Thursday, February 11, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart - Chapter 1

HINDI na napigilan ni Lianne ang mapakunot ng noo nang makapasok na siya sa restaurant na iyon na isa sa mga pag-aari ng kuya niyang si Riel—ang White Rose Gates. Madalas siyang magpunta roon lalo na kapag alam niyang naroon si Riel at nag-a-assist sa mga tauhan nito. Hindi naman siya nanggugulo roon. In fact, isa rin siya sa mga tumutulong sa nakatatandang kapatid kahit sabihin pa na abala rin siya sa pagpapalakad ng magazine publishing company na ipinagkatiwala sa kanya ni Riel nang maka-graduate siya.

Wala namang kaso sa kapatid niya ang pagpunta-punta niya roon. Mabuti na raw iyon at nagagawa pa rin siyang bantayan nito sa kabila ng pagiging abala sa iba pang bagay bukod sa pamamahala sa restaurant. She couldn't helped feeling amazed at the fact that his brother could be a monster when he wanted to do something.

One, his business. Two, taking care of her even though she was already 25 years old. And three, leading the Monceda clan's third branch—the White Rose Mihane—being the eldest child of its former leader. It was the clan that their late mother belonged to and once led, making Riel and Lianne the legitimate heirs to the position of being the leader. Doon kinuha ng kapatid niya ang inspirasyon sa pagpapangalan sa chain of restaurants na pag-aari nito. It was also a name that they've been trying to protect and uphold for a very long time.

Iyon ang isang bagay na hindi alam ng halos lahat ng nakakakilala sa kanya at sa kapatid niya. At kahit sabihin pang tapos na ang pinakamalaking problema na kinaharap ng kanilang angkan sa loob ng matagal na panahon, hindi pa rin nangangahulugan iyon na handa na silang ibulgar sa madla ang lahat.

"Lukot na naman 'yang mukha mo, Lianne. Malas sa negosyo ko 'yan, baka nalilimutan mo."

Lianne eyed her brother incredulously as soon as she heard it. "Sino ba naman ang hindi lulukot ang mukha ngayong nakikita ko na naman ang pagmumukha ng lalaking iyon na mas lukot pa yata kaysa sa akin?"

Sinundan naman ni Riel ng tingin ang direksyon kung saan naroon ang taong tinutukoy niya. "O? Wala namang masama kung nandito na naman siya. Isa siya sa nagbibigay ng kita ng restaurant na ito. Besides, he knew fully well kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nanggulo siya rito. Huwag niyang idadahilan sa akin na brokenhearted siya dahil alam mo at alam rin niya kung paano ako magsalita para matauhan ang kahit na sino."

Napaikot na lang siya ng mga mata. "Yeah. As if I don't know that. Ako pa nga ang kauna-unahan mong biktima pagdating sa pagiging straight to the point mo."

"That only means I don't go around the bush."

"No wonder wala ka pa ring girlfriend hanggang ngayon," mahinang banat na lang niya at muling tiningnan ang lalaking hindi niya maintindihan kung bakit pinagtutuunan pa niya ng pansin. Iyon ay kahit sa paningin niya ay nag-uumpisa na yata itong maging eyesore sa kanya.

But then, she couldn't help considering that to be a little weird. Bakit naman ganoon ang pumapasok sa isipan niya? He was starting to become an eyesore to her and yet she still couldn't help looking at the stranger? Nababaliw na nga yata siya.

Baka epekto lang ng gutom iyan. Ipinagkibit-balikat na lang niya ang weird na isiping iyon at nagpatuloy sa kusina ng restaurant. Iyon ang unang-una niyang pinupuntahan kapag nagtutungo siya roon dahil iyon din ang tambayan ni Riel. May pagkakataon kasi na tumutulong din ang kapatid niya sa pagluluto roon. Palibhasa, pinalaki silang magkapatid na mahilig sa pagkain. Ang lola nila ang gusto niyang sisihin sa bagay na iyon, but in a good way.

Pero gusto talaga niyang kutusan ang sraili dahil sa kakulitan ng mga mata niya. Hayun na nga at nasa loob na siya ng kusina. Nakaupo siya sa isang bahagi niyon na nagsisilbing lunch area ng mga nagtatrabaho roon. Subalit ang mga mata niya ay nakatingin sa pinto ng kusinang iyon. Naglalakbay ang isipan niya sa lalaking unang-unang sumalubong sa paningin niya pagpasok sa restaurant.

Naku naman! Nasisiraan pa yata ako ng bait nito nang wala sa oras. She lightly banged her head to the table and let out a frustrated groan.

"Grabe naman, Miss Lianne. Dito ka talaga naglalabas ng inis mo?"

Hindi na siya nag-angat ng tingin para alamin kung sino iyon kahit nang may marinig siyang ipinatong sa mesang iyon. Pamilyar na sa kanya ang boses na iyon na galing sa isa sa mga chef doon.

"Hindi ako inis. Buwisit lang," walang ganang pamimilosopo niya.

"Pabayaan mo muna 'yang kapatid ko, Rico. Wala sa katinuan ang takbo ng utak niyan ngayon. Distracted kasi sa regular customer natin na brokenhearted," narinig niyang tugon ni Riel na ikinatawa naman ni Rico.

Noon siya nag-angat ng ulo at binalingan ng masamang tingin ang kapatid niya. "Nakakarami ka na, ha?"

Humalakhak lang si Riel na nagpatuloy sa pagluluto habang siya ay sinimulan na ang pagkaing inilapag doon ni Rico. Mukhang sa hayashi rice na lang niya idadaan ang kung ano mang iritasyong nararamdaman niya. Isang Japanese cuisine ang hayashi rice na sigurado siyang alam ng halos lahat doon na paborito niya, lalo na kapag ganitong magulo ang utak niya. Iyon nga lang, hindi niya napigilang umiral ang kuryosidad nang malamang brokenhearted ang lalaking panggulo sa isipan niya nang mga sandaling iyon.

Oo nga pala. Nabanggit din iyon ni Riel nang sitahin nito ang pangungunot ng noo niya na malas daw sa negosyo nito. Ano nga kaya ang nangyari?

= = = = = =

KUNG sa normal na pagkakataon siguro, malabong matapos ni Lianne sa loob lang ng isang araw ang tambak na mga papeles na dapat niyang pag-aralan at pirmahan. Siguro ay gusto niyang ipagpasalamat ang kagustuhan niyang kalimutan ang buwisit na lalaking iniisip niya kanina pa. Puwede siyang lumiban sa trabaho kahit na isang araw lang upang makapagpahinga. Pero siyempre, kailangan pa rin niyang humingi ng permiso sa kapatid niya. Mahirap na. Baka maatinding sermon pa ang isalubong nito sa kanya kapag um-absent siya nang walang paalam.

Hindi talaga niya maintindihan ang kanyang sarili nang mga sandaling iyon. May mahigit walong buwan na rin niyang nakikita ang estrangherong iyon sa White Rose Gates. At aminado siya na noon pa man ay napukaw na nito ang atensyon niya kahit na wala siyang kaalam-alam kung ano ba talaga ang pangalan nito. Hindi rin niya maikakaila na una niyang napansin ang kaguwapuhan nito, lalo na at talaga namang malinis itong tingnan. Parang hindi basta-basta ang pinagmulang pamilya kung porma at tindig rin lang ang pag-uusapan.

Until she learned from Riel that Aeros Franscisco—the stranger's name that her brother told her before she left the restaurant—was one of the heirs to various companies under Esovia Corporation, a well-known Asian conglomerate. Kaya hindi na raw nakakapagtaka na nakasundo ito ni Riel, maging ni Natsume Reinhardt na leader ng first branch ng Monceda clan na talaga namang maituturing na pinaka-business-minded sa apat na branch leaders ng kanilang angkan.

Kahit nang mapuna na niya ang pagbabago sa itsura at postura ni Aeros nang mga nakaraang linggo, parang hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan nito. Nagiging big deal na rin sa kanya na nakikita niya ito sa restaurant sa tuwing bibisita siya roon. Para bang naroon ang urge na tuluyan na itong lapitan sa kabila ng walong buwang nanatili lang siyang tahimik at nakatingin dito paminsan-minsan. And yes, binabawi na niya ang sinabi niya kanina sa sarili na nagiging eyesore ito sa kanya. Kailan pa kasi naging eyesore ang isang tao kung palagi mo naman itong tinitingnan? Sa puntong iyon, alam na niyang baliw na siya.

Kaya pala tila ginawa na nitong pamamahay ang restaurant sa tagal ng pagtambay nito roon. Brokenhearted naman pala. May kinalaman siguro ang restaurant sa kalagayan nitong iyon. Well, she had been brokenhearted before—and it was for a really cruel reason. But she didn't come to the point where she had to stay in some place for hours or even days even if it was just to remember that person who tore her heart apart. Hindi niya hinayaang umikot ang buhay niya sa pag-alala sa masakit na pagtatapos.

Ang tanong, magagawa kaya niyang iparating ang kaparehong mensahe kay Aeros? Tiyak niyang hindi sila magkatulad ng pananaw pagdating sa pagmo-move on. Pero hindi naman siguro pupuwedeng manatili na lang ito sa lugar na nababalot ng sakit at luha dahil sa nagtapos na pag-ibig. It probably even ended the way he didn't expect. Kaya siguro ganoon na lang ito kaapektado.

Pagkatapos ng trabaho ay naisipan niyang pumunta muna sa restaurant kahit alam niyang sarado na iyon. Sa back door siya dadaan para puntahan si Riel na paniguradong ikinulong na naman ng trabaho sa opisina nito roon. Sakop ng opisina ni Riel ang buong third floor ng building kung saan naroon ang White Rose Gates.

Ipinarada niya sa reserved space ng parking area ang sasakyan niya. Nakita niyang kinawayan siya ng guard na naka-duty nang oras na iyon mula sa glass window ng restaurant nang bahagya nitong hawiin ang blinds niyon. Kumaway siya rito pabalik. Ilang sandali pa ay lumabas na siya mula sa kotse.

Pero nang mai-lock na niya ang kotse ay napatigil naman siya sa akmang paglakad papunta sa back door. Naroon sa railings ng sidewalk at nakaupo ang lalaking kanina pa panggulo sa isipan niya—si Aeros Francisco. Nakatingin lang ito sa pinto ng restaurant na tila wala sa sarili. Mukhang nagmumuni-muni na naman ito. Hindi tuloy niya napigilan ang mapabuga ng hangin.

"Oh... Hi."

Lihim siyang nagitla nang marinig ang tinig na iyon. Nang mag-angat siya ng tingin, ganoon na lang ang gulat niya nang makitang nakatingin na sa kanya si Aeros. Seryoso ang mukha nito at hindi maitatanggi ang lungkot na nababanaag niya sa mga mata nito. Naku po! Mukhang napalakas pa yata ang pagbuntong-hininga ko, bahagyang nagpa-panic na saisip niya. But she tried her best to compose herself and cleared her throat as quietly as she could.

"H-hi din. Ano pa'ng ginagawa mo rito? Late na, ah." Sinikap niyang huwag kabahan sa pakikipag-usap sa lalaking ito. Pambihira! Bakit ba nangyayari ito sa kanya ngayon?

"I don't want to go home yet," simpleng sagot nito. Pero sapat na iyon para malaman niya na hindi nito gustong i-elaborate iyon.

Tumango na lang siya. "Okay. I-I have to go check on my brother. Paniguradong ikukulong na naman n'on ang sarili niya sa dami ng trabahong kailangan niyang asikasuhin."

"Umalis si Riel thirty minutes ago. May kailangan lang daw kunin sandali sa condo niya."

"He told you?" And not to me? Grabe naman iyon.

"I asked. Nagpaalam na rin ako na tatambay muna rito sa harap ng restaurant niya."

"Looks like someone's not exactly being hospitable here. Magkaibigan naman kayo ni Kuya, 'di ba? At saka... alam mo na kapatid niya ako?" Huli na kasi nang rumehistro sa utak niya ang naging takbo ng pag-uusap nila. Windang pa rin siya sa katotohanang nakakausap niya si Aeros kahit na sa medyo may ka-weird-uhang sitwasyon na meron silang dalawa.

From there, her heart fluttered at the rare sight since she noticed the changes in him. He smiled. It was a sad one, but he smiled. At her. Big deal na nga naman talagang maituturing iyon para sa kanya.

"Sinabi niya sa akin kung sino ka mula nang makita kitang kausap ni Riel. Mahirap na raw. Baka target-in pa kita. Though I know he meant it as a joke," Aeros replied.

Sa puntong iyon, gustong-gusto na niyang sapakin ang kapatid niyang iyon. Tama bang i-announce nito ang pangalan niya sa estrangherong ito nang walang permiso niya? Pero saka na muna niya pagtutuunan ng pansin iyon. Huminga siya nang malalim at sinikap na harapin nang maayos si Aeros. "Just go home. Masyado nang malamig dito at baka mapag-trip-an ka pa ng kung sinong loko-lokong napapaadaan dito."

"Thanks for the concern but I can handle myself just fine," Aeros said quite sharply.

Hindi niya alam kung bakit pero hindi maganda ang naging dating niyon sa kanya. In return, she responded in her own icy exterior she was known for. "Fine. Binabalaan lang naman kita. Good night."

Iyon lang at iniwan na niya ito roon. Pero pakiramdam niya ay nakatingin sa kanya si Aeros. It didn't give her a frightening feeling, but more of a nerve-wrecking one. All she knew, his stare was enough to make her heart beat crazy at the moment.

= = = = = =

KULANG pa yata ang isang kutos para maisip kung ano ang mali sa nasabi ni Aeros. Iyon ang naiisip niya nang mga sandaling iyon habang pinagmamasdan ang papalayong babae. Oo nga at may pinagdadaanan siya pero hindi dahilan iyon para magsungit siya sa babaeng nagpapakita lang naman ng concern sa kanya.

It was a sincere one, as well. Probably the sincerest one that he had heard since his break-up with Maricar, his longtime girlfriend. Hindi siya sigurado kung bakit ganoon ang pakiramdam niya. Hindi naman niya puwedeng idahilan na kapatid iyon ng kaibigan niyang si Riel. He hadn't even formally met the woman despite already knowing her name.

"Sorry, Lianne," bulong niya habang nakatingin pa rin sa direksyong tinahak ng babae. Pero baka sa susunod na pagkikita nila nito, masabi na niya rito ang mga salitang iyon nang harapan.

Sa ngayon, mas mabuti pang sundin na lang niya ang suhestiyon ni Lianne. He'd go home and hopefully, think things through once again. It was a better option than to wallow even more. Wala nang magagawa ang pagmumukmok niya roon.

"O? Uuwi ka na rin ba, sa wakas?"

Nag-angat siya ng tingin nang makita si Riel na mukhang kararating lang mula sa condo unit nito. Napangiti na lang siya nang bahagya at lumapit na sa kaibigan niyang ito. "Pinapauwi na ako ng kapatid mo. Kaya lang, hindi pa yata naging maganda ang dating ng pakikipag-usap ko sa kanya. Nasungitan ko pa. Ihingi mo na lang ako ng sorry sa kanya."

Umiling si Riel at tinapik ang balikat niya. "Bakit kasi hinahayaan mo pang maapektuhan ka ng nangyari sa inyo ni Maricar? May isang buwan na rin iyon."

Napaismid si Aeros at siya naman ngayon ang umiling. "Hindi ko lang matanggap na nagpaloko ako sa kanya ng tatlong taon. Pakiramdam ko, ang laki ng sinayang ko sa buhay ko nang mahalin ko siya."

"Huwag ka nang ganyan. Nagsisimula ka na naman, eh." Saglit itong natigilan at nagliwanag ang mukha ni Riel na tila ba may naalala. "Sandali nga lang. Ang sabi mo, mukhang nasungitan mo pa si Lianne. Ibig sabihin, nagkausap kayo?"

Tumango siya at saka isinalaysay niya rito ang naging kaganapan—kahit masyadong maliit lang—sa pagitan nila ni Lianne. "Mukhang kagagaling lang sa trabaho at plano kang puntahan. Sinabi ko namang umalis ka sandali dahil may kailangan kang kunin sa condo unit mo."

"Pambihira nga naman ang pagkakataon. Magkakausap na nga lang kayo for the first time, ganyan pa ang nangyari. Hindi ka rin minamalas, 'no?"

"Kaya nga ihingi mo ako ng tawad sa kanya." Pakiramdam kasi niya ay hindi niya magagawa iyon kapag nakaharap niyang muli ang dalaga na ganoon pa rin ang mood niya.

Umiling na naman si Riel na para bang sinasabi nitong hopeless na siya. Siguro nga, hopeless na siya. "Don't worry. Hindi naman nagtatanim ng galit ang kapatid kong iyon sa mga ganyang bagay. Isang sorry lang, okay na. Kaya kung wala ka nang planong samahan ang mga puno sa labas ng restaurant ko, sundin mo na ang sinasabi ni Lianne at magpahinga ka na sa condo mo."

Nagpasalamat siya rito. Kapagkuwan ay tuluyan na niyang nilisan ang restaurant. But not without casting a second glance at the third floor kung saan alam niyang naroroon sa mga sandaling iyon si Lianne. He just mouthed "I'm sorry" and left.

No comments:

Post a Comment