Monday, February 29, 2016

Unveiled Love In Winter 1 - Moments Like This

UNVEILED LOVE IN WINTER

Standard disclaimer applies. You are warned that the characters might not be in their usual selves (in other words, possible OOCness).

Author's Notes: The setting of this story is in first year high school. Momoshiro and Kaidoh aren't exactly present in this part of the story since they are still in middle school, only in their third year. Ryoma isn't present either as he was residing in America (at least he was in this story). The timeline and original anime plotline will somehow be changed in this fanfic, especially about Tezuka supposed to be going to Germany, Oishi supposedly not going to enroll in Seigaku's High School Division, and Kawamura supposedly going to quit tennis to pursue being a sushi chef. In any case, this is my story so I guess that's one of the changes that I had to do.

This is my first attempt to do a Kawamura/OC fanfic. I'm not sure how this story will turn out but I hope you enjoy reading this one. I know I haven't written anything in months—or maybe even a year (literally). I've been busy with so many stuffs and other writings, that's why. Anyway, thank you!Enjoy reading!

-x-x-

Chapter 1: Moments Like This

"Good work, everyone! Keep it up!" a voice beamed with encouragement to the members of Seigaku's High School Female Tennis Team as the first years did forehand swings as part of their trainings.

Well, that went to the first year non-regulars.

Practice matches were the second and third year non-regulars's training in order to make sure that they weren't slacking off. Even though they were non-regulars, it wasn't a reason for them not to be in good shape, especially now that the girls' tennis team would be heading to Nationals in two months' time.

Friday, February 26, 2016

I Won't Ever Leave You - Chapter 5

"BAKIT panibagong mga sulat na naman ang laman nito?" nagtatakang tanong ni Joel.

Mga nakatuping papel na naman at isa ring hardbound notebook ang nakalagay sa kahon.

Noon lang naisipang buksan ni Fate ang hawak nitong diary na may simbolo ng red rose.

Sa unang pahina ng nasabing diary pagbukas na pagbukas nito ay may nakasulat na ganito: Criselda Santos-dela Vega. The Truth Behind My Bestfriend's Murder.

Thursday, February 25, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart - Chapter 3

APAT na araw lang ang nakaplano. At least sa bagay na iyon ay sigurado si Lianne. Ito ang unang araw niya sa bayan ng Casimera at magiging tour guide daw niya si Renz. Pero sa totoo lang, hindi naman na nito kailangang umasta na bagong salta lang siya roon. Isang beses sa loob ng limang taon kung magpabalik-balik siya roon. At kapag may pagkakataon rin lang ay namamasyal siya.

It was her way of relaxation, after all. Idagdag pa na kahit bakas na ang pagkamodernisado ng bayang iyon, hindi pa rin nawawala ang mga malalagong puno at mga halamang talaga namang nakakatulong sa relaxation niya. Isa kasi sa mga madalas nilang puntahan ni Riel noon ay ang tagong Argatha Forest. Gaya ng Saint King Temple sa Casimera, maalamat at misteryoso rin ang kagubatan ng Argatha. Kung hindi siya nagkakamali ay may kalayuan din iyon sa bayan.

Gaya ng naunang plano, si Renz ang nag-astang tour guide niya sa bayan kahit na hindi naman niya iyon kailangan matapos magpahinga ng ilang oras pagpasok niya sa hotel suite na ini-reserved nito para sa kanya. He said that he was going to make it up for the times na hindi sila nagkasama nang nagdaang taon.

"Ang drama mo na naman, alam mo 'yon?" nangingiti na lang niyang tugon sa pahayag nitong iyon.

Tuesday, February 23, 2016

Wattpad Story Comment: "Paper Planes Back Home" by taratriestowrite

Title: Paper Planes Back Home

Writer’s Username: taratriestowrite

Description:

When Gianna wakes up on a cloud, she is disoriented yet fascinated. She thinks she’s only dreaming until she gets a storm of paper planes. “They’re thoughts of people who remember,” a man on another cloud tells her—each pleading her not to leave. The man tells her these planes are the key to get out of there, and while she thinks it’s hard to believe, she decides everything is worth trying if it meant finding her way back home.

Monday, February 22, 2016

Journal entry — July 23, 2006

I just can't get it talaga! Ano ba'ng ibig niyang sabihin na maiintindihan ko rin siya kung naranasan ko na wala kang magulang sa tabi mo at nakatira sa step family niya?

Kung ano-ano na talaga'ng iniisip ko...

Sunday, February 21, 2016

The Sunday Currently # 11

Okay. Yes, I know. I missed another Sunday that I was supposed to post something like this. I got busy with other stuffs, that’s why I forgot writing something like this. But thankfully, I got another chance to write another volume of this blog post. I haven’t been posting my Saturday Night Thoughts blog post for how many Saturdays now. So I don’t want to miss another Sunday Currently blog post.

Well, at least I can say that the past two weeks had been pretty okay to me. And yes, I finally got the feedback for my manuscript that had been under evaluation for almost a month and a half. I got a revision. At least, it’s close to being approved, right? I just need to revise it using the pointers they gave me. Hopefully, when I’m done and I submitted it again, it won’t be returned to me.

It’s a cold February here in Baguio, I must say. But that doesn’t actually stop me from writing more stories as soon as I’m done with one. And I started joining blog tours. Well, I just joined one for now. But I participated in Ms. April’s little project called #FilipinoFriday that aims to support English novels authored by Filipino writers. And I like it, to be honest. I already posted two of the book reviews for #FilipinoFriday and I hope if you have time, you can read it. Who knows? Maybe it’ll spark your interest and will make you purchase those books one day.

So this Sunday, I’m currently:

Saturday, February 20, 2016

Eight Celestial Points

Okay… So for now, I’m still typing down the second scene of TLSOTE’s Hunt 38. At this point, though, nag-report na si Tetsuya kay Mamoru tungkol sa mga natuklasan niya sa bayan ng Casimera. As I’ve previously mentioned in the other TLSOTE chapters, isa ang Casimera–particularly ang templo roon–sa kabilang sa Eight Celestial Points ng Yasunaga clan sa Pilipinas. But in the story, the exact names and locations of each point weren’t explicitly mentioned. In fact, medyo vague pa ang pagkaka-describe sa mga ito.

Lahat ng descriptions ng Eight Celestial Points, nakaukit sa templo sa Casimera na pinasabog nga lang ng Dark Rose. At dahil pinasabog ang templo, nasira rin ang pinag-ukitan ng mga descriptions na iyon. That is, until Akira found a way to combine the broken codes and descriptions together again.

EIGHT CELESTIAL POINTS and its descriptions:

1. Aeraven Lake - The moonlit mere guarding the will of the four roses.
2. Argatha Forest - A shrouded woodlands guarding the sword of time.
3. Eirene Tower - The sun-colored stronghold guarding the symbol of the dragon.
4. Lorlea Valley - The valley of the golden sunrise guarding the secrets of the sky.
5. Mt. Cleantha - A majestic summit guarding the stone of memories.
6. Quivira Lighthouse - A guiding light guarding the spirit of the white ocean.
7. Shiasena Temple - A sacred temple guarding the passages of hidden history.
8. Town of Casimera - The ethereal haven of the roses guarding the proofs of the last king.

Honestly speaking, ito ang napapala ng walang maisip gawin kapag hindi makapagsulat.

Friday, February 19, 2016

Book Review For #FilipinoFriday: "Cover (Story) Girl" by Chris Mariano

Title: Cover (Story) Girl

Author: Chris Mariano


Description: 

1) She has amnesia. 
2) She’s on the run from her father’s creditors. 
3) She’s enjoying her last days on earth. 

Ever since Jang Min Hee walked into Gio’s small museum, she’s given him one excuse after another about why she’s vacationing at scenic Boracay Island. Rarely has Gio’s neat and organized world been shaken like this. Soon he finds himself scrambling over rocks, hiding in dressing rooms, and dragging her out of bars. But how can Gio tell what's true from what isn't? Their worlds are getting unraveled -- one story at a time.

You can purchase the book using these links:

Prints (Visprint edition)

Available at National Bookstore, Powerbooks, and Fully Booked branches

You can also add this book to Goodreads.

Ratings: 4 stars out of 5

Thursday, February 18, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart - Chapter 2

GAYA pa rin ng dati, kumunot ang noo ni Lianne pagpasok niya sa White Rose Gates nang araw na iyon. Mahigit isang linggo rin siyang hindi nagtutungo roon dahil may pinuntahan siyang business conference sa Taipei at nagtagal iyon ng limang araw. Hindi na rin natuloy ang plano niyang um-absent ng isang araw dahil doon. Nang makabalik naman siya ng bansa, sumalubong sa kanya ang naipong mga paperworks dahil sa pagkawala niya roon. Kaya kahit gusto niyang magpunta sa restaurant at tumambay roon kasama si Riel ay hindi niya magawa.

Pero hind si Aeros ang dahilan ng pagkunot ng noo niya nang makarating siya roon. Though she had to admit, ito ang unang hinagilap ng mga mata niya sa pagpasok niya. Kumunot ang noo niya dahil sumalubong sa pandinig niya ang isang sad love song. Ano naman ang pumasok sa isipan ng kuya niya at ganoong mga kanta ang naisipang patugtugin sa radyo?

"Mukhang malala na yata ang saltik sa utak ng kapatid kong ito. Kailan pa naging sentimental iyon?" mahinang tanong niya sa sarili at umiiling pa na dumiretso sa mini-bar na naroroon kung saan niya naabutan si Riel. Abala ito sa pagpupunas ng mga wine glass doon. "Seryosong usapan, Kuya. Kailan ka pa naging sentimental? You don't usually play this kind of songs here."

"Just trying to relish the feeling of being heartbroken."

Tuesday, February 16, 2016

I'll Hold On To You 13 - Temporary Truce

[Relaina]

Wala na naman ako sa sarili ko. Pero naka-focus pa rin naman ako so far sa tinatahak kong daan palabas ng campus grounds. Katatapos lang ng practice namin ng ungas kong ka-partner. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga mapaniwalaan na ang ugok na kamoteng iyon ang ka-partner ko sa dance practicum namin sa PE.

Hindi ko alam kung sadyang minamalas lang ako pagdating sa mga gusto kong mangyari o may naglalaro lang talaga sa akin at gusto lang nitong sirain ang utak ko.

Pero laking pasalamat ko na lang talaga at nagawa kong kausapin nang matino si Brent pagdating sa mga gusto kong mangyari sa buong durasyon ng practice namin.

Pambihira naman kasi. Isa’t kalahating linggo kaming magsasama ng kamoteng iyon. Kung hindi nga naman talaga ako minamalas nang husto. Kakuntsaba yata ng Diyos ang tadhana para mangyari ang lahat ng iyon sa akin.

Monday, February 15, 2016

Journal entry — July 13, 2006

What a boring day! Hindi pa tumitigil ang bagyo. Pero magkahalong tuwa at lungkot ang napi-feel ko ngayon. Tuwa dahil kahit papaano mapapahinga ang utak ko sa kakaisip ng mga bagay tungkol sa studies ko. Lungkot kasi hindi ko siya makikita. And I'm not expecting na magre-reply siya sa akino maggri-greet man lang ng good morning o good evening. (Teka, bakit ba ako nag-e-expect ng too much from him?)

BASTA ANG ALAM KO, THERE'S SOMETHING FISHY GOING ON. AND I HOPE I'LL FIND IT OUT SOONER OR LATER. MABABALIW NA KASI AKO SA KAKAISIP NG MGA BAGAY NA ITO...

Friday, February 12, 2016

Book Review For #FilipinoFriday: “Forget Me Not” by Addie Lynn Co

Title: Forget Me Not

Author: Addie Lynn Co


Description:

Rianne has lost her memories of the past two years due to an accident, but letters from a mysterious “Sparks”—found in a pile of unread mail at home—have been helping her cope. The letters tell her of a couple’s love story, making her hope to find the same unconditional love someday.

Rebuilding her life has been a mess though: her guy best friend is claiming to have been her boyfriend that time, but she seems more at ease with a mysterious stranger. Does she trust the past she can’t remember, or take a chance with a more uncertain future?

Can your heart also forget what your mind could not remember?

You can purchase the book using these links:

You can also add this book to Goodreads.

Thursday, February 11, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart - Chapter 1

HINDI na napigilan ni Lianne ang mapakunot ng noo nang makapasok na siya sa restaurant na iyon na isa sa mga pag-aari ng kuya niyang si Riel—ang White Rose Gates. Madalas siyang magpunta roon lalo na kapag alam niyang naroon si Riel at nag-a-assist sa mga tauhan nito. Hindi naman siya nanggugulo roon. In fact, isa rin siya sa mga tumutulong sa nakatatandang kapatid kahit sabihin pa na abala rin siya sa pagpapalakad ng magazine publishing company na ipinagkatiwala sa kanya ni Riel nang maka-graduate siya.

Wala namang kaso sa kapatid niya ang pagpunta-punta niya roon. Mabuti na raw iyon at nagagawa pa rin siyang bantayan nito sa kabila ng pagiging abala sa iba pang bagay bukod sa pamamahala sa restaurant. She couldn't helped feeling amazed at the fact that his brother could be a monster when he wanted to do something.

One, his business. Two, taking care of her even though she was already 25 years old. And three, leading the Monceda clan's third branch—the White Rose Mihane—being the eldest child of its former leader. It was the clan that their late mother belonged to and once led, making Riel and Lianne the legitimate heirs to the position of being the leader. Doon kinuha ng kapatid niya ang inspirasyon sa pagpapangalan sa chain of restaurants na pag-aari nito. It was also a name that they've been trying to protect and uphold for a very long time.

Iyon ang isang bagay na hindi alam ng halos lahat ng nakakakilala sa kanya at sa kapatid niya. At kahit sabihin pang tapos na ang pinakamalaking problema na kinaharap ng kanilang angkan sa loob ng matagal na panahon, hindi pa rin nangangahulugan iyon na handa na silang ibulgar sa madla ang lahat.

Tuesday, February 9, 2016

I'll Hold On To You 12 - Finding Out The Answer

[Brent]

Malalim na buntong-hininga at isang determinadong tango. Isama mo na rin ang pagkakaroon ng klaro at straightforward na pag-iisip. Iyong wala nang paligoy-ligoy pa. Iyon lang ang kailangan kong gawin para kumalma, magkaroon ng lakas ng loob at ma-accomplish ang dapat kong gawin sa mga sandaling iyon.
Hindi naman madalas mangyari na kabahan ako nang ganito, eh. Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. May kailangan akong malaman at hindi ako uuwi hanggang hindi ko nalalaman ang sagot sa katanungang gumugulo sa akin sa mga sandaling iyon.
“Alam mo, 'tol, don’t even try ruining Relaina’s day any further at baka talagang mawalan na siya ng awa sa pagmumukha mo.”

Monday, February 8, 2016

Journal entry — July 12, 2006

Ano ba namang klaseng araw ito? Bumabagyo kasi eh dahil sa Tropical Storm Florita. And at the same time, hindi nagre-reply sa text ko si JA. Ewan ko lang pero talagang naninibago ako sa kanya. I felt like parang (or not) nilalayuan niya ako. Basta! I feel something weird talaga. (Hope not.)

At hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa sarili ko about this matter...

Sunday, February 7, 2016

This Has Truly Bothers Me...

“You’re such a worthless woman!”

“You’re just a woman who doesn’t know anything!”

These are the two sentences that bothered my mind for quite some time now. It’s making me crazy, I must say that. It really degrades me even though these are the words that one of my characters would say to the person he hates. Now I couldn’t help thinking. Am I really like this? Am I really someone who doesn’t know anything?

I’m naive, yes. Even at my current age of 24, I’m still someone who practically “lives under the rock”. Or as I’d like to call myself–a hermit. I’m quite contented being confined in my own world inside my head. I guess that’s one reason I never got to grow. I’m always scared of facing the world on my own.

For now, I’m truly clueless as to what I need to do. Even when people tell me what should I do, it seems that I can’t find myself having the guts and the drive to actually go through it.

Seriously speaking, I hate it. Only because it just proved, in some ways, that those words mentioned above were all true…

The Sunday Currently # 10

Okay, so I missed another Saturday Night Thoughts blog post (that was supposed to be posted yesterday). But that doesn’t mean I’m going to forget writing this one. Not much had happened over the week, if that’s what you’re going to ask me. I’m still waiting… and waiting… and waiting for something to happen. And it did.

At least on the part about my very first approved manuscript last October 2014. It would be released soon. In fact, www.ebookware.ph already posted it as part of its advance release in e-book format. And… I finally have a penname—an official one under My Special Valentine. So many feels about that, to be honest.

As for the other one I’ve been waiting for (okay, make that two), na-dah! So I really need to stretch my patience on those two if I want to acquire the result, whether positive or negative.

So this Sunday, I’m currently:

Friday, February 5, 2016

I Won't Ever Leave You - Chapter 4

When her orgasms stopped, she fell against the trunk of the tree, letting out a sobbing breath as she rested her forehead against the bark.

"Angela... how are you feeling?" Alexis couldn't help asking as he continued kissing her body ー from her center to her stomach until it reached her neck again.

After a few minutes of silence passed, Alexis began to rub circles on Angela's thighs and she let out a whimper. That only caused him to smile and continue stroking her inner thighs.

"Hindi ka pa ba tapos?" natatawang tanong ng dalaga.

Thursday, February 4, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart - Story Description

Story of Aeros Francisco and Lianne Willard

ーーーーーー

Sa lahat yata ng weird na bagay na nire-request ng kuya ni Lianne, ang tulungang maka-move on mula sa heartbreak ang kaibigan nito ang pinaka-weird sa lahat. Kailan pa siya naging love advisor? Idagdag pa na sa mga panahong nakasama't nakausap niya si Aeros Francisco, napupuna niya na parang pasimple siyang ibinubugaw ng kapatid niyang iyon sa binata. Kung wala siguro siya sa katinuan, nasakal na niya iyon. Pero hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit gusto naman niya itong tulungan.

Wala namang kaso sa kanya iyon. She has her own experience of heartbreak, as well, and she managed to move on from it. Iyon ang gusto niyang ituro kay Aeros para maka-move on na rin ito. Pero ang hindi alam ng karamihan, nagbigay ng matinding takot sa kanya ang heartbreak na pinagdaanan niya. Dahil doon ay hindi niya magawang magmahal nang hindi nararamdaman ang takot na iyon sa kanyang puso. 

Sa pagtulong na ginagawa niya kay Aeros, unti-unti niyang nararamdaman na hindi na niya kayang pigilan ang pag-usbong ng pag-ibig na lihim niyang itinatago sa kanyang puso para rito. Kasabay niyon ay ang takot na lagi niyang nararamdaman. Sa puntong iyon, kailangan niyang mamili kung mas gugustuhin ba niyang mahalin si Aeros at manatili ito sa kanya o ang mabuhay nang mag-isa at walang minamahal para lang mapawi ang takot na iyon.

Tuesday, February 2, 2016

I'll Hold On To You 11 - We're Partners!

[Brent]

“MA’AM, sigurado na po ba talaga kayo na final decision na ang pairings na ginawa n’yo para sa practicum namin? Hindi na po ba puwedeng palitan at pick-your-own-partner na lang?” tanong ko sa PE II instructor namin na si Mrs. Castro. I-announce ba naman kasi nito kaagad ang pairings para sa dance practicum ng klase namin.
Ewan ko lang talaga kung malaki ang galit sa akin ng instructor kong iyon o trip lang nitong mang-asar. Si Relaina ba naman kasi ang napili nito para maging dance partner ko. Hindi ko naman masabi kung talagang minamalas lang ako o tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkalapit kami ni Relaina.
'Sus! Malas nga ba talaga ang dala sa iyo ni Relaina? O baka naman natatakot ka lang mapalapit nang husto sa kanya?'
Hay naku! Kung puwede ko nga lang bang sipain at suntukin ang bahaging iyon ng isipan ko, tiyak na kanina ko pa nagawa iyon. Aba’y kanina pa ako n’on binabanatan ng mga pang-aasar. Pang-aasar na may bahid ng katotohanang hindi ko nga lang ganoon kadaling i-acknowledge sa sarili ko.

Monday, February 1, 2016

Journal entry — July 11, 2006

I don't know but I think it was a weird day today. Kasi naman po kaninang A.P. subject namin supposed to be eh Science naman po kaya lang walang teacher. Nang mag-transfer ng seat si JA eh bigla niya akong tinanong sa address ko. Ewan ko lang ha pero parang iba ang pakiramdam ko eh. It's like may balak siya or something pero hindi ko na inintindi.

Then the next thing. Kaninang Values subject namin, I felt something na parang naiilang ako kasi ang feel ko, nakatingin siya sa akin but nakatalikod ako. And kung titingin ako sa kanya, iniiwas niya.

Hay! Ewan ko ba!

Then kanina rin, nag-half day siya kasama nina _____ at _____.

Ano ba naman itong iniisip ko? Siguro nga ang laki na ng sira ng ulo ko...

****

The reason may blangko doon sa isang paragraph was because binura ko 'yong mga pangalan, for some reason. Hindi ko talaga alam bakit ko binura iyon, eh. Pero may palagay na ako kung sino 'yong isang kasama ni JA na nag-half day that day. Si GB 'yong isa. I don't recall the other one.