Thursday, January 14, 2016

We'll Always Be Each Other's Baby - Chapter 9

HINDI na matukoy ni Ayumi kung ilang beses na siyang napapabuntong-hininga habang nakatingin sa kisame nang magising siya nang umagang iyon. Ang totoo niyan, alas-tres pa lang ng madaling-araw ay mulat na mulat na siya. Paano ba naman kasi? Hanggang sa pagtulog ay hindi siya pinatahimik ng sangkaterbang isipin na hindi niya alam kung paano paalisin sa kanyang isipan. But then, wala naman nang dapat ipagtaka roon. Si Vince ba naman kasi ang dahilan niyon, talagang wala na siyang magagawa pa.

Para ngang kahit ano na ang gawin niya sa mga susunod na araw, hinding-hindi na ito maglalaho sa kanyang isipan. Kunsabagay, hindi lang naman ito nakapagkit sa isipan niya. Sa nakalipas na mga araw na nanatili siya sa mansion ng mga Castagnia, nakatitiyak siya na maging ang puso niya, iniukit na rin ang lahat ng tungkol sa kaibigan—at ngayon nga ay lalaking walang dudang mahal na mahal na niya.

Paano ba ako napasok sa gulong 'to? pagngawa niya sa kanyang isipan bago itinakip ang braso niya sa mga mata. Makailang-beses na niyang ginawa iyon habang pilit na iniisip ang mga dapat na gawin upang magawa pa niyang isalba ang kanyang puso sa napipintong lungkot na pagdadaanan niya. Kaya lang, magagawa ba niya iyon? Ngayon pa nga lang, hayun at hindi na niya maipaliwanag ang kalungkutang lumulukob sa kanya. Hindi pa siya umaalis sa mansion sa lagay na iyon.

Humigit-kumulang isang oras pa ang inilagi niya sa kama na ganoon ang takbo ng isipan ni Ayumi bago siya tuluyang bumangon. Tutulong na lang siya kay Manang Belen sa paghahanda ng aalmusalin ni Vince para naman magawa niyang i-divert ang isipan niya sa mas sensible na bagay.

Pero pagdating niya sa kusina ay hindi si Manang Belen ang tumambad sa kanya. Napatanga siya nang maabutan niya roon si Vince na maluwang ang ngiti habang tuwang-tuwang kumikilos sa kusina. At ang bruho, enjoy na enjoy pa talaga sa ginagawa na nakasuot pa ng apron. He looked boyish because of that smile and the radiant aura he was exuding while doing the cooking. And yet the way he moved around the kitchen only proved how manly this friend of hers had become after all those years.

He would definitely make a good husband someday. Sino kaya ang masuwerteng babaeng magiging asawa ng ugok niyang kaibigan? Grabe, wagas lang talaga siya kung makapang-asar.

"Uy! Good morning, Baby Girl!" Lalong lumuwang ang ngiti ni Vince nang batiin siya nito.

Hindi niya alam kung ano ang meron sa ngiti nitong iyon upang matagpuan na lang niya ang kanyang sariling ginagantihan iyon—kahit bahagyang pilit dahil na rin sa mga isiping nagpapagulo sa takbo ng utak niya. "Good morning din. Ang aga natin ngayon, ah."

"Masaya, eh."

Obvious naman, eh. Pero hindi na lang siya nagsalita. Umupo na lang siya sa stool na naroon sa kitchen counter at pinanood na lang ang binata sa ginagawa nito.

Hindi rin lang nagtagal iyon dahil biglang naging seryoso ang expression nito at hinarap siya. Napapitlag siya sa ginawa nitong iyon. "B-bakit?"

"Are you sure you're okay?" balik-tanong nito na ipinagtaka niya. "You look gloomy. Did something happen that I didn't know and made you like this?"

Mas lalo siyang hindi nakaimik sa narinig na mga tanong nito. Did he actually notice that? "A-ano ba namang klaseng tanong 'yan, ha? Kailan ba ako naging gloomy? Alam mo naman ako, 'di ba? A person who's like a ball of sunshine."

"Then how are you going to call your expression right now? Hindi ko naman masabing pinagsakluban ka ng langit at lupa dahil hindi ka pa naman nagmumukhang si Sisa para masabi ko iyon. Kaya gloomy na lang ang naging description ko."

Tingnan mo 'tong sira-ulong 'to! "Sa lahat talaga ng pagkukumparahan mo, si Sisa pa? Na'san naman ang hustisya roon? Pakisabi nga sa akin."

"Okay. Just smile and it's over."

"Ha?" Ano na naman ang pinagsasasabi ng lalaking 'to?

"Hindi kita titigilan hanggang hindi kita napapangiti ngayong umagang ito. Kung kinakailangan ko pang gawing goal iyon, then I'll do it."

"Seryosong usapan, Mr. Castagnia. Kanino ka nagmana ng wagas na kakulitan at out of place na ka-weird-uhan mo ngayon, ha?"

"Isa lang naman ang hinihiling ko, 'di ba? Just smile. Sa lahat ng ayoko, 'yong nakikita kitang ganyan na para bang binagsakan ka ng langit ng patong-patong na problema. O kung may problema ka, sabihin mo sa akin."

Sa totoo lang, malapit na talaga siyang mag-give up sa kakulitan ng lalaking ito.

Sus! Para namang ganoon lang kadali para sa iyo na gawin iyon, 'no?

She groaned inwardly at that thought. Wala siya sa mood na makipag-away sa takbo ng kanyang isipan. Marami na ang gumugulo sa kanya nang mga sandaling iyon. "Wala akong problema, okay? Wala lang ako sa mood." Yeah, right. Lame excuse, Ayumi.

"Bakit, meron ka?"

She faced him indignantly. "Alam mo, ituloy mo na lang kaya 'yang niluluto mo at baka masunog pa 'yan sa kakukulit mo sa akin." Napailing siya at tiningnan ang niluluto ni Vince. Nagliwanag ang mukha niya sa nakita. "Wow! Beef steak talaga? I love you na, best friend!"

Agad na napangiti si Vince at napansin niya ang pagdaan ng kakaibang kislap sa mga mata nito. "Sus! Beef steak lang pala ang katapat mo. Don't worry, para sa iyo talaga 'to. But I'll only let you have this if you'll forget all your worries today and we'll spend the whole day together. Is that a deal?"

"Sure! Iyon lang pala, eh." In fairness, pabor na pabor iyon sa kanya. Kahit ibigay mo na rin ang puso mo sa akin, walang problema. Lihim siyang napangiwi. Like... eeww! Anong klaseng ka-corny-han ang tumama sa kanya?

"Are you okay?"

Napapitlag man sa tanong na iyon ni Vince, tumango na lang siya with matching charming smile pa para walang mahalata ang lalaking 'to sa tumatakbo sa isipan niya. Mahirap na. Malalagot pa siya.

Mabuti na lang at nagawang i-divert ni Vince ang atensyon niya sa ginawa nitong pag-aasikaso sa kanya sa buong maghapon. She was indeed happy na para siyang isang prinsesa dahil doon. Talaga ngang nakalimutan niya ang mga isiping bumabagabag sa kanya nang ilang araw. But when night came, doon naman nag-isang bagsakan ang mga pinakatatagong alalahanin. Hindi na talaga niya alam ang gagawin.

And her way of releasing her damned frustrations? She cried, silently but hard.

= = = = = =

KUMUNOT ang noo ni Ayumi nang makita ang isang light blue na envelope sa page ng sketchpad niya kung saan naroon ang hindi pa niya natatapos na iguhit.

"Ano na naman bang pakulo ito?" naitanong na lang niya sa sarili. Subalit kinuha pa rin niya ang envelope at nang buksan niya iyon ay may isang note na nakalagay roon. "Ang sosyal namang note nito. May envelope pa talaga."

But her heart skipped a beat when she read the note's content. Well, dapat pala ay inasahan na niya na si Vince lang naman ang nakakapasok sa silid nang hindi niya namamalayan. Palibhasa, mahilig yatang mag-ninja moves kaya lagi na lang siyang nagugulat sa mga biglaang ikinikilos nito—lalo na pagdating sa kanya.

So ano'ng gusto mong palabasin? Na may pagnanasa siya sa 'yo?

What the—? Pagnanasa talaga? Hindi ba puwedeng pagtingin muna?

Pero sino ba ang niloloko niya? Oo nga, espesyal na maituturing ang mga kilos ni Vince lalo na kapag siya ang concerned. Though she could still attribute it to the fact that they were friends ever since, hindi rin niya maikakaila na hindi miminsang humiling siya na sana ay may mas malalim pang kahulugan iyon. Kahulugang magtutugma sa nararamdaman niya para rito.

Pumunta ka sa burol pagdating ng alas-siyete ng gabi. Wear the dress I chose for you, okay? And please, be beautiful like you're a princess. Pero kailangan mo pa nga bang gawin iyon? Matagal ka naman nang maganda. Haha! Huwag kang kiligin, ha? It's just the truth.

Vince

"Eh loko-loko rin pala 'tong mokong na 'to," naisatinig na lang niya sa kabila ng pag-iinit ng mga pisngi niya dahil sa nabasa. May please, be beautiful at huwag kiligin pa talagang nalalaman ang lalaking iyon. Naipaypay tuloy niya ang hawak na envelope sa mukha niya.

Wala sa loob na napatingin siya sa orasang nakasabit malapit sa sliding door patungo sa veranda ng silid na gamit niya. 5:46... Mahaba-haba pa pala. Sige na nga. Paghandaan na lang ito. Nakakahiya naman kay Bossing Baby Boy. Napahagikgik siya sa naisip. Siya naman ang tumatawag ng Bossing sa taong nagpapakilig sa kanya nang mga sandaling iyon. Nasisiraan na yata siya.

Hindi na nagpalipas pa ng ilang sandali si Ayumi at nag-umpisa na siyang mag-ayos para sa "date" niya kay Vince. She really took her time. Gaya nga ng bilin nito, ang summer dress na pinili nito para sa kanya ang isinuot niya. This time, it was the same as the envelope where the note was placed. Ano ba'ng meron sa color blue at iyon ang naisipan nitong ibigay sa kanya nang araw na iyon? She put her hair in a loose single braid at naglagay lang ng pulbos at lipgloss bago niya nasabing okay na ang itsura niya.

Mukhang blooming na ako nito, ah. Napangiti siysa sa isiping iyon bago napatingin sa orasan. May 30 minutes pa pala. In fairness, na-enjoy niya ang ginagawang pag-aayos sa sarili kahit na ba parang nagde-demand lang ang bruhong Vince na iyon sa pagpunta niya sa burol. Pero kailan ba niya hinindian ang lalaking iyon?

Tatlong katok ang narinig niya sa pinto bago bumukas iyon at iniluwa si Manang Belen.

"Mukhang tapos ka nang mag-ayos, ah."

Tumango siya. Tiningnan niyang muli ang sarili sa harap ng salamin at sumabay na sa babae na lumabas ng kanyang silid.

= = = = = =

KULANG ang sabihing namatanda si Ayumi sa tumambad sa kanya sa burol nang makarating siya roon matapos ihatid ni Mang Luciano. The area was field with candlelights on the ground. Well, they were scented candles na talaga namang ikinalat sa buong paligid ng burol na iyon. Mas maraming kandila ang ikinalat sa lugar malapit sa pinagtatambayan nila ni Vince dati. If there one was word she could find to describe it, that would be "magical".

"Alam mo, matagal ko na 'tong gustong gawin. Kahit noong nasa high school pa lang tayo."

Napalingon siya sa pinagmulan ng tinig na iyon. Nakita niya ang paglapit ng guwapong-guwapong si Vince na nakaporma pa talaga para lang sa gabing iyon. Gusto tuloy niyang matawa dahil kaparehas ng kulay ng suot niyang summer dress ang kulay ng polo nito na pinaresan ng khaki slacks at leather shoes.

"What's with the color blue at ganito ang pinili mong kulay para sa suot natin, ha?" tanong na lang niya upang itago ang kaba at excitement na nararamdaman sa mga magaganap sa gabing iyon. Grabe nga talaga kung mag-ninja moves ang lalaking ito pagdating sa mga sorpresang natatanggap niya mula rito.

Kaunti na lang talaga at hindi na mate-take ng puso niya ang sobrang excitement.

"I just like the shade. At saka naalala ko kasi na ito 'yong kulay ng suot mong jacket noong unang beses tayong naging magkaibigan. Ito rin ang kulay ng payong na unang beses nating pinaghatian—hindi naman sa atin iyon." At lumabas ang malalim na mga dimples ni Vince nang mapangiti ito dahil sa alaalang iyon.

Maging siya ay napangiti na rin. "Mabuti ka pa, ang linaw ng pagkakaalala mo sa mga iyon. Ako, iilan na lang ang malinaw sa akin."

"Baby Girl..."

Nang mag-angat siya ng tingin, muntik na siyang mapaatras nang makitang ilang dangkal na lang pala ang layo nito sa kanya. Ang bilis naman nitong kumilos! "B-bakit?"

"Kaya ko ginawa ang lahat ng ito ay dahil gusto kong tulungan kang huwag kalimutan ang mga ito—lalo na ang tungkol sa ating dalawa," seryosong saad ni Vince.

"Ha? A-ano naman ang... tungkol sa ating dalawa?" Huwag mag-assume, Ayumi. Huwag kang mag-assume kung ayaw mong ma-disappoint. Pero kailan ba nakinig sa isipan niya ang damdamin niya? Hayun nga at kuntodo na sa paghiling ang puso niya na may ibang nais ipagkahulugan ang mga sinabing iyon ni Vince.

"Saka ko na sasabihin. We'll stay together this way for the whole night, okay? And please lang, huwag ka nang tumingin sa view, ha? Same rules apply. Ako lang ang titingnan mo nang matagalan habang magkasama tayo. Ayokong may kaagaw na iba sa pagtinging ginagawa mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Hindi na niya napigilan ang matawa sa narinig. What the heck! Ano bang mahika meron ang taong ito at nagagawa nitong palobohin ang puso niya sa samu't-saring damdamin at pag-asa na sumasakanya dahil lang sa mga kilos at salita nito? Sa katunayan, may kalabuan pa nga ang mga salita ni Vince. Yet they were powerful enough to send her heart in a major chaos.

"Sige po, Bossing Baby Boy," natatawa pa ring sagot niya.

Pero bumusangot naman ang binata. "Bossing Baby Boy? Para namang Boss Baboy ang isang ibig sabihin n'on."

"Hindi, 'no? Para ka kasing boss kung makautos ka sa akin, eh. Kaya ganoon ang tawag ko sa iyo. No ill intention when I thought about that, I swear!" At nagtaas pa talaga siya ng kanang kamay na tila nanunumpa.

Tumawa naman si Vince at napailing. "Sige na nga. Hahayaan na lang kita."

Matapos niyon, hindi na namalayan ni Ayumi ang bilis ng oras dahil talaga namang nag-enjoy siya sa moment nilang iyon. Idagdag pa ang ganda ng pagkakaayos ng paligid nila, aba'y talagang hindi na niya mamamalayan ang lahat maliban kay Vince na talaga namang nagbigay-kasiyahan sa kanya nang mga sandaling iyon. Hindi talaga niya maisip kung maikokonsiderang date ang ginagawa nilang iyon ni Vince.

Pero sige na nga. Pagbibigyan na niya ang sutil niyang puso habang naroon pa siya. Iisipin na lang niya na may espesyal na dahilan ang mga nangyayaring iyon. She would think that Vince was doing all that effort not just to impress her but to make her feel that she was really important to him—more than a friend.

"Let's dance," bigla ay anyaya ni Vince.

Muntik na niyang maibuga ang iniinom na orange juice. "Ano? Hello, Mr. Castagnia, wala po tayong music para sumayaw, 'no?"

"Ano'ng tingin mo sa akin, hindi pinaghandaan ito?" Mayamaya ay inilabas nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon nito at tila may hinahanap doon. Ilang sandali pa ay pumailanlang ang isang pamilyar na kanta dahilan upang mapasinghap siya. Tumingin naman sa kanya si Vince at ngumiti. "The song that played where we first dance together."

Namalayan na lang niya ang sarili na tinatanggap ang nakalahad na kamay ng binata at hindi nagtagal ay nagsasayaw na sila sa saliw ng musikang nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay nilang magkaibigan noon... na tiyak nang iba ang patutunguhan ngayong kumpirmado na niyang mahal na niya ito.

Perhaps love is like a resting place, a shelter from the storm. It exists to give you comfort. It is there to keep you warm. And in those time of trouble when you are most alone, the memories of love will bring you home. Perhaps love is like a window; perhaps an open door. It invites you to come closer. It wants to show you more. And even if you lose yourself and don't know what to do, the memory of love will see you through...

She placed her head on his chest and closed her eyes as he held her close. As she listened to his heartbeat like that, she knew one thing about herself. At that point, the only home she could ever consider living would be the time when he finally let her enter his life—in his heart.

"I'm definitely home right now..." bulong ni Vince na ikinakunot-noo niya.

Nag-angat tuloy siya ng tingin dito. "May sinasabi ka?"

Umiling ito at muli siyang niyakap habang sumasayaw. All she wanted was to cherish that one beautiful moment. At sisiguraduhin na talaga niya na hinding-hindi niya malilimutan ang lahat ng mga iyon. Kahit na anong mangyari.

Perhaps love is like the ocean, full of conflict, full of change. Like a fire when it's cold outside, or thunder when it rains. If I should live forever and all my dreams come true, my memories of love will be of you...

Vince would really be a part of her memories where she knew what it was like to feel so much love. At least sa bagay na iyon, sigurado na talaga siya.

No comments:

Post a Comment