Thursday, February 25, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart - Chapter 3

APAT na araw lang ang nakaplano. At least sa bagay na iyon ay sigurado si Lianne. Ito ang unang araw niya sa bayan ng Casimera at magiging tour guide daw niya si Renz. Pero sa totoo lang, hindi naman na nito kailangang umasta na bagong salta lang siya roon. Isang beses sa loob ng limang taon kung magpabalik-balik siya roon. At kapag may pagkakataon rin lang ay namamasyal siya.

It was her way of relaxation, after all. Idagdag pa na kahit bakas na ang pagkamodernisado ng bayang iyon, hindi pa rin nawawala ang mga malalagong puno at mga halamang talaga namang nakakatulong sa relaxation niya. Isa kasi sa mga madalas nilang puntahan ni Riel noon ay ang tagong Argatha Forest. Gaya ng Saint King Temple sa Casimera, maalamat at misteryoso rin ang kagubatan ng Argatha. Kung hindi siya nagkakamali ay may kalayuan din iyon sa bayan.

Gaya ng naunang plano, si Renz ang nag-astang tour guide niya sa bayan kahit na hindi naman niya iyon kailangan matapos magpahinga ng ilang oras pagpasok niya sa hotel suite na ini-reserved nito para sa kanya. He said that he was going to make it up for the times na hindi sila nagkasama nang nagdaang taon.

"Ang drama mo na naman, alam mo 'yon?" nangingiti na lang niyang tugon sa pahayag nitong iyon.

"Uy, totoo iyon. Walang bahid ng kasinungalingan iyon, ah."

Nagpatuloy sila sa paglalakad at nililibot ang plaza. Mag-a-alas-tres na ng hapon at iyon na lang ang naisipan nilang gawin habang hinihintay ang oras ng paglubog ng araw. Plano nilang magkaibigan na panoorin iyon sa burol na malapit lang sa hotel. Doon siya madalas magtungo kapag gusto niyang mapag-isa at mag-isip sa tuwing magpupunta siya sa Casimera. Doon niya inaalala ang mga masasayang bagay na nangyari sa buhay niya.

Paraan niya iyon upang huwag tuluyang malugmok sa lungkot dahil sa biglaang pagkawala ni Henry sa buhay niya. Now, if only she could help Aeros do the same thing to himself. Sa naisip niyang iyon ay napakamot na lang siya ng ulo. Grabe, ano na ba 'tong nangyayari sa kanya? Bakit ba naiisip na naman niya ang lalaking iyon?

"O, ano'ng problema mo't inaaway mo 'yang ulo mo? Kung makakamot ka, parang gusto mo nang tanggalan ng buhok 'yan, ah."

Tiningnan niya nang masama si Renz na tumawa lang. "Wala ka talagang masabing matino ngayon, 'no? Binubuwisit na nga ako rito ng kung anu-anong kababalaghan sa isip ko, eh. 'Tapos ganyan ka pa sa akin."

"O, huwag ka nang magtampo. Ano ba kasi 'yang gumugulo sa utak mo ngayon at ganyan ka na pati ulo mo, inaaway mo?"

"Bigla ko siyang naiisip," wala sa sariling sagot niya habang nakasimangot.

Kumunot naman ang noo ni Renz. "Sino? Si Henry?"

Umiling siya. "Hindi si Henry. Si Aeros." Huli na nang namalayan niya kung ano ang nasabi niya. Kagyat niyang natutop ang kanyang bibig at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa katabing kaibigan. "I... I mean—"

"Huwag mong sabihing tinamaan ka na ng karisma ng pinsan kong 'yon?"

"Ha? Pinsan?" Imbes na pabulaanan ang naging sagot niya ay iyon ang nasabi niya. Magpinsan sina Renz at Aeros?

"Second cousin. Magpinsan ang Mama ko at ang Papa niya. Dapat ay isasama nila ako sa mga mamamahala sa mga kompanya ni Tito pero tumanggi ako. Kaya si Aeros ang kumuha ng mga dapat na trabahong para sa akin. Well, it was just two to three companies na gusto nilang pamahalaan ko. Pero bilib din ako kay Aeros. Nakaya niyang pamahalaan ang sampung kompanya na ipinagkatiwala sa kanya," nakangiti at tila proud na pagsasalaysay ni Renz.

Hindi niya napigilang mapangiti sa nakita. "Bilib na bilib ka talaga sa kanya, 'no? But that kind of responsibility usually comes with a price. At mukhang hindi basta-basta ang naging kapalit."

Tumango si Renz. "Tama ka. Ang girlfriend niyang si Maricar ang naging kapalit. Alam mo ba ang tungkol doon?"

"Hindi. Nasabi lang sa akin ni Kuya na brokenhearted si Aeros. Pero wala siyang sinasabi sa akin kung sino ang involved at ano ang dahilan ng break-up nilang iyon. Basta namalayan ko na lang na lagi siyang tumatambay sa White Rose Gates na parang wala sa sarili. Ang sabi nga ni Kuya, si Aeros ang brokenhearted na nasa katinuan pa rin ang pag-iisip kasi nagagawa pa niya nang maayos ang mga trabaho niya. Mabuti na lang daw at hindi pa naiisipang gumawa ng gulo ng lalaking iyon doon."

"And woah! Speaking of the devil."

Napatingin siya kay Renz nang marinig iyon. Nakita niyang nakatingin ito sa isang direksyon na agad naman niyang sinundan ng tingin. Ganoon na lang ang gulat niya nang masilayan sa isang waiting shed si Aeros at tila wala sa sariling nakatingin lang sa kawalan.

"Speaking of the devil, he's not in his self again." Kasunod niyon ay napabuntong-hininga na lang siya. "Wala talagang araw na hindi ko makikita ang lalaking ito na hindi tulala, 'no?"

"Ito naman. Brokenhearted, eh. Pagbigyan mo na."

"Renz, ganyan ba ako noong brokenhearted ako at nawalan ng fiance?"

"Magkaiba kayo ng naging sitwasyon kahit sabihin mo pang pareho kayong nawalan. Mas mahirap ang sa 'yo dahil wala ka nang pagkakataon na ayusin pa ang lahat. As for my cousin, he's just wallowing on the fact that he wasted a lot of time in his life to find someone suitable because of loving that wretched woman," paliwanag ni Renz na nagpaisip sa kanya.

Wala yatang nababanggit si Riel sa kanya tungkol sa bagay na iyon. Magkaiba kami ni Aeros ng sitwasyon pero parehong mahirap para sa amin na tanggapin ang lahat noong una.

Ang tunog mula sa cellphone ni Renz ang pumutol sa pagmumuni-muni niya at dahilan upang mapatingin siya rito. Si Ephraim ang tumatawag sa kaibigan niya. Nalaman niya iyon nang tawagin nito ang pangalan ng kausap sa kabilang linya. Mukhang may problema sa hotel at kailangan siya roon. Ilang sandali pa ay pinutol na nito ang tawag.

"Lianne, sorry. Kailangan kong bumalik sa hotel. May pinapaasikaso sa akin si Jet tungkol sa mga papeles na may kinalaman sa mga bagong staff na mag-uumpisang magtrabaho sa amin sa susunod na linggo," paliwanag ni Renz kasabay ng paghingi ng paumanhin.

Sumilay ang nakakaunawang ngiti sa kanyang mga labi. "Okay lang. Kaya ko namang pumunta sa burol nang mag-isa, eh. Isa pa, baka bisitahin ko na rin ang templo. Paniguradong marami na naman ang magpupunta roon bukas para sa commemoration at mahihirapan akong makasingit sa pag-aalay ng bulaklak."

"Sigurado ka bang okay lang sa 'yo?" tila hindi kumbinsidong tanong ng kaibigan niya.

"Ano ba? Huwag mo akong alalahanin, okay? Asikasuhin mo na muna 'yang pinapatrabaho sa 'yo para walang aberyang sasalubong sa inyo ng mga kasama mo kapag nagsidatingan na ang mga bago ninyong empleyado."

Niyakap muna siya nang mahigpit ni Renz bago ito nagmamadaling umalis at iniwan siya sa plaza. Ilang sandali pa ay nilisan na rin niya ang lugar na iyon.

= = = = = =

GAYA ng inaasahan, mangilan-ngilan lang ang naroon sa burol nang makarating roon si Lianne. Napailing na lang siya nang makitang magkakasintahan pa ang mga nakikita niya sa paligid. Pero hindi niya hinayaang makaapekto iyon sa kanya. Gusto niyang mag-relax at wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid nang mga sandaling iyon.

Naisipan niyang magtungo sa tuktok ng burol at tumambay sa ilalim ng malaking puno roon. Iyon ang paborito niyang pagtambayan sa tuwing magtutungo siya roon. Mas maganda nga siguro kung kasama niya si Renz para may kasama siyang nag-a-appreciate ng paglubog ng araw. Pero may trabaho pa itong kailangang asikasuhin. Hindi naman niya gustong maistorbo ito dahil sa kanya.

Lianne sat on the grass as soon as she reached the top of the hill and hugged her knees. She let out a heavy sigh and smiled wistfully at the sight of the setting sun. Napakatahimik ng paligid. At talagang nakatulong iyon upang kumalma ang isipan niya. Wala na siyang ibang nakikita nang mga sandaling iyon kundi ang magandang tanawin sa kanyang harapan.

"You look really beautiful when you smile like that."

Hindi niya napigilan ang pagkagulat na naramdaman nang biglang humarang sa view niya ang guwapong mukha ng taong ayaw pa man din niyang isipin nang mga sandaling iyon. Pero heto at parang kabuteng sumulpot sa harap niya si Aeros, dahilan upang kagyat siyang mapaatras. Nasapo rin niya ang dibdib at ramdam pa niya ang malakas na pagkabog niyon.

"Kailangan mo talaga akong gulatin nang ganoon, Mr. Francisco?" sita ni Lianne dito habang hinihimas niya ang dibdib. Plano pa yata nitong patayin siya sa sakit sa puso. Pasalamat na lang at wala siyang ganoong klase ng sakit.

Pero ang loko, hayun at ngumiti lang. It was just a small one, but it was still a smile. Napatulala tuloy siya rito at pinanood lang niya itong maupo sa tabi niya. Napaisod tuloy siya nang bahagya palayo rito.

"I'm not going to hurt you, if that's what you're thinking," he said without looking at her.

"Hurt me? Alam kong kaya mo akong saktan dahil lalaki ka. Pero huwag mo sanang kalilimutan na kaya ko ring gumanti kapag ginawa mo nga iyon." Umingos siya rito at pinagmasdan na lang niyang muli ang paglubog ng araw.

Pero hindi pa rin sapat iyon para tuluyang kumalma ang nagririgodon niyang dibdib dahil sa presensiya ng lalakig katabi niya nang mga sandaling iyon.

This isn't good. Kulang na lang ay mag-panic siya sa isiping iyon. This would be the first after a long time that she felt something like this. 'Yong hirap siyang pakalmahin ang tibok ng kanyang puso kapag katabi niya ang isang lalaki. And to think this guy beside her was still a stranger to her.

"Mukhang hindi ito ang unang pagkakataon mo sa lugar na 'to, ah," umpisa ni Aeros, dahilan upang mabaling dito ang atensyon niya. Nakatingin pa rin ito sa ibang direksyon, pero ramdam niya na sa kanya nakatuon ang atensyon nito.

Tumikhim muna siya. "For five consecutive years, on the same days and place."

"You mean, bago pa naipatayo ang hotel nina Renz, nagpupunta ka na rito?"

"Yes. Ikaw, ano'ng nangyari at naisipan mong magpunta rito? Well, besides taking Renz's invitation, from the looks of it." Hindi niya alam kung bakit ganoong tanong ang naisatinig niya. Pero huli na para bawiin pa niya iyon.

Aeros remained silent. Napansin rin niya na tila natigilan ito sa naging tanong niya. This is great. It looks like I've crossed the line again. Napakamot siya sa kaliwang pisngi at tumingin na lang sa paligid.

"Is moving from a long-term relationship that has ended really that hard?" mahina ngunit malungkot sa tanong ng binata kapagkuwan.

Muli ay nabaling ang atensyon niya rito. Bakas ang lungkot at hirap sa guwapong mukha nito. Sa puntong iyon, gusto na niyang kutusan ang sarili niya. Hindi talaga niya mapigilang magkomento kahit sa isip niya pagdating sa kaguwapuhan nito, 'no? Kung nakikita lang siya ngayon ni Riel, tiyak na pagtatawanan lang siya nito. Walang kupas na pang-aalaska ang aabutin niya sa kapatid niyang iyon.

Huminga muna siya nang malalim bago niya naisipang sumagot.

"May mga ganoon talagang klase ng relasyon. Kahit gaano pa kayo katagal na nagkaroon ng relasyon, may mga pagkakataon na natatapos iyon sa paraang hindi natin inaasahan. May iba naman na dahil sa mga maling bagay na nagagawa natin na nakakaapekto nang husto sa samahan ng magkasintahan, inevitably ay sa hiwalayan na rin ang kahahantungan ng relasyon nila." Kapagkuwan ay bigla siyang humiga sa damuhan at ipinatong ang mga kamay niya sa kanyang tiyan. "Magkakaiba ang dahilan kung bakit natatapos ang isang relasyon. At magkakaiba rin ang lalim ng sakit na mararamdaman kapag nag-sink in na sa 'yo ang lahat, lalo na kung talagang mahal mo ang taong iyon na tuluyan nang nawala sa 'yo."

"Kung makapagsalita ka naman, parang alam na alam mo ang nararamdaman ng taong nasaktan dahil tapos na ang isang relasyon," narinig niyang tugon ni Aeros.

Pero dahil nakapikit siya kaya para siyang natutulog nang mga sandaling iyon, hindi niya alam kung saan nakatingin ang binata. "Sabihin na nating pinagdaanan ko rin iyan noon." Hanggang doon lang ang gusto niyang sabihin sa ngayon. If it would pick Aeros' interest, she wasn't sure.

"Noon? Kailan naman?"

Lianne was right. But she wouldn't answer his question for now. Nanatili lang siyang tahimik at nakapikit. Sa kabila niyon ay ramdam niya ang matamang titig sa kanya ng binata. Gusto niyang mailang, sa totoo lang. Ano kaya ang iniisip nito habang tinitingnan siya nang mga sandaling iyon?

Grabe! Iyon pa talaga ang naisip mo? Ano naman ang gusto mong isipin niya tungkol sa 'yo? Hindi muna siya makikipag-away sa isipan niya. For now, at the very least, she would just savor the moment.

= = = = = =

AT HINDI na talaga niya sinagot ang tanong ko. Isang malalim na buntong-hininga ang naging tugon ni Aeros sa isiping iyon. Kapagkuwan ay ipinagpatuloy pa rin niya ang pagmamasid sa nakapikit na si Lianne sa tabi niya.

Hindi siya sigurado kung ano ang pumasok sa isip niya at nagdesisyon siyang sundan si Lianne nang iwan ito ni Renz sa plaza. Napansin niyang tiyak ang direksyong tinatahak nito kaya sigurado siya na alam nito ang pupuntahan. Doon niya naisip na hindi na estranghera sa lugar na iyon ang dalaga. Nagpanatili lang siya ng tamang distansya sa pagitan nila para hindi nito malaman na sinusundan niya ito.

Hanggang sa napansin niya na narating na ni Lianne ang burol. Noong una, gusto na niyang umatras at bumalik na lang sa hotel nang makita na bagaman kakaunti lang ang mga taong naroroon, halos lahat ay tila magkakasintahan. Marami na naman kasing nagsulputang mga alaala sa kanyang isipan nang makita iyon. Pero nagawa pa rin niyang panindigan ang desisyong patuloy na sundan si Lianne. At iyon nga ang ginawa niya.

She went to the top of the hill and sat there as she faced the sunset. Bagaman nakangiti ito, may isang bagay siyang napansin sa ngiti nitong iyon ng dalaga. It was wistful and somewhat nostalgic. Huli na nang namalayan niyang lumalapit na siya rito at naisatinig ang mga katagang iyon tungkol sa ngiti nito.

Well, he would consider that as a good start.

Napailing na lang siya matapos busugin ang kanyang mga mata sa pagtitig sa nakapikit na dalaga. Ipinagpatuloy na lang niya ang panonood sa sunset. Baka sakaling tumino pa ang takbo ng isip niya kapag ginawa niya iyon at hindi na niya iisipin pa kung gaano kaganda ang babaeng katabi niya nang mga sandaling iyon.

"This is a really beautiful view. Bihira kang makakita ng ganito kagandang tanawin sa siyudad," aniya kahit na hindi siya sigurado kung nakikinig ba si Lianne.

"Meron din namang magagandang view sa siyudad. May kanya-kanya lang silang lugar at nasa sa atin na kung paano natin hahanapin iyon at ia-appreciate. It's like one's heartbreaking moments. We see that everything's dull, painful, and and it made us kind of weary. Those kind of moments that can be compared to a crowded and polluted city. Minsan, hirap ka nang kumilos nang maayos sa ganoong lugar, 'di ba? Pero may mga lugar pa rin sa ganoong kagulong lungsod na magpapakita sa atin ng kagandahan ng mundo. Na hindi sa isang heartbreak nagtatapos ang mga magagandang bagay sa buhay natin. Finding those places is like looking for a way to break free from the pain that the experience gave you," tugon naman ni Lianne na hindi niya namalayang umupo pala ulit sa damuhan.

"Parang sinabi mo na rin na isipin kong isang adventure ang paghahanap ko ng paraan para makalimot at mag-move on."

"Hmm... Puwede rin. But I'd like to say it's more of a journey. It's a slow one, I know. But once you found a way to reach that certain place in your life where you can say it's over and you're finally free, then the journey you've started will then lead you to another beginning."

Hindi na napigilan ni Aeros na muling tingnan ang dalaga. Para talagang alam na alam nito ang mga sinasabi tungkol sa pagmo-move on. Hindi nga kaya...? He could see that wistful look on her face again. Pero saka na siguro niya aalamin ang tungkol doon.

Marami pang oras para magawa niya iyon. That is, if Lianne would be willing to give him that time.

No comments:

Post a Comment