Monday, January 4, 2016

Journal entry — July 5, 2006

Ano ba namang klaseng araw ito? Nagkaroon nga ng suwerte pero pinalitan naman ng kamalasan. Kung bakit ko pa kasi inilabas itong diary ko, eh. It happened like this:

It was our science subject. Ibinigay lang sa amin ng teacher namin ang activity na supposed to be gagawin namin for an hour. I think it's all about conversion of base units or about significant figures (I don't remember kasi yung activity na iyon, eh).  After I wrote down the given, I brought out my cellphone in my pocket. Then nabigla ako nang biglang magtanong si JA ng sagot sa question. And before ko nasabi sa kanya ang answer (masyado talaga akong mapagbigay ng answer), nakita niya ang cellphone ko. He asked me kung cellphone ko iyon, then I said yes. The next question he asked was kung ano ang SIM na gamit-gamit ko and I said Globe ang gamit kong SIM. I don't even know na Globe din pala ang gamit niyang SIM. But the thing I was shocked about was that noong gusto niyang kunin yung cellphone number ko. THAT IS THE GOOD LUCK THAT I WAS TALKING ABOUT.

And then the next was the bad luck. Wala ang teacher namin sa MAPEH pero ipunautos niya kay Jhona ang gagawin. Ako naman eh tinamad magsulat kasi ang haba-haba. Kaya ang nilabas ko na lang eh iyong diary ko. And this is it! Nakitang una ni GB iyong diary ko and kinantiyawan niya pa si JA na tingnan iyon. I was really nervous that I don't know the reason. Then habang pinag-uusapan nila iyong picture sa diary ko, I was shocked because hindi ko akalain na babasahin nila iyong nasa loob ng diary. Noong sinabi nila na sa first page lang ang babasahin nila, pumayag naman ako. Then after a few moments, nagulat na lang ako nang mabasa nila yung part tungkol kay JA it was clearly identified kung sino siya.

I don't know if this is a lucky day or a bad day.

But nung tinext niya ako, kinonfirm ko naman kung galit ba siya o hindi. I don't know if I'm going to believe it pero sabi naman niya na hindi siya galit. But I'm not sure about it.

Ano ba namang klaseng kamalasan ito?

***

I think around this time, nadala na akong dalhin ang journal ko anywhere maliban sa bahay o di kaya ay sa mga out of town trips. Then again, ano ba ang pumasok sa isip ko that time at dinala ko ang journal ko? Hmm...

No comments:

Post a Comment