Wednesday, July 6, 2016

Book Comment: "The Breakers Corazon Sociedad # 1: Jeremy Fabella" by Venice Jacobs


Title:
Jeremy Fabella (The Breakers Corazon Sociedad #1)

Author: Venice Jacobs

Publisher: Precious Pages Corporation (Precious Hearts Romances)

Description:

He didn’t just want her, there was something else in this woman that made his heart and mind go crazy.

Nanganib ang buhay ni Keira sa mga kamay ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya tumakas siya mula sa kanilang hacienda. Napadpad siya sa katabing hacienda. At sa gitna ng taniman ng mga tubo ay natagpuan siyang marungis at sugatan ni Jeremy Fabella. Keira knew she had found her safe haven in Hacienda Fabella. Umisip siya ng paraan para hindi mapaalis doon. Nagtago siya sa ibang pangalan at sinabing nagdadalang-tao siya. Tutol si Jeremy sa pananatili niya sa hacienda pero wala itong nagawa sa pakiusap ng mabait nitong ina. Gayunman, hindi nangingimi ang binata na ipakita kay Keira na hindi siya welcome doon. Palaging masungit at arogante si Jeremy sa kanya. Pero isang gabi, natagpuan ni Keira ang kanyang sarili na nakapaloob sa mga bisig ng guwapong binata at ginagawaran siya ng mainit na halik sa mga labi. Dala ng bugso ng damdamin, ipinagkaloob ni Keira ang sarili kay Jeremy—hindi alintana na sa ginawa niya ay mabubulgar ang mga itinatago niyang lihim…

My Thoughts:

Sa totoo lang, matagal ko na dapat isinulat ito since ang tagal na rin nang huli ko itong basahin. Pero as usual, ako na naman ang dakilang makakalimutin. Kaya heto, inabot ng isang taon (I think) bago ko ito naisulat.

Ito yata ang kauna-unahang pocketbook na may 256 pages na binasa ko from cover to cover. As in. Hindi kasi ako sanay na nagbabasa ng mga pocketbooks noon na ganito kakapal o mas makapal pa. Laging `yong 128 o 144 pages ang binibili ko noon, basta may pambili ako. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kahit alam kong hindi kakayanin ng budget on one go, at kailangan pa talagang pag-ipunan, binili ko pa rin ito nang makaipon na ako. Ang totoo niyan, hindi ito ang unang book ng The Breakers na binili ko. But I’ll write the review in reading and publication order (if I can) para naman mas maayos at magandang tingnan. Hopefully talaga ay mapanindigan ko. Minsan, magulo rin ang utak ko, `no?

Gusto ko `yong paraan ng pagkaka-narrate ni Miss Venice sa buong kuwento. Nakita ko rin `yong pagkakahati-hati ng mga scenes per chapter. Hindi maiksi pero hindi rin mahaba. At talagang tumatagos ang bawat emosyon na nakapaloob sa story. What I liked the most was the part na inamin na ni Keira kay Jeremy kung sino talaga siya at kung bakit siya nagsinungaling dito. Lalo na `yong sinabi ni Jeremy na kahit sino pa ang ama ng dinadala ni Keira, handa siyang tanggapin ang bata basta manatili lang ito sa tabi niya. Bigla ko tuloy naitanong sa sarili ko. May lalaki pa kayang ganito?

Gusto ko rin ang appearances ni Thaddeus dito. Ang kulit niya, grabe! Tuwang-tuwa ako sa katakawan at kadaldalan niya. Para talagang bata at hindi mo mahahalatang lawyer siya. And then there’s the part kung saan nagtulungan na ang mga breakers sa paghahanap kay Daniel. In fairness, wala akong masabi sa mga connections nila. Well, what do you expect from multi-millionaires? Of course, marami silang connections at talagang magagamit nila iyon in times of their needs.

Of course, since this is part of a series with interconnected stories, may mga tanong na iniwang nakabitin at hindi na nabigyan ng sagot. At least on this book. But on the next ones, for sure the answers are there.

Honestly speaking, medyo nanibago lang ako nang umpisahan kong basahin ito dahil hindi ako `yong tipo ng reader na sex scenes or love scenes agad ang hinahanap sa isang story. Hindi rin ako sanay na nagbabasa nang ganoon. Hehe! Wholesome pa rin ako. Kaya medyo nawindang din ako (medyo lang naman) sa mga love scenes na nakasulat dito—either subtly mentioned or detailed ones. But as I go on reading, nakuha ko na ring masanay. I realized na gusto siguro ng author na ito na magsulat ng mga love scenes. Sanayan lang `yan, kumbaga.

So there! I hope may sense naman itong mga comments na pinaglalalagay ko rito. Hindi kasi talaga ako sanay magsulat ng book review na medyo matino kaya nga book comment na lang ang tawag ko rito. All I can say, I’m looking forward to read more of Venice Jacobs’ works.

(Note: I was listening to “Can’t Breathe Without You” by SpeXial while writing this.)


No comments:

Post a Comment