[Relaina]
“ANO? Seryoso? Tumawag siya sa iyo?”
Napangiwi na lang ako dahil doon. Kulang na lang talaga, takpan ko ang tainga ko sa lakas ng boses ni Mayu. Ang bruha kong pinsan talaga, naisipan pang mag-eskandalo. Hindi na naawa sa tainga ko na nagsa-suffer sa lakas ng boses nito.
“Necessarily lang talagang ipangalandakan mo iyan sa madla, ‘no?”
Napabuntong-hininga ako pagkatapos n’on. “Oo, tumawag siya. Nagulat nga rin ako, eh. Ilang beses ko pang inulit iyong message na iniwan niya sa voice mail ko para lang makumpirma ko talaga na hindi ako nananaginip o nagha-hallucinate lang.”
“Paano naman niya nalaman ang number mo? Sa pagkakaalam ko, iilan lang ang nakakaalam n’on. And take note, wala sa mga kaibigan mo sa Aurora ang nakakaalam ng bago mong number.”
Kibit-balikat lang ang naging tugon ko kasi hindi ko naman alam ang isasagot roon. Kahit nga ako, nahihiwagaan doon.
Nagpatuloy na lang kami ni Mayu sa pagtahak sa daan papunta sa first class namin for that day. Ang nakapagtataka pa, pareho kaming tahimik ng pinsan ko habang naglalakad. Hindi ko naman masasabing weird iyon. Para ngang expected ko na iyon sa amin.
At ang utak ko, hayun! Nag-umpisa na namang maglakbay sa kung saan. Pambihira naman kasing voice mail iyon. Panira ng utak!
Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga na lang ang naging tugon ko roon. Hay… Ano ba ‘yan? Wala yatang oras pagkatapos n’on na hindi ako napapabuntong-hininga nang ganoon. Para ngang hindi na ako bubuntong-hininga kinabukasan kung makabuntong-hininga ako.
“'Insan, huwag mong sabihing affected ka pa rin?”
Ang tanong na iyon ni Mayu ang nagpabalik ng focus ko sa realidad. At sa totoo lang, iyon ang tanong nito na hanggang sa mga sandaling iyon yata ay hindi ko pa rin masagot nang maayos.
Nakapasok na kami sa classroom na wala akong nasabi kay Mayu biglang sagot. Naupo na lang ako sa assigned seat ko at napatingin sa labas ng bintana pagkatapos niyang huminga nang malalim. Naman, eh! Magugulo na naman ang utak ko nito, eh.
“Okay ka lang ba, Aina?”
Nabaling ang tingin ko kay Mayu nang marinig ko ang concerned na tanong nitong iyon. Of all people, tanging si Mayu lang ang pinagsabihan ko ng tungkol sa problemang nagpapaapekto sa akin hanggang ngayon. Only my cousin knew the pain I went through at one time.
“Aina” ang madalas na tawag ni Mayu at ng mga magulang ko sa akin dahil masyado raw mahaba ang “Relaina”. Actually, hindi lang iyon ang nickname ko. Merong “Yna”, “Ella”, “Ai-chan”, at “Relly”. Pero mas gusto ko pa ring natatawag akong Relaina.
Ngumiti na lang ako. “Okay lang ako. Kailangan, eh. So don’t worry.”
“Paano naman kaya ako hindi mag-aalala kung ganyang klaseng sagot naman ang maririnig ko sa iyo?”
O? Ngayon naman si Mayu ang napapabuntong-hininga nang malalim. Out of exasperation nga lang. Well, sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa klase ng sagot ko?
Pasensiya naman po. Wala na ako sa sarili ko, eh.
Kaysa naman lalong ma-bad trip sa akin ang pinsan ko, kinuha ko na lang ang cellphone ko. Pindot dito, pindot doon… hanggang sa makita ko na rin ang hinahanap ko. Saka ko iniabot iyon kay Mayu.
“You wanna hear it? Here, para naman alam mo kung bakit ako ganito ngayon.”
Ilang saglit pa ay kinuha na sa akin ni Mayu ang cellphone ko. Hindi nagtagal ay pinakinggan naming dalawa ang recorded voice mail. At ang buwisit! Nakalimutan kong malakas pala ang volume n’on. Nawala sa isip ko. Mabuti na lang at wala yatang pakialam sa mundo ang mga classmates ko. It was either hindi narinig ng mga ito ang voice mail na iyon o ayaw lang pakinggan ng mga ito for some reasons.
“Relaina… it’s me. Can we please meet somewhere? We need to talk.”
“About what? Para ipamukha sa iyo ng buwisit na iyon na wala na talaga kayo? Na hopeless na talaga?”
I looked at my cousin incredulously. “Ha? Excuse me! Ang kapal naman ng mukha niya para gawin iyon. Ano siya, hilo? Naghahanap lang ng rason para i-boost ang ego niya? Sapak lang ang abutin n’on sa akin.”
“Eh bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pagmumukha mo kanina habang kinukuwento mo ‘to sa akin?”
“Dahil hindi ako makapagdesisyon,” I answered straightforwardly. Saka ko kinuha ang cellphone ko mula sa pagkakahawak ni Mayu. “Masyado nang magulo ang utak ko para isipin pa nang husto ang mga bagay na ‘yan.”
Katahimikan na naman ang pumalibot sa amin ng pinsan ko pagkatapos kong sabihin iyon. Ilang sandali rin ang itinagal n'on.
“So… ano’ng plano mo? Makikipagkita ka ba sa kanya?”
Kibit-balikat lang ang naging tugon ko. It was the truth. Hindi talaga ako makapagdesisyon dahil hindi naman ganoon kadali iyon. Hay… Nakakainis naman! Lagi na lang may panggulo sa utak.
Hindi na ba talaga mawawala ang mga iyon? Sakit sa ulo, ah.
“Uy! Emo mode tayo ngayon, ah. Ano’ng meron at parang malungkot ‘tong amazona mong pinsan, Rianne?”
Isa pa itong kamoteng ‘to na dagdag sa pananakit ng ulo ko, eh. ‘Kakabuwisit lang! Bad trip!
Ang sama tuloy ng tingin ko sa buwisit na mokong na iyon pagkakita ko sa magkambal. Si Neilson naman, naiiling na lang. Hindi lang siguro makapaniwala o baka hindi lang nito maintindihan ang walang kapagurang trip ng Brent na iyon sa pang-aasar sa akin.
“Puwede ba, Mr. Brent Allen Montreal na mukhang kamote? Manahimik ka riyan kung ayaw mong dumiretso sa pagmumukha mo ‘tong cellphone ko. Spare me from your irritating jokes ‘coz I’m not in the mood to deal with any of them!”
Okay… Way too angry. Sorry for that pero hindi ko na napigilan. Hindi na nga maganda ang mood ko, gagatungan pa ng buwisit na kamoteng 'yon ang pagkasira ng mood ko. Pang-asar naman kasing voice mail iyon!
Heto tuloy ako! Lahat na lang, kagalit ko. Well, sa kaso ni Kamoteng Brent, araw-araw kong kagalit ang sira-ulong iyon. Wala na kasing ginawang maganda.
Para lang wala na akong masabihan pa ng ‘di- maganda sa araw na 'yon, tumayo na lang ako at umalis doon. Mas mabuti pang mag-walk out na lang kaysa naman ganoong lahat na lang ay pagbabalingan ko ng inis ko.
Nagtungo ako sa dulo ng hallway na iyon. At least iyon, medyo malayo sa mga classmates ko.
I just needed a breather from all that I was feeling at the moment.
Napatingin ako sa cellphone ko. Mas okay nga sigurong binato ko na lang iyon sa mukha ni Brent. Baka sakaling masira na ang dalawang source ng bad mood ko. Baka sakaling kumalma na ako kapag ginawa ko iyon.
Pero so far, hindi pa naman ako ganoon ka-brutal. Nangyayari lang siguro iyon kapag talagang sinagad na nang husto ang pasensiya ko.
People knew me as someone who was headstrong, malakas ang loob, walang inuurungan at walang kinatatakutan. But only Mayu knew the hell that my heart had gone through na muntik nang maging dahilan para mawalan ako ng rason na maging matapang. At mas mabuti pang walang ibang makaalam n’on.
Ano ba naman ‘to? Tingin pa lang ang ginagawa ko sa CP ko, parang gusto ko nang mag-breakdown. Bakit pa kasi tumawag ang taong iyon sa akin? Ano ba talaga ang dahilan at gusto pa nitong pakipag-usap sa akin? Tahimik na ako. Bakit pa ito nanggugulo?
'Tahimik ka na nga ba sa lagay na iyan?'
I gripped my cellphone tight upon hearing that thought in my mind. If only I had the strength to break it that way, baka kanina pa nasira iyon. But hell! I couldn’t even destroy the very device that held the reason why I was like this.
“Relaina…”
I got inwardly startled upon hearing that irritatingly familiar voice. Hindi ko na kailangang lumingon para lang malaman kung sino iyon. Heto nga’t wala na namang tigil sa kapapasag ang puso ko. Pero wala talaga ako sa mood pakiharapan ang kamoteng 'yon.
“Ano’ng kailangan mo, Montreal? I told you, spare me just for today,” walang kagana-ganang sabi ko na lang habang ang atensiyon ko ay naka-focus sa campus grounds.
“Alam ko naman iyon, eh. Madali naman akong kausap, ‘no?”
Narinig ko ang paghinga nito nang malalim.
“I just came here to remind you that in a minute and a half, magsisimula na ang klase. Trigonometry pa man din.”
Kumunot ang noo ko dahil doon. Seriously, ano’ng topak meron ang kamoteng ‘to at ito pa talaga ang personal na nagre-remind sa akin ng oras? I looked at the time on the screen of my cellphone.
Tama nga ito, magta-time na.
“Okay. I’ll be right there. Now you can leave.”
After that, I heard footsteps as if walking away from there. May 30 seconds din siguro akong nagmuni-muni pa sa lugar na iyon. I needed to think about what I should do. Kailangang mai-settle ko na ang isipan ko sa dapat kong gawin bago pa ako tuluyang masiraan ng bait.
A heavy sigh coming from me soon followed after that thought. At isang desisyon lang ang tanging tumimo sa utak ko. Ito na lang siguro ang tanging paraan para matahimik ako.
Walking away from the balcony, agad na hinagilap ng mga mata ko ang isang partikular na bagay. Ilang sandali pa at nakita ko na rin iyon. Agad kong pinuntahan iyon at walang salitang ibinagsak doon ang cellphone ko.
That’s right.
I needed to throw my cellphone into the trash can. Kailangang itapon ko na ang mga alalahanin ko sa mga sandaling iyon. Wala namang kaso sa akin kahit buong cellphone pa ang itapon ko. I only bought that phone from my savings, anyway.
Kung dati kasi, may significant value iyon, ngayon ay wala na.
“It’s better this way… right?” nasabi ko na lang sa sarili ko.
Kasunod n’on ay bumuntong-hininga na naman ako. Grabe. Ilang beses na ba akong napapabuntong-hininga ngayong umaga pa lang na 'yon?
Never mind! Saka ko na bibilangin kapag napag-trip-an ko nang magbilang.
Tumakbo na ako para makarating na sa classroom bago pa mag-start ang klase.
No comments:
Post a Comment