ABALA si Ayumi sa tinatapos na final touches ng iginuhit niya nang umagang iyon. Alam niyang hindi pa niya maiistorbo si Vince sa workshop nito hanggang hindi pa oras ng pagkain nito. Isa pa, ibinaling niya roon ang nararamdamang pag-aalala para sa binata nang mapansin niya ang katamlayan nito. Bagaman sinabi nito na wala namang problema, hindi pa rin siya mapalagay.
Sa katunayan ay gusto na niyang sugurin ang workshop nito at bulabugin ito para lang kumalma siya kapag natiyak niyang wala naman talagang problema ang binata. Pero dahil tinamaan ng hiya at paggalang na rin sa working hours nito sa pagtapos ng obra nito, pinili niyang manatili sa silid niya. Kalaunan ay napatungo siya sa pool area nang maisipang ituloy na lang ang naudlot na sketches niya nang mahulog siya mula sa veranda. Kahit ayaw niya, naaalala niya ang takot na naramdaman noong mga panahong nahulog siya mula roon. If it wasn't for Vince catching her on time, tiyak na siya ang inaalagaan ngayon at hindi ang binata.
Kumunot ang noo niya nang maulinigan ang tila humahangos na kasambahay sa loob. Nang lingunin niya iyon, nagtaka siya sa pagkatarantang nakikita niya sa mukha ni Manang Belen habang palapit ito sa kanya. Inilapag niya sa isang tabi ang sketchpad at lapis na hawak.
"Ano po'ng problema, Manang?" hindi niya napigilang usisa sa babae.
Hinayaan muna niyang makahinga ito nang maayos bago ito nakasagot. "Si Senyorito Vincent, Ayumi! Mataas ang lagnat!"
Bigla ang pagbundol ng matinding pag-aalala para kay Vince nang tuluyang rumehistro iyon sa isipan niya. "Lagnat? Paano ho nangyari iyon? Nasaan na siya? Naroon pa rin ba sa workshop?"
"Binuhat na siya ni Mang Torio papunta sa silid ni Senyorito. Kinakatok ko kasi siya kanina dahil tumawag si Donya Margaret para mangumusta pero walang sumasagot. Nang makita kong hindi naman naka-lock ang pinto, pumasok na ako nang diretso. Pero nakita ko naman na siyang walang malay at inaapoy ng lagnat."
Iyon lang at walang lingon-likod na tinungo niya ang nasabing silid para makita ang kalagayan ng binata. Hindi magkaugaga ang mga maids na naroon sa paghahanda ng mga kakailanganin para mapababa nila ang lagnat nito. Bagaman gusto niyang pagtakhan kung paano nangyaring nagkatrangkaso si Vince, isinantabi na lang niya iyon sa kanyang isipan. Ang mahalaga sa mga oras na iyon ay masigurong gumaling ang kaibigan niya.
Inabot din ng ilang oras na pagpapalit ng basang bimpo at pagpunas sa tumatagaktak na pawis bago nila nagawang mapababa kahit bahagya ang temperatura ni Vince. Pero hindi pa rin kumakalma si Ayumi. She had to make sure na talagang wala na itong lagnat bago pa niya masabing okay na nga ang binata at wala na siyang dapat na ipag-alala. Come to think of it, kailan nga ba huling nilagnat ang lalaking ito noong magkasama pa sila ten years ago?
Grabe, hindi na niya matandaan. Sipunin ito noon, oo. Pero hindi pa niya nababalitaang nilagnat ito nang ganoon. Ngayon lang, kung kailan naman malaki na sila pagkatapos ng sampung taong hindi nagkasalubong ang mga landas nila.
"Ang tindi mo pala pagdating sa pagbibigay ng alalahanin sa akin, 'no, Baby Boy? Kung alam mo lang, hindi ko na makuhang kumalma. Please hear this, Vince. Magpagaling ka na, please. Para sa akin. Ayoko kasing nakikita kang nahihirapan, eh. Mas lalo akong nahihirapan para sa iyo, alam mo ba 'yon? Ganoon katindi ang epekto mo sa akin." Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kamay nito. Dinala niya iyon sa mga labi niya at ginawaran ng isang masuyong halik. "I hate it when you suffer like this, Baby Boy. Siyempre, ikaw lang ang nag-iisang Baby Boy ng buhay ko, eh. Kaya handa akong ipagtanggol ka mula noon hanggang ngayon. Simpleng lagnat man ito, you need to overcome this, okay?"
Hay... Bakit ba nakuha pa talaga niyang magdrama? Besides, as if Vince could actually hear it. Pero ano nga kaya ang gagawin niya kung narinig nito ang mga sinabi niyang iyon? How would he interpret it?
Nanatili siya sa tabi ni Vince na hawak-hawak pa rin ang kamay nito. Hindi niya binitawan iyon. Hindi niya alam kung bakit pero naroon sa isang bahagi ang perfect feeling habang nagdaop iyon. Like it was meant to be that way and nothing else. But does she even have the right to feel something like that?
= = = = = =
NAGMULAT ng mga mata si Vince nang maramdaman niyang tila may hawak-hawak siyang kung ano nang ikilos niya ang mga daliri noong maalimpungatan siya. Pinakiramdaman muna niya ang sarili at masaya siya na hindi na ganoon kasama ang pakiramdam niya. Hindi gaya noong magising siya noong umagang iyon na tila ba may mabigat na nakadagan sa kanya. Idagdag pa ang pananakit ng ulo niya. Hindi na lang niya sinabi kay Ayumi ang tungkol sa nararamdaman niya dahil hindi niya ito gustong mag-alala na naman sa kanya. Pero hindi naman niya akalain na tuluyan pa talaga siyang mabubuwal habang nasa kalagitnaan ng tinatapos niyang obra. Basta ang huling naaalala niya ay nagdilim ang kanyang paningin nang tumindi ang bigat ng pakiramdam niya.
Iniikot niya ang tingin sa paligid. Nang maalala na may hawak-hawak pala siya, agad niyang tiningnan kung ano iyon. May kung anong mainit na kamay na humaplos sa puso niya nang makitang ang kamay pala iyon ni Ayumi na kasalukuyang natutulog na hindi binibitiwan ang kamay niya sa gilid ng kama.
Mukhang hindi ako iniwan ng babaeng ito buong magdamag, ah. But instead of waking her up and letting her know he was awake and feeling better, pinagkasya na lang muna niya ang sarili na pagmasdan ang payapang pagtulog nito na mahigpit na nakahawak sa kamay niya. Tila nakadagdag sa lakas niya ang ginawang iyon ni Ayumi. The way she held his hand like that—para bang ipinaalam nito na naroon lang siya at hindi siya iiwan.
"Sana nga, Baby Girl. Sana hindi mo na ako iiwan." Until it came to him na siya nga pala ang umalis at lumayo sa kanilang dalawa—hindi si Ayumi.
At sa pagmamasid na ginagawa niya sa dalaga, unti-unting nagsidatingan sa kanyang isipan ang mga pangyayaring rumehistro pa naman sa utak niya habang nagdedeliryo siya.
"Please hear this, Vince. Magpagaling ka na, please. Para sa akin. Ayoko kasing nakikita kang nahihirapan, eh. Mas lalo akong nahihirapan para sa iyo, alam mo ba 'yon? Ganoon katindi ang epekto mo sa akin..." Hindi niya napigilang mapangiti. Did Ayumi really say those words?
Kung iisipin niya nang maayos, marahil ay may iba nang ibig sabihin ang mga salitang iyon. But he didn't want to give his heart some false hopes. Baka ikasira pa iyon ng pagkakaibigan nila ni Ayumi—which was a relationship that he coulnd't help hating. Ilang beses na nga siyang nagpapahiwatig na hindi na iyon ang gusto niyang relationship nila nito pero parang wala lang ang mga iyon sa dalaga. Dumating pa nga sa puntong hindi na niya napigil ang sarili at nahalikan pa niya ito. Dapat siguro niyang sisihin ang ngiti nito, o ang pagiging concerned nito. Hindi pa niya matukoy. Pero ang masakit, parang balewala lang rito iyon.
Hindi siya sigurado kung ilang minuto rin niyang pinagmasdan ang pagtulog ni Ayumi. Hindi na muna siya nagtangkang kumilos na maaaring ikagising nito. For now, he'd rather watch her like that. Ilang sandali pa, namalayan na lang niya ang sarili na dahan-dahang bumabangon upang hindi maalimpungatan si Ayumi. Before he could stop himself, he placed a soft kiss on her lips for a few moments. He smiled gently after that before going back to his sleeping position. Muli siyang nakatulog at hindi pa rin tinatangkang alisin ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
= = = = = =
"YES! Natapos ko na rin!"
Gulat na napatingin si Ayumi sa pinagmulan ng boses na iyon. Abala siya sa paghahanda ng pananghalian nila ni Vince sa kusina kasama si Manang Belen nang marinig niya ang paghiyaw na iyon ng binata. Nagtataka tuloy siyang napatingin sa matandang babaeng kasama niya nang mga sandaling iyon.
"Wagas lang makasigaw, ah. Ano na naman kaya ang topak ng lalaking iyon?" saad na lang niya habang ipinagpapatuloy ang pag-aayos ng mga pagkain sa mesa.
"Lagi na lang bang may topak si Senyorito Vincent sa 'yo kapag ganyan siya, Ayumi?" nangingiti namang tanong ni Manang Belen sa kanya.
"Hindi naman po sa ganoon. Kung alam n'yo lang kung paano ako gulatin ng lalaking iyan ng mga reactions niya na hindi ko alam kung para saan at bakit siya nagkakaganoon, naku, baka magtaka rin kayo kung normal pa nga ba si Baby Boy."
Pero bago pa man makasagot si Manang Belen sa sinabi niya, napatili naman siya nang biglang may pumaikot sa baywang niya at namalayan na lang niya ang sariling ipinapaikot habang buhat-buhat.
"Ano ba, Vince? Bitiwan mo nga ako ngayon din!" tili niya na agad namang sinunod ng binata. Nang harapin niya ito, bigla naman siyang niyakap nito nang mahigpit na tila ba ayaw na siya nitong pakawalan. Seryosong usapan, ano ba'ng masamang ispiritu ang sumanib sa kaibigan niyang ito—na walang dudang pinapabilis na naman ang tibok ng puso niya dahil sa mga pinaggagagawa nito sa kanya—at ganoon ito?
Nagpilit siyang kumawala sa yakap nito at nagtagumpay naman siya kahit papaano. Kaya lang, sinalubong naman siya nito ng napakatamis na ngiti nang magawa na niyang tingnan ang mukha nito. Nakakalokang buhay naman ito! "Ano naman ang nginingiti-ngiti mo riyan, ha? Sinapian ka ba?"
"Masaya lang ako. Akalain mo iyon, natapos ko na ang obra ko matapos akong pahirapan n'on nang todo," maluwang ang ngiting anunsyo nito at niyakap siya uli nang mahigpit. "Thank you for everything, Baby Girl. I really owe you my inspiration."
Samantalang siya, hindi niya alam kung paano magre-react nang tama sa narinig. Oo nga, masaya naman talaga siya dahil maituturing na panibagong dahilan ng success nito ang obra nitong iyon—na mukhang hindi na niya magagawang alamin kung ano ba ang itsura niyon. Pero mas lamang talaga ang hindi maipaliwanag na lungkot na lumulukob sa kanya. Hindi rin sapat ang yakap na iginagawad ni Vince sa kanya para pawiin iyon.
Come to think of it, lampas isang buwan na rin pala siyang nasa mansion ng mga Castagnia. Ibig sabihin, ilang linggo na lang at matatapos na rin ang bakasyon niya. Habang ang binata ay aalis papuntang Paris para sa exhibit na kailangan nitong daluhan.
"O, bakit natahimik ka?" puna ni Vince nang ilayo siya nito at tingnan ang mukha niya.
Umiling na lang siya at pilit na ngumiti. "Wala namang dahilan. Congrats, ha? Mukhang sisikat ka na naman niyan, ah."
"Hindi ko alam. Pero kung ganoon nga ang mangyayari, I'll always remember the one who actually gave me the strength to fulfill this dream." Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at tiningnan siya nang mataman. "I want you to do the same thing, okay?"
"Ha? Same thing?" Ano'ng tinutukoy ng lalaking 'to?
"Yeah. Same thing. Remember the one who gave you the strength to continue besides your grandparents. Trust me, malaki ang naitutulong n'on."
Paano kung sabihin niya na ito lang naman ang naiisip niyang umaakma sa deskripsyon na iyon? Would he believe her?
No comments:
Post a Comment