vincent Castagnia existed in my life. I'm sorry..."
He kissed her again and she just responded wholeheartedly.
"No need to apologize. Ang importante, may isa sa atin ang nakaalala. Siguro naman ngayon, hindi na natin makakalimutan ang isa't isa. You won't have any reason to forget me anymore. We created so many memories and I'll make sure this time na hindi na tayo magkakalayo. Kaya sana, tulungan mo na akong tuparin ang isa pang pangarap ko," sabi nito habang nag-aasam ang ngiting ipinakita sa kanya.
She smiled brightly and embraced him tight. It didn't take him to embrace her back in return. "Alam mo, kahit hindi mo sabihin sa akin iyan, ako ang magsasabi. Since high school, you've held a special place in my heart. Kaya kita ipinagtatanggol noon. Ang sabi ko sa sarili, mapanatili ko lang ang ngiti mong iyon sa mga labi mo, masaya na ako. Gumawa na ako ng paraan para maisakatuparan iyon. Your smile that gave me reason to protect you had also made me love you more and more."
"Akalain mo nga naman. May appeal na pala ako sa iyo noon kahit ang taba ko," biro nito na kahit sumira sa magandang mood na nakapaligid ay ikinatawa na lang niya.
"Oo na. Dapat pala talaga, naging mataba ka na lang hanggang ngayon. Natatakpan pa ng mga taba mo ang kahambugan mo."
Halos sabay silang napabuntong-hininga na ikinangiti na lang nilang dalawa nang tingnan nila ang isa't isa habang magkayakap.
"I love you, Baby Boy. And yes, I will help you fulfill your other dream."
"'Yan ang gusto ko sa iyo, Baby Girl, eh. Thank you."
Natawa naman silang pareho na kalaunan ay nauwi sa isang madamdaming pagpaparamdam kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
"Vincent, kung tapos ka na sa proposal mo sa girlfriend mo, siguro naman, kailangan mo na akong tulungan sa pag-aayos ng mga ikinalat mo rito, 'no?"
Napalingon silang dalawa sa entrance kung saan naroon ang nakangiting si Rhyse na kumaway pa talaga siya sa kanya at katabi nito si Beatrice. Nagulat siya nang makita niya ang mga kasamahan niya sa Love Blossoms na pumapalakpak at nagtsi-cheer pa talaga para sa kanilang dalawa ni Vince. Kasama rin ng mga ito sina Anton, Tita Margaret, ang mga magulang niya, at pati na rin ang grandparents niya.
Pero mas ikinagulat niya ang pagdating din ni Ma'am Tina na agad silang niyakap ni Vince nang mahigpit.
"Pati rin kayo, Ma'am, nakinig sa mga pinagsasabi namin?"
"Aba, para namang palalampasin ko ang pagkakataong ito, 'no? I love my two babies that much for me not to do that. And now, it seems that it's just a matter of time that you'll be each other's baby because of the love that connects you two."
Napangiti silang dalawa ng dating guro. Nang harapin niya si Vince ay hinapit lang siya nito sa baywang niya at inilapit sa tabi nito.
"Well, this is one baby that I will treasure for life, Ma'am Tina. Iyan ang sisiguruhin ko sa inyo," pangako ni Vince na nagpataba sa puso niya.
"Pero bago mo gawin iyan, hindi ka ligtas sa pag-aayos ng mga kalat mo rito sa grand hall ko, Vincent. Baka nakakalimutan mo, may art exhibit ka pa bukas," singit naman ni Rhyse na ikinailing lang ng binata.
"Pagpasensiyahan mo na lang. Wala kasing love life, eh," bulong ni Vince sa kanya.
"I know that. Pero I think, magkakaroon na rin siya n'on. Kailangan lang galingan ni Beatrice kung gusto rin ng bruhang iyon na magkaroon na ng boyfriend sa wakas after 26 years."
Natawa silang dalawa at muling niyakap ang isa't-isa. They would relish that moment for a little while longer before anything else. To hell with the clutter and people around them.
THE END
No comments:
Post a Comment