"NAKATAPOS ko na rin, sa wakas!" anunsyo ni Ayumi sa sarili at pinakatitigan pa talaga ang huling drawing na kukumpleto sa set of sketches niya. Plano niyang ibigay ang mga iyon kay Vince bilang dagdag inspirasyon na rin at hopefully ay gawan din nito ng glass figurine version sa mga susunod na obrang lilikhain nito.
The last drawing she made was actually a man and a woman dancing with teddy bears around. Ginamit niyang inspirasyon ang naganap na "date" nila ni Vince sa burol noong isang gabi. Pero imbes na kandila ang ilagay niya sa paligid, teddy bears na lang ang iginuhit niya. It would remind her of that particular moment's cuteness, 'yon ang nasa isipan niya. Maybe she wanted to have a proof of some sort just to keep that moment immortal in her mind. Kahit kasi sabihin pa na desidido na siyang huwag itong kalimutan, kadalasang wala siyang tiwala sa itinatagal ng isang alaala sa kanyang isipan.
Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na bumaba sa kusina dahil nakaramdam lang naman siya ng gutom. Nang tumingin siya sa orasan, napangiwi siya nang makitang lampas alas-dose na pala ng tanghali. Nakapagtataka namang walang kumatok sa silid niya para ipaalala na tanghalian na. Ganoon ba siya ka-focused sa ginagawa niya at hindi niya namalayan iyon?
Gayunman, nagtungo na lang siya sa kusina para maghanap ng makakain. Pero hindi pa man siya nakakapangalahati ng baba sa hagdan ay narinig niya ang boses ni Vince. Para itong may kausap. Nang silipin niya ang living room, nakita niyang may kausap ito sa cellphone at seryoso ang mukha nito.
"Does it really have to be this week, Sir?" Patlang. "I see. I'll just keep in touch to get you updated. I can't really decide about leaving just yet." Iyon na lang ang narinig niyang sinabi ni Vince bago nito tinapos ang tawag.
Bagaman iyon lang ang naabutan niyang pakinggan, iisang salita lang ang tumimo sa utak niya. Leaving... Ibig sabihin, dumating na nga ang kinatatakutan niyang mangyari—ang umalis ito patungong Paris na hindi niya alam kung gaano katagal bago na naman sila magkita uli. O kung magkikita pa nga ba sila nito pagkatapos niyon.
"Okay ka lang, Ayumi?"
Ang tanong na iyon ang nagpabalik ng kanyang isipan sa realidad. Ang nag-aalalang mukha ni Manang Belen ang sumalubong sa kanya nang mag-angat siya ng tingin. Tumango siya at pilit na ngumiti upang hindi nito mahalata ang lungkot na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. "Ah, siyanga po pala. Bakit hindi n'yo man lang ako kinatok kanina? Hindi ko man lang kayo natulungan na magluto ng pananghalian."
"Sinabi kasi ni Senyorito na huwag kang istorbohin. Nakita kasi niya na busy ka kanina sa iginuguhit mo nang pasukin niya ang silid mo."
Wow... I didn't know that. But then again, why would Vince do that, anyway? May gusto ba itong sabihin sa kanya?
"Ayumi..."
Hindi na niya kailangang lumingon pa para malaman na naroon lang si Vince sa likuran niya. Nahigit pa nga niya ang hininga nang maramdamang ilang dangkal lang ang layo nito sa kanya. "Bakit?"
"You've heard what I said to the person on the other line, haven't you?"
Tila nagkaroon ng bikig sa lalamunan niya dahil sa pagkakaalala sa narinig niya kanina bago niya ito naisipang lingunin. "'Yong huling sinabi mo lang sa kausap moang naabutan ko. Sira-ulo ka rin naman kasi, eh. Bakit hindi mo ako tinawag para mananghalian? Tingnan mo tuloy, lumampas na ako sa dapat na oras ng kain ko."
"Huwag mong ibahin ang usapan, Ayumi."
"O, ano na naman ang mali sa sinabi ko?"
"What do you think about it? About me... leaving. Again." Nasa mukha ni Vince na tila hirap itong sabihin iyon.
Ano nga ba ang tingin niya sa sitwasyong iyon? "Ano'ng gusto mong isipin ko? Alangan namang pigilan kita. It's a dream come true for you to go there, right?"
"Y-you mean... okay lang sa 'yo?"
Dahan-dahan siyang tumango. Iyon ay kahit may isang bahagi ng kalooban niya ang gustong umiling at magpaka-selfish na sana ay huwag na itong umalis. Pero sino ba siya rito para pigilan niya ito? For heaven's sake, hindi niya gustong maging sagabal sa pagtupad sa pangarap ng sinuman. Kung ang sarili nga niyang ina, hinayaan niyang maging masaya sa piling ng stepfather niya, si Vince pa kaya?
"Wala namang problema sa akin iyon, eh. Hindi ko gustong maging sagabal sa pagtupad ng pangarap ng kahit na sinong mahahalaga sa buhay ko. Lalong-lalo ka na, Baby Boy." Nakaramdam siya ng bikig sa kanyang lalamunan habang pinipigilan ang posibleng pagtulo ng kanyang mga luha. "Huwag mo akong kalilimutan pagdating mo roon, ha?"
"Bakit ganyan ka kung makapagsalita, Ayumi?" sa halip ay balik-tanong nito na ikinakunot ng noo niya.
"Ha?"
"Parang hindi naman totoo ang sinasabi mo, eh. Kitang-kita ko sa mga mata mo na nagsisinungaling ka."
"At bakit naman ako magsinungaling sa 'yo, ha?"
"Dahil ang totoo, ayaw mo talaga akong umalis, 'di ba? Ayumi, I'm still deciding whether or not I will leave the country. Basta sabihin mo sa akin ang totoo, gagawa ako kaagad ng desisyon ko tungkol doon. And I want the truth from you. Gusto mo ba talaga akong umalis?"
Marahas na napabuga siya ng hangin dahil sa naririnig niya. Ano ba ang gustong palabasin ni Vince? "Alam mo, hindi na kita maintindihan. Bakit mo ba itinatanong sa akin iyan, ha? Whether I tell you the truth or not, hindi pa rin mababago niyon ang gusto kong gawin mo. Dahil kapag nanatili ka rito dahil lang sa maririnig mo sa akin, hinding-hindi ko matatanggap iyon. Sisisihin ko lang ang sarili ko kapag hindi mo natupad ang mga pangarap mo. I don't want that to happen, Vince. Kaya please lang, if you're going to leave, I want you to remember one thing for me. I'll always be here for you, okay? Isa ako sa susuporta sa iyo kahit na ano'ng mangyari. Basta ang gusto ko, matupad mo ang mga pangarap mo. Sapat na para sa akin iyon."
Halata sa mukha ni Vince na hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Ito naman ang napahinga nang marahas at kinamot pa ang batok nito. Parang frustrated pa yata ito. "Ang sabi ko sa iyo, magsabi ka ng totoo, eh. Hindi naman mahirap iyon, 'di ba?"
"Ask yourself, Vince. Kahit sabihin ko sa iyo ang totoo, ano sa tingin mo ang magiging desisyon ko, ha? Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Pakakawalan pa rin kita sa ayaw at sa gusto mo. Dahil iyon ang alam kong tama at nararapat para sa iyo."
Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa habang hindi natitinag ang nanghahamong tingin na iginagawad niya rito. Kalaunan ay napailing na lang si Vince at napahilamos saka siya iniwan doon. Sinundan lang niya ito ng tingin dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya—kung susundan ba niya ito o hahayaan na lang ito.
Wala namang mali sa sinabi niya, 'di ba? Pero bakit pakiramdam niya, nakagawa siya ng isang malaking kasalanan?
"Ayumi, kumain ka muna. Mahirap nang malipasan ka ng gutom," ani Manang Belen na nagpabalik ng isipan niya sa kasalukuyan.
Walang imik na sumunod na lang siya sa ginang kahit na nawalan na siya ng ganang kumain dahil sa nangyari.
= = = = = =
"ALAM mo, Ayumi, kung nakakapagsalita lang ang remote na hawak mo, baka kanina pa nagreklamo 'yan sa kapipindot mo. Wala ka pa rin bang makitang magandang palabas na gusto mong panoorin?"
Napapitlag siya nang marinig iyon at nilingon ang direksyong pinagmulan ng tinig na iyon. Nakita niya ang mama niya na iniaabot sa kanya ang isang baso ng gatas na agad naman niyang tinanggap. Saka ito tumabi sa kanya sa mahabang sofa kung saan siya nakaupo nang mga sandaling iyon at naghahanap ng mapapanood. Pero sa malas ay wala siyang makita ni isa.
O mas tamang sabihing hindi niya mai-concentrate ang isipan niya sa palabas kahit na nakapili na siya. Kaya ang resulta, naghahanap siya ng ibang channel na magdi-distract sa kanya. But nothing came up.
"Wala ka na naman sa sarili mo. Si Vincent pa rin ba ang iniisip mo?"
Tumango siya. Para namang makakapagkaila siya sa mama niya. Kahit naman hindi siya naalagaan nito physically matapos nitong magpakasal sa stepfather niya at naglagi ang mga ito sa Canada, hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi na nito alam ang nararamdaman niya.
Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang umalis siya sa mansion ng mga Castagnia. Matapos ang pangyayaring iyon sa pagitan nila ni Vince, naging mabigat na ang atmosphere sa pagitan nila nang mga sumunod na araw. Hindi na niya kailangang alamin ang ibig sabihin niyon. It was about time, iyon ang nasa isipan niya. Ang masakit lang sa kanya, bakit parang ipinaparamdam pa yata ni Vince sa kanya na mali siya sa mga sinabi niya rito? Ginawa lang naman niya ang alam niyang tama para sa lalaking mahal niya.
Then on the fourth day of bearing that heavy atmosphere, nagulat na lang siya nang magpaalam si Vince sa kanya. Para siyang binagsakan ng langit. Dumagdag pa sa sakit ng kalooban niya ang kawalan ng emosyon sa mukha nito habang sinasabi iyon.
"I'll be leaving now," blangko ang ekspresyong paalam ni Vince sa kanya.
Siya naman ay napatanga sa pahayag nitong iyon kahit sabihin pang inaasahan na niya na maririnig niya rin iyon mula rito. But soon after, she composed herself and braved herself to talk. "G-galit ka ba sa akin?" lakas-loob niyang tanong dito.
Umiling ito pero hindi siya nakaramdam ng paggaan ng kalooban sa nakita. "Pinag-iisipan ko lang ang mga sinabi mo. And you're right. Marami pa nga akong gustong gawin. And I'm glad you will support me for going after what I wanted to do. For going after my dreams."
"Ganoon ka kahalaga sa akin, Baby Boy. Ayokong magkaroon ng dahilan na sisihin ang sarili ko kapag dumating ka sa puntong pinili mong manatili rito dahil lang sa maririnig mong sagot sa mga tanong mo mula sa akin."
"You won't... forget me, right?" Nasa mga mata ni Vince ang pag-asam bagaman nanatili pa ring blangko ang expression nito.
Umiling siya at ngumiti sa kabila ng nagbabadyang pagtulo ng kanyang mga luha. "Not again in my life, Vince. I promise." At seryoso siya sa sinabi niyang iyon. Marami nang nangyari na tiyak na nakaukit sa kanyang isipan para malimutan pa niya ito. Pero ang isang magpapaalala sa kanya ng tungkol kay Vince ay ang kaalamang mahal na talaga niya ito.
No pretenses. Puso na niya ang magpapaalala niyon sa kanya.
Her answer seemed to be enough to him. The next thing she knew, Vince placed an intense kiss on her lips that surprised and confused her at the same time. But without a doubt, she would forever treasure...
"Ma, is it okay if I ask this? Ano'ng naramdaman mo n'ong hinayaan kitang pakasalan si Papa?" kapagkuwan ay tanong niya sa ina nang magtagumpay na siyang alisin ang kanyang isipan ang pangyayaring iyon bago ito umalis sa mansion.
Kunot-noo naman siyang tiningnan ng mama niya. "And you want to know about that because...?"
Wala siyang naisagot. Tumingin lang siya rito at hinintay ang sasabihin nito. Matapos bumuntong-hininga ay nagsalita ito.
"I was happy, surprised, and curious all at the same time. Happy kasi pinagbigyan ako ng anak ko na makasama ang taong mahal ko at alam kong hindi ako iiwan. Hindi tayo iiwan. Surprised dahil kahit sa murang edad, hinayaan mo ako. Sinabi mo pa nga noon sa akin na hindi mo kailanman ipagkakait ang isang bagay na alam mong magpapasaya sa taong mahal mo. As for being curious, hindi ko rin maiwasang isipin kung ano nga ba talaga ang naramdaman mo noong sabihin mo sa akin iyon. Hindi man lang kita natanong kung ano ba talaga ang makakapagpasaya sa iyo. I kept asking myself why my daughter set me free and allowed me to be happy. But right now, I think alam ko na ang sagot sa mga tanong ko noon pa man."
"Talaga po?"
"The way you think of Vincent made me realize na siya na ang taong alam kong makakapagpasaya sa iyo. Kahit masakit na kailangan niyang umalis para tuparin ang mga pangarap niya, you did it for the reason that you have to set him free. You're not forcing him to choose between him and his dreams."
"Ang pangit naman po kasi kung gagawin ko iyon. Wala naman akong mapapalang matino kapag ako ang pinili niya kapalit ng mga bagay na puwede pa niyang marating. Now that he left, nasa sa kanya na po iyon kung gusto niyang bumalik dito o hindi." Pero dahil marami pang puwedeng mangyari, hindi na muna siya aasam ng kahit na ano. She would just remain as one of Vincent Castagnia's biggest supporters—whatever happens.
For all of her life.
No comments:
Post a Comment