[Relaina]
Wala na naman ako sa sarili ko. Pero naka-focus pa rin naman ako so far sa tinatahak kong daan palabas ng campus grounds. Katatapos lang ng practice namin ng ungas kong ka-partner. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga mapaniwalaan na ang ugok na kamoteng iyon ang ka-partner ko sa dance practicum namin sa PE.
Hindi ko alam kung sadyang minamalas lang ako pagdating sa mga gusto kong mangyari o may naglalaro lang talaga sa akin at gusto lang nitong sirain ang utak ko.
Pero laking pasalamat ko na lang talaga at nagawa kong kausapin nang matino si Brent pagdating sa mga gusto kong mangyari sa buong durasyon ng practice namin.
Pambihira naman kasi. Isa’t kalahating linggo kaming magsasama ng kamoteng iyon. Kung hindi nga naman talaga ako minamalas nang husto. Kakuntsaba yata ng Diyos ang tadhana para mangyari ang lahat ng iyon sa akin.
Grabeng torture talaga sa bawat araw ko ang mga nangyayaring iyon. Pero no choice na ako. Nagdesisyon na ang instructor namin. I might as well go with it. Thankfully, cooperative naman so far ang ka-partner ko.
Bigla ko tuloy naalala ang nangyari dalawang araw na ang nakalilipas – ang araw na nag-umpisa ang practice namin ni Brent para sa dance practicum nila sa PE…
Buwisit talagang dance practicum iyan, kahit na kailan!
xxxxxx
Nakarating na kami ni Brent sa isang tagong bahagi ng auditorium kung saan iminungkahi nito na doon daw kami mag-practice dahil walang ibang estudyanteng nagtutungo sa lugar na iyon. Palibhasa kasi, pinamumugaran ng kung anu-anong katatakutang kuwento ang bahaging iyon ng auditorium. Pero so far, wala pa naman akong nararamdamang kakaiba roon.
Iyon ay kung mayroon nga ba akong dapat maramdaman sa lugar na iyon.
“At least dito, tahimik at makakapag-practice tayo ng walang istorbo mula sa ibang groups,” sabi ni Brent at saka nito inilapag sa kapapagpag na sofa doon ang dala nitong backpack. “Inalagay mo na dito ang bag mo.”
Walang salitang sinunod ko na lang ang sinabi nito at inilabas mula sa bag ang isang CD.
“May dala ka bang player na puwede nating magamit?” tanong ko na hindi ito hinaharap. Nakatutok kasi sa listahan ng mga tugtog na nasa CD case ang tingin ko. Kailangang makahanap ako ng magandang kanta para sa practice at para na rin sa practicum.
“Yeah.”
Napakagat na lang ako ng labi ko habang pinag-iisipan ko ang dapat gawin. Ano ba naman ‘to?
Ngayong nasa iisang lugar kami ni Brent na mukhang malabo talagang puntahan ng kahit sino, hindi ko alam ang dapat maramdaman. Heto nga’t nag-uumpisa na namang kumabog nang mabilis ang puso ko. Naturingan nang may ilang metro pa ang distansya naming dalawa ng lalaking kaasaran ko.
Grabe talaga…
Bakit ba kasi ganoon na lang ang nararamdaman ko pagdating sa lalaking ito? Pasalamat na lang talaga ako at hindi pa ito nakakahalata sa dilemma kong iyon. Ibang klase rin siguro ang paraan ko para pagtakpan iyon mula kay Brent.
Pero hindi ko naman ikakaila na lalo lang akong pinahihirapan niyon.
“…kanta ba ang gusto mong gamitin natin?”
Napapitlag na lang ako bigla nang rumehistro na sa isipan ko na may kasama pa nga pala ako. At ang lalaking iniisip ko nang mga sandaling iyon pa ang kasama ko. Naku, ‘kakahiya!
“A-ano na nga ulit iyong sinabi mo?”
Walang sagot na lumabas kay Brent. Bagkus ay kunot-noo itong nakatingin sa akin na para bang inaanalisa ako nito.
Hindi ko tuloy napigilang mailang. “B-bakit ka naman ganyan makatingin? M-may dumi ba ako sa mukha?”
Pero iba sa inaasahan ko ang lumabas na sagot nito. “Okay ka lang ba, Relaina?” tila concerned na tanong nito sa akin.
It caught me off-guard. Hindi ko na tuloy napigilang mapatingin lang kay Brent. For real? Concerned sa akin ang lalaking ito?
“Ano namang klaseng tanong iyan? Mukha ba akong hindi okay?” Tinungo ko na lang ang mesa kung saan nakapatong ang radio/CD player na dala ni Brent. Pero imbes na ilagay ko kaagad ang CD sa player, muli kong pinasadahan ng basa ang listahan na nasa casing.
Teka, ano nga bang kanta ang gagamitin namin para sa dance practicum?
Nagulat na lang ako nang maramdaman kong biglang may humawak ng kamay kong may hawak ng CD mula sa likod at iniangat nang kaunti malapit sa mukha ko. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ang nasa likuran ko nang mga sandaling iyon.
My proof? Kailangan ko lang pakiramdaman ang kakaibang kabog ng puso ko. Iyon na iyon.
“A-ano ba’ng ginagawa mo? Puwede mo namang kunin na lang sa akin ito nang hindi ka nakatayo diyan sa likuran ko.”
Pero isang nakakalokong ngiti lang ang iginawad ng mokong kong kasama. Grr! Seryoso lang talaga ito sa mga trip nito?
“Ayoko nga. Isa pa, mas maganda nang ganito. First step natin ito,” kaswal na turan nito habang patuloy pa rin ito sa pagtingin sa listahan.
“First step?”
Naramdaman ko naman ang marahang pagtango nito.
Kung bakit ba naman kasi nito naisipang lapitan ako mula sa likuran. Hayan tuloy, hindi ko na magawang pakalmahin ang tibok ng puso ko. Sana lang ay walang gawing pang-aasar sa akin ang kamoteng nasa likuran ko nang mga sandaling iyon kung sakali mang maramdaman nito ang nararamdaman ko.
“Waltz ang sasayawin natin, baka nalilimutan mo. So first, dapat masanay ka na sa physical contact,” kaswal na sabi nito.
“Sanay ako sa physical contact. Ang hindi lang ako sanay ay ang magkaroon ng physical contact mula sa iyo. Malay ko ba kung may plano ka pang manyakin ako ulit. Mabuti na iyong nakakasiguro ako.”
Gusto ko tuloy matawa. Hindi ako sigurado kung paano ko pa nasabi ang mga iyon. Sana lang ay mapagtakpan niyon ang nararamdaman kong kaba.
“Ikaw? Mamanyakin ko? Ms. Avellana, kung ikaw ay wala nang awa sa pagmumukha ko, ako meron pa. Mas mabuti pang ako na ang gagawa ng paraan para isalba ang guwapong mukha ko sa cariƱo brutalidad mo.” Iiling-iling pa ito at tuluyan nang kinuha sa kamay ko ang CD case.
Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maiinis lalo sa banat nitong iyon. But since he wasn’t actually doing anything disturbing to me, she might as well let him be… for now.
And for me to do that, iisa lang ang paraang nasa isipan ko nang mga sandaling iyon. “Matino ka bang kausap?”
Hinarap ako ni Brent na kunot ang noo. “Ha? Ano ba namang klaseng tanong iyan? Parang sinabi mo na ring baliw ako, ah.”
“Bakit, hindi ba?” Napailing ako. Heto na naman ‘tong kumag na ‘to, eh. Nililihis na naman kasi ng lalaking ito ang usapan. “Pero hindi iyon ang ibig kong sabihin. We need to do something to make this work. At hindi lang ako ang dapat na kumilos para mangyari iyon.”
“You mean…”
I sighed in hopes of calming my erratically beating heart. Buwisit na puso ‘to. Kung makatibok ng mabilis, ang tindi! “I-spare muna natin ang isa’t isa sa pang-aasar at kung ano pa mang gulo meron sa pagitan natin kapag nagsasalubong tayo. PE subject nga lang ito pero ayokong maperwisyo ang grade ko dahil lang doon.” Bumuntong-hininga ako pagkatapos n’on. “How about… we come up with a temporary truce? Hanggang sa matapos lang ang dance practicum.”
Pagkatapos kong sabihin iyon, naging kapansin-pansin sa akin ang biglang pananahimik ni Brent kasabay ng pagpapalit ng ekspresyon sa guwapong mukha nito. Mukhang pinag-iisipan nito ang suggestion ko. Habang ginagawa nito iyon, hindi ko naman napigilang pagmasdan nang palihim ang lalaking ‘to. Kahit pala seryoso o nagbibiro, hindi pa rin nawawala ang taglay nitong charisma.
Hay… heto na naman tayo, eh.
Oo na, sige na. Aaminin ko nang charismatic ang bugok na ‘to. Pero mabuti nang ko lang ang makaalam nito.
“You have a point. Pero bakit temporary lang?”
Nag-angat ako ng kilay. “Eh sa iyon ang gusto ko. Bakit ba?”
“Hindi ba puwedeng long-time na lang?”
Ha? Long time? Seriously? “Mangyayari lang iyon kapag matino na ang pagkakaayos ng mga lumuwag na turnilyo riyan sa utak mo at tigilan mo na ako sa mga pang-aasar at banat mo.” Iyon lang at muli kong kinuha mula kay Brent ang CD.
Buwisit lang talaga. Hindi pa pala nito inilalagay sa player ang CD. Napabuntong-hininga na lang ako.
“Eh alam mo namang hindi nabubuo ang araw ko hanggang hindi kita naaasar.”
I looked at him incredulously. At nagdahilan pa talaga ang loko. Akala mo naman kung sinong cute kung makangiti nang nakakaloko.
“Hopeless case ka na talaga.” Mukhang hindi ko na talaga ito makakausap nang matino. Ang simple na nga lang ng hiling ko, hindi pa nito magawa.
Narinig kong natawa si Brent pero hindi ko na ibinaling ang atensyon rito. Mas mabuti nang ganoon upang hindi nito mahalata na para yatang naaapektuhan ang buong sistema ko ng simpleng pagtawa lang nito.
Naku po, mukhang ako pa yata ang may saltik sa utak sa mga pinag-iiisip ko nang mga sandaling iyon.
“Ito naman, hindi ka na mabiro.” Narinig ko ang mga yabag nito na nagsasabing papalapit ito sa akin. “Matino akong kausap, okay? And I really know how much you push yourself para lang magkaroon ng magandang grade. Pero tandaan mo sana na hindi ang mga grades na iyan ang basehan ng talino’t kakayahan ng isang tao.” Bumuntong-hininga ito.
Doon ko nalaman na nasa likod ko na naman si Brent. Bakit ba ang hilig nitong pumuwesto sa likuran ko? Lagi na lang, kahit sa mga subjects kung saan ko kaklase ang mokong na ito.
“Okay. Let’s have a temporary truce.”
Noon naman ako tuluyang hindi nakaimik. Was this guy for real? Pumayag talaga ito sa gusto kong mangyari?
Napailing na lang ako nang palihim. Ang gulo talaga ng utak mo, Relaina Elysse. “You’re serious?”
Kumunot ang noo ni Brent at tiningnan ako na para ba hindi makapaniwala. “Wala ka talagang tiwala sa akin, ‘no? Ngayon namang nagpapakaseryoso na ako, ayaw mo pa akong paniwalaan.”
“Minsan ka lang kasing magseryoso. At hindi pa sa akin kaya malay ko ba kung seryoso ka talaga sa lagay na iyan.”
“I’m serious. For the sake of making this practicum work for the two of us, willing akong makipag-truce sa iyo kahit temporary lang. Satisfied?”
Seryoso nga ang mukha nito. Walang bahid ng biro. Well, I might as well go with this. Minsan lang mangyari ito.
Inilahad ko ang isang kamay ko rito. “It’s a deal then?”
Tiningnan nito ng ilang sandali ang kamay ko bago nito kinuha iyon. Pinigilan kong mapaigtad sa kung anong kuryente at sensasyong dumaloy sa mga ugat ko nang magdaop ang mga palad namin ni Brent.
“Deal.”
No comments:
Post a Comment